Chereads / Lucky Me / Chapter 33 - LUCKY THIRTY THREE

Chapter 33 - LUCKY THIRTY THREE

CHAPTER 33

MARLON'S POV

"Andres antagal mo naman atang mag deposit diyan?" sigaw ni Lucky habang na nanalamin kami sa loob ng CR at inaantay naming matapos bumo-e si Andi.

"Sa labas na kayo mag antay mga seshie mahiyain kasi 'to pag may audience." Natatawang sagot ni Andi mula sa cubicle.

"Mahiya talaga siya ses dahil hindi ka aya aya ang amoy niya." Ganting sagot ko bago ko niyaya si Lucky lumabas.

"Kaloka yang si Andres pare pareho naman tayo ng kinakain pero bakit kakaiba ang amoy kapag na u-utot siya may sumpang dala." natatawang kwento ni Lucky.

"Alam mo ses, very thankful ako sa inyo ni Andi lalo na sayo dahil simula ng sumama ako sa inyong dalawa after ng laro natin ng Volleyball baging masaya ang last year ko sa Carlisle at feeling ko sobrang close na kami nila Papa Wesley at Kenneth." Kumapit ako sa braso niya at isinadal ko ang ulo ko sa balikat niya habang naglalakd kami papalabas.

"Ngek, wala ka din palang ipinagkaiba kay Andi puro kayo kalandian at lalaki ang laman ng mga utak niyo." Napapa iling na sagot niya.

"Alam mo ses ang weird mo talaga no offense. Kasi lahat ng students dito sa Carlisle gustong madikit sa kanila. Pero ikaw lang ang nakilala kong ganyan sobrang kakaiba." nagtatakang sagot ko dahil napapansin kong kakaiba kasi niya ituring yung dalawang sinasamba ng Carlisle Academy.

"Weird na kung weird, para sa akin sila ang nagsimula ng kamalasan ko dito sa school. Dahil sa kanila hindi na ako tinantanan ng kamalasan hanggang ngayon." Seryosong sagot niya habang na ngangamot ng ilong.

"Ano bang nangyari at sinisisi mo sila?" na curious ako sa pinuputok ng butse niya. Narinig ko lang kay Andi ng pahapyaw ang kwento pero di ko alam ang buong istorya.

Kinuwento sa akin ni Lucky kung papaano niya nakilala ang mag pinsan. I swear natatawa ako ng sobra dahil hindi ko alam na ganun pala ang kamalasang dinanas niya mula nung unang araw niya dito sa campus.

Si Lucky kung titingnan mo ordinaryong estudyante lang din naman kagaya namin ni Andi. Pero habang tinititigan mo mapapansin mong maganda talaga siya para sa isang bakla. Mahahaba ang pilik mata, makinis, bumagay ang messy blonde hair niya sa kulay ng balat niya, matangkad at payat. Higit sa lahat ang mapapa second look ka dahil hawig na hawig niya yung supermodel na si Cara Delevingne. Masiyadong pinagpala itong si bakla. Kaya usap usapan talaga siya sa campus lalo na nung after ng volleyball intersection competition. Wala ng bukam bibig ang buong kavaklaan kundi ang nag iisang Lucky Gonzaga.

'Teka siya lang ba ang naglaro? Kasama din kami ni Andi naglaro ah!'

"Ses wag ka ma o-offend ah, alam mo sobrang na wi-wirduhan talaga ako sayo eh." Sabay kaming sumandal sa pader pagkalabas namin ng CR. "Ang boyish mo kasi kumilos mas mapagkakamalan ka pa ngang tomboy kesa bakla 'e. Tapos hindi kapa pala ayos laging messy ang look mo pero sobrang cute at bagay na bagay naman sayo infairness."

"Ahh ganun ba?" sabay kamot niya ng ulo. "Ganito talaga ako sa noon pa, sa dating school ko puro lalake, bi, at tomboy din kasi yung mga barkada ko. Wala masiyadong bakla puro mga paminta yung ibang kasama ko kaya siguro hindi din ako pa girlash masiyado." Paliwanag niya at napatango lang ako. No wonder kung bakit siya ganyan ka wirdo magkikilos ang layo sa mga pabebeng kilos namin ni Andi.

"Kainggit ka nga ses dahil kapag kami ni Andi ang mag messy look magmumukha kaming taong grasa." Ngumuso lang siya sa sinabi ko at ang cute niya kapag ganun ang expression niya.

'Ang weird niya promise. Bakla na napagkakamalang tomboy. Mukhang babae pero kung kumilos lalake.'

"Siguro sa kilos ako mukhang taong grasa madalas kasi akong nagugutom 'e." Nahihiyang sagot niya. Pansin ko nga. Sobrang na shock talaga ako ng damputin niya yung nalaglag na burger ni Kenneth sa mesa. I swear gusto kong bungkalin ang lalamunan niya.

"Kaya pala most of the time kasi tahimik ka lang pero kapag dumaldal ka na dun ko lang nakikitang regular na beklu ka din kagaya namin ses ha ha ha!" Medyo nagulat siya sa sinabi ko at ngumiti lang siya ng bahagya.

"Very observant ka pala Marlon. Salamat din sa inyo, siguro kung hindi dahil sa inyo ni Andi baka nagpalipat na ako kay Nanay sa ibang school." may bahid ng lungkot yung boses niya.

"Naku huwag na ses, kasi kapag nawala ka wala ng chance lapitan kami ng mga boylets. Hahaha!" at para akong timang na mag isa tumatawa.

"Ano ba kasing meron sa dalawang yun at bakit humaling na humaling kayo sa mga yun?" nakangiwing tanong niya. "Bawat dikit ng mga yun away ang kapalit galiung sa mga fantards nilang mga insekyurada!" Iritabling litanya ni Lucky.

"Well first, ito yung unang lumapit sila sa kapwa nila students kagaya ng pagsabay nila sa atin kanina. Of all the students ses sa inyo lang ni Andi sila nakisabay kumain ever since."

"Kahit kay Amber?" nagtatakang tanong niya at tumango ako. "Kaya naman pala ganun na lang kalaki ang galit ng impaktang yun." Muntik na kaong matawa ng marinig ko ang ibinubulong niya. "Yun lang masaya na kayo ni Andi dun?" mukhang hindi ito makapaniwala sa pagkakangiwi ng nguso niya.

"Hoy, Inday kung ikaw immune kana sa mga gwapong lalaki pwes kami ni Andi hindi. Suntok sa buwan na mangyari ang bagay na 'to kaya habang libre sinasamantala na namin." Dutdot ko sa dibdib niya.

"Marlon!" sabay kaming napalingon ni Lucky ng may tumawag sa pangalan ko. Si Janette, co member ko sa mga chukchakan groups dito sa campus. Kinawayan ko siya habang papalapit siya sa direksiyon namin.

"Ano na?" pagmamaasim ko at nauna akong sumalubong para bumeso. "Si Lucky Gonzaga nga pala classmate ko." Hinila ko siya papalapit kay Lucky na kasalukuyang nagkukutkut ng kuku. "Lucky si Janette nga pala friendship ko." Agad siyang tumuwid ng tayo at ipinagpag ang kamay sa likuran ng pants niya.

"Lucky Gonzaga." nahihiyang pakilala niya kay Janette.

"Finally, i met the famous Lucky Gonzaga." Nakangiting bati niya na ikinakunot ng noo ni Lucky. Gusto ko sanang sikuhin sa kidney si Janet.

"Lucky Gonzaga pero yung famous? Never heard.." Casual na sagot niya.

"Ses excuse lang kausapin ko muna si ses Janette diyan ka lang ha." Paalam ko at hinila si Janette papalayo. "Bakla ka anong eksena mo?" prangkahang kompronta ng makalayo kami.

"Ikaw anong eksena mo, hindi ko alam na close kayo ni Lucky Gonzaga?" pabulong ngunit gulat na tanong niya bago niya ako irapan.

"Malamang classmate ko siya at ka team ko yun sa Volleyball." pabalang na sagot ko sa inis.

"Alam mo ang eksena nila sa grupo ni Amber at MJ, paano kung madamay ka sa gulo nila?" ang sarap kurutin ng kilay niya ng tarayan ako.

"Walang kinalaman si Lucky sa nangyaring aksidente kay Amber nandun ako nung nangyari yun. Diba napag usapan na natin yan sa chatroom kagabi?" nababagot na sagot ko. Nauumay na ako sa kakapaliwanag sa kanila tungkol sa totoong nangyare, akala ko naman nalinawan na sila. Member kami ni Janette ng school newspaper at student blogger din kami ng academy. Independent blogger kami sa Carlisle pero majority ng topic are all about what's really going on inside the campus. At dahil school ito ng mga mayayaman at sikat main focus ang majority concerns ng mga students. At masasabi kong Pro Students kami lalo na sa mga inaapi ng mga mean girls sa loob ng campus.

"Oo Marlon pero hindi ibig sabihin nun makakaligtas ka kapag binalikan nila kayong tatlo." Hindi ako naka imik. Nakaraang linggo pa nila akong pinagsasabihan na hangga't maari huwag akong dumikit kay Andi at Lucky dahil pinag iinitan sila ng grupo ni Amber at MJ. Pero hindi ko yun sinasabi sa kanilang dalawa dahil alam ayokong sumama ang loob nila sa mga kasamahan ko kahit sa akin.

"Ses, naiintindihan kong concern ka sa sitwasiyon ko pero mga kaibigan ko din sila. Hindi ko rin matitiis na makita ang mga kaibigan ko kawawaain lang ng grupo nila." Malungkot pero desidido na ako sa desisyon kong huwag silang iwan sa ere. Hindi ko man sila maprotektahan physically kahit sa mga impormasiyong makakalap ko makatulong man lang ako sa kanila. Dati na kaming close ni Andi at mula ng maging close kami ni Lucky after ng volleyball competition pakiramdam ko inuulan ako ng swerte. Si Kenneth at Wesley? Emerged, suntok sa buwan na makilala o makasama ko dalawang taong pinagkakaguluhan ng lahat. At kung hindi pa sa isang Lucky Shane Gonzaga hindi ako magiging malapit sa kanila.

"Huwag mo akong sisihin sa maaring mangyayari sayo dahil binalaan na kita noon pa. Huwag sanang maulit ang nangyari sa kapatid mo sayo Marlon, habang may oras ka pa mag isip isip ka." Yun lang at nagpaalam na si Janette. Naiwan akong nag iisip ng malalim sa sinabi niya bago ko nilapitan si Lucky. Bahala na.

"Ano SUCESSFUL ba ang deposit mo? Laki na ng investment mo sa CR na yan ses." birong tanong ko paglabas ni Andi sa CR.

"Ewan ko ba kapag kasama ko talaga yung mag pinsan na yun sa iisang lugar imbes kiligin ako natatae ako ng bongga!" nai-imbyernang sagot niya.

"Ang sabihin mo ang lakas mong lumamon!" sagot ni Lucky pero nakita kong bahagya lang napangiti si Andi kay Lucky at umiwas ng tingin.

'Don't tell me dahil pa din to sa fieldtrip keme?'

Napahinto kami sa paglalakad dahil sinagot ni Lucky yung tawag cellphone niya.

"Hello.. Nasa school pa.. 5PM. Ayoko nga!" Si Lucky habang may kausap sa phone at mukhang iritable sa kausap. Nakahanap ako ng chance kaya hinila ko si Andi papalayo kay Lucky.

"Hoy, anong dina-drama mo diyan tampu-tampuhan ka kay Lucky?" nagulat siya sa sinabi ko akala ata niya hindi ko napapansin yung eksena niya kanina pa dun sa canteen.

"Yan naman kasing kaibigan mo ang drama. Minsan na nga lang natin siya makakasama sa fieldtrip tapos ayaw pa sumama." Nakatingin lang siya sa direksyon ni Lucky at naka simangot.

"Wala tayong magagawa kong yun ang gusto niya.." mahinahong sagot ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Pero paano ang gusto natin?" nagkatitigan kami ng makahulugan ni Andi at parang nakuha niya ang gusto kong sabihin at nag high five kaming dalawa at nagyakapan pa.

"Buti nalang matalino ka seshie kahit hindi ka maganda." Malanding sabi ni Andi at tinitigan ko siya ng masama dahil sa diin ng pagkakasabi niya sa hindi ako maganda.

"So, ang lagay ikaw ang 2nd Runner Up at 3rd Runner Up lang ako?" hiindi ako makapaniwala kaya sinabunutan ko siya ng mahina.

"Marami ka pang kakaining bigas seshie bago mo achieve ang level ko." Maarteng sagot ni Andi.

"Oo dahil lahat ng bigas kinain muna at wala kang itinira!" at binatukan ko siya. Lumapit si Lucky na nagtataka sa dautan namin ni Andi. "Sino yung kausap mo ses at parang badtrip na badtrip ka?" tanong ko kay Lucky dahil lukot na naman ang magandang mukha niya.

"Si Kuya Jiggs pinapauwi ako ng maaga kaya baka hindi muna ako makasama sa inyo sa library mamaya.." Nakangusong sagot niya.

"No problema seshie. Kung gusto mo sa inyo na lang tayo gumawa ng assignment." Mabilis na sagot ni Andi na mukhang naka move on na sa pag iinarte kanina.

"Sa bahay namin? A-Ayos lang kayo ang bahala." Alangang sagot niya kay Andi.

"Okay lang ba kay Ma'am Gonzaga na pumunta kami sa inyo?" Ako naman ang nag aalangan ngayon.

"Oo naman basta may kinalaman sa school work the best yun si Nanay." Naka ngiting sagot niya.

Isa sa mga topic na pinag uusapan last few days ago sa mga group chat ay ang pagiging anak ni Lucky ng Guidance Councilor namin dito sa Carlisle. Iniisip nilang malakas ang loob ni Lucky na lumaban sa grupo nila Amber dahil anak siya ni Ma'am Gonzaga. Pero sa ilang linggo na pagkaka kilala ko sa kanya never akong may nabalitaang nagsumbong sila ni Andi o kaya nagpunta sa GO Office. Kahit yung nangyaring aksidente kagabi wala akong nabalitaan na nagsumbong si Lucky about sa isyu lalo't pangalan niya ang ikinakalat ni MJ na suspect sa campus.

"Sige excited na ako seshie, makikita ko naulit si Kuya Jiggs!" kinikilig na sagot ni Andi at nag papadyak pa sa sahig.

"Ses pakilala mo ako huh, naku maganda ka malamang ang gwapo ng kapatid mo.." sabi ko at nahawa na ako sa excitement ni Andi.

"Sige sige ipapakilala kita. Pero mag ingat kayo nanapak yun kapag napapalibutan ng panget." seryosong sabi niya at natigilan kami ni Andi sa pagsasaya. "Charowwt lang!" at tumawa siya ng malakas at nauna ng maglakad papunta sa building namin.

"Siraulo ka LUCKY! Kahit kailan sobrang waley kang magbiro!" sigaw ni Andi habang hinahabol namin si Lucky paakyat.

LUCKY'S POV

Nag uunahang maglabasan ang mga classmates after ng last subject namin kay Sir Adam. I feel them last subject namin ito at tulad nila nag aalburuto na sa gutom ang tiyan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng gamit ng lapitan ako ng super hot at gwapong Music Teacher namin. Si Sir Adam Villanueva. Untill now natutulala parin ako sa presence niya sa tuwing nakakaharap ko siya ng malapitan.

"Lucky, do you have a minute?" pakiramdam ko nag slow motion ang paligid ng hawiin niya ang magulong buhok pataas ng mag angat ako ng tingin.

'Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ni Bella Swan sa Twilight kapag nasa harap niya si Edward Cullen.'

"Yes ser." matipid na sagot ko ng mahagilap ko ang katinuan ko.

"How's your rehearsal with Mr. Ongpauco?" pormal na tanong niya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit isa isa ko na namang inilabas ang mga gamit na ipinasok ko sa bag kanina.

"O-Okay naman po, nag start na po kami last week." paulit ulet kong kinakagat ang dila ko para hindi ako madala sa nag uumpaw at nakaka intimidate na presence ni ser sa harap ko.

"Sobrang ganda ng song number nila ser Vi, kakakilig!!!" biglang singit ni Andi sa tabi ko at saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Yeah, i remember ikaw ang na assign ko na mag supervise sa kanila Mr. Bolivar." muntik ng matumba si Andres sa tabi ng mag flash ang makatastas panty na killer smile ni Ser Adam. Jusme, nakaahon nga ako nalubog naman sa pantasya ang kasama ko.

"O-Opo, opo ser Vi." Pilit mang itago ni Andi ang kilig bakas na bakas yun sa matambok niyang mukha. Nagniningning ang mata ni Andres kapag nakakakita siya ng gwapo.

"Nakakainis nga hindi ako nakasama sa kanila ser pero sa next rehearsal present na ako!" sabat din ni Marlon at sumama sa umpukan namin malapit sa mesa ni Ser. Kami nalang kasi ang naiwan sa room dahil kinausap pa ni Ser Adam si Marlon matapos ang klase.

"Okay, wala pang exact date ang Party natin pero tuloy na tuloy parin ang Masquerade Party siguro right after ng fieldtrip." Yumuko sa ng konti at pabulong na sinabi ang balita.

At sa sobrang ka o-OA-han nila Marlon at Andi halos magkasabay pa silang napasinghap ng malakas at napangiti ng napaka gwapi si ser Adam sa amin.

"But for now, please don't tell anyone about it. Kagabi lang yun sinabi ng school organiser."

"Y-Yes Sir Vi!" sabay sabay na sagot naming tatlo na parang mga grade one pupils.

"And Lucky, please surprise them, ikaw ang ipinagmamalaki ko at ng buong Mockingjay. Every section may participation that night at kayo lang ni Mister Ongpauco ang may dalawang song number sa gabing yun." At kinindatan niya ako at bahagyang ginulo ang buhok ko na kasing gulo rin ng buhay ko. Tumango lang ako bilang sagot bago niya kami iniwang naka tulala.

"Jusko mga ses akala ko mauutot na naman itong si Andi habang nakatitig si Ser Adam eh." Natatawang sambit ni Marlon sa tabi ko paglabas ng classroom ni Ser Adam.

"OA ka bakla ah!" at inirapan siya ni Andi pero hindi parin maalis ang kilig.

"May asawa na ba yun si Ser Adam? Lakas maka Edward Cullen ng aura ni kainis." Hindi ako maka move on doon sa paghawi ng buhok niya pataas at pagkindat kindat niya sa akin.

"Ang bali-balita sa mga chatrooms waley pa daw ses. 24 years old pa lang yan si ser. Wala ngang nakakaalam ng social media accounts niya kahit nga Facebook account niya." Di ko mapigilang magtaas ng kilay sa mga narinig ko kay Marlon ng lumingon ako sa kanya.

***F L A S H B A C K***

Masiyadong maaga ang dating ko sa school dahil hinatid ako ni Kuya Jiggs. Kaya naisip kong magbisyo muna bago ako pumasok. Naglakad ako ng isang kanto papunta sa likod ng school kung saan may hilera ng kainan sa isang kalye at mangilan ngilang computer shop na puno ng mga estudyante. Tumawid ako ng makita ko yung matandang may malaking payong at may sari saring paninda.

"Tatay, pabili po ng marlboro lights at kendi." saka ko inabot nag bente pesos sa matandangnagtitinda ng sigarilyo. Buti nalang naka casual wear kami ngayon kundi lagot ako kung may makaka kitang naka uniform ako at naninigarilyo sa labas ng school.

"Saraaap!" mahinang bulong ko habang naka sandal sa pader sa isang iskinita at patagong naninigarilyo. Pinapanuod ko lang ang mga dumaraang sasakyan at tao par akahit papano malibang ako.

"Hindi ko alam na nanigarilyo ka pala?" bumara ang usok sa lalamunan ko at sunod sunod ang naging pag ubo ko.

"Ser Adam.." halos hindi ko na mabigkas ng maayos ang pangalan niya sa kati ng lalamunan ko. Gusto kong madighay sa kagwapuhan ni ser Vi habang pasimple kong pinapasadahan ang kabuuian niya. Naka light blue polo shirt, brown soft skinny jeans at naka white Adidas shoes. Ang gwapo niya, Thank You Lord!

"Alam ba ng parents mo na nainigarilyo ka?" kunot noong tanong niya at hindi ko alam kung pipitikin ko ba palayo yung sigarilyo o aapakan ko nalang.

"Yung kapatid at Tita ko lang ang nakakaalam pero ang Nanay hindi ko po alam kung alam niya." Napapangiting sagot ko.

"Loko loko ka talaga!" kinurot niya ako sa pisngi at napangiwi lang ako sa kanya. Sakit nun ah! "Ha ha ha. Don't worry hindi ko naman sasabihin sa kaniya. Your turning 18 this coming October right?"

"O-Opo." nakahinga ako ng maluwag kaya napa puff ako ng malufet sa sigarilyong hawak ko.

'Paano naman niya nalaman ang birth month ko? Ay oo nga pala nagpasa ako ng card sa kanya. Tonta!'

"Interesting kahit na naninigarilyo ka hindi apektado ang boses mo sa kapag kumakanta ka."

"Hindi naman po ser. 8 months pa lang po akong naninigarilyo. Occasional lang naman po or minsan kapag stress ako."

"Stress? Ang bata mo pa, saan ka naman mai-stress?" nagtatakang tanong niya habang nakikipag paligsahan ng buga ng usok sa akin.

"My life.." mapait na sagot ko at agad kong sinabayan ng pekeng tawa para isipin niyang nagbibiro lang ako kahit seryoso ako sa sinabi ko.

"You mean.. Love Life?" makahulugang siyang napangiti sa sinabi ko at tumango lang ako para wala ng maraming tanong.

"Add kita sa Facebook ah, okay lang ba?" pag iiba niya ng usapan at nailang ako sa pagtitig niya.

"Sige ser Adam masaya yan." na excite ako bigla habang nakatungo at nagkakalikot ng cellphone niya. Malamang ipapatumba na ako ni Andres at Marlon sa ibabalita ko.

"Na add na kita accept mo ko ah?" siniko niya ako ng mahina. "Mauna na ako may klase pa ako pumasok kana after niyan.." Turo niya sa sigarilyong hawak ko at isinukson sa bulsa ang mamahaling cellphone niya.

"Sige po ser Adam." sumaludo ako sa kanya bago siya umalis.

"And last thing.." huminto siya at muling lumingon. "Call me Adam." At yun na naman yung nakaka aning na ngiti niya.

***E N D O F F L A S H B A C K***

"Tara na baka matraffic tayo rush hour ngayon." Yaya ko sa dalawa at ngumiti ako mag isa sa naalala ko.

"Dun na tayo sa kotse ko sumakay mga seshie." Alok ni Andi at hindi na kami nakipagtalo ni Marlon.

SA BAHAY.

"I'm Home!" malakas na sigaw ko pagpasok ko ng sala. Nakabuntot naman sina Marlon at Andi sa akin.

"Oh, aga mo ata umuwi ngayon?" nagtatakangtsalubong ni Tita Jack sa amin.

"Si Kuya kasi sabi niya may ipapagawa siya." hindi ko mapigilang mapasimangot sa inis sa kapatid ko.

"Wala na okay na ako na ang gumawa." Inismiran ako ni Tita Jack.

"Bakit ano naman daw ba yun Tita Jack?" na curious ako sa gustong ipagawa ni Kuya Jiggs at kailangan ko pang umuwe ng maaga. Isusumbong ko talaga siya kay Nanay mamaya!

"Si Muning mo nakapasok sa kwarto niya hinahabol kasi yung ipis kanina." nanlaki ang mata ko sa excitement ng marinig ko ang pangalan ng pusa ko. "Yun after makipag habulan sa ipis tumae sa ilalim ng kama niya si Muning!" at sinundan ng malakas na tawa ni Tita Jack.

"Yun lang pinauwe niya pa ako ng maaga dahil lang dun!" singhal ko at napalingon ako dahil narinig kong pababa na si Kuya Jiggs sa hagdanan at nagtataka siyang napatingin siya sa mga kasama ko. "Ikaw kahit kailan ang OA mo Kuya!" sinalubong ko siya ng duro paglapit niya. "Alam mo bang may assignment kaming malala at kailangang naming gawin yun sa library dahil sa kaartehan mo pinauwe mo pa ako ng maaga." natatawang lumapit si Kuya Jiggs sa akin at bigla akong niyakap.

"I miss you bunso. Rest day ko kasi namiss ko yung ingay ng bibig mo kaya kita pinauwi ng maaga." Natatawang sagot niya sa ulo ko. Kakagatin ko sana siya sa braso tulad ng palagi kong ginagawa nung maliit pa ako kaso kasama ko ang mga kaibigan ko. Nakakahiya baka isipin nila napaka isip bata ko. Tch!

"Ikaw gumawa ng assignment namin sa Computer Lab dahil pinauwe mo ako ng maaga!" hinampas ko siya ng mahina sa braso at saka niya ako binitawan at marahang tumango. My brother looks tired. Nakunsensiya tuloy ako.

"Oh may bago kang recruit?" nguso niya sa direksiyon ni Marlon na naka nganga habang pinapanuod kami. Wala silang ipinagkaiba ni Andres. Sigh.

"Ay si Marlon Trinidad pala, siya yung may birthday na pinuntahan namin ni Andi sa Fairview last Saturday." hinila ko sa braso si Marlon para iharap nila ni Tita Jack.

"Jiggs." unang nakaipag kamay si kuya.

"H-Hello p-po Kuya J-Jiggs." Nauutal na sagot ni Marlon.

"Okay lang yan seshie ganyan din ako nung una, na love at first sight ako kay Kuya Jiggs." sabat ni Andres na ikinatawa ni Kuya at Tita Jack.

"Si Tita Jack bunsong kapatid ni Nanay." Pormal na pakilala ko kay Marlon at nangunot ang noo niya.

"T-Tita Jack yan? Eh bakit mukhang Tito Jack? Lalake siya ses?" hindi makapaniwalang tanong niya pa. Tatawagin ko bang Tita Jack kung tunay na lalake yan? E di nakaltukan ako niya sa wisdom tooth, may saltik pala 'to e!

"Nasa dugo namin ang pagiging gwapo at magaganda kaya huwag ka ng magulat." At parang barakong nakipag kamay si Tita Jack sa kanya.

"Ay kami din Tita Jack dumadaloy din sa "DUGO" namin ang pagiging magaganda sa pamilya." ayaw magpatalong kuda ni Andres at kumaway pa na parang beauty queen.

"Halata nga ses.. Oo nga.. nasa DUGO niyo nga yun lang hindi umabot sa mukha." pang ookray ni Marlon at inulan ng tawa si Andres.

"Kapag ako talaga gumanda WHO YOU KAYONG LAHAT SA AKIN!" duro niya sa amin isa isa .Kingenang 'to dinamay pa ako.

Sa sala na kami tumambay dahil napagkasunduang si Kuya Jiggs na ang gagawa dahil wala naman siyang pasok. Si Tita Jack naman ginawan kami ng meryenda at dinala sa sala.

"Bunso kantahan mo naman ako habang ginagawa ko assignment niyo." umikot ang mata ko sa paglalambing ni Kuya. Nanunuksong pinukulan ako ng mga tingin ng mga kaibigan ko.

"Tumigil kayo piping-gerin ko yang mga pores niyo!" banta ko at nag busy-bisihan sila na parang hindi ako narinig.

"Anong kanta Kuya Jiggs?" mahihiya ang may 2 years na braces sa kaartehan ng pagtatanong ni Andres sa kapatid ko.

"Kahit anong song ayos lang gusto lang marinig kumanta si bunso para marelaks ang utak ko." nakangiting sagot niya kay Andres.

"Ay gusto ko yan ako ang mag gi-gitara seshie." agad na bulontaryo ni Andres.

"Ases..ases.. Gusto mo lang magpasikat kay Kuya Jiggs eh.. Oh siya ako na sa Cajon Drums." hinila ni Marlon sa harap niya ang hugis box na instrumento at inupuan ito.

"Manahimik ka bakla kung ayaw mong gawin kong gitara yang rib cage mo!" pang o-okray ni Andi.

Nag browse muna kami ni Andi ng song at lyrics sa tablet ko. Habang abala naman sa pag uusap sina Tita Jack at Marlon.

"Nay ang aga niyo ata umuwi?" napa angat ako ng tingin kay kuya saka hinanap ng mata ko si Nanay na nakatayo na sa pinto.

Nagunahan pa kaming lumapit ni Kuya Jiggs para salubungin si Nanay. As usual palagi akong nahuhuli kahit noong maliliit pa kami. Nauna siyang magmano at umakap pagkalapit.

"Oh may bisita ka pang isa." Turo ni Kuya sa pinto at dun ko lang nakita kung sino ang tinutukoy niya.

"J-Jasper?" kundi ko pa tinawag ang pangalan niya hindi pa siya hahakbang papasok.

Luh, anong ginagawa niya dito? May usapan ba kaming magkikita?

"Naka sabay ko yan sa parking lot dadalawin daw si bunso." panunukso ni Nanay kay Jasper na biglang namula sa hiya.

"Nay naman eh, may bisita ako oh." Turo ko sa kanila at nag bow naman yung dalawa kay Nanay. Umupo si Nanay sa tabi ni Kuya Jiggs.

"Good evening po Tita." sabay na bati nila Andi at Marlon at nagmano.

"Oh, ba't napadaan ka?" pabulong na tanong ko at sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko.

"Wala naman naalala lang kita bigla kaya naisiping kong dalawin ka.." nakangiting sagot niya at mabuilis akong hinalikan sa noo. Pinandilatan ko naman ang mga kaibigan at pamilya ko na nanunuksong nakatingin sa aming dalawa ni Jasper.

"Si Marlon Trinidad siya yung may birthday nung Saturday." Pakilala ko kay Marlon pag upo nila ni Andres sa katabi naming couch.

"Anubey ang dami namang gwapo dito Tita Jack may kanin po ba kayo? Kahit kaning lamig keri lang." hindi mapakali ang mga mata ni Marlon kung kanino titingin kung kay Kuya Jiggs o kay Jasper.

"Ako din Tita Jack isang rice.." sabat ni Andres.

"Ngitian mo si Andres." natatawang bulong ko kay Jasper. "Isang rice lang lang talaga Andres?" pasimple kong siniko si Jasper bilang hudyat. Tulad ng inaasahan ko namilog ang mata niya habang nakatitig sa katabi ko.

"I-Isang r-rice cooker na pala Tita Jack." nauutal na sambit ni Andres at naghagalpakan ng tawa si Kuya Jiggs at Jasper.

"Lucky kantahin mo yung paborito ng Nanay mo yung theme song nila ng Tatay mo. Gusto rin yun ng Kuya Jiggs mo." Sabi ni Tita Jack at umupo ng naka dekwatro sa tabi ni Kuya at Nanay.

"Yun nalang bunso matagal ko ng hindi naririnig yun 'e." malambing na request ni Nanay at inakbayan siya ni Kuya Jiggs.

"Jasper ikaw na ang mag gitara para mas ma-feel ni bunso yung kanta." gatong pa ni Kuya.

"Sige Kuya Jiggs.." sang ayon ni Jasper at inabot ni Andres ang gitara sa kanya. "Tell me when you're ready." nakangiting sambit niya pagharap.

"For you Nanay." At nag flying kiss ako kaso biglang inagaw at sinalo ni kuya at dinikit sa pisngi niya.

'Epal!'

Napapikit ako ng mag umpisang mag strum ng gitara si Jasper.

Di ko malimutan

Ang iyong mga larawan

Ang iyong mga pangakong ako lang

Kahit nasaan ka man

Malayo o malapit man

Ang pag-ibig ko'y iyo lamang

Ika'y pangarap ko sa tuwina

Lagi kang laman ng isip

Ikaw ang siyang tibok n'yaring dibdib

Kahit na ano'ng mangyari

Ikaw at ikaw pa rin

Wala akong ibang iibigin

Pakiramdam ko biglang nag iba yung kahulugan o yung dating ng mensahe ng kanta sa akin. Ang weird talaga dahil hindi ito ang unang pagkakataong kinanta ko ang theme song nila Nanay at Tatay.

CHORUS:

Lulubog, lilitaw

Ang buwan at araw

Patuloy pang lalakad ang panahon

Ako'y magmamahal sa 'yo

Hindi ito magbabago

Pag-ibig ko'y laging laan lamang sa 'yo

Minamahal, minamahal kita

Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot habang kumakanta. Naglalayag sa isipan ko ang nalalapit na pag alis ni Jasper. Hanggang ngayon nagtatalo parin ang mga laman loob ko kung tama ba ang naging desisyon ko. Kung LALABAN o BABAWI ako. Bakit naman kasi kung kailan siya nagseryoso saka naman ako naduwag ng todo.

Lagi kong hinahanap

Yakap mong anong sarap

Ang iyong mga matang nangungusap

Pag ikaw ay kapiling

Nalilimot ang sarili

Sana'y 'wag nang matapos ang gabi.

Hindi ko mapigilang maging emosiyonal lalo na ng mapansin kong namunas ng luha si Nanay habang naka sandal sa balikat ni Kuya Jiggs . Alam kong namimiss niya si Tatay. Ako din miss na miss ko na ang Tatay ko. Bakit ba lahat ng lalaking mahal ko iniiwan ako? Una si Tatay, pangalawa si Jasper at hindi magtatagal mag aasawa si Kuya Jigs at maiiwan kaming tatlo nila Nanay at Tita Jack. Hindi pa man nangyayare pinaghihinaaan na ako ng loob at binabalot na ako ng lungkot.

Lulubog, lilitaw

Ang buwan at araw

Patuloy pang lalakad ang panahon

Ako'y magmamahal sa 'yo

Hindi ito magbabago

Pag-ibig ko'y laging laan lamang sa 'yo Minamahal, minamahal kita..

Minamahal, minamahal kita..

SONG TITLE: Minamahal Kita by Freddie Aguilar

Bigay na bigay ako sa pagkanta at sa nakikita kong reaction nila mukhang nabigyan ko naman ng hustisya yung kanta sa sarili kong rendition. Sorry po Sir Freddie Aguilar pahiram lang po ng kanta. He he he!

Nagpalakpakan silang lahat at tuwang tuwa sa naging performance ko. Niyakap ko lang si nanay. Siniko ko sa tiyan si Kuya ng akapin niya kami ni Nanay.

"Naku 'Nay si bunso ayaw ng magpayakap." Nakangusong sumbong ni Kuya Jiggs kay Nanay.

"L-Lucky?" nanunukat ang tingin ni Nanay sa amin ni Kuya.

"Nay, ang laki laki ko na 'e tapos sa harap pa ng mga kaibigan ko siya yumayakap nakakahiya ..." pahina ng pahina yung boses ko at pag lingon ko naka tingin pala silang lahat sa aming tatlo.

"AHAAHAH HAHAHAHAHA!" tawanan nilang apat. Pinakamalakas ang tawa ni Tita Jack at Jasper.

"Dati rati gusto mong niyayakap ka namin nila Nanay at Tita Jack. Simula ng nag ka boyfriend ka hindi ka na nag payakap ulit sa amin." reklamo ni kuya.

"KUYA JIGGS!" dinaan ko sa makahulugang mga tingin. Makuha ka sa tingin! Inambaan ko siya ng suntok sa ere kaya muli silang natawa.

"Jiggen, tigilan mo na yang kapatid mo." saway ni Nanay sa amin.

"Hoy, ikaw sinong nagsabing makitawa ka, tuwang tuwa ka naman!?" masungit na baling ko kay Jasper pag upo ko sa tabi niya.

"Ang cute mo kasi kapag inaasar ka ni Kuya Jiggs dahil sakin." tuwang tuwang sagot niya.

"Mga bata dito na kayo kumain, maghahanda lang ako ng hapunan." singit ni Tita Jack saka tumayo.

"Oh siya Lucky asikasuhin mo ang mga bisita mo at magbibihis lang ako." Paalam ni Nanay. At kumaway sa mga kasama ko.

"Lucky ang cool cool ng family mo. Lahat kayo magaganda walang tapon! Diba Andres?" parinig ni Marlon kay Andi.

"Ang taray ng baklang 'to, ang katawan mo ma alindog pero yung mukha nakaka usog!" ganting banat ni Andi na ikinatawa ni Jasper sa tabi ko.

'Naging hobby na talaga nilang laitin ang isa't isa.'

"Hoy mahiya nga kayo kay Jasper, dito pa kayo sa harap niya nag lalaitan!" saway ko sa dalawa. Si Jasper naman mukhang aliw na aliw panuorin ang paglalaitan ng dalawa.

"Nakakatuwa lang kasi sa QCS High puro lalaki at tomboy ang mga kaibigan mo tapos sa Carlisle nag iba ang preference mo. Ha ha ha!" nang iinis na kwento niya at kinonyatan ko siya sa noo sa dami ng napapansin niya.

"O-Ouch! Kuya Jiggs si Lucky na nanakit oh!" sumbong ni Jasper kay kuya na nag angat ng tingin sa amin sa sala.

"Lucky umayos ka mahiya ka naman sa mga bisita mo." At muling ng tumutok sa laptop niya at itinuloy ang ginagawa.

"Psh, sumbungero!" inirapan ko siya at isinksik niya ang sarili sa tabi ko.

"Sinasaktan mo kasi ako 'e." Nakangusong sagot niya at nagpipigil ng tawa.

"SINASAKTAN?!" bulalas ko sa harap niya. "Bakit ikaw may narinig kaba sa mga ginawa mong pananakit sa akin noon?" natulala sina Andi at Marlon sa batuhan namin ng linya.

"Gusto mong pag usapan natin ulet lahat yun dito?" mayabang na hamon niya habang paulet ulet na kinakagat ang hikaw sa gilid ng labi niya. Napairap ako ng marinig ko mga ipit na ipit na boses ni Andi at Marlon sa kabilang couch ng makita ang pakagat labing eksena ni Jasper.

"Abah! Matapang ka sige magbilangan tayo ng kasalanan at bawat isang kasalanan magbubunutan tayo ng ngipin?"

"Ikaw talaga hindi ka na mabiro.." Biglang niya at pinang gigilan ako sa magkabilang pisngi niya at at saka siya mahinang tumawa.

"So ikaw pala si Jasper na gwapong ex boyfriend ni Lucky." Atribidang tanong ni Marlon ng mahimasmasan.

"Ako nga wala ng iba." Si Jasper habang hawak ang dibdib na parang makata.

"Grabe ang gwapo gwapo mo pala sa totoong buhay!" hindi niya na mapigilan ang kilig at inamoy amoy braso ni Jasper.

"Bakit ano ba siya dati.. CROSS STITCH!?" pang o-okray ni Andres. "Oh tama na baka maubos mo ang amoy niyan magtira ka nandito pa ako impakta ka." At hinawi ang mukha ni Marlon sa braso ni Jasper. Para silang kape at gatas ng magdikit sila. Hahaha!

"Bakit pala kayo naghiwalay ni Lucky 'e mukhang okay naman kayo ah.." umatake na naman ang makating dila ni Marlon na hindi nakukuntento sa impormasiyong nalalaman niya galing sa akin.

"Mahabang kwento si Lucky nalang siguro ang tanungin niyo.." Nahihiyang sagot niya at napakamot ng ulo. Pasimpleng siniko ni Andres si Marlon at ng makuha ang ibig sabihin nito kaya hindi na siya nag tanong pa. Deadma lang ako. "Himala hindi mo ata kasama yung Wesley mo ngayon?" sumandal siya sa couch at inakbayan ako.

"Susunod daw Wes.. nagtext siya kanina." pabebeng sagot ko para asarin siya at napangiwi naman sila Andi sa pasang awang acting ko.

"Ahh susunod siya... Subukan niya.." At pinatunog ang mga daliri niya at tinitigan ako ng sobrang masama.

'Pikon!'

"Tss, Wes pala ahh.." napipikong bulong niya.

"Wala busy yun ngayon, may group assignment kasi kami kaya kami lang ngayon ang magkakasama." di makatiis na salo ni Andi ng mahalata ang eksena namin ng ex ko. Kinapa ko sa bulsa ang nagwawalang cellphone ko na kanina pa nagwawala kaka vibrate sa bulsa ng pants ko.

"May gusto ba yun kay Lucky?" baling niya sa dalawa natakot sa biglaang pagiging seryoso ni Jasper. Hinampas niya rin ang kamay ko ng makita niyang may dinudukot ako sa bulsa. "May gusto sayo yung kumag na yun 'noh?" hindi pa nakuntento at dinakot niya pa ng isang kamay ang panga ko. Siguro kung kami pa kikiligin ako sa pagiging possessive niya. Palibhasa gawain niya kaya praning na praning.

Nagpalitan lang ang tingin ng dalawa sa amin ni Jasper.

'Subukan niyong magsalita at puputulan ko kayo ng dila!'

"W-Wala k-kaibigan lang namin yun." Tanggi ni Marlon at nakangiti namang sumakay si Andres.

"So sa mga gwapo ka na nakikipag kaibigan ngayon?"

"Maraming gwapo sa Carlisle, Jasper. Hindi uso ang panget dun bilang lang kame.." gamit ang pinakamahinahon kong boses kahit kating kati na akong kutusan siya. Maka inarte akala mo may relasiyon pa kame. Tch!

"Huwag kang didikit dun lagot ka sakin!" seryosong banta niya. Hindi niya ugaling magbiro lalo na sa mga taong pinagseselosan niya.

"Bakit mo hinahanap crush mo?" pang aasar ko.

"Pakyu ka." mahinang bulong niya at pasimpleng sumulip sa direksiyon ni Kuya Jiggs. Natawa yung dalawang bakla dala ng karengkengan.

"Eh PAK ME!" natatawang sagot ko at hinila niya ako at inakap ng mahigpit.

'Namiss ko siya bigla LORD!'

"Nami-miss ko kasing makipag asaran sayo kaya ako nagpunta." Bulong niya sa tenga ko pero alam kong dinig din nila Andi at Marlon sa lakas ng boses niya.

"Ako din Jasper PAK ME! PAK ME!" si Marlon at umakap sa braso ni Jasper.

"HAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Jasper at nagtatakang napalingon si Kuya sa direksiyon namin.

"SAPAK YU! Gusto mo Marlon ako na ang mauuna!" si Andi habang sinusukat yung kamao niya sa mukha ni Marlon.

"Grabe ses, ang swerte mo kay Jasper ang gwapo gwapo ang bango bango."

"Psh! Minalas nga ako 'e.." dudugtungan ko pa sana kaso sinamaan ako tingin ni Jasper.

"Grabe siya. Wala talagang naiwang magandang alaala diyan kahit isa?" habang mahinang pini-pitik pitik ng daliri niya ang matigas na kukute ko.

"Meron naman... yung ano siguro natin.." ngumiti ako at sinadya kong bigyan ng double meaning yung sinabi ko para malaman ko kung anong magiging reaction niya.

"Yung SEX lang talaga natin naalala mo sa lahat?" nanlaki ang matang bulalas niya.

"Hoy siraulo ka marinig ka nila Kuya konyat ka saken!!" ang sarap isalpak ang throw pillow sa loob ng bibig niya sa gigil ko. Pisting bibig yan nangalang driver hindi marunong pumreno!

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ng dalawang bakla.

"Grabe ka seshie yun lang talaga naalala mo?!" ginatungan pa ni Andi ang kaabnuyan ng ex ko na hindi na rin napigil ang tawa.

"Sabagay kahit ako baka wala na akong ibang iisipin kundi iyon." Natatawang sabat ni Marlon.

"Sige maniwala kayo diyan ng mamalasin din kayo!" pananakot ko sa dalawa.

Hindi nagtagal tinawag na kami ni Tita Jack at Nanay para maghapunan. Tumayo na kaming apat kasunod si Kuya Jiggs papunta sa dining table.

"Huwag kayong mahiya at kumain lang kayo mga bata. Mabuti pala marami akong pinamili kanina may paparating palang mga bisita." habang abala si Tita Jack na ilagay ang ibang ulam sa mesa.

"Jasper iho, kailan ang alis mo papuntang America?" tanong ni Nanay habang inilalapag ang umuusok na kanin sa mesa.

"May three weeks pa po ako Tita, naiinip na nga po sila Mommy at Daddy 'e." Natatawang sagot ni Jasper sa tabi ko.

"Mag aral kang mabuti doon anak para maging proud ang parents mo sayo."

"Yes Tita gagawin ko po yun para maging proud din po si Lucky sa akin." Nahihiyang sagot niya at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Alam kong kinakabahan siya dahil paulit ulit niyang pinipisil ang kamay ko.

"Gawin mo yun para sarili mo." sabat ko na ikinalaki ng mata niya.

"Ang ganda ganda naman ng seshie ko.." pang aasar ni Andi na ikinangiti ni Tita Jack at Kuya.

"Kayo Andi at Marlon kamusta ang pag aaral niyo baka naman puro kayo kalokohan tatlo." Yan na naman si Nanay umaandar na naman ang pagiging Guidance Councilor.

"Nay, your embarrassing my baby brother." Awat ni kuya Jiggs pero may halong pang aasar.

"Nabalitaan ko kasi kaninang umaga ang nangyaring aksidente sa step daughter ni Sir Carlisle." pinaglipat lipat ni Nanay sa amin nila Andres at Marlon. "Matunog ang pangalan niyong tatlo lalo na ikaw Lucky dahil ikaw ang idinidiin ng isang babaeng student kanina." Nasamid ako sa sinabi ni nanay buti nalang naabutan agad ako ni Jasper ng tubig. Talagang sinasagad ni MJ ang pasensiya ko. "Lucky magsalita ka totoo ba ang paratang niya sayo at sa mga kaibigan mo?" gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Isang maling sagot laglag ako sa banga nito.

"Nay, wala kaming kasalanan dun sa nangyari." pilit kong kinakalma ang sarili ko. "Malas lang dahil nandun kami ng mangayari ang aksidente kay Amber." natigilan si Kuya at Tita Jack sa pagkaen at tinitigan ako.

"O-Opo Tita El, wala pong kasalanan si Lucky sa nangyareng aksidente magkakasama na po kami ng maaksidente si Amber." buong kompyansang sagot ni Andi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil pati sila nadadamay pa sa issue.

"Pero bakit ang pangalan parin ni Lucky ang nadadawit sa aksidente at idinidiin nung isang student?" parang abugadong tanong ni Kuya Jiggs na ikinatameme ni Andi . Sa pag uuntugan palang ng kilay niya alam kong katakot takot na sermon na naman ang maririnig ko mamayang pag alis nila.

"D-Dahil sa--"

Sinipa ko ang paa ni Andres dahilan para maputol ang sasabihin niya.

"Dahil ako ang huli niyang nakasalubong bago mangyare ang aksidente." lakas loob na pag amin ko. Sa kadaldalan ni Andres hindi malabong maidaldal niya ang mga nakaraang alitan namin ni Amber noon. Ayokong paisipan yun ng masama ng pamilya ko at maging dahilan para pagdudahan pa nila ako.

"Kami ni Andi ang unang nasalubong ni Amber sa stairs kuya Jiggs.." maagap na sagot Marlon bago pa man makapag react si Kuya. "Ilang minuto lang naming inantay si Lucky at ng makababa siya saka naman nangyari ang aksidente." maikling paliwanag niya sa nangyare.

"Oh bakit si bunso parin ang sinisisi sa nangyare?" kunot noong tanong ni Tita Jack. Nagkatitigan kami ni Marlon ng ilang sesgundo.

"Yun din ang hindi ko maintindihan Tita Jack. Wala akong makitang dahilan para idiin ako ng kaibigan ni Amber sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Matitigil lang sa kapraningan ang mga kaibigan niya sa oras na magising siya." palusot ko nalang na kahit ako sa sarili ko hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"I understand, mabuti na lang may isang concerned student na nag present ng evidence galing sa Security Office." Mahinahong sagot ni Nanay.

"Anong evidence yun Ate El?" parang kinurot sa pang upo si Tita Jack dahil halos mapatayo pa ito sa kinauupan niya. OA talaga. Sigh.

"Isang video clip kuha sa CCTV CAMERA ng school. Kaya ngayon under investigation ang kaso at kinansela ang pagpapatawag sa mga students na involved. Kaya ako umuwe ng maaga ngayon para makausap si Lucky at gusto kong marinig ang side niya tungkol sa nangyaring aksidente."

"S-Sinong student yun 'nay?" Mabilis na tanong ko kahit may hinala na ako kung sino.

"Si Wesley Ongpauco yung gifted na pianist ng school niyo. Napakabait at magalang na bata. Hindi ko alam naagkaibigan pala kayo anak?" Nagpatay malisya lang ako dahil naramdaman kong humigpit ang hawak ni Jasper sa kamay ko.

"What?" mahinang bulong ko sa kanya at ngumuso lang siya.

"Nothing." Nilaro laro niya ang mga daliri ko. Nagseselos siya alam ko.

"Opo kaibigan namin siya Tita El sa katunayan kasama po namin si Wesley nung maganap yung aksidente." Nakangiting tugon ni Andi.

"I see, mag ingat ka Lucky, hindi basta bastang student si Amber lalo na ang kaibigan niyang si MJ Belmonte. Marami na akong natanggap na complaint sa mga students noon at nirereklamo sila pero wala silang nagawa kundi sila ang kusang umaalis sa school kahit wala silang kasalanan." Seryosong sagot ni Nanay at dun lang ako nakaramdam ng kaba.

"O-Opo nay mag iingat po ako." Mahinang sagot ko. Lintek na MJ yan humanda sakin yan!

"Tama na ang kwentuhan lumalamig yung mga niluto ko at yung sinigang na hipon ang mahal mahal niyan sa palengke diyos ko!" Biglang basag ni Tita Jack at nagkatinginan lang kami nila Andi at Marlon. Masaya at naging magana ang naging hapunan namin lalo't panay ang kwento nila Andi sa mga kalokohan namin sa campus.

After ng dinner tumuloy kami sa bahay kubo na tambayan sa likod ng bahay namin. Dun kami dinalhan ni Tita Jack ng desert.

"Grabe yung Tito mo na Tita ses, ang sarap sarap mag luto walang sinabi yung chef namin!" habang panay ang subo sa ref cake na gawa ni Tita Jack.

"HRM Graduate yun si Tita Jack kaso kaso ayaw magtrabaho dahil walang bantay sa shop at sa cafe namin sahil siya ang nagma-manage nun pareho." Sagot ko kay Marlon.

"Seshie, kinakabahan ako sa sinabi ni Tita Elvie kanina. Sana ngayon seryosohin muna ang sinasabi namin sayo ni Marlon." biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil na open na naman yung topic kanina.

"Akala ko naman magiging maayos na ang kalagayan mo sa Carlisle. Mas malala pa pala kesa dati." Nag aalalang sabi ni Jasper at tinitigan ko siya ng makahulugan na kung ano man ang sasabihin niya wag na niyang ituloy.

"Bakit ses, may masamang nangyari din ba sayo sa dati mong school kaya ka lumipat sa Carlisle?" umandar nanaman ang radar ni Marlon habang nakatingin sa amin ni Jasper.

"Sabihin muna seshie, kung ano man yun maiintindihan ka naman namin ni Marlon." Ngayon ko lang narinig na gumamit ng ganyang tono ng pananalita si Andi at nakokonsensiya ako sa paglilihim ko sa kanila.

Nahihirapan akong mag decide parang naninikip ang dibdib ko.

"Lucky, kaibigan mo sila hindi mo din yan matatago sa kanila habang buhay." Hinawakan niya ako sa kamay at tumango siya. Wow ahh.. parang ganun lang yun kadali.

"Okay.." Humugot ako ng malalim na hininga at tumitig sa dalawang kaibigan kong matatakaw sa tsismis. "Promise me guys na hindi 'to makakalabas sa ating tatlo." Napakamot na lang ako ng batok dala ng stress.

"Dahil napag usapan na naman ang tungkol sa video clip kanina..." Panimula ni Jasper. Sabay na napasinghap ng sobrang OA sina Andi at Marlon at sabay na napatayo.

"OH MY GOD! OH MY GOD SESHIE! I CAN'T BELIEVE THIS." napahawak sa noo at naka pamewang na wika ni Andres.

"JESUS! Ses Lucky what are you thinking?! Bakit mo nagawa yun? One of the golden rule ng Carlisle "A STUDENT MUST HAVE A CLEAN RECORD! Hindi ka makakapag enroll kung may bad record ka sa ibang school." segunda naman ni Marlon at napanganga kami ni Jasper sa kanila.

Bigla akong tumayo at pinag kokonyatan ko silang dalawa!

"KENGINA NIYO PATAPUSIN NIYO KAYA MUNA AKO MAGSALITA!" Sigaw ko sa kanila at sabay na tumawa ng malakas si Jasper.

"Ay ano ba yun SESHIE?" Nalilitong tanong ni Andi.

"May SEX SCANDAL kayo ni Jasper diba yun ang gusto mong sabihin Lucky?" habang nangangamot ng ulo si Marlon dahil sa malutong na konyat ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong nagkukwento. Hindi lahat marunong umintindi. Huhusgahan ka nila agad ng di nila inaalam ang buong kwento.

"Mga baliw! Hindi ko yun sex scandal mga baklang 'to!" ang sarap pagpompyangin ng mga ulo nila sa gigil ko.

"EH ANO NGA?" Sabay na sagot nila. Kinuha ni Jasper yung phone niya at nagkalikot at saka ipinasa sa dalawa.

Isang Video. Nasa beach kami ng mga barkada namin ni Jasper. Habang nakaupo sa tabing dagat at nagkakantahan ang iba sa harap ng bonfire. Makikitang magkatabi kami ni Jasper at nakaharap sa dagat habang nakaakbay siya sakin.

Humarap ang ulo niya sa gawi ko at bigla niya akong hinalikan ng mariin sa noo, sa ilong at pababa sa lips. Mga 15 seconds kaming nag hahalikan at hindi namin alam na may taong kumukuha na pala ng video sa ginagawa namin. Nang mapansin ni Jasper mabilis siyang tumayo at inagaw ang camera at dun natapos ang video.

Nakanganga yung dalawa habang kinukuha ni Jasper sa kamay ni Andi yung cellphone niya.

"Hoy para kayong natuklaw ng ahas ahh!" ilang ulet kong ipinitik ang daliri ko sa ere dahil para silang nahipnotismo pareho sa napanuod.

"GRABILICIOUS! SWEETNESS NIYO PALA DATI SESHIEEE!" kinikilig na usal ni Andi at napangiwi ako.

"Ses, ang sarap naman nung desert mo!" nagdidiliryong sagot naman ni Marlon at natawa lang kami ni Jasper.

"It happened one summer habang nasa beach kami kasama ang mga barkada ko." kwento ni Jasper at parnag nasa klase at tutok na tutok ang dalawa.

"Yan ba ang reason kung bakit umalis ka ng QCSHS ses?" Gulat na tanong ni Marlon.

"Yeah— sort of." Nag aalangang sagot ko.

"NO FUCKING WAY! Kung ako yun baka ipagmayabang ko pa sa buong mundo yang video. Jusko ko! Ang ganda ganda ko oh!" habang hinahawi ni Andres ng paulet ulet ang invisible long shining black hair niya patalikod.

"Yun nga ang naging problema eh. The video leaked and got edited. May nakakuha ng copy ng hindi namin alam. Binago ang caption. Pinapalabas na scandal namin yung video dahil sa unang part yung halikan namin ni Lucky ang ipinapakita." Sagot ni Jasper na parang naiinis dahil na alala na naman niya yung pangyayaring yun.

"And then what happened sa video ses?" pagdating talaga sa tsismisan pers onor ang mga kaibigan ko. Sigh.

"Yun dinugtungan ng porn. Dalawang teenager din yung nasa video na halos pareho namin ng body built. Yun nagkemehan sila ng walang humpay sa harap ng camera. Iisipin mo talagang kami yung nasa video kung di mo kami kilala." Dismayadong kwento ko sa kanila at napayuko ako sa mesa dala ng hiya. Naramdaman ko ang kamay ni Jasper na hinahagod ang likuran ko

"Jesus Christ!" Nasapo ni Andi yung noo niya at napatakip naman si Marlon ng bibig.

"After a while pinatawag si Nanay sa Principal Office and the rest was history.." mapaklang ngiti ko sa kanila. Ayoko ng idetalye hindi masarap sa panlasa ang kwento ng nakaraan ko.

"Pero bakit parang hindi naman galit sila Tita at Kuya Jiggs kay Jasper?" Nagtatakang tanong ni Marlon.

"Dahil nakita nila yung buong video at alam nilang hindi kami yun." kompyansang sagot ni Jasper bago tunggain ang laman ng baso ko.

"And yung school mo seshie naniwala sila na ikaw yun without any investigation?" di makapaniwalang tanong ni Andi.

Tumango ako. "Naaalala mo pa ba yung kinuwento ko sayo noon tungkol sa mga haters ko sa dati kong school?"

"Oh? Yung mga insecure mong mga schoolmates?" mapait niyang sagot.

"Oo, sila yung masipag na nagkalat nung video na yun na parang virus."

"Bakit Lucky marami kang haters sa dating school mo?" hindi makapaniwalang taning ni Marlon na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Jasper.

"Dahil sa akin.." mahinang sagot ni Jasper.

"J-Jasper—" sinenyasan niya akong tumahimik.

"Because of me they started hating Lucky.." nilaro laro niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Dahil ang sikat na varsity player ng QCS High naging boyfrie—"

"...boyfriend ng sikat na bokalista at babaerong si Jasper Teng." Sarkastikong pagtatapos ko ng linya niya. "Kumalat yun sa loob school na parang epidemya. Ipinatawag ako sa Guidance Office kasama si Nanay."

"Wala man lang hearing?" tumabingi ang ulo ni Marlon.

"Wala nung una kaya suspended agad ako ng two weeks."

"Tayo.. Suspended tayong dalawa.." pagtatama ni Jasper sa sinabi ko.

"Pero may mga natitira pa akong mabubuting kaibigan sa campus. Ipinaglaban nila sa school adminitration na hindi ako yung nasa video."

"Kaya ka nakabalik ulet?"

"Oo. Nalaman din naman nila ang katotohanan tungkol sa video. Kaya nag apologize sila sa family ko at pinabalik ako ng school. Pero pinag piyestahan parin yun ng buong campus kaya kahit lumbas na yung totoo naka tatak na talaga sa makikitid nilang utak na ako yung nasa video."

"Tayo.. Tayo yung iniisip nilang nasa video." Natatawang sabat ulet ni Jasper.

"Oo na maka tayo naman proud na proud Jasper?"

"Oo naman! Ayaw mo kasi akong pagbigyan noon kaya gumawa sila ng sarili nilang version." Malokong wika niya kaya kinurot ko siya sa singit. Chos!

"Kasalanan mo naman pala seshie 'e."

"Sige kampihan mo pa!" singhal ko kay Andi at nag peace sign siya.

"So yun pala nag reason kung bakit ka naligaw sa Carlisle." Mahinang sagot ni Marlon.

"Something happened after that kaya napilitan akong mag transfer sa Carlisle..." napatikhim si Jasper sa tabi ko at pinili ko nalang manahimik.

"Grabe naman pala ang kamalasan mo Luis Manzano! Akala ko transparent yang balat mo sa pwet mo?" pang aasar ni Andi at natawa si Jasper.

"Wala siyang balat sa pwet." mabilis na sagot ni Jasper kay Andi.

"B-Bakit nakita mo?" pinagdudahan kaagad ni Andi ang sinabi ni Jasper.

"Oo naman sabay kaya kaming naliligo dati." parang batang sagot ni Jasper kay Andi at nanlaki ang mga mata nito.

"Jasper stop it. Patola yang si Andi maniniwala yan sa lahat ng sasabihin mo." Makahulugan ko siyang tinitigan.

"Anong sumunod na nangyari ses pagkatapos nun bakit ka umalis?" singit ni Marlon at napa angat din ng tingin si Andi. Pisti! Akala ko tapos loading lang pala si bakla. Kinabahan na ako sa tanong ni Marlon. Nagkatitigan kami ni Jasper.

Ito yung part na hindi ko ugaling balik balikan dahil paulit ulit akong nasasaktan kahit alam ko na ang katotohanan.

"Ayy, wait mga seshie, may tumatawag sa ketai ko!" Sumensyas siyang huwag kaming maingay at saka ito tumayo.

(Ketai means cellphone.)

"Haler Atashi! Nasa balur nila Lucky Gonzaga na saksakan ng ganda! Oo pauwi na tapos na kami sa group work namin, Oo mag iingat ako! Sila ang mag ingat sa akin dahil sa laki kong to kaya kong sirain ang mga buhay nila! Mahal kita Atashi, Babush!" At binaba ang phone.

'May saltik talaga to!'

"Oh siya tama na ang chika bukas magkita tayo ng maaga dahil may PE na at mangangabog ulit tayo sa court!" Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na natuloy ang interogasiyon nila. Sigh.

"Sama ka sa bahay ipagpapalaam kita kay Tita." Mahinang bulong ni Jasper sa tenga ko.

"Tumigil ka nga." Saway ko ngunit mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya.

Nagpaalam na silang tatlo sa bahay at hinatid ko sila sa parking lot. Nagbeso beso lang kaming tatlo habang inaantay ang mga sundo nila.

"Oh ang lagay hindi ka bebeso sa amin Jasper? Mag kasing sarap lang din kami ni Lucky binudburan lang yan ng NAMNAM!" parang palingkerang litanya ni Andres.

"H-Huh?" napalingon si Jasper sa akin at nagkibit balikat lang ako. Napilitan silang i-beso ni Jasper habang tumatawa dahil pinipilit nilang sa lips ito halikan.

"DI LANG MASARAP MALI-NAMNAM NAMNAM NAMNAM!" Kanta ng dalawang bakla habang kumekembot kembot na naglalakad papunta sa kotse ni Andi.

"Oh kala ko uuwi ka na? Sibat na inaantok na ako maliligo pa ako." At hindi ko napigil na mapakhikab sa harap niya.

"I miss you YumYum!" Malambing nasa sabi niya.

"DI LANG MASARAP MALI-NAMNAM NAMNAM NAMNAM!" pang gagaya ko sa kanta nila Andi at Marlon at tumawa ng malakas si Jasper. Hinatid ko siya sa pinto ng kotse niya.

"L-Lucky..." Habang hawak at pinipisil pisil ang kamay ko.

"Ano su-suso ka?" Biro ko sa kanya at napangiti siya ng napaka gwapo.

"Sex naman tayo gaya nung nasa video.." Nakangusong ungot niya.

"PAKYU KA!" Kinaltukan ko siya ng mala ninja.

"Grabe ka makapanakit! Miss na miss mo ko ha, Lucky Gonzaga?!" Pang aasar niya habang nagkakamot ng ulo.

"Waley din mga banat mo eh noh?!" Sinimangutan ko siya.

"Sinubukan ko lang baka makalusot.." Hinila niya ako at hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. "Kahit kailan hindi na ako nasunod sa tuwing naglalambing ako sayo." dugtong na reklamo niya.

"TENG ENE MO UMUWI KANA. YUNG GATAS MO DAW INUMIN MUNA BAKA LUMAMIG SABI NI LOLA!" at pareho kaming tumawa ng malakas.

"Ewan ko sayo umuwe kana din!" Tinulak ako ng mahina sa balikat bago pumasok ng sasakyan niya.

To be continued...