Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

That Mysterious Guy

🇵🇭Elise_Elleneth
--
chs / week
--
NOT RATINGS
100.5k
Views
Synopsis
Deana Reynolds is a famous Vlogger in the Philippines. She was known for her adventures and good deeds in less fortunate children. But being a famous celebrity, gossips and rumors will be her last name. But the most painful and disappointing, is her very own boyfriend lose faith in her. ~~~~~ Jason Estrada. Meeting Deana is love at first sight. To able get close to her, he began following her and stalking her. She said yes when he courted her and proposes to her. However, his family company is on the verge of bankruptcy. His mother decided on his marriage and arranged it with her best friend's daughter. Pressed between his family and the woman he loves, he needs to make a choice. ••••• Spencer Lenzburg Anthony. At the age of the early 30s, he proves that he can save the company he inherited from his grandparent's business, Anthony's Group of Companies in the Philippines, leaving behind being an heir of the House Lenzburg. He witnesses how she get through growing up when life keeps knocks her down. Unconsciously, he becomes overprotective-assuming-big-brother to her. ~~~~~ Hiding Behind the Scenes... she annoyingly hates this guy for always been shadowing her. She wanted to have freedom on her own but can she really escape? When he is a reliable Hero she cannot ask for more. * * * "MY STUBBORN MISTRESS" presents "That Mysterious Guy" Can't get enough CEOs? Then welcome to another CEO Fever! hehehe * * * Notice: If you immediately check the Chap 1, you can skip that and jump to its English translation in Chapter 2... so on, the rest is written in English. Welcome and Thanks! Add me on discord for interaction: Elise_Elleneth#8761 Anyone interested, Join my Discord Server! DM me for invite requests. Thanks! ^_^ Disclaimer: Photo credited to its rightful owner...
VIEW MORE

Chapter 1 - Two Years Later (Tagalog)

NAIA- Manila, Philippines

Kakalapag lang ng kaniyang eroplano. Mabuti na lang at pinili niya ang First Class seat at makaiwas siya sa mga mapanuring tingin. Alam niya, hindi siya madaling kalimutan. Sa apat na taon bilang sikat na celebrity ng Pilipinas, marami pa rin ang makakakilala sa kaniya. At kahit sa ibang bansa, mangilan-ngilang mga pinoy ang nakakakilala sa kaniya.

Kaya't miangat siya sa pagbisita sa Pilipinas. Kung hindi lang ikakasal ang best friend niyang si Jana, hinding-hindi siya tatapak ulit sa bansang ito. Ngunit, siya ang kinuha nitong maid-of-honor na hindi niya matanggihan dahil naipangako na niya dito na siya ang magiging unang abay noong panahong nag-propose ang non-showbiz bf nito.

Mabuti na lang at sa isang private resort gaganapin ang kasal nito. Piling-pili lamang ang mga bisita at isang exclusive media lang ang siyang magku-cover ng buong kasal.

Oo nga pala, hindi pa siya nakapagpakilala sa giliw naming mambabasa. Anim na taon ng nakakalipas noong nakapagdesisyon siyang mamalagi sa bansa. Bilang may dugong dayuhan, normal ng maraming nakakapansin sa kaniya. Lumaki siya sa Europa. Ang kaniyang ama ay isang French-Swiss at ang kaniyang ina ay isang British-Pinay. Ang kaniyang lola naman ay isang purong Pilipina.

Kilala siya sa bansang ito sa pangalang Deana Reynolds bilang isang Vlogger dahil tuwang-tuwa siya sa bansa. Marami ang nakapansin sa kaniyang mga travel videos at mountain climbing expedition Kaya't nagsimulang nagkaroon siya ng maraming offers at sponsors.

Nagsimula ang career niya noong 22 years old siya. Tapos siya ng dalawang kurso sa France... ang una ay Culinary at ang isa ay Arts. Ginamit niya ito upang mas payabongin ang kaniyang career. Hanggang naging spokeperson siya ng education. Role model ng mga kabataan at boses ng mga kababaihan.

Naging VJ din siya sa isang sikat na programa at maraming beses din siyang naging co-host sa maraming mahalagang programa tulad ng Ms. Earth.

Matangkad siya, kutis morena, maliit ang kaniyang mukha na pinaresan ng matangos niyang ilong. Mas kapansin-pansin sa kaniya ay ang kaniyang magandang mga ngipin at perpektong ngiti dahil sa magandang hugis ng kaniyang labi.

Marami na ring sinubok na imbitahin siyang mag screening bilang beauty candidates sa Binibining Pilipinas at Miss Earth Philippines ngunit, hindi naman siya interesado sa mga ito. Kaya't kinukuha na lamang siyang host dahil litaw na litaw ang kaniyang kagandahang hindi mapamaresan.

Gayunpaman, maraming sikat na kompanya na siya ang naging brand ambassadors ng mga ito. Naging runaway model rin siya at magazines cover ng maraming beses.

Ngunit ang pinakagusto niya sa lahat ng kaniyang ginagawa, ay ang kaniyang Foundation na itinatag noong unang taon niya bilang isa celebrity. Umiikot siya sa buong Pilipinas upang mabisita at mabigyang pansin ang mga batang kapos-palad.

Halos lahat ng kita niya ay napunta lamang sa kaniyang foundation na maraming kabataan ang nabiyayaan at naabotan ng tulong. At dahil marami siyang iniindorsong brand, nakatulong ito ng malaki upang malalalim siya ng pondo buwan-buwan.

At bilang isang sikat na celebrity, dito din niya nakilala ang una niyang boyfriend, dahil bukid dito wala ng ibang lalaki ang naging parti ng kaniyang buhay. Ngunit dahil sa kaniyang propesyon, hindi talaga mawawala na magkaroon siya ng isang eskandal.

Ng maalala niya ang nakaraan, isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Nakapag-move on na rin siya kaya't wala ng dapat siyang maalala. Wala na rin ang sakit at disappointment mula da nakaraan. Dahil siya ang higit na nakakakilala sa kaniyang sarili at pagkatao.

Taponan man siya ng maraming masasakit na salita... ma bash man siya ng maraming beses, hindi niya inda at pinabayaan ang issue. Hinayaan niya ito hanggang nagdesisyon siyang umalis sa bansa at iwan ang masalimuot na mundo ng showbiz.

Papalabas na siya ng pinto ng mahagip ng kaniyang paningin ang isang taong pamilyar sa kaniya. Papasok naman ito ng airport upang mag check-in. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Alam niya, kahit pareho silang may suot na sunglasses, nakatitig sila sa isa't-isa, ngunit hindi nila sinubukang gumawa ng reaksyon tulad halimbawa ng pagtango sa isa't-isa.

Nagpatuloy siyang naglakad palabas ng gusali at agad niyang nakita ang nag-aantay na PA ni Jana. Kumaway ito sa kaniya at agad siyang pumasok sa loob ng van nung makalapit siya. Agad nitong isinara ang pinto at mabilis nitong ipinasok ang kaniyang bagahi sa likuran ng sasakyan.

Agad namang pinaandar ng driver ang van pagkatapos sumakay nang PA sa front seat.

Marami na ring nabago. Bulong ni Deana sa kaniyang sarili. Nakatingala siya sa mga naglalakihang building at Condo units na ngayon ay makikita kahit saan.

Ano nga ba ang nangyari dalawang taon ng nakakaraan?