Ano ba naman yan.. mga dalawang araw nading hindi nagtetext sakin si shion, hindi nagrereply sa text ko, hindi din sinasagot ang tawag ko, ano bang nagyayari
Nag aalala na ako sa kanya....
1 week na ang nakalilipas, walang kahit na ano ang narinig ako mula kay shion, hindi ko nga alam kung kami pa or break na kami, ganito ba talaga ang relationship pagkatapos ng ligawan, wala ng communication? normal lang ba to?
First boyfriend ko si shion, hindi ko alam ang mga rules at kung paano tumatakbo ang relasyon
Nagtanong ako sa workmate ko..
Liza, normal lang ba sa relationship ang hindi nag uusap mahigit 1 week na??
Huh? hindi no,, bakit?
hindi na kasi nagrereply sa mga text at sinasagot ang mga tawag ko ni shion...
Naku naku girl.. baka naman may iba na yan, mukha pa namang babaero iyon
hindi naman siguro, sabi naman niya mahal nya ako
Huwag kang basta basta naniniwala sa mga yan, baka hindi lang ikaw ang sinabihang mahal ka....
Sige, salamat sa advice liza
Nag isip isip ako, kung mahalaga nga ako sa kanya dapat hindi nya ako matitiis, magrereply sya ...
Sinubukan ko ulit tawagan ang number nya, nagriring naman iyon, ibig sabihin ok iyong signal at phone nya.. wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit di sya nagrereply
Tinext ko ulit sya,
Kamusta kana? Hindi kana nagrereply sa mga text ko, Tayo pa ba? nagbreak na ba tayo?
Sorry Hanah, nagbibiro lang ako nung sinabi ko sayong manliligaw ako... saka wag kana ulit magtetext dito, magagalit gf ko
Na shock ako sa mga nabasa ko, 3 months??? joke lang???
blinock ko sya sa phone at dinelete lahat ng message.. nauto na naman ako, napaglaruan na naman ako.. ang tanga tanga ko naman
This time, hindi na muna ako mageentertain ng manliligaw, mamahalin ko na ang sarili ko
Buwan ang lumipas, naka move on na ako kay shion....
Palabas na ako ng fast food ng makita ko si shion, agad akong umiwas ng daan upang di nya ako mapansin
Hanah, wait lang.. mag ieexplain ako
Dali dali akong naglakad, para na nga akong tumatakbo, hindi na nya ako hinabol pa
Nakahinga ako ng maluwag..
Hanah, may message para sayo
iyong ex mo, pinipilit akong kausapin ka daw
Nagulat ako
inabot ni shane sakin ang cellphone.. ang haba ng mga message galing kay shion
Nag iexplain ito, humingi ng tawad at makipag balikan na ako..
Pagkatapos kong basahin, ibinalik ko na kay shane ang kanyang cellphone
Salamat shane...
Hindi mo rereplayan??
Naku, hindi na... hindi na ako magpapauto pa sa kanya
Palagi na akong kinukulit ni shion, minsan nagpopost ito ng love letter sa harap ng store namin, sobrang nakakahiya ang ginagawa nya, wala akong choice kundi kausapin sya na tumigil na
Shion, tungkol sa mga ginagawa mo, please itigil mo na to, wala kang mapapala sakin
ayoko ng makipagbalikan pa sayo
Sorry hanah, please bigyan mo pa ako ng second chance, kahit last chance na... hinding hindi ko na sasayangin.... Mahal na mahal kita, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko... pagmamakaawa nito
Naawa naman ako, Sige... last chance
sabi ko, bigla nya akong hinalikan sa labi
Pak!
Nagulat ako sa ginawa nya, kaya naman nasampal ko siya
Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko
Uuwi na ako, malamig kong tugon
Sige, ihahatid na kita
Naging maayos naman ang aming relasyon, mas naging sweet at mabait pa ngayon si shion kaya naman napatawad ko na sya sa ginawa nya noon
kalilimutan ko na lahat ng iyon at magsisimulang mahalin sya ulit
4 na buwan nadin ang nakakalipas, nakikita ko naman lahat ng effort nya para mapatawad ko sya
Hi, shion
may gagawin ka ba mamaya?
Hello, hanah.. wala naman, gusto mo date tayo ?
Oo, sige.. may ibibigay din ako sayo
Nagkita nga kami kinagabihan, Niregaluhan ko sya ng panyo at t-shirt
Nakita ko kasi iyon sa may manekin, nagandahan ako at naisip kong bagay iyon sa kanya
Salamat Hanah
Mwuaaahhhhhh
Sobrang nagustuhan ko, ang ganda...thank you ulit
Welcome
Sana lagi kang ganyan, iyong sweet tulad ng dati, mas naiinlove ako sayo
Pwede Hon na lang itawag ko sayo, non na lang din tawag mo sakin.. ikaw na kasi ang babaeng gusto kong makasama habang buhay
ah..ok.. hon, naiilang na sabi ko
............
Good morning Yon :)
kumain kana ba?
Huwag ka pong magpapalipas ng gutom
i love you...
Araw araw walang palya sa pagtetext at sweet messages si shion, nasanay na nga ako sa mga ito
simula pag gising hanggang pagtulog...
Good morning din
Ikaw din ingat lagi,
i love you too
Daily routine nadin namin na sabihin sa isat isa ang mga ginagawa.. ms naging malapit t open kami sa isa't isa
kasalukuyang kumakain kami sa fastfood
Hon, magpakasal na kaya tayo?
Nagulat ako sa sinabi nya,
huh??? iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko
Sabi ko, magpakasal na tayo, mahal naman natin ang isat isa, nasa tamang edad na din tayo... 20 kana at 22 ako... let's settle down
Mahal mo naman ako diba???
Oo, sagot ko
Then, magpakasal na tayo next month
parang ang aga naman yata masyado, nagmamadali ka ba??
Hindi naman, Hindi na kasi ako makapag antay na makasama ka araw araw
bakit kasi patatagalin ka natin, dun din papunta iyon...
Okay, Sige
magpapaalam muna ako sa kela tita
Okay Hon, magpapaalam din ako sa parents ko bukas
Natapos na kaming kumain, niyaya nya akong pumunta sa apartment nya... may ibibigay daw sya sakin
Pasok ka hon !!
Pumasok naman ako, inikot ko ng tingin ang paligid
Nga pala hon, pikit ka
ito ang gusto kong ibigay sayo...
pumikit ako, hinalikan nya ako sa labi
naramdaman kong may isinuot sya saking daliri
Okay na, pwede ka ng dumilat
Tinignan ko ang aking daliri
Singsing iyon...