Chereads / Lucky Me / Chapter 18 - LUCKY EIGHTEEN

Chapter 18 - LUCKY EIGHTEEN

CHAPTER 18

LUCKY'S POV

Papalabas na kami ng class room ng mapansin ni Andi na nalaglag yung phone ko sa upuan. May iniisip lang ako ako kaya hindi ko namalayang nahulog na pala pagtayo ko kanina. Ito na kasi yung last subject namin at gusto ko ng ipahinga ang utak ko. Pakiramdam ko nakunan ako. Charot!

"Sesshhie, wala ka bang sasabihin sakin." May halong tampo pero nangingibabaw yung ispiritu ng pagiging tsismosa sa boses niya. Sa ganung tono alam na alam ko na yung tinutukoy niya.

Mga lalake. Boys, Otoko, otoko bells, shotoko, shotokobells, boylets yan lang naman tumtakbo ang madalas na utak niya 'e. Typical na yun sa aming mga bakla ang pagusapan sila everytime. Sila ang bateryang bumubuhay sa katawan at malaswang isipan namin. Anti stress namin ni Andi'ng pag usapan sila pag may time kami pareho. Dahil kay Andi, pakiramdam ko nagdadalaga ako. Nanumbalik yung dating sigla ko bilang isang normal na teenager at high school beki.

Pero sa pagkakalukot ng matambok na mukhang dinaig niya yung sama at pagdilim ng kalangitan dahil sa namumuong bagyo. May gusto siyang malaman. Hayst!

'Shet na malagket!'

Alin kaya ang uusisain niya ngayon? Hindi daw kasi siya maka move on sa mga kaganapan last week.

Sa dami ng exams this past few days wala na kaming time para mapagkwentuhan ang lahat ng nangyare.

Sa talas ng pakiramdam at memorya ni Andi baka hindi maka kaligtas yung yakapan namin ni Wesley sa field, huling eksena namin ni Jasper sa Trinoma, or yakapan namin ni Kenneth sa hallway ng Carlisle Hall?

'Landi mo Lahhkeeeeyy Sheeeyyyn!'

"Thank you seshie ikaw ang nakakita sa phone ko kanina.." Pangagaya ko sa kanya.

"You're very much welcome sesshhiee ko." Nilampasan niya pa ang sigla ko.

'Tibay nag beautiful eyes pa akala ko sinapian ng ligaw na ispiritu o kaya tinamaan ng ligaw na bala.'

"PLLUUUKKKK!"

"Awraaay! Maka batok ahh!"

"GAGA hindi yun ang gusto kong malaman!" sigaw niya at napalitan ng mataray na itsura.

"Eh ano ba?" Maang maangan ko baka makalusot pa 'e.

"Yung eksena niyo nung EX mong si Jasper sa Trinoma?" akala ko sunog na longganisa ang itinaas niya daliri pala niya. Hehehe! "Yung niyakap ka ni Wesley sa field at kalung-kalungan mo sa loob ng kotse niya." Dumagdag pa ang isang daliri sa pagbibilang niya. "At ang pinakahuli.. yung niyakap mo ang ultimate crush ko na si Kenneth James Ang sa Carlisle Hall." Buti nalang wala na kaming kasabay papalabas ng hallway kundi itutulak ko talaga siya sa hagdanan sa ingay ng bibig niya. Tatalbog naman siya kaya di ako masiyadong magaalala.

'Talas talaga ng memorya ng bakla, Anong gatas mo, MEMO GOLD PLUS?!'

"H-huh? L-lahat yun parang ang landi ko naman ata?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Bakit sa tingin mo hindi ko na sense yun? Huwag mong sabihing walang halong malisya yung paghagod mong yun sa likuran niya Lucky! Jusmiyo gabaang kang bakla ka!"

"Yung bibig mo Andres!" pinandilatan ko siya.

"Tatahimik lang ako kapag may nakuha akong sagot!" lalo niya pang inilakas ang boses niya.

"Okay fine." Saka ko ipinaliwanag ang eksena namin ni Jasper ng ihatid niya ako sa bahay at ang nakakahiyang habulan namin ni Wesley sa field. Mukha namang naniwala siya kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Nung binuksan ni Wesley yung flash light ng cellphone niya nakita ko din ang nakita niya." Walang emosiyong wika niya.

"Sa bagay kahit wala namang ilaw kakampi mo naman ang dilim." Nakangiting sagot ko.

"Kukurutin ko yang kepay mo kapag di kapa umaamin!" inambaan niya ako ng suntok habang naglalakad kami papalabas ng building.

"Anong nakita mo?" maang maangan ko.

"Madilim.. Takot ako sa dilim kaya napaakap ako sa kanya." Mahina at nahihiyang pag amin ko.

"Asuss! Simpling makiri ka rin 'no seshie? Sarap mong isahog sa chopsuey!"

"Walang malisya yun bugak!"

"Letseh! Baka gusto mong ibahagi ang karanasan sa pamamakiyaw mo ng lalake nitong mga nagdaang araw?" kung pamewangan ako parang ang landi landi ko talaga.

"It was extraordinary." Napapailing na sagot ko.

"KKYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!!" Malakas na tili ni Andi kaya tinakpan ko yung bibig niya kaagad.

"Sssshhhhhhh--shhhhh!" Mahinang bulong ko sa kanya saka ko siya hinila papunta sa paborito naming tambayan.

"Ikaw ang mahihiya ang mahabang buhok ni Rapunzel sayo bruha ka." Eksaheradang sagot niya.

"A-ARAYYY!" biglang daing ko sa kanya na parang nasaktan ako ng bongga.

"Ano yun sesshhie?" Gulat na tanong niya na nanlalaki yung mga mata.

"Yung hair ko na aapakan mo Andi!" Maarteng sagot ko.

"Litsi ka! Ikaw na ang may boobs at keps na sinelyuhan ng Hokage ng Konoha at Bayan ng Suna!" At nagtawanan kaming dalawa.

'Yan pati ako nahawa sa ka abnuyan mo!'

Masaya lang kame dahil natapos ang week na ito na puno ng examination at recitation. Yung Volleyball na lang yung natitira para sa PE Classes namin ni Andi.

"Nasabi ba sayo ni Papa Wesley na ako ang nagbigay ng number mo sa kanya?" Kinikilig na kwento niya.

'Sa daldal mo hindi malabo yun!'

"Eh bakit kinikilig ka?"

"E kasi nga, hiningi niya yung number ko noong isang araw habang naglalakad ako sa campus.."

"Di agaw eksena ka na naman?"

"Obkors, take note sesshhie sa harap ng maraming students kaya feeling ko ang ganda ganda ko talaga."

"Ganun ang efek?"

"Oo, dahil never ginawa ng isang Wesley Ongapuco yun sa kahit kanino dito sa campus. Sa nag iisang Andres Bolivar Jr. Lang! BWAHAHAHAHAHA!" Parang baliw na tawa niya.

'Hala, katol pa!'

"Tss, tapos anong nangyari?" inayos ko ang ilang gagamitin ko sa ibabaw ng mesa.

"Siyempre nagpa hard to get ako kunware, pinahabol ko siya. Pakiramdam ko ang puti puti ko na yung tipong walang pores!"

"Buti di ka binato ng umaapoy na mga sibat at pana ng mga dakilang fans niya?" basag ko sa pagde-day dream niya.

"Kaloka, kung nakamamatay nga lang ang masasamang at nagbabagang tingin nila bumulagta at natupok na ako kanina." Sabay hawi ng imaginary hair niya sa balikat.

"Oh, tapos anyareh?"

"Yun binigay ko yung number mo kapalit yung number niya! KYYAAAAHHHHHHHHHH!" naglupasay siya habang nakaupo. Juice meh, inaalala ko baka magbitak bitak yung lupang kinatitirikan ng tambayan namin. Huwag naman po lord!

Di pa nakuntento nag paikot ikot pa sa puno na tinatambayan namin na parang timawa bago huminto sa harap ko. "Pero seshie pansin ko si Papa Kenneth di na masiyadong sumasama.."

"Baka busy sa EX niyang tatlong guhit?" Sagot ko habang binabasa ang text ni Kuya Jiggs.

"Eh ba't parang may bitterness? Namiss mo siya kayakap?" kinikiliti ako sa tagiliran pero hindi ako tumatawa. Iniiisip ko kasi kung anong pasalubong ang gusto ko tinatanong kasi ni Kuya. "Asus! Natulala na miss niya nga."

"Pakyu ka Andres mamaya may makirinig sayo at kuyugin tayong dalawa dito ng mga fans niya."

"Hoy, hindi por que magka birthday kayo eh maagawan mo na ako ng eksena." Pag aasim niya lalo na ang utlimate crush niya ang pinag uusapan.

"Hindi ko siya kinamkam! Nilayasan ka niya, hindi magloloko ang asawa mo kung naging maligaya siya sa pamamamahay mo, remember this, no woman can seduce a happy husband, paghindi mo pa rin maintindihan yan bakit hindi mo sampalin ang sarili mo para matauhan ka!" pamukha ko sa kanya sa isang line ng pelikula.

"Taray, saang movie yan?" taas kilay na tanong niya.

"Asawa ko huwag mong agawin (1986)"

At sabay kaming tumawa ng tumawa. Naupo lang kame para kumain at nagbasa basa sa tambayan pero panay pa din ang kwentuhan.

"TAAAAABBBBB!"

Dahan dahan akong nag angat ng tingin. Ang mga Pink Rangers at sa mesa inilapag ang isang 3x3 na bromide paper.

"WHAT DID I TELL YOU ABOUT HANGING OUT WITH KENNETH?" Mapaklang bungad ni Amber sa amin habang nakatingin kami ni Andi sa puting papel sa mesa.

'Ano naman yan?'

"ANSWER MEEEEHHH!" Gigil na gigil na tanong niya ulet. Napangiwi ako sa dami ng students na kasama niya. Tss para ano para makiusiyoso? Sabagay 10% nga din naman ang audience impact. "YOU! TELL ME ABOUT THIS?" halos ingudngud niya sa akin ang papel na hawak niya.

Tumayo ako at inagaw ko ito sa kanya. Itinaas ko sa araw yung papel baka may lumabas kapag tinapat ko sa liwanag. Walang lumalabas lawayan ko na lang kaya? O Ibabad ko kaya sa tubig yung parang ginagawa sa palabunutan ng sisiw o itik na inalalako sa mga kariton sa harap ng mga public school?

Wala kong maisip kaya sinagot ko nalang yung tanong niya habang hawak ko yung papel na dala niya.

"Its a Bromide paper, a sensitized paper coated with an emulsion layer composed chiefly of silver bromide suspended in gelatin—used in photography for enlargements or contact prints."

"I KNOW IDIOT! DO YOU THINK I'M STUPID LIKE YOU?" Naka pamewang na sagot niya sa akin.

"Yes you're stupid." Casual sagot ko sa kanya at hinawakan ako ni Andi sa braso.

"Do you think you're funny?"

"Sinagot ko lang yung tanong mo Barbie ano pang problema mo? Diba yun naman ang kailangan mo?" At saka ko hinagis yung papel pabalik sa kanya.

Nagulat siya ng makitang blank yung papel na nilapag niya kanina at sinigawan yung Karen na alalay niya.

'Pagpo pompyangin ko kaya mga to!'

"BWAHAHAHAHA HAHAHAHA!"

Tawanan ng mga students na naka palibot samin.

"TAMA NAMAN SIYA BROMIDE PAPER YAN."

"BAKA ASSIGNMENT NILA AMBER?"

"DI NIYA ALAM KUNG ANO YAN? HALA!"

"ANO BA YUN BAKIT BLANK?"

'Tibay ng mga tsismosang to dito pa nagbalitaktakan.'

"AKALA NIYO BA HINDI KO MALALAMAN ANG PAGLALANDING GINAGAWA NIYONG DALAWA?"

Sabay ibinato yung isa pang papel sa mesa. PICTURE namin nila Wesley, Kenneth at Andi sa Hugot Cafe.

'Yan ang tunay ebidins! Paano siya nagkaroon niyan? In-upload ba nila? Putek!'

"KAYONG MGA BAKLA KAYO MGA SALOT KAYO SA SCHOOL NA'TO. PINAGBIGYAN KO LANG KAYO NOONG UNA UMABUSO NAMAN ATA KAYO NGAYON?" Galit at malakas na sigaw ni Amber habang nakaturo sa aming dalawa.

"Dahan dahan sa pananalita Amber."

"I DON'T FUCKING CARE!" sigaw niya ulet.

"TUMATALSIK LAWAY MO!" mas malakas sigaw ko. Narinig kong nagnatawan ang ilang nakiki usiyoso.

"ANO FEELING NIYO PAPATULAN NILA KAYONG DALAWA? GISING GISING DIN KAYO SA KATOTOHANAN HOY!"

"Napadaan lang sila----"

"WHO CARE'S FAG! MY RULES APPLIES TO EVERYONE, TO ANYONE, ANYTIME, ANYWHERE." biglang sabat niya ng di pinapatapos si Andi.

'Taray pagmamay ari niya?'

"I DONT WANT TO SEE BOTH OF YOUR FACES IN MY SCHOOL STARTING TOMORROW."

"Bakit naman kita susundin? Ikaw ba nagbabayad ng tuition fee ko?" pabalang na sagot ko.

Lumapit siya sa akin at may panguya nguya pa siya ng tsiklet.

"I'M THE OWNER OF CARLISLE ACADEMY FAGGOT!" sabay tulak niya sa noo ko gamit ang hintuturo niya.

'Isang kanti pa titilapon ka sa field!'

"Who care's, do I? Step Dad mo lang ang may ari. Legal na anak ka ba niya--"

"PPAAAAAAKKKKKK!"

Mabilis lumipad ang palad ni Amber sa kaliwang pisngi ko. Biglang namanhid at nanakit yung panga ko sa pagkaka sampal niya. Naglasang kalawang ang laway ko. Kingena, buto ba naman niya ang tumama sa panga ko eh. Parang maluluha ako sa sobrang pagpipigil ng galit. Tila may nagrarambulan sa loob ng katawan ko at kating kati akong umbagin siya.

Kaso kapag ginantihan ko siya kahit saang anggulo tingnan talo ako. Lalake pa din ako at babae siya.

Idadahilan lang nila na mas malakas ako kesa sa kanya. Kaya wala akong magawa para patulan siya.

Sila ang may ari ng Carlisle Academy. Guidance Councilor lang ang Nanay ko na empleyado nila.

Anong laban namin ni Andi sa kanya?

"OH THAT'S FUCKIN HARD!"

"OMG BAKIT NIYA PA SINABI YUN?"

"NOW THEIR DEAD!"

"KICK OUT YAN FOR SURE BUKAS."

"SI AMBER PA TALAGA KINALABAN NILA. HAHAHA"

"Tama na Amber aalis na nga kame 'e." Mangiyak ngiyak na awat ni Andi.

"SA SUSUNOD NA MARINIG KO PA YAN GALING SA MABAHO MONG BIBIG HINDI LANG--"

"BAKIT LEGAL NA ANAK KA BA NIYA? NAKAPANGALAN NA BA SAYO ANG SCHOOL NA 'TO? HINDI NAMAN DIBA?" nanggigigil na putol ko sa sinasabi niya at mabilis na lumipad ulet ang kamay niya. Dahil manhid na ang pisngi ko hindi ko na masiyadong ramdam yung sakit.

Idinura ko sa harap niya yung naipong laway na may halong dugo sa bibig ko. Nag atrasan sila bigla at mukhang nanditi sa ginawa ko. Sa mukha niya sana kaso nanghihinayang ako, masiyadong banal ang laway ko. Atleast sa inaapakan nilang damo masisipsip pa ng lupa ang laway ko.

"Last na yan Barbie sa susunod magsisisi kana." Pilit kong nilalabanan na wag magdilim ang paningin ko. Kating kati ang palad kong pagbuhulin silang tatlo saka ko ipapatawag si Doktor Kwak Kwak.

"Well ito pa oh!" Muling umangat ang kamay niya pero mabilis ko naman itong nasalo. Hindi ko alam kung kaninong kamay ang nanginginig. Basta ako nanginginig ang kalamnan ko sa kanya.

"Sa susunod na tumama pa yan sa pisngi ko. Isa isa kong ipapadala yang kamay at daliri mo sa bahay niyo via LBC hangga't di ako nagiging masaya!" Malinaw at madiing banta ko sa kanya para lalong maintindihan niya saka ko pabatong binitawan ang kamay niya papalayo.

"YOU'RE NOTHING BUT A SECOND RATE TRYING HARD COPY CAT" nanginginig ang mga daliring duro niya sa akin.

'Lakas ng loob magbitaw ng linya, ikaw original teh?'

"Oh, may nakalimutan ka pa.." dinampot ko ang binili kong Gatorade sa mesa at ibinuhos ko sa mukha ng mga katabi niya. Kay Karen at Jhorica.

O_O Karen at Jhorica.

Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Namumula naman sa galit si Amber dahil buong akala niya sa mukha niya tatama yung Gatorade.

"WALA TALAGANG KATULAD ANG KAHAMBUGAN MO 'NO BAKLA? ANONG IPINAGMAMALAKI MO YUNG NANAY MONG GUIDANCE COUNCILOR? SA TINGIN MO MATATAKOT AKO SA KANYA?"

"Huwag kang matakot sa Nanay ko Amber. Sa akin ka matakot." Turo ko sa sarili ko. "Sa payat mong yan pwede kitang iwasiwas kung saang direksiyong gusto ko." Mas mayabang na sagot ko. Ganito lang naman nilalabanan ang mga bully na babae. More Kuda! More Fun lang naman ang kaya nilang gawin.

"NAIINTINDIHAN KO HINDI MO PA PALA TALAGA AKO LUBUSANG KILALA DAHIL BAGO KA. HUWAG KANG MAG ALALA MARAMI NAMANG PUBLIC SCHOOL DIYAN NA PWEDENG TUMANGGAP SA MGA SALOT NA BAKLANG KAGAYA NIYO KAPAG NA KICK OUT KAYONG DALAWA E." Nanggagalaiting insulto niya sa amin ni Andi.

"Oo naman marami pa talaga, pero sayo mukhang wala na...Pero may kilala akong Mental sa Mandaluyong na tatanggap ng mga kagaya mo. Ano REFER ba kita?" pambabara ko sa kanya.

"BWAHAHAHAHHA"

"AHAHAHAHA HAHAHA"

"HAHAHAHA HAHAHAHA"

"LAUGH TRIP YUN PUCHA!"

Sabay sabay na tawanan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin at tinitigan ng masama isa isa ni Amber ang mga nakita niyang tumawa at nanahimik sila bigla. Sige tawa pa ng sabay sabay tayong mawala sa academy. Nyeta!

"ANO PANG INAANTAY NIYO, PASKO?" sigaw ni Jhorica.

"UMALIS NA KAYO MGA BAKLANG SALOT!" sabat din nung Karen.

"KAILANGAN SUMISIGAW?!" singhal ni Andres. "MGA BAKLANG TWAHH!" muntik pa akong matawa ng dinampot ni Andres ang bag niya sa ibabaw ng mesa. Naalala ko kasi yung matandang baklang naggugupit sa akin sa suki kong Parlor sa Banawe.

"THAT'S RIGHT FAGGOT! YOU'RE RACE DOESN'T BELONG HERE--"

"AMBER STOP IT!" Malakas at mautoridad na utos ni Wesley na biglang sumulpot sa kumpulan ng mga tsimosang estudyante. Natigilan si Amber at masamang tumitig kay Wesley.

Lumapit si Wesley at tiim bagang na sinipat ang mukha ko.

"Who gave you the right to hurt my friend?" Mayabang na tanong ni Wesley na ikinagulat ko.

'Huwag ka ng sumingit boi baka masampal ka din masakit ano kaba!'

"Huwag kang makialam Wesley hindi ka kasali dito." Sigaw ni Amber kay Wesley na hindi man lang natinag sa kinatatayuan niya.

"Eh ano to?"sabay dampot ng picture na nasa mesa. "Ako yan diba?" Sarkastikong sagot niya.

"Huwag mong isali ang sarili mo dahil hindi ikaw ang issue dito, kaya umalis ka sa harap ko."

"Kayo ang umalis dito kung ayaw mong pag sasampalin ko din yang mga kaibigan mo gaya ng ginawa mo sa kaibigan ko." banta ni Wesley at biglang natakot yung mga kasama ni Amber at nagtago sa likod niya.

"Ang lakas din naman ng loob mo. Bakit sino ka ba sa tingin mo?" Mas mayabang na sagot ni Amber.

"Bakit ikaw sino ka din ba sa akala mo? EX ka lang din naman ng pinsan ko di ba? Kung may problema kayo huwag mong idamay ang mga kaibigan ko dahil ako ang makakabangga mo." Napipikong sagot ni Wesley.

"Wesley, what's going on here?" Nag aalala lang tanong ni Kenneth at gumitna sa pinsan niya at kay Amber. Agad nagsalubong ang kilay niya ng makita ako.

"What happened to you?" hinawakan niya ang baba ko at napapikit ako ng dumikit ang daliri niya sa dulo ng labi ko.

"Why don't you ask your FREAK EX-GIRLFRIEND!" Masungit na sagot ni Wesley sabay hila sa akin papalayo sa kanila.

WESLEY'S POV

"Wesley stop." biglang hila ni Lucky sa kamay niya kaya napahinto ako sa paglakad.

"Saan ba tayo pupunta?" biglang nagsalita si Andi na nasa likod pala ni Lucky at hindi ko napansin.

"Sa Clinic para mabigyan siya ng first aid." Hinihingal na sagot ko sa kanilang dalawa.

'Saan ba dapat?'

"Dun ang clinic oh, lumagpas ka!" turo niya sa pinanggalinagn namin kanina. "Okay ka lang ba, parang ikaw yung nasampal ah." Natatawang sagot ni Lucky sa akin.

'Nakuha pa niyang magbiro ngayon sa lagay na yan.' Tsk tsk tsk!'

"Di balik tayo doon. Wala namang problema." Sabay hila sa kamay niya pero biglang binawi niya.

"I'm okay Wesley." Tinapik niya ako sa balikat habang nakangiti.

"You don't look okay Lucky." nag aalalang sagot ko. "Your face starting to swell." Hinawakan ko siya sa pisngi at napangiwi siya. "See, what i mean? Lets go.."

"Huwag doon baka makarating sa Nanay ko malalagot ako lalo." nag aalinlangang sagot niya.

"E paano natin gagamutin yan?" Si Andi.

"Sa bahay na nandun naman si Tita Jack." Sagot niya kay Andi.

'Di siya takot sa Tita niya? Eh kung isumbong siya nun sa nanay niya?'

"Wesley salamat pala kanina kundi ka dumating baka nagkarambulan na 'tong si Lucky at Amber." Natatawang baling ni Andi sa akin at nakangiti namang lumapit si Lucky kay Andi para kunin ang bag niya.

"T-teka teka baka pwede baka namang sumama?" Nahihiyang tanong ko at nagtinginan lang silang magkaibigan.

"Wala ka na bang klase or practice? Kasi kame uwian na napatambay lang kame dun para magpahinga kaso minalas pa." Natatawang paliwanag niya.

'Ang weird nito parang hindi nasaktan dun kanina.'

"W-Wala na akong klase naisip ko lang talaga kayong daanan dun kanina." Sagot ko at muli na namang nag flash sa utak ko ang kaganapan kanina. Ang totoo pinuntahan ko sila sa classroom nila kanina. Sinabi lang ng isang classmate nila na narinig niyang sa canteen ang punta nila Lucky. Naisip ko lang by instinct na hindi sila tatambay dun kaya dumercho ako sa madalas nilang tambayan sa malapit sa field.

And so there. Nang makita ko ang pamumula ng mukha niya at sa narinig kong bulungbulungan na pinagbuhatan siya ng kamay ni Amber parang puputok ang batok ko sa init ng ulo ko.

"Tara para ipakilala kita kay Muning! Matutuwa yun sigurado kasi may bago na siyang Facebook friend. He he he!" basag ni Lucky sa malalim na pag iisip ko. Nakakatuwa lang dahil kahit na anong pagdaanan niya nakukuha niya paring tumawa.

'Wi-wirdo niyo!'

"May kotse akong dala. Sumabay na kayo sa akin kung okay lang sa inyo." Pagmamagandang loob na alok ko pumayag naman sila. Sa isang banda hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi sa gusto kong magyabang sa kanila pero naalala ko kasi last time hangang hanga sila sa ganda ng kotse ng pinsan ko. Gusto ko lang ipakitang mas maganda ang taste ko pagdating sa sasakyan kesa sa pinsan ko. Tch!

Sandali lang kaming nag stay sa school dahil tinawagan pa ni Andi yung driver niya na hindi na siya magpapasundo sa school. Tahimik lang kaming tatlo habang nagba biyahe papunta sa bahay nila Lucky. Nahihiya ako magtanong o pag usapan ang nangyari kanina. Basta ang mahalaga masaya akong kasama siya ngayon sa loob ng kotse ko at makakapunta ako ngayon sa bahay nila.

Isang three storey house ang bahay nila, ilang kanto mula sa computer shop at sa resto cafe.

"Pasok kayo sa loob walang entrance fee ride all you can." Yakag ni Lucky sa amin ni Andi at para kaming mga batang nagtulakan paglapit namin sa pinto.

Pagpasok namin ng living room nila, sumalubong kaagad ang nakaka relax na amoy apple cinnamon scent sa hangin galing sa loob. Malaki at maliwalas ang living room nila. Very homey, simple at nakaka relax ang ambience dahil sa puting kulay ng wall. May dalawang magkatapat mahabang beige na couch at may glass center table. Sa magkabilang gilid may tatlong malalambot gray sofa chair na kahit hindi ko pa nauupuan alam kong sobrang labot niya.

Sa wall naka kabit ang 65 inches black Samsung Smart TV nila. At ang nakaagaw ng attention ko ay ang mga baby pictures na naka display sa paligid ng living room.

Ang cute cute at halos walang pinagbago ang itsura niya. Mukha pala talagang siyang girl kahit noon pa. Pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang isang black and white na face off picture niya. Si Lucky na mukhang apat o limang taon at ang present na itsura niya. May naisip ako biglang magandang idea kaya napangiti ako.

"Hoy, anong ginagawa mo at pangiti ngiti ka diyan?" mabilis kong isinuksok sa bulsa ko ang phone ko ng sumulpot si Lucky sa tabi ko.

"Ang cute cute mo kasi sa mga baby pictures mo." Natatawang alibi ko sa kanya.

"Ikaw ba naman ang gawing girl noong bata ka sinong hindi magiging cute. He he he!"

"Parang hindi nga nagbago yung itsura mo eh, tingnan mo to.." inakbayan ko siya at sabay kaming yumuko sa black and white picture na gustong gusto ko.

"Mas cute ka pa din for me wag ka mag alala." nangaasar na sagot niya na ikinabigla ko kaya natawa kame pareho.

'Oii cute daw ako!'

"Talaga?" nanunuksong sagot ko at hinampas niya lang ako sa braso.

"Oo naman ikaw ang pinaka cute sa buong campus promise." at hindi ko mapigil ang sarili kong kurutin siya sa magkabilang pisngi.

"L-Lu?" sabay kaming lumingon ni Lucky ng may nagsalita sa likuran namin.

'Lu? Yung ba nickname ni Lucky?'

"Tita Jack." Humalik siya sa pisngi nito. "Si Andi naalala mo pa? Ito naman si Wesley." Pakilala sa akin ni Lucky.

"Hi Tita Jack, kamusta?" unang lumapit si Andi at nagmano sa tinawag niyang Tita Jack. Sumunod ako at ginaya ko si Andi.

"Mga batang 'to pinatatanda ako!" komento ni Tita Jack sa pagmamano namin.

'Tita Jack eh 'bat mukang lalake?'

About 5'5 ang height niya. Maputi at maganda ang katawan na halatang regular na nagpupunta sa gym. Flat chested. Gupit na pang lalake at boses lalake siya. Hindi siya mapagkakamalang babae dahil mukha siyang lalakeng lalake. Pero bakit Tita Jack?!

'What the eff! Paanong nangyari yun? Ang weird naman ng family niya. L '

"Kamusta ang school may project ba--" di niya natapos yung sasabihin nung makita ang namumulang mukha ni Lucky.

'Oh men!'

"Oh?! Bakit may bangas yang magandang mukha mo anak?" Gulat na tanong ng Tita niya. Hinawakan siya sa panga at nag uuntugan ang kilay nito habang tinititigang mabuti ang mukha ni Lucky.

"Nasampal lang sa school. Alam muna Tita typical high school drama." Casual na sagot ni Lucky na parang normal lang ang nangyari kanina.

"Lumaban ka ba? Bakit pa nagpapasampal kang bata ka. Hindi kita inalagaan at pinalaki para saktan ng iba Lucky Shane!" Salubong ang kilay ng Tita Jack niya at hinampas siya sa pwetan.

"Tita Jack, diba nga nangako na ako kay nanay na hindi ako papasok sa kahit na anong gulo." Palusot niya at natatawang kinamot ang likuran.

"Para saan pa ang mga natutunan mo sa mixed martial arts kung magpapa api ka lang ng ganyan Lucky?"

'M-M-Marunon siyang mag martial arts?'

"Babae yun Tita Jack, kapag hinampas ko yun sa batok baka ma coma yun bigla. Tss!" mayabang na sagot ni Lucky. Mukhang nagulat din si Andi sa usapan nila dahil kagaya ko nagpalipat lipat lang ang tingin namin sa kanilang dalawa.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit nasampal ang pamangkin ko?" napaatras ako sa takot. Si Tita Jack yung tipong hindi mapaligoy na tao. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana ng angas itong isa.

"H-Hindi po T-tita Jack. Umawat lang po ako nung nakita kong nagkakagulo sila kanina." kinakabahang paliwanag ko at napayuko.

"Lalake na naman ba ang dahilan kung bakit nagka ganyan ka?"

'Lalake na naman? So hindi pala ito unang pagkakataong nangyari 'to kay Lucky?'

Kinuwento ni Andi kay Tita Jack ang buong detalye nung nangyari kanina sa school hanggang doon sa pag awat ko sa kanila. Umalis naman si Lucky para kumuha ng cold compress sa kitchen nila pero bumalik naman agad at tumabi sa akin sa upuan.

"Anak, kung sasampalin ka umilag ka naman. Huwag salu ng salo, wala ka sa pelikula o teleserye. Kapag sinampal ka, sapakin mo naman yun ang madalas ginagawa ng mga bida." Hindi ko alam kung seryoso yun o biro dahil natatawa pa ito sa pamangkin habang nagpapayo.

'Ang cool naman ng Tita niya. He he'

"Masiyadong mataas ang kalaban Tita. Step father ni Barbie ang may ari ng Carlisle."

"Ganun talaga sa pelikula laging bigtime ang mga kontrabida. Pero wag kang mag alala dahil sa huli laging panalo ang bida." Umiling iling ito. Mukha talaga siyang lalake sa kahit anong anggulo. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya ng palihim kapag magkausap sila ni Lucky. Ang astig nila!

"Tita huwag mong i-spluk kay Nanay na nasampal ako ah." Nakangusong wika ni Lucky.

'Anong spluk?'

"Andi ano yung spluk?" mahinang bulong ko kay Andi na abala sa phone niya.

"Ispluk in gay lingo means don't tell anyone about it." Natatawang sagot niya sa akin.

Shit! Baka isipin niya nag aaral akong mag Gay Lingo!

"Pagbibigyan kita ngayon pero kapag naulet pa yan. Kesyo anak pa siya ng may ari o anak ng kung sinong Poncio Pilato babaliin ko ang buto niya!" at hinawakan si Lucky sa mukha. "Hindi ako nagpakapuyat alagaan at palakihin ka para maltratuhin ng ibang tao." Natatawa namang umakap naman si Lucky sa Tita Jack niya.

Nag ba-vibrate yung phone ko sa bulsa. Si Kenneth tumatawag.

"Excuse me po sagutin ko lang po yung tawag." Tumango naman si Tita Jack saka naman ako tumayo at lumapit sa bintana.

"Hey.." Malamyang sagot ko sa kanya.

"Asan kayo at bakit bigla kayong nawala sa school?"

"Nandito kami sa bahay nila Lucky ayaw niya magpunta ng clinic baka raw may makakita at isumbong siya sa nanay tungkol sa nangyari kanina." Pabulong na sagot ko para hindi nila marinig.

"I see. Is he okay?" bakas ang pag aalala sa tono ng boses niya.

"Have you talk to Amber?" may bahid ng pagkainis na sagot ko.

"Yeah. Pag alis niyo kanina."

"Di ba sinabi ko naman sayo kung ipo-post mo yun gawin mong private?" hindi ko mapigilang sermonan siya.

"I'm sorry okay?! Wala namang may gustong mangyari 'to diba?" sa ikli ng pasensiya niya alam kung una siyang mapipikon. "Hindi ko naman alam na mahahalo yun sa mga inupload kong pictures kanina kundi pa napansin ni Bryan kaya nga binura ko agad ng malaman ko."

"Yeah but its too late bro. Kasing bilis ata ng screen shot yang ex girlfriend mo e."

"Bakit ba ako ang inaaway mo? Baka nakakalimutan mong ako ang pinsan mo?!"

"Okay fine! Pero ayoko ng maulet yun dahil kawawa ang mga kaibigan ko."

"I'll talk to her again." Matipid na sagot niya.

"Sorry bro kung nagkasagutan ni Amber kanina. Nainis lang ako sa ginawa niya sa dalawa eh."

"Ako ang dapat mag sorry Wesley, nadadamay ang mga kaibigan mo dahil sakin." Nakunsensiya tuloy ako bigla dahil siya ang sinisisi ko.

"We're fine now. But bro you should've settled everything with Amber from now on. Wala na kasi minsan sa lugar eh."

"I will.."

" I don't want my friends to get expelled because of her stupid reasons." I don't wanna sound rude to him pero unti unting inuubos ni Amber ang pasensiya ko

'Sorry bro. Sigh'.

"Don't worry, i'll talk to her again. Please tell them i'm sorry. Bye." at binabaan niya na ako ng line.

Alam ko naiipit lang si Kenneth sa gulong ginagawa ni Amber. Hindi kasi ito ang unang insidenteng

nang away si Amber ng students at na expelled dahil sa padikit dikit nila kay Kenneth. Pero hindi naman sila Lucky ang dumidikit kay Kenneth. Kaming magpinsan ang dumidikit sa kanila, well actually ako lang naman talaga.

Bumalik na ulit ako sa sala.

"Si Kenneth, tsinek lang kung okay ka, sorry daw pala." saka ako umupo at nakita kong may juice at cake na sa center table. Pag upo ko inabutan ako ni Lucky ng cake at kumaen habang nakikinig sa kanila.

"Boyfriend ka ba ni Lucky?" Bigla akong nasamid sa tanong ni Tita Jack at mabilis naman akong inabutan ni Lucky ng juice.

"Tita Jack!" umikot ang mata ni Lucky at tumawa naman si Andi.

"H-Hindi pa po..i-i mean hindi po Tita Jack." Nauutal na sagot ko. Ano ba 'tong sinasabi ko. Kainis!

"Tita Jack ano ka ba pinapahiya mo naman ako 'e." nakangusong sabat ni Lucky at natawa lang yung Tita niya.

"Bakit niyo naman po natanong Tita Jack, bagay ba sila?" napapangiting tanong ni Andi kay Tita Jack.

"Wala, naalala ko lang yung huling lalaking sinama niya dito at ipinakilala naging asawa niya." Tuloy tuloy na sagot ni Tita Jack.

"WHAAATT, ASAWA?" gulat at magkasabay naming tanong ni Andi. Dismayadong napasandal si Lucky sa couch.

"Joke lang. Kayo naman di na kayo mabiro ang gwapo gwapo kasi ng bata 'to." tatawa-tawang sagot nito at parang nadulas sa kung anong sinabi niya kanina.

"Thank you po." At napakamot ako ng ulo.Sanay na akong masabihan ng gwapo, pogi o cute ng mga girls sa school. Pero ang weird ng feeling kapag galing kay Tita Jack.

"Ahh akala ko dyowa muna 'tong pamangkin ko e. Sayang bagay pa naman kayo. He he he!" ilang ulet akong napalunok sa narinig. Napansin kong nagulat din si Lucky sa sinabi ng Tita niya kanina. Bigla kasi siyang namutla at mukhang hindi niya inaasahan yun.

"Magkaibigan lang po kami ni Lucky, Tita Jack." Naiilang na sagot ko kahit ang lingunin si Lucky hindi ko magawa dala ng hiya.

"Siya ang future boyfriend ko Tita Jack, pasado na ba?" singit ni Andi kaya natawa kami ni Lucky sa biro niya.

"Masasaktan ka lang Andi." seryosong sagot ni Tita Jack kay Andi. Huh? Bakit naman niya nasabi yun?

"Mukhang malaki yan hindi mo kakayanin." sabay nguso sa direksiyon ko at umiling.

Kinabahan ako bigla.

'Anong malaki kaya ang pinag uusapan nila?'

Biglang napairap si Lucky sa pinag uusapan ng dalawa.

"Talaga Tita Jack? Keribels lang Tita kakayanin ko lahat para kay Wesley." Buong kompyansang sagot ni Andi kay Tita Jack.

"A-Anong malaki T-Tita?" nauutal na tanong ko at nagtama ang paningin namin ni Lucky at nagkibit balikat siya.

"Oo Andi malaki, MALAKE ang kamao niya kaya kapag dyinombag ka siguradong mako-comatose ka."

"T-Tita Jack naman e!"

"BWAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Tita Jack at bigla nading natawa si Lucky habang sapo ang pisngi niyang namumula pa. Hindi ko nadin napigil kaya tumawa na din ako ng malakas.

"Grabe ka Tita Jack, akala ko naman full support kana sakin." si Andi

"Seryoso ako Andi. Kung magmamahal ka dun na sa di masiyadong pogi pero mahal ka. Diba Lucky?" makahulugang sabi ng Tita niya na mukhang Tito. "Ang pisikal na itsura kumukupas yan habang nagtatagal pero ang totoong nagmamahalan nadagdagan lang yan habang tumatagal. "

'Wow.'

"Tss! Dinamay pa ako." Singhal ni Lucky sa tabi ko.

"Masakit talaga siya. You should learn from Lucky's experience."

"Tita Jack tama na wala silang idea dun." seryosong sagot ni Lucky at saka tumuwid ng upo.

"Sorry Lucky akala ko kasi alam na nila." Hinging paumanhin ni Tita Jack.

"Its okay Tita plano ko din namang sabihin yun sa kanila. Saka na kapag handa na siguro ako."

'AKWARD. Ano kaya yun na ku-curious sa ako gusto ko ng malaman ngayon. Kainis!'

"Iwan ko muna kayo magluluto lang ako at dito na kayo maghapunan ah." Biglang tumayo si Tita Jack at tinapik sa balikat si Lucky.

"Sige po." Magalang na sagot ko.

"Sige po Tita Jack. Salamat din pala sa meryenda." sagot ni Andi at lumipat siya ng upuan kaya napagitnaan namin si Lucky. "Hoy sesshhie. Okay ka lang. Cheer up!"

"Masakit pa ba yung pisngi mo?" Nag aalalang tanong ko naman sa kanya.

"Hindi na, okay na sanay naman akong tumanggap nito noon pa. He he he!" pabiro pero may lamang sagot niya.

"Seshie umamin ka nga dati ka bang maton at ngayon retokada ka na?!" Seryosong tanong ni Andi at muntik na akong matawa.

"Eh kung chani-in ko yang tinga mo isa isa? Maton agad diba pwedeng kargador muna." napapangiting sagot niya kay Andi. Weird talaga ng mga bakla/tomboy. Ang dali dali nilang magpapalit palit ng emosyon sa pagitan lang ng ilang segundo. Mamaya malungkot tas biglang sasaya. Hayst!

"Oh ikaw ano na naman ine-imagine mo? Baka naman iniisip mo naman dati akong beauty queen?" sabay ikot ng dalawang mata niya.

"Wala na curious lang ako doon sa sinabi ni Tita Jack kanina. No worries hindi naman kita kukulitin para sabihin mo sa amin ni Andi."

"Saka na, kapag malaman niyo kasi ngayon hindi na masaya." inayos niya plato sa mesa at kumuha ng drink.

"Siguro nag pakasal kayo ni Jasper noh?" nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni Andi. Magpakasal? Allowed na ba ang sex marriage dito sa Pilipinas?

"Wow, babae ako Andres? Tatag naman niyang imagination mo." pabalang sa sagot niya.

"Mamateeeeyyy?!" palabang sagot ni Andi.

'Anong mamatey? Mamatay ba? Ahhh..'

"Makiramay ka pa..." nginiwian lang niya ng nguso si Andi.

"Sabi nga pala ni Kenneth nakausap na daw niya si Amber kanina." Singit ko at agad nagsalubong yung kilaw nung dalawa pag ka banggit ko ng pangalan ni Amber.

'Patay ka, daldal mo kasi 'e.'

"Wala akong panahong patulan pa yung abnuyan niya. Busy kami ni Andi sa mga school works."

"Tomooh, kababaeng tao insekyurada. Siya tong may kepay at boobs siya pa yung galit. Kaming mga beklu waley ng mga nabanggit pinag initan ba namin siya?!" Sa bilis ng pagsasalita ni Andi halos wala akong naintinhan sa sinabi niya.

"Yan mag maasim ka ngayon dahil wala siya.. kanina tulaley ka lang." At tinitigan siya ni Andi ng masama.

"Ito naman parang others! Alam mo namang nabokot ako na baka ipa-showag ang parents ko." Napapasimangot na paliwanag niya. "Siguradong ipapatapon nila ako sa malayong isla sa Samar!"

"Saan niya ba kasi nakuha yung picture na yun? Naka ikaw ang nag post!?" para akong sinakal sa tanong ni Lucky. Gusto kong aminin ang totoo pero ayokong magalit naman sila sa pinsan ko. Hindi naman madadamay si Kenneth kung di ko siya pinilit sumama sa akin para makabawi ako kay Lucky nung una palang.

"Hindi galing sa akin ahh, close ba kami nun para i-share ko sa kanya." Mariing tanggi ni Andi.

"Huwag na kayong mag alala everything will be just fine. I'm always here to back you uo guys as i promise." To be honest I don't know if i sound convincing. But God knows i will try to protect the from my cousins ex girlfriend.

"Oh bunso may bisita ka pala?" Nagulat kaming tatlo at napalingon ng biglang pumasok yung kuya ni Lucky. Namukhaan ko siya agad dahil hinatid niya noong isang araw si Lucky sa school. Ang masama pa napagkamalan kong ex boyfriend niya. Stupid me!

"Mga friends ko sa school. Si Wesley at Andi." Pormal na pakilala niya pero nakataas ang isang kilay niya sa kapatid.

"Nice meeting you guys." Lumapit ito at nakangiting kinamayan kami ni Andi. Pero si Andi ayaw bumitaw sa kamay ng kuya ni Lucky.

"Andres, yung kamay ni kuya bitawan muna baka ma take home mo pa." Natatawang sabi ni Lucky at siniko si Andi sa tagiliran.

"OMGeeehh, ang gwapo gwapo gwapo mo pala kuya Jiggs." Kilig na kilig si Andi habang hawak pa din ang kamay.

"Ahh ganun ba. Sakto lang." nahihiyang sagot niya.

"Sige i-uwe mo nalang pala yan para maging matiwasay ang buhay ko!" at nginiwian siya ng labi ng kapatid.

"Boyfriend mo?" Tanong niya kay Lucky habang nakanguso sa direksiyon ko.

'Twice na akong napagkakamalang boyfriend niya ah. Tch! Bagay siguro kami kaya lagi kaming napapansin. Hehehe!'

*ERASE

*ERASE

*ERASE

"Boyfriend agad 'di ba pwedeng schoolmates muna?" masungit na sagot niya sa kapatid. I remember Kenneth and her sister. Ganyang ganyan sila mag usap akala mo palaging nag aaway.

"Biro lang masiyado kang seryoso mamaya pumangit ka niyan sige ka." Natatawang biro nito.

"Ikaw kuya Jiggs may girlfriend ka na?" Excited na tanong ni Andi.

"Wala pa. Wala kasing pumapasa kay Lucky eh." Sabay tawa niya.

"Walang papasa eh wala ka namang pinakikilala." Parati nalang siyang pabalang kung sumagot. Hindi man lang niya gayahin si Andi na mahinhin makipag usap.

"Ayoko lang mag selos ka kaya huwag muna siguro."

"Tseh! Umakyat ka na nga dun, abala ka pa dito!" taboy niya sa kapatid at inakap siya ng mahigpit.

"Bitawan mo ko hindi ko gusto ang amoy ng pabango mo!" singhal ni Lucky at hinalikan siya ng kapatid sa noo.

"Mauna na ako guys magbibihis muna ako." At pinitik si Lucky sa noo bago kami talikuran.

'Buti nalang hindi na halata yung pamumula ng mukha ni Lucky kundi lagot na naman siya.'

"Sesssshhiiee! Bakit di mo naman sinabing Adonis, Hunk, Hottie, Cutie at pang matinee idol yung kapatid mo!" Si Andi habang nagpapa padiyak sa kilig.

"Nagtanong ka ba?"

"Hindi."

"Oh manahimik kana. Mas malaki kamao nun kesa dito kay Wesley kaya baka mga ma-comatose ka din ng half year kapag sinapak ka." at sabay kameng tumawa ni Lucky sa reaction ni Andi. Dun narin kami nag dinner ni Lucky. Kasalo namin ang kapatid at Tita niya. Wala pa yung nanay niya nasa school pa daw. Buti nalang natatakot kasi akong makaharap in person ang Guidance Councilor namin baka mapag usapan yung ginawa kong kasalanan sa anak niya.

Hinatid kame Lucky hanggang sa labasan kung saan naka park yung kotse kotse ko kanina.

"Bukas sabay sabay na tayo pumasuk antayin ko nalang kayo sa school gate." Habang naglalakad kaming tatlo kung saan naka park ang kotse ko.

"Geh, text text nalang kung sino mauna." Inakbayan niya kami ni Andi at parang batang sumabit sa mga katawan namin. "I'm flying!" malakas na sigaw niya sabay tawa.

"Maygad! Seshie ano bang ginagawa mo magugusot nag damit ko!" saway ni Andi pero di parin natinag si Lucky. Ang cute cute niya para siyang bata.

"Kaya ikaw Andi magpa late ka para may bangas yang muka mo sa PE class naten bukas."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan naming dalawa ni Lucky.

"L-Lucky.." Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ng tumawag kay Lucky.

Naglakad siya papalapit sa amin. Madilim kay adi ko maaninag ang mukha.

"J-Jasper?" tawag ni Andi sa papalit na lalaki.

'Siya ba yung Jasper na ex ni Lucky? Mas gwapo at matikas naman ako. Anong nagustuhan niya diyan? Tch!'

To be continued..