Chereads / Naive love / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

Tumagal pa ng 2 buwan ang relasyon namin ni shion, wala parin syang pinagbago tulad na nga ng sinabi nya, inom, babae, barkada, buhay binata

Paulit ulit kami sa ganoong sitwasyon, hanggang isang araw napag isip-isip ko na mas mabuti pa nga sigurong walang ama ang anak ko kesa may ama nga syang kagigisnan pero napaka iresponsable naman..

Araw ng sabado ngayon simula pa kagabi hindi umuwi si shion, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya, nag desisyon na akong mag impake ng mga gamit ko, uuwi na lang muna ako kela tita aime sa baguio at doon manganganak (si tita aime ang kapatid ni mama na wala ring anak) anak narin ang turing nya sakin

Hindi pa naman huli ang lahat upang magsisumula ako ng panibagong buhay, kami ng magiging anak ko..

Pagkatapos ko mag impake tinext ko si shion na umuwi muna bago ako umalis , ayokong umalis na may samaan pa kami ng loob... Pero ilang oras na ang nakakalipas hindi parin sya nagreply triny kong tawagan sya pero pinapatayan ako ng phone

Kumuha ako ng papel at nagsulat,

Hi shion! Uuwi na ako sa amin, maganda man o hindi ang naging takbo ng relasyon natin magpapasalamat parin ako sayo

may pinagsamahan pa naman tayo kahit papano, Salamat sa lahat lahat, pinapalaya na kita...

Habang sinusulat ko ang mensaheng ito, ang gaan ng pakiramdam ko para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan, wala akong sama ng loob, sakit o lungkot na nararamdaman... Tiniklop ko ang papel at ipinatong sa mesa, isinukbit ko narin ang backpack ko at dinampot ang isa pang bag na dadalhin ko, ni lock ko ang bahay at nag para na ng tricycle

Manong, sa terminal po ako ng bus, sabay abot ng bayad

Okay sige, sagot ni manong

15 minutes later...

Andito na po tayo

Lumabas na ako ng tricycle at tinungo ang bus na papunta samin

Pinagpag ko ang upuan at nilagay ang aking gamit sa sahig.. Umayos ako ng pagkaka upo at kumain bago umalis ang bus.. mahaba haba din ang byahe papunta samin

Miss, miss pagtawag sakin habang tinatapik ang balikat ko, nagmulat ako at tinignan kung sino yun

Hindi pa po ba kayo bababa? Andito na tayo

sabi ng konduktor ng bus

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.. Pasensya na po manong, nakatulog ako

Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba

Pinagmasdan ko ang paligid, napakalaki na ng pinagbago nito.. Nag para ulit ako ng tricycle

papunta samin

Manong sa strella st. po ako

Okay, sige.. Sagot ni manong

Pinagmasdan ko ang paligid habang umaandar ang tricycle.. ang tagal nadin bago ako umuwi dito.. kamusta na kaya sila

Huminto ang tricycle at tumapat sa lumang gate

Nakita ko si tita sa labas, nakaupo sa duyan

Inabot ko na ang bayad kay manong at bumaba

Tita!! Sigaw ko

Oh, anak bakit di ka manlang nag pasabi na uuwi ka? At nang napasundo ka namin

Hindi na po, biglaan din

Pwede bang dito po muna ako mag stay hanggang sa manganak na ako?

Oo naman,, ano ka ba naman at nag papaalam pa

Salamat tita..

Ngumiti ako at niyaya na syang pumasok sa loob ng bahay

7 months later...

Walang paramdam o kamusta man lang akong narinig mula kay shion, balita ko may asawa na raw at buntis ng babae..

Nakapanganak nadin ako ng isang malusog at magandang sanggol, Stella ang pangalan nya

2 buwan narin ang nakalipas simula ng manganak ako, tulad ng napagdesisyonan ko noon pagkatapos kung manganak ay magtatrabaho na ako para sa pantustos ng gastos ni stella

Lumuwas na ako ulit ng maynila para mag apply ng trabaho, iniwan ko muna si stella kay tita

Bumalik ako sa dati kong apartment noong college

Mabait naman ng landlady ko at sya narin ang tumayong guradian ko noon

Masaya ako na makita ulit sila, pati na ang bestfriend ko ng college.. Kamustahan, kwentuhan... Ngayon na lang ulit ako tumawa ng ganito

Napangiti ako sa galak na nararamdaman ko.. napaka stress free, wala akong ibang iisipin kundi si stella at future namin..

Hanah may dumating na sulat para sayo

Sabi ng landlady ko

Dali-dali ko iyong binuksan.. Napaiyak ako sa nakita ko

Na approved na ang 2 yrs contract na inapplayan ko sa japan... Pangarap ko talaga ang makapunta ng japan noon pa man, baka sakaling makita ko din doon ang tatay ko...

1 week simula ngayon ay mag start na ako ng trabaho

Ang saya saya ko, binalita ko agad iyon kela tita, bigla akong nalungkot sa isiping hindi ko pala makikita ng 2 taon mahigit si stella... Pero ito na ang sagot sa problema ko, makakaipon nadin ako para sa future nya

Bakla, congrats ahhh

Sabi ni aika, masaya ako para sayo..

Hahaha, hayaan mo at susunod ako dun japan

G*ga, mag tatrabaho ako doon at hindi mamamasyal... ani ko habang tumatawa

Ilibre mo naman ako ng pizza, hirit pa nya

Sige na nga... Tara bumili tayo, pagyaya ko sa kanya

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag talon nya palabas ng bahay

Nagtatawanan kami at nagkikwentuhan habang nagkalakad... Naalala ko tuloy ang college days namin

Sh*t bakla!!!!

Bakit??? Nagtatakang tanong ko

Si Zack diba yun? gulat na sambit nya

Huh? Saan? Sagot ko

Yang nasa harapan natin... pa bulong na sabi nya

Tinignan ko ang tinitignan nya at nagulat ako ng makitang nakatitig sakin si zack

Yumuko ako dahil napaka akward ng tingin nya...

Those eyes na nagniningning pag tinitigan ka

Hindi pa ba tayo bibili? Tanong ni aika

Umangat ako ng tingin at ngumiti.. Bibili na..

Anong flavor ba gusto mo?

Pag baling ko sa direksyon ng counter, andun padin si zack kasama may kasamang babaeng nakakapit sa braso nya... Girlfriend nya siguro yun

Deadma na lang akong lumapit papunta ng counter at nag order... isang cheezy hawaiian pizza nga po

Tapos 2 large iced tea din po, dugtong ni aika

Eto na po order nyo...

Nag abot na ako ng bayad at kinuha narin ni aika ang inorder namin, nahuli kong naka ngiti si aika kela zack, napatingin ako sa gawi nila zack, nakangiti din pala sya samin... Nag smile na lang din ako habang nilagpasan sila

Naalala ko tuloy ang sinabi nya sakin dati..

" No one know's what future holds, if our ways meet again.. then it's destiny "

Napangiti ako ng maalala iyon...

Hindi lahat ng happy ending, ang ibig sabihin kayo ang magkakatuluyan, may mga happy ending na kahit hindi kayo ang magkatuluyan basta't parehas kayong masaya sa buhay nyo ngayon without holding any grudge on each other...

He's happy with her, and i'm happy with my life right now...

This is our destiny & our own happy ending ❤