Chereads / Lucky Me / Chapter 8 - Lucky Eight

Chapter 8 - Lucky Eight

CHAPTER 8

KENNETH'S POV

After ng incident sa parking lot nauna na ako sa kanilang maglakad papunta sa Canteen. Habang naglalakad alam kong pinag uusapan kami ng mga students ngayon sa campus. Sanay na ako dun pero hindi ako sanay na may kasama akong iba bukod sa mga ka team mates ko o kay Wesley. May dahilan naman kung bakit ako ganito pero hindi ako snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag usap sa ibang tao bukod sa mga pinsan ko.

Ngayon mukhang 'di ko na kailangang kumpirmahin sa pinsan ko kung sinong student ang hinahanap niya. Sa angking kamalasan ng taong ito mukhang siya nga yung hinahanap ni Wesley na aksidente niyang tinamaan ng bola ng soccer noong isang araw sa field. Hindi pa yun natatapos dun dahil muntik ko pa siyang masagasaan dahil sa pagligtas niya sa isang pusa. Andat the back of my mind that thought brought smile on my lips. 

'Psh. Ano LUCKY  daw ang name niya? Eh bakit lahat ata ng kamalasan sinalo niya?'

Isang bagay pa ang sa napansin ko sa kanya. Hindi pala siya BABAE. Kaya ba hindi sinasabi ni Wesley kung sino ang student na iyon dahil iniisip niyang pagtatawanan ko siya kapag malaman ko ang totoo?

I'm a little bit confused. Kung pagmamasdan mo siya mukha talaga siyang babae walang duda. Kamukhang kamukha niya kasi si Cara Delevingne yung sikat na Supermodel. Hindi siya kagaya ng ibang gay student na nakikita ko dito sa school na makapal ang make up o maporma. Siya yung tipong parang walang pakialam. May pagkaboyish kumilos, mas napagkamalan ko pa nga siyang tomboy kesa bakla kanina eh. Yun nga lang sobrang ingay niya kapag mag umpisa na siyang magsalita. Nakakairita.

"Bro, ok lang naman sayo na sa kanila tayo sumabay diba?" hinila ako Wesley sa isang table bago kami makarating ng counter. Alam kong nag aalala lang siya sa akin wala naman akong choice ayokong umattend ng practice na walang laman ang tiyan ko.

"May magagawa pa ba ako 'e mukhang malakas na yung tama mo dun sa isa." sagot ko na ikinabigla niya.

"Hindi yun tulad ng iniisip mo okay. Natutuwa lang talaga ako sa kanya. " mahinahong paliwanag niya at sabay buntong hininga.

"Hindi nga ba? Look bro, hindi naman ako against sa preference mo when it comes to you know... liking someone." Biro ko at nanlaki ang mata niya.

"Bro, Lucky is not a girl okay. He's Gay." Nakangusong sagot niya.

'E ba't parang ang lungkot niya? Tokshit din 'to si Wesley minsan eh.'

"Do you like him? her? It?" Natatawang tanong ko. Pati ako nalilito na rin eh.

"WHAT?No, I'm not GAY!" todo depensang sagot niya.

'Defensive. Bakit kapag nag kagusto kaba sa bakla, bakla ka na rin?'

"I know, but how can you explain your weird behaviour a while ago?" nanghahamong tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi maitindihan ang mga ikinikilos niya.

"Worried lang ako, what's wrong about that?"

"Obvious ka masiyado ulol!" inambaan ko siya ng suntok at tinawanan niya lang ako. Kilala ko si Wesley simula pagkabata at alam ko namang lalake siya. Never panga lang siyang nagka girlfriend but it doesn't mean he's gay. Masiyado lang kasi siyang isip bata. Only child kasi at spoiled brat. But today sa na obserbahan ko, maybe he's confused or something. I don't know.

"Look, its not what you think it is bro. I just wanna be friend with Lucky. That's it. Maybe, I'm still guilty or something. I don't know basta yun na yun ok." Mahinahong paliwanag niya.

"What ever Wes, gutom na talaga ako at gusto ko ng kumaen." Buti nalang maaga pa at wala pang masiyadong tao sa mga oras na ito dahil siguradong dudumugin na naman kami ng mga students sa canteen.

"Hmm. Ano kayang gustong kainin ni Lucky?" mahinang bulong niya habang nakangiting namimili ng oorderin. Pagharap niya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"W-What?" nakasimangot na sagot niya.

"Nothing." Masungit na wika ko.

'Tss, wala daw gusto kaya pala ililibre mo pa yung baliw na yun ng food. Tsk Tsk Tsk.'

Pagkatapos kong umorder ng food nabaling ang atensiyon ko sa malalaking siopao malapit sa counter. Lumapit ako sa isang siopao steamer at napangiti. Bibili ako ng isa Asado Siopao.

***Evil Smile

'Ngayon makakaganti na ako sayo paninigaw mo kanina.'

"Oh, akala ko ba hindi ka kumakaen ng siopao?" nagtatakang tanong ni Wesley pagkatapos naming bayaran ang mga orders namin.

"Hindi nga, binili ko 'to para sa kaibigan mo." Tumikhim ako ng mahina.

"K-Kay Andi?"

'Sinong Andi yung mataba? Hindi sa kaibigang mong mahilig sa pusa. Hahaha!'

"Hindi dun sa isa.. k-kay L-Lucky." nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"I knew it you like him too!" Masayang tugon niya at binatukan ko siya. Sinasabi ko na nga ba bibigyan niya ng malisya ang pinaplano ko.

"Ouch!"

"Baliw! Anong i like him? Sira na ba ulo mo?" inambaan ko pa siya ng isang batok at nanunuksong tinitigan ako.

"Naayyy! E bakit mo siya binilhan niyan?" turo niya sa hawak ko at ang isang kamay nasa bibig. Kapikon ang ganyang ugali niya kahit noong mga bata pa kami.

"Aasarin ko lang sana siya." Taas noong sagot ko. "Naalala ko kasi yung pusa sa parking lot kanina ng makita ko 'to." Hindi ko na maitago yung ngiti ko.

"Bahala ka pero kapag binungangaan ka nun labas na ako diyan." At iniwan ako at mabilis naman akong humabol sa kanya.

"H-Hoy! Hoy anong bahala ako? Pinsan mo ko Wesley ako ang dapat mong kampihan." Sumbat at may halong pangungunsensiya ko. Mula pa noon siya ang palaging kakampi ko sa kahit anong laban.

"Oo pinsan nga kita pero prank at your own risk bro. Ayokong magalit siya sakin dahil sa kalokohan mo." Inilapag niya ang tray sa pinaka malapit na mesa.

"Psh, yan ba ang walang gusto?" nakangiwing sagot ko.

"Tigilan mo ko Kenneth, hindi ka nakakatawa." Seryosong sagot niya. "Hindi ka pa ba nakuntento sa pagtatalo niyo kanina at gusto mo pa ng round two?" seryosong wika niya. Hindi ako nakasagot dahil kakaiba yung dating sakin ng sinabi niya. WTF, don't tell me nagseselos siya?

"Sasagutin ko ang tanong mo kung aaminin mong nagseselos ka?" balik na tanong ko at parang truck na nagbanggan ang mga kilay niya.

"Not in this lifetime bro." At muling dinampot ang tray sa table at sa ikalawang pagkakataon iniwan ako. I'm in shock. Nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis. Dahil sa Lucky na yun nagkakaganyan siya? Binigyan niya lang ako ng dahilan para lalo kong isakatuparan ang plano ko.

As i expected. My cousin looks like head over heels in this freak. Todo ang pa ang tanggi niyang hindi niya gusto 'e halos mapunit na yung bibig niya kakangiti sa taong yan. Tapos ang nakakainis parang hindi man lang niya na appreciate yung effort ni Wesley na bilhan siya ng pagkaen. Kundi pa siya siniko ng kaibigan niya hindi pa siya sasagot. Tss!

"Oh--" sa inis ko inabot ko sa kanya ang siopao na binili ko.

Hindi man lang siya na excite na isang Kenneth James Ang ang nagmagandang loob na bigyan siya ng siopao. Kung ibang student lang yan malamang nagtatakbo na sila sa buong campus para ipagyabang ang ginawa ko. Pero kakaiba talaga siya sa lahat, parang nakatingin lang siya sa isang walang kwentang bagay sa kamay ko.

"Ano yan?" Walang emosyong tanong niya saka nag angat ng tingin sakin. Kanina pa talaga ako naiilang sa tuwing magtatama ang paningin namin. But infairness ngayon ko lang siya natitigan ng matagal at kahit na blangko ang mga mata niya mababakas mo parin ang ganda nagkukubli sa likod nito. Ang hirap niya palang basahin katulad ng totoong pagkatao niya.

"S-Siopao." Kinakabahan sagot ko.

"S-Salamat." Pagkakuha kaagad niya itong kinagat ng malaki at mabilis na kinaen. Napalunok ako sa gulat sa ginawa niya. Para siyang barako kumaen. Panay ang kagat niya sa kinakaen kahit punong puno pa ang bibig. Makikita mo sa facial expression niya na wala siyang pakialam kung may makakita sa kanyang iba.

'He's comfortable enough in his own skin and got no problem showing his eating habit.'

"W-Whooaa." Mahinang sambit ni Wesley sa tabi ko at napailing nalang ako sa pagkadismaya. Hindi ba siya pinapakaen sa kanila? Ano first time niyang makatikin ng siopao kaya sabik na sabikl siya? Para siyang batang maagawan ng pagkaen.

Nag angat siya ng tingin ng mapansing pinapanuod namin siya kumaen.

"Whhoot?" ngumunguyang sagot niya.

"L-Lucky slow down baka mabulunan ka." Nag aalalang wika ni Wesley umupo ito sa tabi niya. Kitang kita sa itsura ni Wesley na aliw na aliw siya sa kawirduhan ni Lucky.

"Masarap ba?" napalingon silang tatlo ng magsalita ako. Tumango tango siya na parang bata at unti unting nanunumbalik ang kinang sa mga mata niya. Pagkaen lang pala ang gamot sa pagiging sinto sinto niya. "Laman daw niyang siopao PUSA." Dugtong ko at pinanlakihan niya ako ng mata.

"BUUUWWWWAAAKKK!!" Mabilis niyang inuluwa sa kamay ang kinakaen at biglang namutla. "MUUUUNNNEEEEENGGGGGG KOOOO!!!!!" naiiyak na sambit niya sa kamay.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay kaming tumawa ng malakas ni Wesley. Hindi ko na talaga kayang pigilan yung tawa ko sa naging reaction niya. Nakakatawa yung mukha niya habang sinisigaw niya yung pangalan ng pusa niya. Epic! Ang sakit sakit sa panga at tiyan lalo na ng mag teary eye pa siya habang nakatingin sa palad niyang may nginuyang sipao.

Wala paring tigil ang tawa naming mag pinsan pero ng makitang naming bigla siyang nag seryoso sabay kaming nanahimik ni Wesley.

"S-Sorry." Halos magkasunod sambit namin ni Wesley.

"Sorry? E kung ipalaman ko sa tinapay ang mga "Tutoy" niyong dalawa, bet niyo?" nakakatakot at seryosong banta niya. Seryoso kaya siya? Pero sa talim ng tinging ipinupukol niya sa amin at sa ugali nito hindi malabong mangyari ang gusto niya. Halos magkasabay naming tinakpan ni Wesley ang harap ng pants namin. Pinag papawisan ako ng malamig. Bilib ako sa lakas ng loob niyang sigawan at pagbantaan kaming mag pinsan. Hindi talaga siya natitinag sa presensiya namin? Dammit!

"J-Joke lang yun Lucky." Depensa kaagad ni Wesley. "Pero si Kenneth talaga yung bumili niyan naalala ka kasi niya ng makita niya yung Siopao kanina sa counter."

'Akala ko ba, prank at your own risk? Tss, takot din naman pala siya kay Lucky.'

At unti unting lumambot ang facial expression niya.

"Bully!" parang batang ungot niya sa akin. Tawang tawa talaga ko sa kanya.

"Sarap na sarap ka nga e." Nginitian ko siya at tinakasan na naman ng kulay ang mata niya.

"Aahhh-- Eh di Meowww." Nakangusong sagot ni Lucky.

Aaminin ko nag enjoy naman ako sa company nilag magkaibigan. Hindi naman pala masamang may kasabay kumaen paminsan minsan. And besides inoobserbahan ko pa si Wesley kung totoo talaga yung mga pinag usapan naming dalawa kanina about how he felt towards Lucky. Nalaman ko rin na bagong transfer si Lucky sa Carlisle at naniniwala na talaga akong malas siya dahil unang araw palang niya sa Carlile marami ng nangyari sa kanya. Nadapa na tinamaan pa ng bola. He's so unlucky.

After basketball practice tinawagan ko si Wesley kung sasabay siya sa aking umuwe. Oo daw, kaya inantay ko siya. Malapit na kami sa parking lot at nakita ko sila Amber at yung dalawang kaibigan niya habang may kausap sa parking area. Sino na naman kaya ang mga kawawang biktima nila ngayon? Sigh.

Nagulat ako sa nakita dahil sila Lucky at Andi ang kausap nila Amber malapit sa stock room.

"Ilan ba lahat ang balat ng taong to sa puwet at ayaw tantanan ng kamalasan?" Napapailing na bulong ko sa sarili ko habang papalapit.

"Sila Andi yun ah!" turo ni Wesley sa dalawa pero hinarang ko siya at sinenyasang huwag munang maingay.

"Makinig muna tayo kung anong pinaguusapan nila Wesley. Huwag ka munang maingay." Bahagya siyang napasinmangot sa gusto ko. Alam ko namang nag aalala siya sa mga bagong kaibigan niya.

'Gusto ko lang marinig ang pag uusapan nila at kung tatagal ba ang pagiging nagger si Amber laban sa kulet nung dalawa.'

"YOU!" turo ni Amber kay Andi.

"WHO GAVE YOU THE RIGHT TO TALK TO MY BOYFRIEND AND EAT ON ONE TABLE WITH HIM, HUH!?" mayabang na tanong ni Amber. Wow! Ano namang kinalaman ko at nadamay pa ang pangalan ko?

"H-Huh?" Natulala at hindi maka sagot si Andi.

"ANSWER ME OR ELSE WALA KA NG BABALIKANG SCHOOL BUKAS?" paninindak niya dito.

"Ano bang pinaguusapan nila bro?" bulong ni Wesley sa tabi ko. "Oh ayon si Lucky saan siya galing?" turo niya kay Lucky habang papalapit sa likod ni Andi.

"Quiet, Hindi ko rin alam kaya nga tayo makikinig sa kanila." Mahinang sagot ko. Ayokong sabihin ako ang topic nila dahil baka biglang mapasugod si Wesley para ipagtanggol ang mga new found friends niya.

"Ba't di mo tanungin yung "UNGAS" na yun kung bakit sila ang sumabay samen?" Lakas na loob na sagot ni Lucky kay Amber.

'Wow! Ang lakas naman ng loob niyang sabihing mga UNGAS kaming magpinsan.'

"At bakit naman sila sasabay sa inyo, aber?" Nakapamewang at maarteng tanong ni Amber kay Lucky.

"Sila ang sumabay sa table namen at hindi kame." Hinila niya si Andi sa tabi niya. "Kaya dun ka magtanong sa sinasabi mong boyfriend kung bakit sila ang sumabay samin." Pormal na pormal siyang makipag usap at hindi man lang makikitaan ng pagkailang.

"And who da hell are you?!"

"I'm no one. So back off. Sayong sayo na at walang nakikipag agawan sayo." Wala kagana kaganang sagot nito. At sino naman siya para ipamigay ako?'

"SINO KA NGA SABIHIN MO BAGO UMINIT ANG ULO KO!!" malakas na sigaw niya kay Lucky. Malamang dahil transferee siya hindi alam ni Lucky kung sino si Amber sa Carlisle Academy.

'This is interesting tingnan natin kung sino ang unang susuko.'

"Eh ano naman kung uminit ang ulo mo? Antayin mong uminit ang ulo ko Barbie, exciting." Pang aasar niya sa kausap.

'What Barbie? Hahaha! Lalong mapipikon si Amber nito.'

"Huh? Do you know who I'am fag?" mayabang na tanong niya habang nakaturo sa sarili.

"Sorry dear, never heard." pang gagaya nito kay Amber.

"So hindi mo nga ako kilala?" mataray na sagot niya. "Coz if you did.. you'll never act like that infront of me?"

"I told you i'm not interested with you Barbie. Well unless you are Ken." At napabungisngis si Wesley sa tabi ko na mukhang aliw na aliw sa pakikinig at sineyasan ko siyang huwag maingay. Wait.. Is he referring to me? K-Ken? Kenneth?

"YOU'LL REGRET EVERYTHING YOU'VE SAID FAGGOT!"

'Oh-ow mukhang seryoso na siya.'

"Hmmm—Maybe yes." Balewalang sagot nito. "Nasa huli naman talaga ang pagsisisi. Try mo minsan magsisi sa umpisa para makita mo kung sino sa atin ang mukhang tanga." Pabalang na tugon ni Lucky at pareho kaming napanganga ni Wesley.

"You really don't have any idea who you're talking to faggot." Umiiling na tugon niya.

"Kenneth, you have to do something. You know how crazy your ex girlfriend is." Sambit ni Wesley at napalingon ako sa kanya. Anong pinagsasasabi nito?

"Just wait, i wanna find out what's gonna happened next."

"Are you insane, she just threatened them." Napipikang turo niya sa kanila.

"Relax. She will never do that okay, we talked about it before and she promised." Alibi ko nalang para hindi na siya mangulit.

"Make sure of that ikaw ang malalagot sakin." Bigla akong napalingon kay Wesley sa sinabi niya. Pero na kela Lucky ang atensiyon niya. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong seryoso siya sa sinabi niya.

"Pader ang binangga niyo mo mga bakla, PADER!" sigaw ng kaibigan ni Amber.

"OWS? Pader ba? Akala ko nga kanina naglalakad kayong PINK URINAL FOR MEN ng MMDA." Pambabara niya dun sa isa. . "Ganda nga ng formation niyong tatlo 'e isang payat at dalawang matataba." At humagikhik si Wesley sa tabi ko at siniko ko siya par amanahimik.

"Diba ikaw yung ta-tangang tranferee na nadapa nung flag ceremony?" paalala pa nung isang babae. Tss, pinaalala niya pa 'e kanina lang inalaska namin siya dahil dun. He he he!

"May tama ka beh!" kumindat at nag thumbs up pa si Lucky sa kanya. "Andi, bigyan ng kulay pink na corduroy na jacket yung kasama niya!" pinandilatan ko si Wesley dahil unti unti ng lumalakas ang pagbungisngis niya.

"Matapang ka. Gusto ko yan pero walang lugar ang pagiging matapang mo dito sa campus. Lalo na ako ang napili mong banggain."

"Noted. Pero wala din sa lugar yung pagsugod sugod mo dito dahil lang diyan sa pagseselos mo." Walang kagatol gatol na sagot ni Lucky kay Amber.

"ME?! JELOUS OF YOU? NO FUCKING WAY!" bulyaw ni Amber sa kanya.

"E anong inaarte arte mo dito ngayon?" ilang segundong hindi nakasagot si Amber.

"Next time na makikita ko kayong kasama si Kenneth. You better pack up your things and get out of my school."

"Bro this is getting serious. Lets go!" hinila ni Wesley ang bag ko. "Hindi na ako mag aantay na mapahamak sila ng dahil sayo."

"Shut up and wait." Naiinis na sagot ko at sinuntok niya ako ng mahina sa braso.

"Kingenang yan! Sino ba kasing KENNETH yan huh!?!" linapitan niya yung tatlo na mukhang natakot dahil medyo na pa atras sila.

"FYI FAG, KENNETH JAMES ANG IS MY BOYFRIEND!" May pagmamalaking sagot ni Amber kay Lucky. Napayuko na lang ako sa narinig ko.

"Tss, yan ba ang mag ex, 'e pinapangalandakan pa niyang kayo pa." komento ni Wesley sa tabi ko. Alam kong naiinis na siya sa pinapanuod.

"Kapag makita ko yang Kenneth James Ang na yan WARRNEEENNNNGGG na yan saken!"

'Ano daw? Warning na ako sa kanya? Inaano ko ba siya?'

"I told you.." si Wesley.

"Shut up Wesley!" singhal ko at parang batang nag make face.

"Just do what i ask faggot. Ayokong nakikitang may kasamang iba si Kenneth aside from me or my girls." Sabay senyas sa likod niya.

"No problem with that Barbie." Nginisihan niya ito ng nakakaloko "Ang gawin mo itali mo sa leeg yang Kenneth James Ang mo, bago mo ibuhol sa bewang mo para di na makawala sa katawan mo--" at saka siya natigilan ng mapansin niyang nasa likod lang kami ng pinsan ko.

'Tss. Kahit kelan talaga sobrang hardcore ng bibig nito.'

I can't believe na ako ang pinag aawayan nila. Pero hindi na yun bago saken pagdating kay Amber, lahat inaaway niya kapag may lumalapit sa aking iba. Hindi ko na lang pinapansin kahit minsan nakaka irita na.

Gusto kong matawa sa usapan nila. Walang sinabi si Amber sa pabalang at pamimilosopong sagot ni Lucky sa kanya. Hindi siya mananalo kahit mag hapon silang magtalo.May silbi din pala yung pagiging maingay niya. Sa totoo lang tawang tawa talaga ako sa mga sagot niya kaso hindi ko kayang tumawa ng malakas sa harap nila. Una magagalit si Wesley. Pangalawa ayokong isipin ni Amber na kinakampihan ko sila Lucky. I am Switzerland or i should i say i'm just being neutral.

Hindi mawala ang ngiti ko magmula pa ka kaninang umaga kaya ganadong ganado ako sa klase. At sa tuwing lilingunin ako ni Wesley pinagsusungitan ako. Who care's basta natutuwa talaga ako lalo na kapag naaalala ko kung paano niya iniluwa ang siopao sa kamay niya. Hahaha!

'Ano daw sabi niya? "EH DI MEOOWWW!' Napapangiti lang ako sa dun sa itsura niya kanina.

Pagkatapos ng pagbabanta ng grupo ni Amber kela Lucky mabilis nilang nilisan ang lugar ng hindi kami napapansin. Except Lucky of course.

LUCKY'S POV

Ilang araw pa lang ako sa school na to pero kotang qouta na ako sa kamalasan. Sa dati kong school wala naman ganitong drama na pang teleserye. Dagdag stress ampota dahil lang sa lalake. Kagigil!

After ng balitaktakan namin nilayasan nila kami ng mga Pink Rangers. Kailangan sindakin pa bago pa magsilayas mga papansin. Buset!

Tapos dumating pa 'tong dalawang tsismoso. Buti nalang nakaalis na ang mga Pink Rangers ng dumating si Muning at kasalukuyang karga ni Andi.

"Seshie sila Papa Kenneth oh!" nguso ni Andres sa dalawang papalapit.

"Oh, ano ra-round two pa kayo? Bilisan niyo may labada pa ako." Inabot ni Andres si Muning sa akin.

'o__O Si Kenneth at Wesley.

"H-Hah?" pa inosenteng sagot ni Kenneth. Isa pa 'tong lalakeng ito di na nga maganda ang aura may gelpren pang demonyita!

"Alam niyo bang simula ng makita ko kayong dalawa nagkanda malas malas ang buhay ko?" duro ko sa kanilang dalawa. Akala mo kung sino.. por que mga gwapo. Yung mga babae naman dito mga haliparot kala mo nakikipag agawan kami sa mga lalaki. Yan ba yung Kenneth na pinuputok ng butse niya payatot naman bagay na bagay sila. Sarap nilang ipanggatong sa tsimeniya!

"Huwag mo ng pansinin yung mga yun Lucky. Ganun talaga sila pagdating kay Kenneth." Nakangiting sagot ni Wesley habang nakatitig sa akin.

"Anong huwag? 'E kung pagbantaan niya nga 'tong si Andres akala mo siya yung nagsusubo ng kanin sa baklang 'to tuwing umaga!" litanya ko sa kanila at nagbungisngisan pa yungmagpinsan.

"Seshie naman pinapahiya mo naman ako e." Bulong ni Andi at kinurot sa likod. "Sorry boys, may buwanag dalaw ang friend ko don't mind him nalang. At hindi rin ako nagra-rice magtu-two months na." Pa cute na sagot niya sa dalawa kaya lalong natawa.

"Tama si Wesley huwag niyo ng pansinin ang mga yun." Sang ayon ni Kenneth sa sinabi ng pinsan.

"HUWAG? Hoy, Three days.. three days pa lang ako dito sa Carlisle, maki- kick out na ako dahil sa inyong dalawa!"

"I said don't mind them." bahagyang nabahag ang buntot ko sa pagiging seryoso niya. "Kakausapin ko si Amber. I'll explain everything to her na kaibigan kayo ni Wesley yun lang yung way para tigilan niya kayo."

'Dapat lang pareho kayong may saltik ng gelpren mo!'

"Very good dahil sa susunod na sumugod siya harap ko para sa mga walang ka kwenta kwentang bagay ita-taktak ko lahat ng bone marrow niya sa fountain dun sa canteen." Inis na sagot ko. Maygad hindi ako nag aral dito para makipag agawan sa lalaki.

"Don't worry kakausapin ko siya at pangako hindi na ito mauulit." Nakayukong sagot niya at ng magtama ang mga mata namin nailang ako bigla.

"Talaga gagawin mo yun Kenneth, salamat ah." Napangiwi ako ng hawakan ni Andi sa balikat si Kenneth. Tsansing! "Pagpasensiyahan niyo na 'tong kaibigan ko masiyadong hot. Hehehe!" nahihiyang paliwanag ni Andi at pinandilatan ako.

'Ako hot? Kalmado pa ako nito friend!'

"Sigurado yan. You don't have to worry guys. Diba Kenneth magagawan mo ng paraan yan?" sabay tapik sa balikat ni Kenneth at nginitian ako ng matamis.

"Oo, tara na huwag ka ng mag pa cute nakakadiri ka!" At umiiling na naglakad papunta sa kotse niya.

"I guess.. i'll see you tomorrow?" nahihiyang wika niya. Hindi ako nakasagot. Bakit?

Sabay sabay kaming napalingon ng mag start at umandar ang kotse ni Kenneth. "KENNETH!!!" malakas na sigaw ni Wesley. "B-Bye Lucky!" at nagulat ako ng kurutin niya ako sa pisngi bago tumakbo at sinalubong ang kotse. Huminto ang kotse ni Kenneth sa tabi namin ni Andi. Hambog! Sa inis ko inilabas ko ang dila ko para asarin siya at inirapan niya naman ako bago sumara ang bintana.

WESLEY'S POV

"Seriously bro? Ako nagpapa cute kay LUCKY? " naiiritang tanong ko kay Kenneth habang nagmamaneho.

"In denial ka lang bro, kitang kita ko yung reaction mo kanina."

"That's ridiculous!" Napapa ngangang sagot ko.

"Its written all over your face John Wesley Ongpauco."

'Ano bang iniisip ni Kenneth na may gusto ako kay Lucky? No way. May gusto agad hindi ba pwedeng natutuwa lang ako dun sa tao?'

"Bumabawi lang ako sa kanya but it doesn't mean i like her.. Him pala." Bawi ko sa huling salita at napangisi naman ang pinsan ko habang nagmamaneho.

'Shit, umayos sa Wesley.'

"Don't worry your secret is safe with me." Naka ngiting sagot niya. Hindi ko alam kung nang aasar lang ba siya o talagang seryoso siya sa sinasabi niya. I know him very well at hindi ako sanay na binibiro niya ako ng ganito.

"I like him, Oo pero as friend lang yun bro. Wala yung ibang ibig sabihin okay?" pilit na paliwanag ko.

'Seryoso ako sana ma gets niya. Asar! Bakit ba ito ang pinaguusapan namen. Ang bading bading kasing pakinggan.'

"Actually bagay naman kayo eh." Pinilit kong huwag mapangiti sa sinabi niya.

"T-Talaga? In what way?"

"Hmm—never mind." Biglang bawi niya at hinampas ko siya sa braso. "Ano ba huwag kang magulo!" sigaw niya. Ugaling ugali niya yan. Ang tamad tamad magkwento kapag ako wala akong itinatagong sekreto sa kanya kahit noong mga bata pa kami.

"Ano nga kasi yun.. may sinasabi ka tapos babawiin mo." Napipikang sagot ko.

"Oo na bagay kayo pareho kayong sinto sinto. Hahahaha!" sabay tawa niya ng malakas. Napalingon ako sa kawirduhan niya. Himala napapadalas ang pagtawa niya ngayon? Mukhang good mood 'tong mokong na 'to kaya pinagti-tripan na naman ako.

"Hoy, sinong sinto sinto? Baka yung ex mo wala alam kung hindi makipag away." ganting sagot ko alam kong maiinis siya dahil ayaw niyang na bo-brought up si Amber sa usapan.

"Don't worry i'll talk to her para sa ikatatahimik ng lovelife mo dear cousin." Hindi ko alam kung nananadiya ba siya o ano pero napipikon ako, i swear!

"Look ginagawa ko lang yung sa tingin ko ay tama. Its my way of saying how sorry i am for what i did to her. Him rather." at bigla siyang bumungisngis bago tuluyang natawa.

'Arrrrgghh!'

"See, nalilito kana din hahahaha!" malakas na tawa niya habang nag da-drive.

'Ba't ba ako nag papaliwanag sa unggoy na to?'

'Oo na ku-kyutan ako kay Lucky but it doesn't mean i like him romantically.'

"Maybe, I'm just fascinated by his looks and weird attitude towards other people." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Kenneth.

o_O si Kenneth paglingon ko. Nanahimik kasi siya bigla.

"You mean like the way he treats you and me?" at sinundan niya ng mapanuksong tingin. Panandalian ako napaisip. Bakit paano ba ako i-treat ni Lucky? Teka bakit ba nakikisali siya, 'e ako lang naman involved sa issue? Napangiti ako sa sarili sa mga naiisip ko. "What?" iritabling baling niya habang nagmamaneho. Pikon! Muli niyang itinuon ang mata sa daan at mahinang kumakanta.

"Its not just me okay. Like how he treats anyyone else just like you and me." Paglilinaw ko. "Lucky has an interesting personality and maybe naku-curious lang ako sa pagkatao niya." Dugtong ko na ikinatango niya.

"Sabagay may point ka kahit ako na wi-wirduhan sa kanya." At napatitig ako sa kanya habang nagmamanehi. So it means naagaw din niya ang atensiyon ng pinsan ko.

"He's very weird. Tapos ka look alike pa niya yung supermodel na si Cara Delevingne . What do you think?" Natatawang komento ko at kumunot ang noo niya.

"Yun nga din yung reaction ko nung unang nakita ko siya kaya siguro hindi ko na halatang lalake siya." Unti unting nangunot ang noo niya. I'm wondering what he's thinking right now. Kabisado ko na ang ugali ni Kenneth noon pa at alam kong may nagbago sa kanya. Hindi niya ugali ang makihalubilo sa ibang tao lalo na kung 'di ka niya trip. Kahit nga sariling mga kamag anak namin madalas hindi niya pinapansin yung ibang tao pa kaya?

Nakakapanibago ang mga ikinikilos niya. Kapag galit siya hindi ka niya iimikin at never siyang nakipagtalo sa iba bukod sa akin. Natatagalan niya ang ugali ko pero wala siyang interes sa iisipin sa kanya ng ibang tao. Masiyado siyang seryoso at kaya niyang hindi magsalita buong araw. But his introvert personality makes him more attractive for some people.

Ang ipinagtataka ko kung paano siya nakatagal sa ingay ni Andi at sa kakaibang ugali ni Lucky. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang mag relax, tumawa at nakihalubilo sa iba bukod sa mga ka team mates niya sa basketball. Masiyado kasi siyang focus lalo na sa mga bagay na nagugustuha niya.

Ang swerte nila Lucky.. Oh! And speaking of Lucky.. Thank God! Kinausap niya narin ako ng matino, hindi na rin siya masiyadong nag susungit ngunit nandun parin ang pagiging tahimik. At kanina nagulat talaga ako ng yakapin niya ako sa parking lot habang nakaluhod siya sa daan. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko kanina, pakiramdam ko sobrang close namin sa isa't isa kahit napaka akward ng posisyon namin. He he he! Bad Wesley!

"He's really cool and very pretty." Puri ko habang nasa isip ko ang imahe ni Lucky at niyakap ko ang bilog na basketball pillow ni Kenneth.

"Tss! Pretty nga engot naman." Mahinang bulong niya pero dinig na dinig ko yun.

"Napaka judgemental mo naman!" pinagtaasan ko siya ng boses. "Sige nga paano mo na sabi, akala mo kung sinong perfect." Sa inis ko tumagilid ako ng upo at humarap ako sa bintana.

"Bakit hindi pa ba sapat yung mga kamalasan niya sa unang araw niya sa Carlisle?" Lumingon ako ng marinig ko ang sinabi niya. "Ang lawak lawak ng campus dun pa siya dumaan malapit sa socce field." Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. "At sino namang may matinong pagiisip ang magpapasagasa ng dahil sa isang pusang kalye?" Hangang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakikinig sa mga litanya niya. Pakiramdam ko tuloy ito ang unang beses kong narinig ang mga bagay na yun kahit napagkwentuhan na namin iyon kanina sa canteen.

"Ahh---- that's explain why he's doesn't like you." Tatango tangong sagot ko.

"I don't like him either. He eats like a monster, he nags too much and maybe he doesn't even know his gender preference yet. Yeah, he looks like a girl but he acts like he's a gangster." Natulala ako sa haba ng litanya ni Kenneth. Seriously si Kenneth ba talaga 'tong kausap ko o napalitan siya ng ibang tao?

"Wow, you even barely know him cousin to say that much." Hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pakiramdam ko tuloy mas matagal pa niyang kakilala si Lucky kesa sa akin.

"What? Wala ba akong karapatan magalit sa kanya?" bulalas niya pa.

'Bakit naman siya magagalit kay Lucky? Huwag niyang sabihin dahil lang yun sa narinig naming pagtatalo ni Lucky at ng ex girlfriend niya?'

"I don't understand Kenneth." Nalilito paring sagot ko. Ako maiintindihan ko pa kung bakit naging mailap si Lucky sa akin dahil sa ginawa ko.

"Then don't, but i know the reason why Lucky hated me." Pormal na sagot niya at pinagtaasan ko siya ang kilay.

"And what is that supposed to mean?" ramdam ko ang paghaba ng nguso ko.

"Mmmm. Nothing forget about it." Balewalang sagot niya.

"That's unfair!" singhal ko at bigla siyang natawa. Ganyan ang gusto niya ang alaskahin ako kahit noong mga bata pa kami ganun na ang ugali niya.

"Bakit interesado kang malaman?" pang aasar niya.

"Bakit kailangan mong ilihim? Unless..." at biglang nagbago ang timpla ng mukha niya.

'Gotcha! Yaw ang ayaw na ayaw ni Kenneth ang tinutukso siya sa iba..'

"Okay fine, we met the other day sa harap ng GO Office." Walang emosiyong sagot niya.

"And then?" senyas ko sa kanya na ituloy niya pa ang kwento. Umikot lang ang mata niya habang nagda drive.

"Ewan ko kung anong trip niya dun sa harap ng pinto ng GO office pero nakaharang siya sa elec box."

"Oh?"

"That's it." Tamang tama huminto kami dahil naka red ang traffic light.

"No its not." Nakipaglabanan ako ng titigan at una siyang bumigay.

"Fine, sinabi ko lang na nakaharang siya sa daraanan ko."

"Lucky is not stupid para magalit ng walang dahilan sayo." Alam kong hindi yun ang buong kwento at sa itsura niya mukhang may hindi pa siya sinasabi. Kanina sa parking lot akala ko siguro nila hindi ko napansin na sobrang awkward nilang tingnan. Si Kenneth na paang apoy na nagliyab sa galit at si Lucky na imbes magpakumbaba at magpasamalamat ay muntik ng makipag sabong sa parking lot kanina. Wala akong maintindihan at hindi magkunek ang nalalaman ko sa nakikita ko.

"Yeah he is. I told him STUPID before i left him." Mahinang sagot niya habang nasa daan ang tingin dahil nag GO na nag traffic lights.

"WHAAAAT? Eh engot ka pala eh." At bigla ko siyang binatukan ng unan sa ulo. No wonder parehong mainit ang mga dugo nila sa isa't isa.

Bigla niyang ihininto ang sasakyan.

"Ya!" sigaw niya sa mukha ko. "Binatukan mo ko dahil lang sa kanya? You sonofabitch!" halos pumutok na ang mga ugat sa noo niya. Tumawa ako ng malakas sa reaksiyon niya dahil pulang pula ang mukha niya sa galit. "Yan ba? Yan ba ang wlang gusto? Ulol ka Wesley kung ibang tao maloloko mo hindi ako!" sigaw niya sa mukha ko at natahimik ako.

"Say what you wanna say cousin."

"Dami mong alam Wesley, dun din papunta yang nararamdaman mo. Mark my word cousin. Mark my word."

"Bakit ba pinagpipilitan mo yang gusto mo? Baka naman IKAW....ang magka gusto dun." biro ko sa kanya kahit na alam kong pikon na pikon na siya.

"PAKYU KA! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo kagaya mo." Naiinis na sagot niya.

"What ever Kenneth James Ang. Ganyan na ganyan ka nung mga bata pa tayo madalas ayaw mo ng mga toys ko pero ang ending nagugustuhan mo rin sa ayaw at sa gusto mo." Napapa iling lang ako dahil natatawa ako kapag naalala ko yung masasayang childhood memories namin Kenneth.

"Bata pa tayo nun, but this time we have different interests. Malabong magustuhan ko ang mga bagay na gusto mo ngayong tumatanda na tayo."

"Ikaw lang ang tumatanda sa ating dalawa Kenneth palagi ka kasing seryoso at naka simangot."

"Pero mas magadang lalake parin ako kesa sayo Wesley and you can't do anything about it." Napapangiting sagot niya habang hawak ang manibela.

"Psh, gwapo ka nga pero ilag naman sila sayo dahil ang sungit sungit mo!"

"Ewan ko sayo tigilan mo ko kung ayaw mong paglakarin kita pauwi sa bahay mo!"

"Hindi mo magagawa yun Kenneth dahil mahal na mahal mo ako! Hahahaha"

"Pakyu ka ang bading mo ng magsalita kadiri ka!" sigaw niya pero tawang tawa naman siya.

KENNETH'S POV

"How's you're studies Kenneth?" bungad ng big sister ko si Joi pagkaupo ko.

"Same old. Same old." Malamyang sagot ko habang pumipili pa ako ng food sa table.

"Same old? Baka naman puro babae at basketball ang inaatupag mo hindi yung pag aaral mo?" biglang napatingin sila Grandma at Grandpa sa side ko. Si Ate Joi ang older sister ko at pitong na taon ang tanda niya sakin. Dalawa lang kaming magkapatid katulad ko sa Carlisle din siya nag aral noon at ngayon isa na siyang doctor sa isang kilalang hospital sa Quezon City.

"Apo baka naman puro basketball ang ginagawa mo at napapabayaan muna yung studies mo." Nag aalalang sabat ni Grandma.

"No, Grandma napagsasabay ko naman yun pareho at very okay naman yung mga grades ko. Time management isang bagay na natutunan ko sa paglalaro." Nakangiting palusot ko. Hindi naman ako nagpapabaya. Epal lang talaga ang older sister ko.

"E yung mga babae mo, na ma-manage mo din ba ng maayos?" singit ulet ng kapatid.

"Wala akong mga babae Joi, Ikaw lang at si Grandma ang mga babae sa buhay ko." Casual na sagot ko.

"Lolo oh! Kenneth just called me by my first name." Sumbong nito sa Grandpa ko na panay ngiti lang habang pinagtutulungan ako.

"Kenneth, you're Ate Joi still older than you. Where's your respect apo nasa harap pa man din tayo ng hapagkainan." May himig na tampo at sermon ang boses ni Grandma.

"Yes Grandma." Mahina at nakayukong sagot ko.

"Kayong dalawa huwag niyo ngang pagtulungan ang paborito kong apo. Kumaen kalang Kenneth huwag mo na silang pansinin." Nakangiting saway ni Grandpa sa kanila. Pasimple akong dumila pagtingin ng kapatid ko.

"Hahaha beat that big sister!'

"Kaya nagiging spoiled brat yang apo niyo Lolo dahil palagi niyong kinakampihan eh." Nakasimangot na sagot ng kapatid ko.

"Of course palagi mo namang kakampi ang Lola mo, so ako ang magiging kakampi ng apo kong lalake, diba Kenneth?" kinindatan ako ni Grandpa.

"Yes Grandpa." At tumawa kami pareho.

"May girlfirend ka na nga ba Kenneth?" nagbara ang lalamunan ko sa tanong ni Grandpa.

"Wala po Grandpa, masiyado po akong busy sa studies at basketball baka hindi ko kayang pagsabay sabayin." Nahihiyang tugon ko.

"For christ sake! Ano ka ba Raymond, masiyado pang bata itong apo ko para pumasok sa relasiyon hayaan mo siyang mag enjoy muna sa bagay na gusto niya." Saway ni Grandma kay Grandpa.

"May girlfriend na yan tinatago lang yan satin panigurado." Sulsol ni Ate Joi kaya pinandilatan ko siya.

"Kenneth?" sabay na tanong ng Grandparents ko.

'Patay ka!'

"W-Wala pa po. But don't worry Grandma i'll introduce her to you if i got one. Soon." Sabay kindat at ngitian ako ng matamis ng Lola ko.

'Whew, pinagpawisan ako dun ah.'

"Baka naman maunahan ka pa ng pinsang mong si Wesley alam mo namang manang mana yun sa Grandpa pa mo." Biro ni Grandma at nginitian siya ni Grandpa ng nakakaloko.

'Ang sweet nila sana makahanap din ako ng kagaya ni Grandma na mamahalin din ako gaya ng pagmamahal niya kay Grandpa at sa amin ng sister ko.'

Pagkatapos kumaen nauna akong umakyat ng kwarto para maligo at makapag pahinga dahil maaga pa ang basketball practice namin kinabukasan.

Sa Parking lot.

Maganda ang gising ko dahil mahaba ang naging tulog k. Buti na lang hindi na tumambay sa bahay si Wesley kagabi para makipag puyatan para maglaro ng kinaadikan naming online games. Mapayapa at matiwasay naman akong nakapag park sa usual parking space ko.

See? Sinong nagsabing malas ang parking area na 'to? Pagsara ko ng pinto nahagip agad ng paningin ko ang nakaka iritang view. Sa ilalim ng puno nakaupo at masayang kumakaen ang mga asal kalyeng mag amo. Si Lucky at ang pusa. Biglang kumirot ang isang bahagi ng ulo ko, yung parte kung saan tumama yung unan na ipinambatok ni Wesley sa akin dahil sa Lucky na 'to.

Iiling iling na lumapit ako sa kinauupuan nila.

"A-AHERRRM!" pasimple akong tumikhim.

"Oh Muning, ubusin mo yan magagalit si Tita Jack sayo dahil ang aga aga pinag prito ko pa siya ng fried chicken para sabay tayong mag almusal." Masaya at parang batang kwento niya habang panay kagat ng fried chicken sa kabilang kamay. Hindi man lang nagbago ang paraan niya sa pagkaen may tao man o wala.

'Tss, parehong walang breeding.'

"A-AHERRRM!" Mas malakas na tikhim ko at dun lang siya napalingon. Blangko ang expression at parang wala akong ka kwentang bagay na nadaan lang ng mga mata niya. Siguro kung ibang student ang nilapitan ko malamang hindi na ito makatingin ng derecho o maiilang sila ng sobra. "G-Good morning." Mahinang bati ko.

"Anong kailangan mo?" Biglang nagsalubong ang makapal niyang kilay.

"Bakit kapag may lumapit ba sayo dapat may kailangan agad?" masungit na tugon ko.

"Malamang?! Unless gusto mong makisalo sa breakfast namin ng Muning ko?" tinakpan niya ng dalawang palad ang dalawang transparent na bilog na container. Tss, anong feeling niya makikisalo ako sa kanila? Ew!

"Muning mo? Bakit pusa mo na ba yan? May papers ka ba na nagpapatunay na pag mamay ari mo na ang pusang yan?"

"Ungas ka pala 'e, saan ka nakakita ng pusang kalye na may papers?" tumayo siya at nagpagpag ng kamay sa likod ng pants niya. "ITURO MO SA'KEN UNGAS AT IPAPAREHISTRO KO TO!" sigaw niya at muntik na akong matawa. Naniwala naman siya. Hahaha! Engot talaga.

"Hoy, anong ungas?" agad na bawi ko. "Ako ungas? Wow.." napatakip pa ako ng bibig sa sobrang galing niya.

"See, hindi mo alam kasi nga UNGAS ka!" at mabilis akong tinalikuran.

"Stay away from my cousin. You're not a good influence." Mariing utos ko. Naalala ko nagiging bayolente si Wesley simula ng makilala niya si Lucky. Bukod dun ayokong ma confused ang pinsan ko dahil sa pisikal na anyo niya. Isa siyang lason sa mata.

"Bakit niyaya ko ba siyang mag droga?" pabalang na sagot niya.

'Whew, umpisa pa lang umuusok na ang tenga ko sa pagiging pilosopo niya.'

"Just do what i ask." Duro ko sa kanya. "STAY. AWAY. FROM. HIM." Dinahan dahan ko na ang apat na huling salita baka mamiss niya pa.

"E tulok ka pala eh. Nasa iisang school lang kami, palagi niya pa akong nilalapitan. Sa tingin mo paano ko siya iiwasan?"

'Anong tulok?'

"Hindi ko na problema yun basta gumawa ka ng paraan."

"Siya ang lumalapit hindi ako. Bakit hindi siya ang pagbawalan mo?"

"Hindi nga yun makikinig sa akin."

"Eh di ikaw ang may problema. Tapos ako pag iisipin mo? Sige rugby pa para sa ika-papayat mo!" at hinarap ulit ang madungis niyang pusa. Gusto ko siyang hilahin sa likod ng damit para harapin ako.

Aaminin kong hindi ako mananalo sa kanya kahit maghapon kaming mag usap. Maiksi ang pasensiya ko sa mga katulad niyang pilosopo.

"Hoy, ikaw siguraduhin mong wala na yang pusang yan bukas dito dahil ire-report ko yan sa maintenance department para ipatapon yan sa labas ng campus!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong maisip na dahilan sa sobrang inis ko sa kanya. Mapapahiya naman ako kung hindi ako sasagot.

Dahan dahan siyang lumingon at nakita ko kung paano nagbago ang kaninang matapang na itsura niya. Kalmado pero hindi ko mabasa dahil blangko at tagusan ang mga tingin niya.

"Opo ser, sisiguraduhin kong hindi muna masisilayan si Muning simula bukas." Dali dali niyang niligpit ang nagkalat na gamit at binuhat yung pusa. "TABI!!! Nangangalmot 'tong pusa kapag nakakakita ng panget sa umaga!!" malakas na sigaw niya at binangga pa ako sa balikat pag alis nila. Tulala kong sinusundan sila ng tanaw habang papalayo.

Dumerecho na rin ako sa practice pero dumaan muna ako sa classroom nila Amber. Kinausap ko siya tungkol sa naging alitan nila ni Lucky. Ipinaliwanag ko na hindi sila ang sumabay sa amin ni Wesley kundi kami ang sumabay sa table nila. Naintindihan naman ni Amber kaya pagbibigyan daw niya sa ngayon yung dalawa. Ginawa ko yun dahil nangako ako kay Wesley kagabi pero kung ako lang hahayaan kong makick out yung bastos na yun. Tch!

To be continued..