Chereads / Lucky Me / Chapter 16 - Lucky Sixteen

Chapter 16 - Lucky Sixteen

CHAPTER 16

LUCKY'S POV

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Kenneth. Tahimik naman talaga siya noon pa ayon kay Andres pero iba yung katahimikang bumabalot ngayon sa katauhan niya. Pa sa kabilang buhay na ang peg. Chos! Nakakatakot siya kapag nagsusungit pero sa tingin ko mas nakakatakot siya kapag nananahimik. Yung maya't mayang kunot ng noo at madalas na pagsalubong ang kilay. Creepy! May magnet ata ang parehong dulo ng kilay nito at palagi na lang nagdidikit.

'Abnoy karin kasi makayakap ka din kasi sa kanya kanina wagas!' singit ng valedictorian kong utak pagdating sa pagkokomento. Kasalanan ko bang mag brown out dun nanahimik ako 'e!

Yung unang yakap ko sa kanya sa bago pumasok sa Carlisle Hall biglaan yun. Wala akong choice kundi gawin yun or else pare pareho kaming malilintikan sa guard. At dun sa pangalawa aaminin ko hindi ko yun sinasadya, ginusto ko yun dala ng takot.

Pero aminin mo tinablan ka dun sa pangalawa ng ibaon niya ang katawan niya sayo? Napapikit ako sa kahalayan magkomento ng utak ko.Tinablan nga ba ako? Oo naman anong palagay mo sa katawan ko gawa sa bloke ng yelo?! Muntik na nga akong mapasigaw ng hapitin niya ako sa bewang dahil pakiramdam ko napaso ako sa pagkakahawak niya.

Ang totoo hindi ko maipaliwanag yung sarili ko nung kayakap ko siya. Ang weird lang sa feeling na salitan mong nadidinig yung pagkabog ng mga dibdib niyo. Tapos ang bango bango niya pa, amoy bagong paligo. Yung pinaghalong amoy ng sabon at pabango niya hanggang ngayon nasa ilong ko pa. Tapos nung nagsalita ako sa dibdib niya naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya kasabay ng paglaki ng pagkakalaki niya. Galit na galit siya juice colored!

'Engot idikit mo ba naman yung bibig mo sa dibdib niya habang nagsasalita ka sinong hindi maghuhurumintado sa galit?'

Weird lang dahil iniisip kong papalag siya magagalit at mandidiri. Ipagtutulakan ako o mumurahin sa pananamantala ko. Inaantay ko yung normal na reaksiyon ng mga lalake sa tuwing lalapitan sila ng mga bakla. Kung maiilang ba sila or kung anong gagawin nila kung may baklang biglang yumakap sa kanila.

Tanggap ko naman kung anong gagawin niya. Hinanda ko naman ang sarili ko dun kung sasalubungin ko yung kamao niya kung sakali.

Pero wala...

'Ayaw mo nun naka iskor ka? Hindi lang isa kundi dalawa. Papalag ka pa?'

Pero aminin ko kinilig talaga ako dun kanina. Malamang dadaragin ako ni Andi kapag malaman niya ang pinag gagawa ko sa mga pinapangarap niyang mga boylets.

'Sorry sesshie. Hindi ko naman sinasadya nagkataon lang..'

Natatawa lang ako ng bigla siyang nanigas nung unang yakapin ko siya sa labas ng Carlisle Hall. Para siyang toro na paulit ulit na humihinga sa ulo ko. Saka lang siya na relax ng kaunti ng hinimas himas ko yung likuran niya. Mukhang nagustuhan niya naman magpanggap na boyfriend ko kanina. He he he!

Pero nung time na nag brownout sa loob ng theater yun ang hindi ko talaga inaasahan.

Ayoko talaga sa dilim. Takot ako sa dilim. Si Andi lang talaga yung natagalan kong madilim.

"Kailan pala birthday mo Lucky?" basag ni Wesley sa malalim na pag iisip ko habang sumisimsim ng STICK TO ONE na shake niya.

"O-October 9." sagot ko.Dumampot ako ng fries at bara bra kong nginuya.

"H-HUKKK!" biglang nabulunan si Andi at napalingon ako sa kanya.

"Nguyain din kasi teh, pagkasubo nilulunok kasi agad 'e." natatawang biro ko sa kanya.

"P-Pareho kayo ng birthday ni Kenneth?" gulat tanong ni Andi at paulit ulit na umubo habang nakaturo kay Kenneth.

"Bakit bawal makisabay ng birthday? Pag aari na ba ng pamilya niya ang buwan ng oktobre?" pambabalahurang sagot ko.

"Pisti ka!" binato niya ako ng lukot na tissue.

"Seryoso yun Lucky?" sabat ni Wesley.

"Hmmm.. maswerte siya ako ang nakasabay niya." sabay ngiti na parang isasalang ako sa Mister Pogi. Naks ang gwapo ko siguro abot tenga ang ngiti ni Ongpauco e.

"Nice double celebration!" masayang wika ni Wesley. "Cheers Andi!" at itinaas ni Andi ang drink niya.

Napatingin ako kay Kenneth at mukhang pati siya hindi makapaniwala.

"Ilang taon ka na sa October 8 seshie?" usisa ni Andi habang nagpupunas ng tissue sa bibig niya.

"I'm turning 18 this October." Casual na sagot ko at unti unti kong pinupuno ng french fries ang bibig ko.

"H-HUKKKK--" si Wesley naman ang muntik na maibuga ang iniinum niyang shake kay Andi. 'Anyare sa mga 'to?' "W-WHAT?!" saka tumikhim ng dalawang ulit para klaruhin ang lalamunan.

"Anong what? October 9, 1999 ako ipinanganak. Kaya nga Lucky yung name ko dahil sa apat na 9."

Paliwanag ko sa pinaka simpleng paraan. "Bakit, 1999 ka din ba?" bulong ko kay Kenneth. Bahagya siyang tumango sa tanong ko.

"Oo teh, October 9, 1999 din siya. Hala magka birthday pala kayo nakakaloka!" exaggerated na sagot ni Andres.

'Psh, sa bagay si Andi pa ba? pati nga brand ng brief nitong si Kenneth alam na alam niya.'

"I see. Gaya gaya ka pala." Biro ko at umangat ang gilid ng mapulang labi niya.

"Asa." Walang emosiyong sagot niya.

"What a coincidence." Sambit ni Wesley habang tinatapik sa balikat ang pinsan niya.

"Yun lang malas ng pinsan mo ako nakasabay niya. Hahaha!" sabay tawa. Makikipag high five sana ako kaso ang seryoso parin ng mga itsura nila. "Bakit ba ang OA niyong dalawa?" tanong ko kay Andi at Wesley na nagbubulungan pa.

"Di naman nagulat lang siguro sobrang unexpected kasi.." sagot ni Wesley at nakatingin sa iiling na si Kenneth.

'Arte naman nito as if naman gusto kong makasabay siya ng birthday, Tch! Kutusan kita sa gums e!

"Ang sabi nila ang mga tao daw na magkasabay ipinanganak ay maituturing din na mag-soulmates." Nakapangalumbabang sambit ni Andi habang nagpapalipat lipat ng tingin samin ni Kenneth.

'Taray ni Madam Auring Negra Version.'

"Ano ba yung soulmates?" mukhang nabuhayan si Wesley at inurong pa ang upuan papalapit kay Andi.

"Ibat't iba ang kahulugan nito base sa iba't ibang pag aaral. Ayon sa Astrologer na si Linda Goodman, ang soul mate ay ang kalahati ng iyong kaluluwa kung saan ang kanyang enerhiya at mga katangian ay perpektong perpekto na kasingtulad ng iyong enerhiya at mga katangian." Walang patlang na paliwanag niya. "At para naman sa Amerikanong Psychic at Sleeping Prophet Edgar Cayce, ang soulmate ay siyang kaluluwa na umaalay sa kakambal nitong kaluluwa sa pangkalahatang buhay nito sa lupa."

o___O' Kenneth, Wesley at Ako.

"Sa aklat na sinulat ni Professor Jaime T. Licauco na pinamagatang Soulmates, Karma and Reincarnation, ang konsepto ng soulmate ay hindi basta-basta maiintindihan kung hindi mo muna uunawain ang tinatawag na Universal Law of Karma at Law of Reincarnation. Ito'y dahil sa malalaman mo lamang ang iyong soulmate sa serye ng iyong reinkarnasyon sa ibat-ibang buhay mula noong mga unang panahon hanggang ngayon o sa mga susunod mo pang buhay."

"Ang dami namang meaning nakakalito." Nakangusong sagot ni Wesley. Nakakatuwa siyang panuorin dahil para siyang batang nakikinig kay Andi. Si Kenneth naman akala mo nasa loob ng klase at seryosong nakikinig.

"Paano mo naman malalaman kung siya na nga ang soulmate mo?" si Kenneth na mukhang interesado sa mga kwento ni Andi.

"Hindi mo rin agad malalaman ang iyong soulmate ng buong magdamagan lamang dahil sa hindi nangangahulugan na ang iyong kasintahan o napangasawa ay ang iyong soulmate bagkus ito ay maaaring isa sa iyong mga malalapit na kaibigan, kamag-anakan, kaklase at kasamahan sa trabaho." at saka derechong tumingin sa mga mata ko.

"Oh, wag mo ko tingnan ng ganyan. pa soulmate soulmate kas diyan tas ako pagdidiskitathan mo." Narinig kong natawa si Wesley sa sinabi ko pero mabilis siyang sinaway ng pinsan dahil seryoso itong nakikinig.

"Eh siya.. i mean yung soulmate mo malalaman din ba niya na ikaw ang para sa kanya?" may lamang tanong ni Wesley kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Maaaring hindi rin niya alam na ikaw ang soulmate niya lalo na kapag hindi pa niya nareresolba

ang mga kinakaharap niyang karma sa buhay niya ngayon, sa pagkakaroon ng relasyon, pakikitungo o pakikisama sa ibang tao na kanya ring nakakasalamuha at natagpuan sa kasalukuyang buhay." Seryosong sagot ni Andi na akala mo experto sa larangang ito. Pero napaisip ako ng malalim sa sagot ni Andi.

"May mararamdaman ka bang kakaiba, k-kung makakaharap m-mo siya?" nauutal na tanong ko.

"Sakaling nagkaroon kayo ng pagkakataon mag-krus ang inyong landas ng iyong soulmate, hindi mo

maipaliwanag kung ano ang mararamdaman mo dahil sa ang pakiramdam na iyon ay hindi lamang pisikal bagkus ay mula sa kaibuturan ng inyong mga kaluluwa." Dere-derechong paliwanag ni Andi habang naka halukipkip ang mga kamay sa dibdib. Para akong binatukan ng tabo sa ulo sa sinabi niya. Nanginig yung mga kamay ko kaya dahan dahan kong ibinaba sa mesa para di nila mahalata.

Nang mag angat ako ng tingin sabay nagtama ang mga mata namin ni Kenneth.

'Pareho kaya kami ng iniisip? O talagang assumera lang ako?'

"Ito ang tinatawag ni Mathematician at Mistikong si P. D. Ouspensky na "Law of Types." Ito ay ang hindi matanggihan pwersa o "irresistible force" na kahit sinuman sa mundong ito ay hindi kayo mapaghihiwalay."

"LAW OF TYPES? What does it mean?" seryosong tanong ni Wesley na naka kunot ang noo at seryosong nakikinig sa mga ka-echusan ni Andi.

"Kapag nagtagpo daw ang mag soulmates mararanasan nila ang katangi-tangi at walang hanggang pag-ibig na maaaring maging inspirasyon para sa iba." kinikilig na paliwanag ni Andi.

Walang ni isa sa aming tatlo ang nakapag salita pagkatapos ng huling salitang binitawan ni Andi.

"Hoy, mga bakla kayo ni-recite ko lang yung nabasa ko sa isang blog sa internet, wala akong sinabing maniwala kayo agad. Kaloka kayo!" Natatawang biro ni Andi ng napansing nanahimik kaming lahat.

"Hahaha—Ha ha—ha ha ha!" kinakabahang tawa ng Wesley.

"I think its stupid, i don't believe in soulmates. But i admit na entertain ako sa story ni Andi." Napapailing na sagot ni Kenneth.

"Yeah, very stupid. Like how we met remember?" Birong sagot ko at napalingon si Kenneth. Inirapan niya ako at muntik akong matawa.

'Tss, kalalaking tao maka irap wagas! Nakakatawa naman talaga yung unang pagtatagpo namin ah.'

"Lucky paano kung kayo pala ni Kenneth ang mag soulmate?" intriga ni Andres at nanunukso ang mga tingin.

"Dami mong alam, ba't di kapa pumanaw?" suggest ko sa dami ng nalalaman ni Andi.

"Panaw agad seshie, hindi ba pwedeng maghingalo muna?" mas pilosopo pang sagot niya na ikinataw ani Wesley.

"Kung ano ano kasing pumapasok diyan sa kukute mo kakapanuod mo ng mga telenovela." Saka ko binato ng isang french fries na bigla rin niyang nasalo at mabilis na isinubo.

"Ganun talaga dapat may mysterious effect ang pagkukwento para mas ma-feel niyo." Napaakap pa siya sa sarili habang sumasagot.

"E kung gawin kong mysterious ang pagpanaw mo, bet mo?" At nginiwian ko lang siya at inirapan naman niya ako.

"Hoy, epektib naman ang story telling ko naniwala nga yung magpinsan eh." Natatawang sagot niya.

"Alam mo namang FUNNY 'tong mga bisita mo e." Natatawang turo ko sa dalawang kasama namin.

"F-Funny?" Halos magkasabay na tanong nila.

"FUNNY..FUNNY-WALAIN!" sagot ni Andres at sabay hagalpakan namin ng tawa at nakitawa narin sila ng nakuha yung joke.

'Sarap pag tripan nitong dalawa masiyadong mga inosente.'

"Ikaw Andi kailan ang birthday mo?" tanong ni Wesley ng mahimasmasan sa pagtawa.

Nag iwas lang ng tingin si Andi at hindi sinasagot ang tanong ni Wesley.

'Kingenang to 'wag niyang sabihin kasabay namin siya ni Kenneth magsasaksak ako!'

"Andi, when is your birthday?" Seryosong tanong ni Kenneth. Nakayuko lang at ayaw paring sumagot ni Andi.

'Ano na naman kayang eksena nito? Huwag niyang sabihin si Wesley naman ang ka birthday niya?'

Tumayo si Wesley at hinablot yung ID ni Andi na nakalawit sa bag niya.

Sabay na tiningnan ni Kenneth at Wesley yung ID habang nakatayo.

"BWAHAHAHAHHAHA HAHAHAHA!" malakas na tawa ni Kenneth habang nakaturo sa ID'ng hawak ni Wesley.

"AHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napayuko naman si Wesley sa mesa habang hawak ang tiyan at malakas na tumatawa. Napayuko lang si Andi sa mesa dala ng hiya.

'Magpinsan nga sila parehong abnoy!'

Hindi parin sila tumitigil kaya tumayo ako lumapit sa kanila. Inagaw ko sa kamay ni Wesley yung ID. Inilapit ni Wesley ang ulo sa tenga ko bago ako kumurap kurap akong ng ilang beses baka namamalik mata lang ako.

"N-NOVEMBER 1?!?!?!?! KINGENANGYAN ARAW NG MGA PATAY!!" Malakas na sigaw ko habang nakatingin sa kanya. Nag angat siya ng tingin at pinandilatan ang mga pinsan.

"Oo, ano may pamahiin ka?!?!" sa aki naman siya nanggalaiti.

"Ayon kay Madam Auring, isa sa pinaka sikat na showbiz fortune teller ang mga taong ipinanganak ng buwan ng Nobyembre ay—"

"KYYYYAAAAAAHHHHHHHH!" nabingi ako sa lakas ng tili ni Andi. Bigla siyang tumayo at pinaghahampas yung dalawang mag pinsan na ayaw tumigil sa kakatawa. Napailing na lang ako.

"Tama na yan Andi." Saway ko sa kanya. Lumapit naman si Wesley sa akin at mamasa masa parin ang mata.

"Ang sakit mang hampas ni Andi." Nakangusong lapit niya at ipinakit anag namumulang braso.

"Pinagtawanan niyo pa kasi." Natatawang sagot ko.

"Tumawa ka rin naman ah." Natatawang sabat ni Kenneth.

"Ungas, ang lakas kaya maka hawa ng tawa niyong dalawa." Hinawakan ko sa braso si Wesley. "Masakit pa?"

"Mahapdi konti." Pumikit pikit pa siya at ang sarap pagmasdan ng paghampas ng mahahabang niyang pilik mata habang pumipikit. Hinipan ko at dinampian ko ng magaan na halik ang namumulang niyang braso at hindi niya napigilang mapangiti ng malaki.

"Yan gagaling na yan." At nahawa ako sa kakaibang ngiti niya.

"Sus! Si Ongpauco kung maka arte parang three years old? Ano pang masakit bukod diyan sige na para mahipan at mahagkan ulit ni Lucky." parnag batang ng uuto ang pagkakasabi niya at agad pinamulahan ng mukha si Wesley at napakamot ng batok ng paulit ulit.

"Siraulo ka Andres tigilan mo nga si Ongpauco!" saway ko habang hinihipan ko ang namumulang braso niya. Nauwi lang ulit sa pakikipag asaran si Andi sa dalawa. Pati ako nadamay na dahil sa ginawa ko sa braso ni Wesley.

"Mag picture naman tayo guys." Yaya ni Andi matapos mapagod ba makipag asaran.

"Tara para may remembrance naman tayo sa lugar na to." si Wesley habang kinukuha yung cellphone niya sa ibabaw ng mesa.

"Pogi pasuyo naman paki kunan kami ng picture please." Pakiusap ni Andi dun sa isang tauhan naming si Paul habang nagliligpit sa kabilang mesa.

"Sino po ser?" Magalang na tanong ni Paul at inabot sa kanya ni Wesley yung cellphone.

"Yung mga customer sa loob ng cafe piktyuran mo sila gamit ang cellphone ko, kaloka ka!" biro ni Andi kay Paul na napakamot nalang ito ng ulo sa kaabnuyan ni Andi.

"Chillax.." napakislot si Andires ng hawakan siya ni Kenneth sa balikat. Arte ni negra akala mo naman nilapirot ang small intestine niya.

"Kaloka hitik na hitik yung blush on ko tapos tinawag akong ser?" di parin maka get over si Andi. Kakabagan ang mag pinsang 'to dahil kanina pa nagpapaligsahan sa lakas ng tawa. Pinag gitnaan ako ni Kenneth at Wesley ng pumwesto si Paul sa harap namin. Si Andres naman di malaman kung kanino tatabi.

"SANDALLLIIII!" tili niya at agad tumabi kay Kenneth. "Bumilang ka muna wantuwan handred para makapag prepare kami."

"One..two..three. Say LUCKYYYYYY MEEEHHH!" si Paul habang hawak yung camera.

'Luh, ba't ako?'

"Tss!" singhal ni Kenneth sa tabi ko at pag angat ko ng tingin nagtama ang mga mata namin.

"LUCKKKKKYYYYYYYY MEEEHHH!" chorus naming apat. Hindi na ako nagpahalata pero nabigla ako ng akbayan ako ni Wesley dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya.

Lumapit ulet si Paul para ibalik yung cellphone kay Andi.

"Oh ikaw naman solo mo dun para di ka naman luge." Itinutok ni Andi ang camera at nagkunwaring kukunan si Paul.

"Saan ser?" nahihiyang sagot niya kay Andres.

"Dun sa kanto ng Banawe cor Quezon Avenue, long range 'tong camera. Isipin mo na lang photo shoot 'to sa Animal Planet." At nagtawanan na naman yung mag pinsan sa pang ookray ni Andi kay Paul.

"Ay huwag na po baka lalo lang po kayong mainlab sa kagwapuhan ko." Birong sagot niya saka yumuko at nag paalam ng umalis.

"Ikaw kahit kelan abnoy ka, kapag ayan nagresign ikaw ang ipapalit ko diyan!" kiurot ko sa tagiliran si Andi at tumawa ng tumawa ang bakla.

"Anong Facebook Account mo Lucky para i-tag kita." singit ni Wesley habang hawak hawak ang phone niya.

"Sa Messenger mo na lang i-send huwag muna kaming i-tag baka biglang umusok na naman yung tumbong nung ex niya." Nakangusong turo ko kay Kenneth.

"Alam mong break na sila?" Nagtatakang tanong ni Wesley.

"Oo narinig kasi namin silang nag aaway ni Amber sa parking lot habang hinahanap namin si Muning." Sagot ko habang pumipili ako ng pagkaen sa mesa.

"Psh. Tsismosa!" bulong ni Kenneth sa tabi ko habang nagkukut-kot ng kuko niya.

"Hoy sinong tsismosa? Sa lakas ng boses niyo at pagka tsimosa nitong si Andres sa tingin mo hindi namin yun malalaman?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Ganun din yun. Private talk yun."

"Susme, eh brand nga ng brief mo alam niya yung break up niyo pa kaya." Singhal ko at natawa nman si Wesley sa sinabi ko.

"B-Brand ng brief ko?" nautal na sagot niya.

"Calvin Klein at boxer briefs ang favorite mo di ba?" Malanding sagot ni Andi at kinikilig pa.

"See, eh di elibs ka naman? Tch!"

"Interesado ka naman?" Baling sa akin ni Kenneth at nanlaki naman bigla yung mata ko.

"Di na.. aanhin ko brief mo isasahog ko sa Lucky Me? Nebermaynd!" pangaasar ko sa kanya na sinabayan ni Wesley ng malakas na tawa.

o_O' si Kenneth.

"Lagot na naman tayo sa mga Pink Rangers kapag malaman nilang magkakasama tayo." Nag aalalang wika ni Andi habang nakatitig sa akin.

"Pink Rangers?" si Wesley.

"Pink Rangers, yung tatlong taratitat na palaging naka all Pink." Maagap na sagot ko biglang natawa si Andi.

O__O' si Kenneth at Wesley.

"Tapos yung Amber na pagkapayat-payat akala mo nung ipinanganak di pa uso yung bigas." Nakangiwing baling ko kay Kenneth. "Tatlong guhit lang ata yun sa timbangan ng sobre!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" bumunghalit ng tawa si Wesley.

"Tapos yung dalawang babaeng kasama niya yung Karen at Jhorica? Mga punggok at matataba.. ano bang peg nila mga GASUL na naglalakad?" Tuloy tuloy na panlalait ko sa kanila.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nag palakasan na ng tawa si Wesley at Andi.

"Bakit mo kasi hiniwalayan? Kami tuloy palagi ang napag iinitan." sabat ni Andi pagkatapos tumawa. Hindi sumagot si Kenneth at tinitigan lang ako ng masama bago umirap. Pasalamat ka 'di tayo close kundi kukurutin ko yang mata mo!

"Sa totoo lang bagay nga kayo ni Barbie 'e, iwasan niyo nga lang tumambay sa canteen." Pinipigilan kung huwag matawa.

"Bakit seshie?"

"Alam muna sa payat nila baka mapagkamalan silang panggatong na mag dyowa.." ako naman ang tumawa.

"Laitera ka talaga." Masungit na tugon ni Kenneth at mukhang nagpipigil lang ng tawa.

"Seshie tama na.. baka mapikon yan lagot ka." Pananakot ni Andi saken habang nakatingin kay Kenneth.

"Makalait ka. Bakit ikaw nagka boyfriend ka na ba?" nanghahamong tanong ni Kenneth.

Natahimik ako bigla. Napaisip. Nakaalala. Nalungkot. Nasaktan. Nabuwiset.

"Hindi lang boyfriend nagka asawa na nga ako 'e." Nakangiting biro ko sa kanya at mabilis nagsalpukan ang kilay niya.

"W-WHATTTT????????!?!?!?!" chorus ni Andi at Wesley.

"Patola.."

"Kahit kailan wala ka talagang kwenta kausap." Wika ni Kenneth bago damputin ang inumin niya.

"Nagka boyfriend na yan si Lucky!" salo ni Andi. "Isang beses nakasama na namin yung EX niya sa mall last weekend. Ang gwapo gwapo kaya ni Jasper." Mayabang na kwento ni Andi akala mo for years na niyang kakilala.

"Talaga?" sabat ni Wesley.

"Past is past. Move on din pag may time." Nginitian ko lang silang tatlo.

"Yan kapag ikaw umiiwas ka pero pag kami lakas mong mandarag pisti ka!" Pang aasar ni Andi at biglang tumawa.

'May saltik talaga 'to.'

"Ang totoo pantay yun sa level ng kagwapuhan niyong dalawa. Ang husay pang kumanta. Biruin niyo napuno namin yung Quantum sa Trinoma nung hinarana niya si Lucky." Kinikilig na na kwento ni Andi.

"Ehbakit kayo naghiwalay?" follow up ni Wesley na mukhang interesado sa lovelife ko.

"Wala ganun talaga." Kibit balikat na sagot ko.

"Tss, masiyado ka kasing maingay kaya siguro siya hiniwalayan." Komento ni Kenneth.

"Yung ingay ko ang unang nagustuhan niya. Palibahasa mahihiya ang kabilang buhay sa katahimikan mo!" ganti ko sa kanya at nag make face siya.

"Hindi nga Lucky bakit kayo nag break?" pangungulit ni Wesley.

"Let's say...Ang hapdi matitiis pero ang kati hindi." Ngiting sagot ko kay Wesley.

"Taray nito makahugot oh."duro ng mahaderang si Andres sa mukha ko.

"Ikaw Kenneth anong hugot mo?" seryosong tanong ko sa kanya. May dinukot siyag papel niya sa bulsa.

"Sa LOVE, walang bingi, walang bulag, walang pipi...pero TANGA marami." habang binabasa yung post it na hawak niya saka ngumiting tumingin sa akin.

"Nice one bro!" at nag fist bomb sila.

"Ikaw Wesley, parinig ng sayo." Dinikit ko yung upuan ko sa kanya.

"Mahal mo nga.. Mahal ka ba?" pa cute na hirit ni Wesley at kinilig naman si Andi.

"Ako naman!" biglang volunteer ni Andi at sabay sabay kaming tumayo nila Kenneth at Wesley.

"Alam na namin yan. "In Loving Memories." Sabi ni Kenneth habang tumatawa at sinabayan pa ni Wesley. Sukbit ang mga bag iniwan namin siyang mag isa sa mesa.

"HOY, BUMALIK KAYO DITO!"

"KAPAG AKO TALAGA PUMUTI, SASAMBAHIN NIYO KO!"

"Matagal pa yun huwag ka ng umasa!" Ganting sigaw ni Wesley.

"WALA NA, FRIENDSHIP OVER!" Sigaw niya sa aming tatlo habang tumatawa.

To be continued...

Author's Note:

Dinugo ako kakarevise ng chapter na 'to. Wala kasi talaga akong mapiga sa utak ko na kahit ako tungkol sa soulmate. Hindi sa hindi ako naniniwala sa soulmate. Hindi lang talaga ako sanay mangaluluwa este maghanap ng soulmate. Masiyadong malungkot ang konsepto ng soulmate na yan para sakin. Kaya nag call a friend ako at nakita ko ang article na to at naka hinga ako ng maluwag!

Maraming salamat po Sir Rey Sibayan sinabihan ko na ang mga kamag anak ko sa heaven na dalawin kayo kapag hindi sila busy bilang pasasalamat. Ching!

Reference:

Soulmate, Perpektong Kakambal ng Kaluluwa

by Rey Sibayan / Posted on November 23, 2006

http://reytsibayan.com/soulmate-perpektong-kakambal-ng-kaluluwa/