CHAPTER 13
LUCKY' POV
Pagbaba ko ng jeep dinaig ko pa ang tulisan sa pagiging praning ko. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago tumawid. Mahirap na may history na kami ng pedestrian crossing na 'to nung first day ko. Patawid na ako ng mamataan ko si Wesley na nakatayo sa gilid ng waiting shed. Pangiti ngiti at panay ang paglinga ng ulo kung saan na tila may hinahanap o may inaantay.
'Ano na namang trip yan? Sino naman kaya inaantay niya ng ganito kaaga?'
Nang makita niyang tumatawid ako 'sing lapad ng hilaw na piyaya ang ngiti niya. Umayos siya ng tayo todo kaway na parang sinasalubong ako sa airport.
'Yan na naman yung ngiti niyang nakakaloko. Ngiting parang nakita niya yung pinaka paborito niyang ulam sa mesa.'
"Good Morning Lucky!" masiglang bati niya ng salubungin ako. Mabilis akong lumingon sa kaliwa't kanan at sa bandang likuran niya.
"Sinong hinahanap mo? Si Andi?" inosenteng tanong niya nung napansing may hinahanap ako likuran niya.
'KAMALASAN! HINAHANAP KO YUNG KAMALASANG DALA MO!'
"Ikaw sinong inaantay mo dito?"
"I-Ikaw.." mahina at nahihiyang sagot niya.
"A-Ako? Bakit na sa akin ba ang baon mo?" biro ko pero ang totoo nawiwirduhan na ako sa kanya.
"Hahahahahaha!" humawak pa siya sa tiyan habang tumatawa. "Hindi.. inaantay talaga kita para sabay tayong pumasok ngayon." Na blangko ako ng ilang segundo sa paliwanag niya. Bakit? Wala naman kaming usapang magkikita ah? Nginitian ko lang siya at sinenyasang mauna siyang pumasok sa loob.
Mabilis naman siyang sumunod at na unang nag tap ng ID sa ticket gate. Nginitian lang ako ni Manong guard ng makita ako sa likuran ni Wesley. Kahit 'di ako lumingon alam kung sinusundan kami ng tanaw ng mga estudyanteng nadadaanan at makakakita sa amin. Kapag ako kinuyog ng mga retarded mong fans may konyat ka sa aken mamaya.
"Sino nga yung hinahanap mo kanina?" pangungulet niya habang sinisiko siko ako sa tagiliran.
Umikwas ang kilay ko. "Hinahanap?"
"Oo diba kanina may hinahanap ka paglapit ko sayo."
"Wala." labas sa ilong na sagot ko sa kanya.
"Eh ba't parang meron?" nakangusong ungot niya.
'Ang kulet naman ng batang 'to!'
"Wala nga huwag kang makulet. Gutom ako kakainin kita!" pananakot ko. Huminto siya sa paglalakad at mukhang natakot nga sa sinabi ko.
'Tss, patola naman! Ano naman ang makakaen sayo bukod sa... Roar!'
Malamang late na naman si Andres kaya wala akong choice kundi mag almusal ngayon mag isa.
"Tara sa canteen papakainin kita." bawi niya at parang nabasa ang nasa isip ko. Napangiti lang ako. Parang pamilyar ang galawan niya. Namiss ko tuloy siya bigla. Sigh.
"T-Talaga? Sige kahit kape lang masaya na ako." Hindi ako diyosa para tanggihan ang imbitasiyon niya. Kung totoo nga ang sinasabi niyang inantay niya ako kanina malamang kanina pa siya dun. Wala naman sigurong ibang ibig sabihin ang paanyaya niya o talagang assumera lang talaga ako?
"Coffee it is.." mababakas ang excitement sa tono niya.
"Ikaw, sinong inaantay mo dun sa waiting shed ang aga aga?" pag iiba ko ng usapan habang tinatahak namin ang daan papuntang canteen.
"I-Ikaw nga ang kulet mo." Bigla akong huminto sa paglalakad.
"Bakit patatamaan mo na naman ako ng bola?" nagbanggaan ang kilay ko.
"Hindi ah! Ganyan ba iniisip mo sa tuwing nakikita mo ako?" biglang nanlaki ang mata at butas ng ilong niya. Deffensive.
"Oo, at pakiramdam ko may bubulusok na bola sa tuwing nasa paligid ka. Nakaka trauma." Napapailing na sagot ko.
"Grabe ang harsh mo naman sa akin Lucky." nagtatampong sagot niya. Ako harsh? Siya anong tawag sa pananakit niya blessings?
"Baka nakalimutan muna yung sinabi ko sayo kahapon?" paalala ko bago ako tumingin sa bandang ibaba niya. Mabilis siyang namula at tinakpan ng bag ang harapan niya.
'Tss.. kalalakeng tao nagba blush. Pero ang cute niya. He he he!'
Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Si Wesley yung tipo ng lalakeng mapapa second look ka. Head turner kumabaga. Chinito, matangkad, maputi at palaging amoy mabango. Medyo payat pero maganda yung tikas ng pangangatawan dahil sa sporty type siya. In other words super hot and boy next door ang aura. No wonder kaya maraming nababaliw sa kanya sa campus. Yun nga lang parang may pagka isip bata, ang sabi nio Andres only child daw si Wesley. Psh! Hindi excuse yun. Baka spoiled brat kamo.
"Hi Wesley!" bati ng dalawang maarteng babaeng nakasalubong namin.
"Hello!" kaway niya at biglang kaming napahinto ng maarteng natumba si ate mabuti at maagap siyang nasalo ng kasama.
'OA amputek pinansin lang nahimatay na? Tae.'
Napangiti lang si Wesley sa nakita. Sabagay, ngitian ka nga lang nito maiihi kana sa kilig. Nalala ko tuloy si Andi, mukhang may tumalo na sa pagiging OA niya.
"Hi Wesley, Good Morning!" bati rin ng mga babae sa bench sa ilalim ng puno. Kumaway din siya bilang tugon at parang sinilihan ang mga pwet ng mga ito nagtilian at nagtatakbo na parang mga timawa.
'Ganyan din siguro ang magiging reaksiyon ko kung si Jack Reid ang masasalubong ko. Ching!'
"Naks, Gwapong gwapo ah." Pang aasar ko sa kanya.
"Gwapo ba?" napakamot siya sa batok bago ngumiti. Napalunok ako ng laway ng mapagmasdan ko ang nakaka ditract na kagwapuhan niya. Hindi ko siya matingnan ng derecho, nagwalwalan ang mga malalanding organs ko sa ngiting yun. Tumagos yun sa atay hanggang sa balun-balunan ko. Napaka effortless para siyang endorser ng isang sikat na toothpaste brand dahil sa killer smile na yun.
"Uhhmm--" agad kong ibinaling sa iba ang mata ko. Juice colored, matutuyo ang bahay bata ko.
"Grabe siya!" hindi makapaniwalang tugon niya.
"Pwede..Pwede.. Gwapo ka naman talaga walang duda." Seryosong sagot ko at tuwang tuwa naman siya.
'Babaw ng kaligayahan nito.'
"Eh bakit may "PWEDE" word pa?" naguguluhang tanong niya. Ugali pa naman nito ang mangulit at kung anong nasa isip isinasatinig niya. Kabaliktaran ng payatot na pinsan niya, hobby ata nun ang magpapakalunod sa pagiging misteryoso niya. Blangko ang itsura at parang palaging hindi interasado sa paligid niya. Madalas pa nga atang madighay yung pusa ko kesa ngumiti siya.
Wait.. Patay na! Kapag malaman na naman ng payatot na yun na magkasama kami susugurin na naman ako nun sigurado.
"Sa akin na lang yun." Saka ako naunang pumasok sa canteen.
"Hoy,antayin mo ko andaya mo, bakit nga sagutin mo?!" habol niya at tumatakbo kasunod ko. Mahirap na mamaya makita pa tayo ng pinsan mo at pag initan na naman ako.
Pagpasok namin parang pinasok din ang mga kelya ng makakating babae sa canteen. Sunod sunod ang tili ng mga belat at mga beklu ng makitang pumasok si Wesley. Tss! Akala mo naman mga keps nila ang pinasok. Hindi naman niya pinansin ang mga ito at mabilis na sumunodsa usual spot namin ni Andres.
"Tabi tayo ahh?" paalam niya bago ilapag ang bag sa ibabaw ng mesa. Yan na naman yung nakakalokong ngiti niya. Why so adorable Ongapauco? Gusto ko siyang panggigilan sa kakyutan niya. Oo tinatablan din ako mga bakla kayo! Kanina pa ako nagpipigil at ayokong ipahalata yun sa kanya. Nginuusuan nga lang ako parang maiihi na ako sa kilig.
"Sige lang para dumagdag kaaway ko." Pabulong na sagot ko. Sigh.
"HI WESLEY" sabay sabay na bati ng mga babaeng dumaan sa harap ng table namin. Lumingon lang siya saglet sa mga ito at muling ibinalik ang atensiyon sa akin. Napakapit ako sa sandalan ng upuan at napapikit ako bigla ng ilapit niya ang mukha sa akin.
"Ako na o-order ng food dito ka lang." natatawang bulong niya. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil halos dalawang pulagada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko yung mint flavor na tooth paste na ginamit niya. Siya yung tipo ng lalakeng kahit pinagpapawisan ang fresh fresh parin tingnan. Nang mag angat ako ng tingin lahat ng mga nasa canteen masama ang tingin sakin.
'Yan na naman yung mga murderuous look nila.'
"Si Andi ba sasabay ba sa atin? Ibibili ko nadin siya ng food ah." sabay kindat at kinuha yung cash card sa bag niya.
"B-Bahala ka na. Nagtext na siya dito na raw siya dederecho sa canteen." nauutal na sagot ko. Kingena hindi ako maka get over sa ginawa niya, pisti!
The weird thing is Wesley reminds me of my ex boyfriend Jasper. Yung kakulitan at pagiging isip bata, yung mga weird manerisms and most of all the way he treated me. He treated my like i'm a lady. And that's actually bother's me. A lot. I don't know but he became more weirder everytime we bump into each other. Everytime na makikita at makaka usap ko siya, he's presence/aura reminds me of him. Si Jasper ang pumapasok sa isip ko sa tuwing kaharap ko siya. Paano ko siya makakalimutan ngayon kung may isang taong magpapaalaala sa akin ng presensiya niya? Sigh.
Dumating si Andi as usual late ang bakla.
"Good Morning, Seshhie!" sabay beso at umupo sa tabi ko.
"Oh, nandito na pala si Andi, tara kaen na tayo." sabay lapag ng tray na may lamang foods. Nanlaki ang mata ni Andi ng makita si Wesley. Hindi ko kasi sinabi sa text na kasama ko siya.
"Maygad, kung ganito parati ang makakasama ko sa umaga aagahan ko ng pumasok araw araw." malanding wika ni Andi.
'Aagahan daw? Di niya nga kayang magpaputi pumasok pa kaya ng maaga? Tch!'
At napangiti naman si Wesley kaya lalong kinilig si Andi.
Inabot niya kay Andi yung plate ng pasta with garlic bread. Nilapag naman niya sa harap niya yung plate ng fried bread na may burger patty. At maingat naman niyang inilapag sa harap ko yung bowl ng umuusok na Lucky Me.
'Ughh my peyborit!'
"L-Lucky Me?" nagtatakang tanong ni Andi.
"Ahh-- Oo pinasadya ko sa kitchen. Specially made for Lucky." natutuwang paliwanag niya kay Andi. 'Luh, nagawa ko na yan nung isang araw. Tss..' Yung mga ganyang pautot niya ang dahilan kung ba't ako na fall noon kay Jasper.
"Hmmm.. pagkatapos ng habol-habulan.. yakap-yakapan... piga-pigaan kahapon...." nanunuksong binitin ni Andi ang sinasabi at saka pinaglipat lipat ang tinginsa amin ni Wesley. "Bahay-bahayan naba ang kasunod niyan?" Pabulong na sabi niya malapit sa mukha namen ni Wesley.
"Hahaha! Loko ka Andi!" Pinamulahan ng mukha si Wesley habang tumatawa.
"Ang sweet sweet mo talaga Wesley.. nakakainggit!" napahawak pa sa matambok niyang mukha si Andres sa kaartehan niya.
"Hindi naman naalala ko lang na ito yung paborito niya." Nahihiyang sagot niya ngunit hindi makatingin ng derecho sa akin.
"Kumaen ka na nga lang dami mong kuda." Talak ko kay Andres bago ako higop ng malakas sa noodles kaya biglang napako sa akin ang tingin nung dalawa.
"Masanay kana.. ganyan talaga yan kumaen kapag gutom na gutom." Paliwanag niya at kumindat pa kay Wesley.
"Buti nalang hindi coffee yung binili ko tulad ng gusto niya."
"Wait! Speaking of coffee sagot ko na ang mga drinks naten!" agad na tumayo si Andres at walang lingunang nagpunta sa counter. Nagsimula kaming kumaen kahit wala pa si Andi.
'Bahala kayo sa buhay niyo basta ako kakaen lang.'
"Bakit mo pala ako inaantay kanina Wesley?" gusto ko lang malaman ang pakay niya. Marahil hindi nga niya alam na pinagbabawalan ako ng pinsan niyang dumikit dikit sa kanya.
"Mag so-sorry lang sana ako.." kinagat kagat niya ang lower lips niya. "You know about what happened yesterday." Saka siya napayuko.
"Mga ilang sorry ba dapat?" sarkastikong sagot ko na ikinabigla naman niya.
"W-What do you m-mean?" Na guilty tuloy ako bigla ng mag shift ang expressions niya. Yung pagpungay ng mga mata niya na parang dinidiktahan akong huwag ko ng ituloy ang anumang iniisip ko.
"Kasi the more na nag so-sorry ka, the more na may lumilipad na bola." at nakita ko kung paano nag untugan ang mga kilay niya. I don't care. Hangga't maaga kailangan maagapan ko na ang mga paparating na problema.
"Nagkataon lang yun at hindi ko naman yun sinasadiya." Depensa niya.
"Yun nga 'e.. magso-sorry ka tapos mangyayari na naman ulet."
"I thought you forgiven me.."
"Sinabi ko naman sayo madali ako magpatawad pero hindi ako madaling makalimot." Papait ng papait ang panlasa ko.
"Kung kailangang araw araw akong mag sorry gagawin ko.. if that what makes you happy." Pursigido ang itsura nito at mababakas ito sa pagkunot ng noo niya.
"Just leave me alone Wesley. That's what makes me happy." Natulala siya ng ilang segundo.
"Sesshie, wag ka namang harsh masiyado kay Wesley." Sabay kaming napalingon ni Wesley. Bitbit ang isang tray nakatayo si Andres ilang dipa mula sa amin. "Nag so-sorry nga yung tao pinapahiya mo pa." Pabagsak niyang inilapag ang tray sa mesa.
"Hindi ko ugaling makipag bolahan Andres." Nagpunas ako ng tissue sa bibig. "Sorry if i'm being brutally honest."
"Its okay Andi kasalanan ko naman talaga in the first place." Napayuko siya sa kinakaen.
"Don't worry next time magdadala na ako ng helmet kapag nasa paligid ka." saka ako muling tumutok sa kinakaen ko.
'Mahirap na baka matiyambahan ulet.'
Natigil sa pagkaen si Wesley at nakangusong naka titig sa akin.
'Bakit totoo naman ah!' Pinandilatan ko siya at para siyang batang iiyak habang sumusubo ng pagkaen.
Kahit kailan talaga isip bata. Hindi na siya nagsalita at tumutok na lang sa kinakaen.
"Wesley.. Uyy..ngingiti na yan." pang aasar ni Andi kay Wesley. Tumuwid lang siya ng upo saka ulet malungkot na kumaen. Wala akong pake kung nakamamatay ang mga tinging ipinupukol ni Andres. Ulo niya kaya ang ipansalag ko sa bola ng ma experience niya ang pakiramdam ko.
Hanggang mapatos kami kumaen hindi na nagbago yung mood ni Wesley. Hindi na rin siya magsiyadong nagkukwento at nangungulet pa. I feel guilty of course pero sa tuwing naaalala ko yung tumamang bola sa ulo ko naiinis talaga ako. Mabuti na yung ganito atleast mababawasan ng isa ang mga alalahanin ko. Humiwalay siya sa amin ni Andi ng hindi man lang ako iniimik.
Sa classroom nilapitan ako ni Andi pagkatapos ng isang group activity. Magkahiwalay kami ng upuan dahil magkaiba kami ng group.
"Tulaley lang teh?" umupo siya sa tapat ko habang inaayos yung mga libro ko.
"Wala may iniisip lang ako.." saka ako tumayo at pinasok ang ibang gamit ko sa bag.
"Matangkad ba yan?"
"Maputi?"
"Chinito?
"Red lips?"
"Medyo payat?"
"Saksakan ng gwapo?" Sunod sunod na paglalarawan niya at isa isang nag flash ang mukha ni Wesley na iba't iba ang expressions. Sing pait ng batok ni Andres ang laway ko.
"Sige ipagsigawan mo pa!" singhal ko sa inis. Ang sarap salpakan ng basahang bilog ng bibig nito.
"Sabihin mo na gi-guilty ka!" nakapamewang na pangungunsensiya niya.
"Oo na, sige ipamukha mo pa.." padabog akong naupo ulet. Kanina niya pa kasi napapansin ang pananahimik ko pagbalik namin ng klase. Hindi rin ako masiyadong nakapag participate sa mga activities kanina. Inukupa ng unggoy na yun ang isip ko. Kapag naaalala ko kasi yung paghaba ng nguso niya at yung lungkot ng mga mata niya nilalamon na ako ng kunsensiya.
'Buset na yun!'
"See? Ikaw naman kasi nagsisisi na nga yung tao dinarag darag mo pa." Inirapan niya ako ng malala. "Kinaganda mo yang pa brutally brutally honest mo na yan." Halos mapayuko ako sa sobrang guilt.
"Bakit wala ba akong karapatan?" nakasimangot na sagot ko. "Kung tutuusin ako nga dapat ang kinakampihan mo." Nagtatampong sagot ko. Palibahasa lalake tapos gwapo kaya yun ang pinanigan niya.
"Seshie wala akong kinakampihan sa inyong dalawa.." hinila niya ang upuan sa tabi ko. "May magagawa pa ba tayo kung talagang magnet ka ng kamalasan? Take it as a blessing seshie, atleast hindi mo na kailangan pang mag effort para mapansin ka ng isang John Wesley Ongapuco."
"E kung yang ulo mo ang ipagamit nating bola masasabi mo parin bang blessing!"
"Charot lang! Ito naman hindi na mabiro." bawi niya kaagad ng makita niya kung gaano ako ka seryoso. "Forgive and you shall be forgiven seshie. Tanggapin nalang natin ng maluwag ang mga bagay na hindi natin hawak. Walang namang may gustong mangyare sayo yun 'di ba? Kaya mag ingat nalang siguro tayo next time." Sabay kaming napabuntonghininga matapos ang mahabang litanya niya.
"A-Andres.."
"Hah?"
"Samahan---"
"MAYGAD! Kanina ko pa inaatay na sabihin mo yan!" hinaltak niya ako sa braso saka tumayo. "Mag sorry ka dun kung kailangan mong maglumuhod sa harap niya gawin mo!" hinila ko ang braso ko pabalik at kinonyatan ko siya sa puyo. "A-ARAYYYYYY!!"
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Sasamahan kita.. Diba yun naman ang gusto mo?"
"O-Oo nga."
"Oh anong inaarte arte mo?"
Lumapit ako at bumulong. "Sa CR ako magpapasama.. natatae kasi ako 'e."
"Pipingerin ko yang wetpaks mo!" pinagsaklop niya ang palad para ipantusok sa akin.
"Oo na! Oo na! Kinakabahan kasi ako... kaya 'ko natatae adik!" natatawang sagot ko.
"Litsi ka! Dami mong paandar!"
"Tara samahan mo ko hanapin naten siya." at saka ko naisip kung saan pala namen siya hahanapin.
"Oh, natahimik ka? Magba-back out na agad sesshie? yan ang hirap eh.."
"Bugak, may sinabi ba ako? Iniisip ko kung saan naten siya hahanapin. Hindi ko alam schedule niya." napayuko sa ako armchair ko. Wala pa man nawawalan na ako ng pag asa.
"No problemo seshhsie." Agad siyang tumayo. "Marlon! seshie, halika may itatanong lang ako daliii!!" Sigaw at tili ni Andi kaya napa angat ako ng ulo.
"Yes mga ses, what can i do for you?" lapit nung baklitang class president namin. Nagtatakang pinaglipat lipat ko ang tingin sa kanila.
"Mamaseh, kailangan ko ng matalas mong pang amoy pagdating sa lalake." sabay lingon sa paligid ni Andi ng classroom na akala mo may hinahanap.
"Push, Ses sinong ipapahanap mo?" very confident na sagot ni Marlon. Sa itsur anito mukhang lumulunok 'to ng lalake. Bagay sila ni Andres pareho silang mga tsismosa.
"Si Wesley Ongpauco.." Seryosong sagot ni Andi. Mahihiya ang Twinkle twinkle little star sa pagkinang ng mga mata ni Marlon.
Pumikit ito habang itinataas ang dalawang kamay na parang mag yo-yoga. Nanginig ang labi at katawan na parang na po-possess ng malanding ispiritu. Maya maya dumilat siya. Tumirik yung mata. Umikot ang eyeballs at may binibigkas na kung anek anek na di ko maitindihang lenggwahe.
Kinilabutan ako bigla ng dumilat siya. Namumula ang magkabilang mata nito at tinitigan kami ni Andres na animo'y hindi niya kami kilala.
'Ano kayang nakikita niya? May nangyari bang masama kay Wesley? Juice colored! Huwag naman po hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa bwesit na yun! Huhuhu!'
Tinitigan niya kami ng seryoso. Itinaas ang kamay na parang maybina vibe sa paligid. Ibinaba ang kamay at kinapa siya sa bulsa niya. Dahan dahan niyang inilabas ang celphone.. Cellphone? Napangiwi ako ng nagpipi-pindot siya sa screen.
"Ahhmmm-- upon checking sa schedule niya today.. Wala na siyang klase at may piano practice siya sa Carlisle Hall ng 4PM." Buong kompyansang sagot niya kay Andi.
'Susmeh, kala ko naman may special powers ang baklang 'to, daming pa suspense na eksena nasa cellphone lang naman pala niya yung sagot. Kaloka!'
"Thanks seshie, maasahan ka talaga." pasasalamat ni Andi at nag beso beso pa.
"Daeng special epeks ni bakla nasa phone niya lang pala yung schedule ni Wesley, sarap pketusan sa noo!" natatawang sabi ko.
"Siyempre dapat may drama muna." at tinapik ako sa balikat. "Diba epektib ang arte niya nag enroll kasi yan sa drama class kahapon."
'Dapat sa horror class siya ngag enroll bagay siya dun tapos audition siya sa The Conjuring Part 4.'
"Tara na baka di naten maabutan ang Lolo mo!" sabay nameng dinampot ang mga gamit namin at sumibat na sa klase.
Dahil may thirty minutes pa kami gumawa muna kame ng assignments ni Andi sa tambayan naming bench sa ilalim ng puno na malapit sa field.
"Sa tingin mo patatawarin kaya tayo nun?" nag aalinlangang tanong ko habang iniikot yung ballpen sa daliri ko.
"Tayo?!? Ikaw kamo. Nandamay kapa. Daragin mo ba naman yung tao pakatapos kang ipag paluto ng Lucky Me."
'Imbyerna to si bakla di man lang talaga ako damayan.'
"E di ako na may kasalanan! Nilibre ka lang ng almusal kinampihan muna." Nakangusong sagot ko sa kanya.
"Hoy! Lucky Shane Torres Gonzaga huwag mo akong inaartehan." Pinandilatan niya ako. "Leave me alone.. leave me alone Wesley... Happy kana at nasabi mo na ang lahat ng gusto?!"
"Andres naman e! Umuwe na nga lang tayo kainis ka e!" naiinis na sagot ko. "Nakita na ngang kinakabahan yung tao e." Nanghihinang ipinatong ko ang ulo ko sa bag at tinitigan ang mga tao sa field.
To be continued...