Uwrrraaaaaaa, wraaaaaahhhh
Umagang umaga pa lang sumusuka na ako...
Napapadalas na yata to..
Ano bang nangyayari sakin?
Pupunta na lang ako ng ospital at magpapacheck up, may sakit yata ako...
Araw araw akong nagsusuka at nahihilo, palaging masakit ang ulo at antokin....
Kahit masamang masama ang pakiramdam ko, pumunta ako ng ospital
Next patient please...
Good morning dok
Ano bang nararamdaman mo?
Nagsusuka po ako lagi, nahihilo at palaging masakit ang ulo, palagi din akong matamlay at inaantok
Wala kang sakit iha
Nag PT ka na ba?
Po? Ano pong PT?
Pregnancy test, mukhang buntis ka... yang mga nararamdaman mo ang sintomas ng buntis
Kelan kaba huling dinatnan?
Nagulat ako sa mga sinabi ng doktor, sa dami ng iniisip ko, nawala sa isip ko na hindi pa pala ako dinadatnan, 1 month and 2 weeks na
Hindi ko po maalala dok...
Sige, mag PT ka na lang, para makumpirma natin
Okay po, kinuha ko ang inabot nyang PT
pumunta na ako ng banyo at sinunod ang prosesong nakasulat sa PT kit
Natatakot ako sa resulta, ano na ang gagawin ko?
Pano ko sasabihin to sa pamilya ko
Ipapaalam ko ba kay shion?
Tinignan ko na ang pt...
Dalawang guhit... Positive nga na buntis ako
Nanlumo ako, pano na kami ngayon?
Pano na ang baby sa tiyan ko? Ayokong lumaki siyang walang magulang
Pumunta na ulit ako sa doktor at pinakita ang resulta
Eto na po dok... inabot ko sa kanya ang PT
Positive nga,,
Sige iha.. i-ischedule kita sa check up mo
bumalik ka dito next week para ma check up natin ang tiyan mo at mabigyan kayo ng vitamins ng baby mo
Maraming salamat po dok
Umuwi na ako
Sasabihin ko na din kela tita na buntis ako
malalaman din naman nila kahit pa itago ko, lalaki at lalaki din itong tiyan ko
Tita, Buntis po ako
Nakatingin lang ito sakin, bakas ang galit sa mukha
Anong plano mo? pananagutan kaba ng tatay ng dinadala mo?
Naghiwalay na po kami...
Hahayaan mo na lang ba na walang ama ang anak mo? ipaalam mo yan sa kanya
Responsibilidad nya yan...
Matanda nadin kami ng tito mo, hindi namin kayang mag alaga ng buntis dito
Sige po tita, akyat po muna ako
Wala akong ibang choice kundi kausapin si shion..
Agad ko siyang tinawagan
kriiiiiing, kriiiiiiiiiiiing
kriiiiiiiiiiiiiiiiing .....
walang sumasagot
Dinayal ko ng paulit ulit, kailangan ko syang makausap
kriiiiiiiing, krrrrr-
Hello?
Hello shion, si Hanah to
Mag usap naman tayo
Oh, Anu namang kailangan mo??
Istorbo ka e
Hon,,, Sino yang kausap mo? tinig ng isang babae
Wala Hon, tropa ko, pasigaw na sagot ni shion
S-sorry kong naistorbo kita, may gusto lang akong sabihin
Ano bang sasabihin mo? dalian mo na...
wala akong panahon para makinig dyan
Buntis ako...
A-ano ulit?
Sabi ko, buntis ako shion!!!!
Ano bang drama to? kung gusto mong makipagbalikan, sabihin mo lang.. hindi iyong gagawa ka ng kwento
Nagsimula ng tumolo ang mga luha ko, hindi ako makapaniwala sa naririnig ko...
Hindi ako nagbibiro, sa tingin mo sasabihin ko to kung gusto ko lang makipagbalikan?
I'm already over you
Ang gusto ko lang panagutan mo ako, maging tatay ka ng anak mo
Hindi ako naniniwala, mag PT ka
Tapos na, galing ako ng ospital kanina, positive ang resulta ng PT
Ano ba Hon, matagal pa ba yan? mamaya mo na yan kausapin... malanding sabi ng babae
Mag PT ka ulit !!!!! hindi pwedeng buntis ka
Mamaya na tayo mag usap, pumunta ka dito sa apartment ko, itetext na lang kita mamaya pag naka alis na si kate
wait lang shion !!!
Pinatay nya na ang telepono....
Wala akong magagawa, kung iyon lang ang tanging paraan para makausap ko sya, kailangan ko talagang pumunta ng apartment nya...
Nandidiri ako sa isiping iyon, Hindi na yata apartment ang tawag dun, Motel na
Sandamakmak na babae ang dinadala nya sa loob ng isang araw, nanliit ang tingin ko sa kanya...
parang pokpok si shion, hindi ako makapaniwalang minahal ko ang taong iyon
L*bog lang ang pinaiiral nya, Hindi sya marunong mag mahal, tawag lang ng laman ang ang naramdaman nya sakin
Nakatulog na naman pala ako, buti na lang nag alarm ako kanina bago nahiga at nag isip isip
6 pm pa lang, 7 pm ang usapan namin
Naligo na muna ako at kumain...
Nihahanda ko na ang aking sarili, expect the unexpected, kailangan kong maging matapang
para sa baby ko
Inaasahan ko ng hindi ako pananagutan ni shion, wala sa karakas nya ang maging ama, iresponsable, easy go lucky person at sarap lang ang iniisip nya, yan ang tunay na kulay na shion...
Malayong malayo sa nakilala ko noon
knock knock***
Andyan na, pagkabukas na pagkabukas pag lang ng pinto, umaalingasaw na ang amoy ng yosi at alak...
Pasok ka...
Dito na lang tayo sa terrace mag usap
lumabas sya at umupo sa harapan ko...
Patingin ng PT?
inabot ko sa kanya ito..
Ngumisi lang sya, sayo ba talaga to?
Naiinis na ako... ano bang tingin nya sa sakin at sa sarili nya para habulin ko sya at mag drama ng ganito...
Hindi ako umimik
Pumasok sya sa loob ng apartment, pag labas nya may dala dala na sya ng tatlong PT
inabot nya ang mga ito sakin
Yan, mag PT ka ulit, Gusto ko makasiguro
kinuha ko yun at dali daling nag tungo sa cr
Dalawang guhit lahat ang nakalagay
Inabot ko sa kanya.. Ayan !!!
Satisfied kana???
Sumeryoso ang kanyang itsura... nakatitig lang sya sakin
Napaka imposible talaga ng lalaking ito, nauubos na ang pasensya ko, kaya naman inunahan ko na sya
Huwag ka na din mag isip ng palusot, kung sasabihin mong hindi ikaw ang ama..
Imposible yan, ikaw lang ang naging karelasyon ko
Hindi, Hindi ka pwedeng ma buntis
A-ano? eh, buntis na nga ako
Dapat noon mo pa inisip yan
Ipalaglag mo yan habang maaga pa, hindi ko pananagutan yan.. hindi pa ako handa