CHAPTER 10
LUCKY'S POV
Natapos ang unang linggo ko sa academy na puno ng assignments at activities. Sa awa ng diyos buhay pa naman kami ni Andi bloated lang siya kakakaen. Stress eating daw dala ng major heartbreak niya. That week napagtagumpayan naman naming iwasan ang mga bagay na makakadagdag ng stress sa school.
Iniwasan nameng masalubong o makita ang Pink Rangers. Lalo na nag magpinsang Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco. Sa awa ni Wonder Woman na patrona ng mga bakla nakapag survive kami ng isang linggong mapayapa.
Nasa SM North Edsa ako ngayon dahil usapan nameng magkita ni Andres para samahan siyang mag shopping dahil na stress siya this week. Sosyal ni negra na stress lang nag shopping na, kapag ako ang stress, stress lang walang shopping. Stress eating meron masarap kasi magluto si Tita Jack.
Nasa Sky Garden ako at naninigarilyo habang nag aantay sa kanya. I'm turning 18 this year kaya legal na akong manigarilyo kaso patago. Kame lang ni Tita Jack at Kuya ang nakaka alam.
"S-SESSHHIIEEE!!" malakas na sigaw niya habang tumatakbo papalapit. As usual late yung bakla.
Napairap lang ako dahil pinagtinginan kami ng mga tao. Ang totoo nag alala ako sa mga tiles baka mabiyak habang tumatakbo siya.
"Sorry i'm late!" Humihingal na sabi niya at nagulat siya sa hawak ko.
"I know Andres trade mark mo yan!" singhal ko paglapit niya.
"Naninigarilyo ka talaga?!" Gulat na gulat yung itsura niya.
'Hindi teh, hindi. Nakikita na nagtatanong pa. May sapak din to eh.'
"Oo diba nakita mo kong nagyosi nung nasa Hugot Cafe tayo?" Huling hithit ko bago ko pinatay sa trash can sa tabi ko.
"Grabe ang bata bata mo pa nag aadik ka na." Nandidiring komento niya.
'Nag a-adik ano to droga?' Pumintig ang sintido ko ng pumasok sa isip ko ang imahe ng payatot na yun.
"Hiyang hiya naman ako sayo, ang bata bata mo pa pero palagi kang late sa mga usapan natin."
"Oo na late nga eh, sagot ko na lunch naten laters."
'Yown, libre kaen! Pa late ka lang palagi masaya yan.'
"Tara na sa Department Of Store muna tayo seshie. Wala ng laman ang wardrobe ko hindi ko ugaling umuulet ng damit."
'Ano raw Department of Store? Department Store lang yun diba? Kingenang 'to pauso!'
"Pansin ko nga.. mukha mo lang paulet ulet 'no?" siniko ko siya at bigla niya akong hinampas sa braso.
"A-Aray!" daing ko sabay kamot. "Makahampas Andres ang gaan ng kamay?!"
"Salbahe ka rin eh 'noh?"
"Honest lang ako."
"Sayang ipag sho-shopping pa naman sana kita.." at nauna siyang naglakad papasok ng Department of Store. Yan pati ako nahawa na sa kanya.
'Shopping? Sayang yun.. Hoy hintayin mo ko!'
Mabilis akong humabol papasok sa loob ng mall.
"May bibilhin ka ba Lucky? Medyo matagal akong pumili ng damit baka mainip ka." Paalala niya habang panay ang kuha ng mga damit na isusukat.
"Wala akong maisip. Don't mind me sanay ako mag window shopping." Sagot ko habang sinisipat ang mga damit na pinipili niya. Infairness kay negra may taste pagdating sa mga damit. Mahal lang yung presyo at pakiramdam ko kumakam ang sikmura ko. Ang totoo niyan wala akong pera para magwaldas sa ukay lang kasi ako namimili ng damit.
After 2 1/2 hours natapos din kami. Hirap kasama ni Andi mamili ang choosy kala mo ang payat eh.
'Wala daw maganda. Wala kamong magkasiya sa kanya.'
"Pasok muna tayo sa Blue Magic hanap lang ako ng tidivers at istapistoys na bago." Maarteng hila sakin ni Andi.
"T-Tidibers?" hila ko pabalik ng braso ko. Anong klaseng droga ba hinihithit nito ni Andres sa kanila?
"Maygad, slow seshie? Tidibers at istapistoys di mo knows?" napatakip pa siya ng bibig at hindi makapaniwala. "Yan yung nireregalo ni Junatan kay Lordis kapag monthsarry?"
"Ahh—" namamanghang sagot ko ng makuha ko ang pinupunto niya. Teddy bears at stuffed toys. Fish tea! Labag man sa loob ko na nagpatianod nalang ako sa kanya.
Pagpasok palang umikot na sa kawalan ang mga mata ko. After summer. I started hating teddy bears and hated stuffed toys. And I hated myself too for behaving so badly.
DEEP SIGH.
"Oh anyare seshie, parang iritable ka ata?" kunot noong sabi ni Andi pagkatapos niyang magbayad sa mga pinamili.
"Ako bakit ako maiirita?" deny ko habang pinupukulan ko ng masamang tingin ang mga nakakagigil na display na stuff toys nila. Sarap nilang pagsasaksakin ng jungle bolo!
"E mas muka pang happy face yung mga tidybers na binili ko kesa sa diyan mukha mo 'e."
"Tseh! Dami mong napapansin." Nauna akong lumabas ng store sa kanya.
Napadaan kame sa isang part ng Department Store kung saan may kumakantang sales man sa isang malaking flat screen television. Yung Magic Sing mismo na produkto nila ang ibinebenta nila ang ginagamit na pang sample.
"Hi Ma'am/Sir Try niyo po yung bago nameng Magic Sing naka SALE po 50% OFF." Masayang salubong ng gwapong sales man sa amin ni Andi. Deadma lang ako. Si Andi lang ang huminto mukhang interesado sa sales man hindi sa produkto. Lumayo ako sa kanilang dalawa sabi ko nga sa kanya hindi ako mahilig sa gwapo.
"Talaga po kuya? Kukuha ako ng isa pero pakakantahin ko muna yung friend ko para makita ko kung gaano kaganda yung Magic Sing niyo okay lang po ba?" dinig kong sagot niya kaya napahinto ako sa paglalakad.
Nakita ko ang malawak na pagkakangiti ni Andi habang nagpipi-pindot sa microphone nahawak niya at nilapitan ako. Bigla niyang iniabot ang hawak niyang microphone.
"Ano yan?" Malamyang tanong ko.
"Magic wand teh, magic wand ikumpas mo tas sabay sabay mong isumpa lahat ng taong makikita mo!" sarkastikong sagot niya.
'Abnormal'
"Mic yan kakanta ka tapos babayaran ko yan, wala ng tanong tanong kanta kundi wla kang kakainin!" pananakot niya bago pindutin yung play.
'Kingenang to lalapit lapit dun at kukunin yung mic tapos ako ang kakanta. Bigwasan ko kaya to?'
Nag start na umere yung instrumental. Song Title: Started All Over Again.
Wala akong choice. Gusto kong kumaen.
And, when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better
Than I ever did before
And you'll be in my heart forever more
Peste! Sa libo libong kanta sa song book nila bakit ito pa ang napili niya?
We we're just too young to know
We fell in love and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feelings die
Kingenang kanta 'to may pinapaalala pa sa aking tao.
And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
Cause everytime I look at you
I know we're starting over again
This time we'll love all the pain away
Welcome home my lover and friend
We are starting over, over again
Unti unti ko naring nagustuhan yung mensahe ng kanta. Ganyan ako ka masokista sa sarili ng maka relate ako bandang huli. Parang bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Pinipiga yung puso ko, tinusok tusok, nilapirot, nilukot, inikot ikot. Nung nalamog....
'TADAAAAHHH! Si Lucky Gonzaga ang baklang emotera!'
Kung kailan feel na feel ko na yung kanta saka naman ito natapos. Parang yung nararamdaman ko noon kung kailan sigurado na ako saka naman natapos ng wala man lang babala. Kaya nung natapos nanghihinang iniabot ko yung microphone kay Andi at napaatras ako bigla..
Nakita kong teary eye si Andi at yung mga babaeng sales lady kasama yung gwapong sales man.
'Hala inano ko sila?'
Andaming tao ang nagsisiksikan kaming lahat sa loob ng Department Store. Nang ngitian ko sila saka lang sila sabay sabay nagpalakpakan.
**APPLAUSE*
**APPLAUSE
**APPLAUSE
"MOOOOOREE!"
"ISA PA ATE PLEASE!!"
"ANG GALENG MO NENG!"
"KANTA KAPA SARAP MAKINIG EH!"
'Ano to GIG?' At napangiti na lang ako sa kanila.
"Sampol lang po yun mahal po ang talent fee ng alaga ko." humihinging pasensiya ni Andi sa mga tao.
'Isa pa tong patola.'
Binayaran niya na yung Magic Sing. Saka kame nagmadali lumabas ng Department Store. Nahiya kasi si Andres dahil bigla kaming dinagsa ng tao. Lakad takbo na kami dahil halos kaladkarin niya ako papalabas. Saka lang niya binitawan ang kamay ko paglabas namin ng Department of Store.
"Kaloko ang mga fans mo seshie!"inilapag niya sa sahig ang mga paper bag bago maarteng magpagpag ng manggas.
"Ginutom mo ko kaya papakainin mo ko ng marami ngayon!"
"Oo na kakaen tayo kahit saan m gusto!" muli niyang dinampot ang mga dala at hinila ako sa kamay at muli kaming naglakad.
"Y-YUMYUM.."
Huminto ako sa paglalakad at dahan dahan akong napabitaw sa kamay ni Andi. Napako ako sa kinatatayuan ko at kating kati na ang leeg kong lingunin ang pinanggalingan ng pamilayar boses. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. Ilang beses na ba akong umiyak at nagigising sa kalagitnaan ng pagtulog sa tuwing naririnig ko ang boses niya? Ilang beses na ba akong nangarap na makikita ko siya sa labas ng bahay namin? Mga ilang beses pa kaya akong magpapakatanga ng dahil sa kanya?
"YUMYUM..."
*LABDAB!
*LABDAB!
*LABDAB!
'Kingena inulet pa.'
"Seshie, Gora tanayiz!" nagtatakang aya ni Andres bago natuon ang atensiyon sa kung sinong kampon ni satanas sa likuran ko.
Parang awa muna huwag kang lilingon. Huwag kang lilingon. Taimtim na panalangin ko. At dahil natural ang pagiging matigas ng ulo ko at iniidolo ko si Gat Jose Rizal isinabuhay ko ang isa sa mga salawikain niya.
Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Paglingon ko hindi nga ako nagkamali.
In 3..2..1.
At para akong segunda manong android phone na kusang nag reboot ang operating system ng mapuno ang storage ng utak ko.
"J-JASPER." Bigkas ko ngunit walang lumabas na boses.
"K-kamusta ka na?" Kinakabahang sagot niya at kagaya ko halatang hindi narin siya mapakali sa kinatatayuan niya.
"Humihinga pa naman. Ikaw kamusta?" pinilit kong magpaka casual.
"Makakahinga narin siguro ngayong nakita na ulet kita." Sabay kamot ng ulo niya. Gusto kong sapakin ang sarili ko ng mapako ang mata ko sa labi niya.
"Good for you.." tumatangong sagot ko at ibinaling ko ang paningin ko sa ibaba.
"Ako hindi niyo kakamustahin?" Muntik na akong mapatalon sa biglang pagsingit ni Andi.
'Shet na malagket, muntik ko ng makalimutang kasama ko si Andi.'
"S-Si Andi pala kaklase ko." aligagang napalapit si Jasper sa kinatatayuan ko.
"Hi Andi, I'm Jasper Teng. Kamusta ka din pala?" Natatawang pakilala niya bago makipag kamay.
"Andi Bolivar. Single kahit mukhang double, virgin, siksik at masikip, no boyfriend since birth. Are you still single baby boy?" sa bilis niyang magsalita yung single lang yung naintindihan ko. Halos ayaw na niyang bitawan ang kamay ni Jasper at hinimas himas pa ito na parang may Genie na lalabas sa mahiwagang lampara.
'Yung laway mo beks baka tumulo.'
"I'm taken---" natatawang sagot ni Jasper habang nakatitig sa akin. Napatikhim lang ako at nag iwas ng tingin. "I'm taken for granted.." Dugtong niya sa unang sinabi at paglingon ko seryoso parin siyang nakatitig sa akin.
o_O' si Andi.
'Ano na namang tingen yan negra!'
"Yung itsura mong yan taken for granted? That's impossible." Kunot noong sagot ni Andi.
"Yeah, ask your friend here." Turo niya sakin.
"Luh? Bat ako anong malay ko diyan." Nakangusong sagot ko sa kanila.
"Pwede ba akong sumama sa pupuntahan niyo?" kinagat niya ang lower lips at parang biik na kinakatay ang paimpit na tili ni Andres sa tabi ko.
"O-Oo, Oo Jasper sumama kakaen kami ni Lucky." Napapatulalang sagot ni Andres. Paulit ulit niya ako kinukurot sa tagiliran.
"Okay lang ba?" napakamot pa siya sa batok habang nakangiti at naniningkit ang mata.
"More than okay baby, basta ikaw ang dessert ko." Agad ipinasa ni Andres ang bitbit sa akin at hinila si Jasper papalayo.
'Hindi mo kakayanin bakla, trust me. Ching!'
Pumasok kami sa isang pizza parlor. Inspired ata ang dalahirang si Andi sa daming inorder sa waiter.
'Ubusin mo yun bakla diet ako!'
"So, Jasper. What brought you to Planet Earth?" Naka pangalumbabang tanong niya. 'Wait, bakit Alien siya?' Napangiwi lang ako dahil nakaka distract ang paulit ulet na pagkampay ng mahahaba niyang false eye lashes. Ito ang kahinaan ni Andres mga gwapo at mapuputing lalake.
"Climate change." Natatawang sagot ni Jasper.
'Oo climate change nga. Dala ng malanding panahon.'
"Ahh, bakit malamig ba sa lugar niyo at naghahanap ka ng pampainit?" at hinimas ang palad ni Jasper na natatawa sa kakerengkengan ni Andres.
"Hahaha! Hindi naman may namiss lang ako kaya ako bumalik." Nagkunwari akong walang narinig at kunwaring nagbabasa ng menu. Alam kong nakatingin na naman siya sa direksiyon ko.
"Lucky, bakit hindi mo naman sinabing na may ganito ka kagwapo at ka hot na friend. Maygad!" walang pagsidlan ang kilig ni Andres lalo na't sinasakyan ni Jasper ang mga pasimpleng galawan ni Andres.
"Hindi ka naman nagtanong 'e." Nakangiting sagot ko. Oo sa sobrang hot ang sarap niyan pakuluan.
"Jasper mag classmate ba kayo o schoolmate sa dating school ni Lucky?" Inosenteng tanong ni Andi.
"Schoolmates. Schoolmates ko siya sa QCSHS." nakangiting sagot ni Jasper bago yumuko.
"Ahh--- So YUMYUM pala ang Atwagan ng magkaka schoolmates sa QCSHS?" may halong malisyang tugon ni And. Ito naman pinaalala pa dinedma ko na nga e.
Nagtama ang tingin namin ni Jasper sarkastiko siyang napangiti.
"Don't you dare—" huli na. Napapikit nalang ako ng tuluyang bumuka ang labi niya. Bunutin ko kaya ang hikaw sa gilid ng lower lips niya at muli kong ikabit na magkasama na ang upper at lower lips? Ang daldal nampota!
"Lucky is my EX.." dinig kong sagot ni Jasper. Muntik ng malaglag ang mata ni Andi sa laki ng pagkakaluwa. Tumabingi pa ang ulo nito at tila humihingi ng kumpirmasiyon kung totoo nga ang narinig niya.
"Past is past." Pilit kong pinasisigla ang boses ko pero sa loob loob ko nanghihina ako ng todo. Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ngayon. Noon nangako ako sa sarili ko na kapag nagkita kami pipigain ko ang yagbols niya hanggang mabaog siya. Tch!
"Ahh-- that explains why. Kaya pala ang awkward niyo tignan kanina." Tatango tangong sagot ni Andres habang palitan ang tingin sa aming dalawa.
"Andi stop. Sa ibang araw ko nalang ikukwento sayo. Kumalma ka andiyan na yung pagkaen oh." sabay nguso ko sa mga papalapit na waiters dala ang sangkaterbang orders namin.
'Save by the bell. Pagkaen lang naman ang makaka agaw ng attention nito eh.'
Si Andi at Jasper lang ang nagkukwentuhan habang kumakaen kami. Nakikitawa lang ako minsan kapag may nakakatawang banat si Andi. Inabala ko lang sarili ko sa pagkaen, mas nanaisin ko pang kausapin ang sarili ko kesa kausapin ang dakilang ex ko.
"Salamat sa early dinner, next time my treat." Hinatid kami ni Jasper papuntang parking lot dahil nandun yung sundo niya. Tss, as if naman papayag pa akong maulit pa 'to.
"Talaga?!" excited na sagot ni Andres. "Sige aasahan ko yan ah." Muntik ng lumampas ang kilay ko hanggang noo ng magtama ang mata namin ni Jasper. "Wait may phone call ako!" at agad tumalikod si Andi sa amin.
"Sige paasahin mo yan kagaya ng pagpapaasa mo sa akin noon." Pabulong na sambit ko at kaagad namula ang tenga niya.
"A-AT kailan naman kita pinaasa?" nakangusong sagot niya. Sisikmuraan ko na sana siya ngunit kaagad na humarap si Andres kaya nagkunwari nalang akong inaayos ang suot na polo ni Jasper.
"OMG! Ang sweet naman nila kahit mag ex na." Tudyo sa amin ni Andres. "Jasper aasahan ko yang treat mo ah!"
"Oo naman basta may free time kayo." Kabadong sagot niya kay Andres at hindi makatingin ng tuwid sa direksiyon ko. Pinagpawisan si loko.
"Sasabay kaba saken pauwe Lucky?"nabigla ako sa tanong ni Andres. Bakit inaasahan niya bang magpapaiwan ako sa kulugo na 'to?
"Oo sasabay na ako baka mahirapan akong---" naputol yung sinasabi ko sa biglang pagsingit ni Jasper.
"Ihahatid ko nalang siya sa kanila.. Kung okey lang." Nginitian niya si Andres at pinisil pisil ang kanang balikat nito. Parang mauupos na sigarilyo ang itsura ni Andres. Alam kongnagpipigil lang siya ng kilig.
"S-Sige." Nauutal na sagot niya at ginawa pa akong pader dahil hindi nito mapigilang mag walling sa harap ko. "Tatagan kita mamaya. Marame ka pang ikwekwento sa akin remember?" nag beautiful eyes pa siya pagharap.
"Huwag na baka tumaba ka lalo." Biro ko sa kanya.
"Litsi! Papayat din ako at kapag pumayat ako. Ibig sabihin tag gutom na ang planetang to! Bwahahaha!" Sabay beso at dinuro ako sa mukha bago tumawid ng driveway kung nasaan ang sundo niya.
"Bye Gorgeous!" kaway ni Jasper at may flying kiss pa.
"KYAAAHHHHH!" malakas na tili ni Andres bago nahimatay at humiga sa daan.
*BEEP *BEEP *BEEP
Malakas na busina ni Mang Lando at biglang bumangon si Andres at nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan niya. Pareho kaming natawa ni Jasper sa kadramahan ni Andres.
'Kahit kailan talaga lakas ng tagas nito kapag na e-exposed sa gwapo.'
Nagkayayaan kaming mag kape sa Sky Garden pra makapag bisyo. Pareho kaming chain smoker, isang bagay na napagkakasunduan namin pareho. Nasa US na ang both parents ni Jasper. Matagal na siyang naka petition pero hindi siya ma aprubahan ng embassy sa tuwing interview niya. One time sinamahan ko siya sa isang epsiode ng interview niya sa embassy at biglang nagbago ang ihip ng hangin.
'You're my lucky star.' Yan ang tanging nasabi niya paglabas ng embahada.
Nakatira si Jasper sa grand parents niya. Mas matanda ng isang taon sa akin si Jasper. Dahil sa dating loko loko at walang direksiyon ang buhay kaya nag repeater siya ng 1 year sa high school.
At isa ako sa mga dahilan kung bakit nagbago siya. At super proud ako dun.
Sa murang edad namen natutunan naming asahan ang isa't isa. Naging sandalan namin ang isa't isa sa oras ng mga problema. Bestfriend. Textmate. Kaasaran. Kakampi sa lahat ng bagay. Madalas ding kaaway.
Hanggang sa umabot na sa puntong nagseselos na ako. Bukod sa pagiging gwapo member siya ng isang sikat na group band sa campus kaya maraming makakating nilalang ang nahumaling sa kanya. Itinago ko yun ng matagal at hindi ko yun ipinahalata dahil ayokong magbago ang pagtingin niya. Wala 'e bakla lang ako at masiyado siyang pa fall.
Hindi ko alam kung anong tawag sa kung anong meron kami noon. Walang naging titulo, kumabaga no label ang relationship namin. Sinusuklian ko lang ng sapat ang mga bagay na ipinapakita niya. Kapag sweet siya, sweet din ako. Pero majority ng mga kakilala ko sinasabing para kaming mag syota. May point naman sila..
We kiss. We hug. And WE... Yun.. Basta alam niyo na yun!
Basta ang alam ko pareho kameing single. Nagkakaintindihan kami at masaya na ako dun. Hanggang sa umabot ako sa point na gusto kong malaman kung ano talaga ang lagay ko sa kanya. Para kasing nakabitin sa ere ang relasiyon naming dalawa. Hindi naman ako papayag na magiging parausan niya lang ako at pagsasamantalahin niya kawalang karanasan ko sa isang relasiyon.
Kaya bumuo ako ng maitim na plano. Kung sikat siya sa campus matunog din ang pangalan ko dahil sa larong volleyball. At kahit na bakla ako hindi ako nagpapahuli sa looks at charm at masasabi kong kaya ko rin namang makipag sabayan sa mga taratitat na babaeng nagpapa pansin sa kanya araw araw.
Dahil malakas din ang charm ko sa mga schoolmates kong mga lalake nakipag date ako sa isa.
Ang ending... Nakipag sapakan siya. That's how we started dating at naging intimate sa isa't isa.
Hindi siya nahihiyang sabihin ang relationship status namin kapag may nagtatanong. Palagi niya akong hinahatid at sinusundo sa klase. Naging usap usapan kami sa buong campus lalo na't hindi nila matanggap na may karelasiyong bakla ang iniidolo nila. BS in DEAMA yun daw ang kukunin niya sa college. Open din kami sa bahay isang bagay na nagustuhan ng pamilya ko sa kanya.
"K-Kamusta ka na?" saka lang ako nagbalik sa tamang diwa sa biglaang tanong niya.
"Okay naman new school, new friends, new house rules, new enemies." Pormal na sagot ko.
"Kumakanta ka pa din pala." Napapangiting tanong niya.
"Mmmmm." Sabay inum ng kape.
"Nalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala?" umikot lang ang mata ko sinabi niya.
"Oo naman. Anong palagay mo sa akin nagka amnesia?"
"Pilosoper ka parin. Tsk tsk tsk." Yun ang tawag niya sa pagiging pilosopo ko.
"Talent yun."
Sa Videoke Bar kame nagka kilala. Naki share sila ng room noon with my friends at dun nag start ang friendship namen.
"Galing mo padin kumanta."
"Oo naman diyan ka kaya na inlab diba?" biro ko sa kanya saka ako nag sindi ng sigarilyo.
"Luh, ikaw kaya unang na inlab saken." Kunot noong sagot niya pero hindi maitago ang gwapong ngiti.
"Weh, kaya pala nakipag sapakan ka dahil nakipag date ako sa iba." Napipikon siya kapag pinapaalala ko yun sa kanya.
"Sira ka pala alam mo namang ayokong may kasama kang iba 'e." Iritabling sagot niya habang nagsisindi ng sigarilyo. Pikon.
"Oo tapos ikaw kung sino sinong babae ang kasama mo." Sarkastikong sagot ko na ikinatulala niya ng ilang segundo.
"Hoy, anong sino sino? Imbento ka!" binato niya ako ng tissue pero nakailag ako.
"Utot mo, lokohin mo lela mong panot!" inirapan ko siya at nginitian niya ako ng nakakaloko. Gustong gusto niya yan ang nakikitang nagseselos ako. Kinikilig daw kasi siya kapag ganito ang mood ko. Abnoy diba?
"Sino naman kaya diyan yung halos umabot sa noo ang nguso ka-seselos?" bulalas niya habang pinaglalaruan ang kaha ng sigarilyo sa mesa.
"Pakyu ka!" at saka siya bumulalas ng malakas na tawa.
'Sira pala ulo nito 'e, malamang magseselos ako sa daming magagandang babae umaaligid sa kanya noon.'
"I miss you so badly, YUMYUM." Titig na titig siya sa mga mata ko ng mahimasmasan. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya kahit na nakikita ko ang sagot sa mga mata niya.
'Namiss ko ba siya?'
YUMYUM. Yan ang endearment namin noon dahil pareho kaming masarap...
*Masarap kasama.
*Masarap magmahal..
*Masarap ang lutong porksteak ng Lola niya...
"Alam mong hindi ko ugaling balik balikan ang nakaraan Jasper." Tumuwid ako ng upo. " Masiyado ng malayo.. Mahal na ang pamasahe." At paitaas kong ibinuga ang usok.
"Ang malas ko pala dahil lagi akong may dala dalang sasakyan. Plano ko sanang balikan yung sinasabi mong nakaraan kong may pag asa pa." Kumikinang ang mga matang sambit niya.
'Luh ka sineryoso niya.'
"Huwag na... sa traffic ngayon malamang tamarin ka ng bumalik."
"Imposible yun lalo't alam kong naghihintay ka." Maagap na sagot niya.
"Hindi ko ugaling maghintay sa wala Jasper." Umiling ako at kumunot ang makinis niyang noo.
"Pero papayag ka bang bumalik sa nakaran kung ako ulet ang makakasama mo?"
Nagkibit balikat ako. "Depende kung saan ka papunta." Ang totoo hindi ko na alam kung saan papunta ang pinag uusapan namin. Sinasakyan ko nalang mahirap na baka lumabas na naman akong assumera.
"Huwag kang mag alala sagot na kita, kahit kumandong kapa." Naka ngiting habol niya. Yung tipo ng ngiting nakasilip ng pag asa.
"Para na Jasper.." at parang dahong nalagas ang mga ngiti niya. Ang totoo kanina ko pa gustong parahin siya. Gusto ko nalang maglakad pabalik kung nasaan ako ngayon. Nalagpasan ko na ang malalang pagka stranded ko sa traffic, sino namang tangang gustong bumalik lalo't rush hour pa?
"Bakit bababa kana ulet tapos iiwan mo na naman akong mag isa?" Ramdam ko yung pait sa tono ng niya.
"Lalagpas ako kung hindi ako papara Jasper."
Ano pa bang gusto niya? Binigay ko na yung kalayaang gusto niya tapos aartehan niya ako ng ganito?
"Ayos lang naman lumagpas ka.. ako naman yung makakasama mong bababa para may kasama ka."
'Kilala ko si Jasper at alam kong hindi siya titigil hanggat hindi niya makukuha ang gusto niya.'
"Tama na nga. Nagbayad ka na ba?!" Pambabara ko at inirapan siya.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" biglang halakhak niya.
'Yan shabu pa!'
"Baliw!"
"Isa yan sa mga bagay kung bakit ayokong mapunta ka sa iba.."
"Huwag kang madamot matuto ka ring mag share. Ginawa ko na yan sayo noon, inaasahan kong gagawin mo rin yun para sakin ngayon."
"Ayoko, gusto kong ako lang ang pinapatawa mo at wala ng iba." Seryosong sagot niya pero nakangiti.
'Hindi pa rin siya nagbago at saksakan parin ng tigas parin ang bungo niya.'
'So ano siya lang dapat ang masaya tapos ako lungkot lungkutan sa iba ganern?! Pakyu Ninong mo!'
Nag aya na akong umuwe after naming magpababa ng kinaen. Dahil dala niya ang kotse niya hinatid niya na ako malapit sa bahay. Pagbaba sinamahan niya pa akong maglakad lakad.
"Pwede ba kitang dalawin?"
"Bakit may sakit ba ako?"
"Bakit may sakit lang ba ang dinadalaw?"
"Oo saka yung mga patay minsan. Ikaw depende sa trip mo?"
"Pakyu, siyempre gusto kitang makita kaya kita dadalawin."
"Huwag na mag aaksaya ka lang nag gasolina."
"Bakit gasolina mo ba sinayang ko?"
"Kahit na bakit mag aaksaya ka pa ng gasolina para sakin?"
"Eh dadalawin nga kita!!"
"Bakit nga wala naman akong sakit!"
"Taenang yan! Kahit kailan ang sarap sarap mong kausap Lucky Gonzaga!" napipikong sagot niya at paulit ulet na nahilamos ang palad sa mukha.
"Malamang magiging tayo ba kung hindi ako masarap. Mag isip ka nga Jasper Teng!" kukutusan ko sana siya pero agad siyang nakailag.
"Huwag ka ngang ganyan. Lalo lang kitang namimiss eh." Nakanguso na naman siya. Kanina pa ako hirap nahirap kumilos sa harap niya.
'Namimiss niya raw ako? Hmpf! MY TOES, MY KNEES, MAY SHOULDER MY HEAD!!!'
"Namimiss mo ko o yung bibig ko?" biglang nanlaki ang mata ko at biglang namula yung tenga niya.
'Ay bastos na bata ano ba yung na sabi ko?'
"BOTH!" taas noong sagot niya.
"I-I mean yung ingay ng bibig ko!" biglang bawi ko at tumawa siya ng malakas.
'Maygad Gonzaga!'
"BOTH NGA!" pilyong sagot niya at kinurot ng mahina ang lips ko.
"Umuwe kana gagabihin ka." Hawi ko sa kamay niya. Ilang na ilang ako sa mga tagusang titig niya. Nanghihina ako at nahihirapan na rin akong magpanggap sa harap niya.
"Ayos lang kahit umagahin tayo ikaw naman yung kasama ko eh."
"Umuwe kana Jasper." Kunwaring naiinis na utos ko.
"Uuwe lang ako kapag pumayag ka, please.. please.." Nag puffy eyes pa. Sa lahat yung ang pinaka ayaw kong ginagawa niya sa harap ko.
'Ano naman kaya nag kailangan nito at may ganito na naman siyang drama?'
"Wala ka paring kupas Teng sarap mong isahog sa bulalo!"
"Sa sobrang sarap ba hinahanap hanap mo ba?" kinilig siya sa sarili niyang biro.
"Ulol! Umuwe ka na kung saan pa mapunta yang pasarap sarap mong kumag ka!" itinulak ko siya papalayo ng matanaw ko na ang bahay namin. Kilala ko ugali nito, mahihiya ang hardinero namin sa Quezon Science High kung diligan ako ng kulugong 'to. Chos!
"Pa kiss naman kahit isa lang." Hinakawan niya ako sa magkabilang balikat. Nanibago ako bigla. Hindi ko mabasa kung nahihiya o naiilang siya bigla. Noon hindi niya ugaling magpaalam basta gusto niya akong halikan hinahalikan niya ako.
"KUYAAA JIGGSGS!!!!" malakas na sigaw ko at bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Siraulo ka!" mabilis niya akong hinalikan ng madiin sa noo bago kumaripas ng takbo pabalik sa kotse niya.
To be continued...