"Siah, kararating mo lang din?", tanong ni Meg sakin habang nagaayos ako ng mga gamit sa locker ko. Kasamahan ko sya sa trabaho dito sa cafe, working student sya. Tatlo lang kaming service crew sa umaga dahil 24 hours open 'to, shifting.
"Ah, oo ako na lang din ang magbubukas dahil wala pa si Kith" sagot ko.
"Sige, susunod na ako, mag-aayos lang ako".
Sa counter ako pumwesto pagkatapos naming buksan ang cafe. Isang beses sa isang linggo pumapasok ang manager dito, sya rin kasi ang owner. She's Kith's Aunt. Nagtataka nga ako kung bakit sya nagtratrabaho dito eh.
Napahinto ako sa pag-aayos ng may kamay na tumakip sa mga mata ko. -_-||
"Pwede ba Kith tigilan mo yan", yamot kung sabi sa may gawa 'nun. ̄ˍ ̄
"Paano mo nalamang ako 'yun?" manghang tanong nya nang humarap ako sa kanya. -_-||
"Araw-araw mo yang ginagawa at araw-arw mo din yang tinatanong" sagot ko. @( ̄- ̄)@
Minsan iniisip kung may sira sa utak ang lalaking 'to. (--〆)?
"I know that look Siah, wala akong sira sa utak ang gwapo ko kaya" sagot nya.
● 3●-- sya
"Tss. Anong connect."
"Ikaw na bahalang mag-connect"
"Pumunta ka na nga sa pwesto mo, may costumer na oh" lumukot ang mukha nya, pero ngumiti agad ng makita na babae yung pumasok. Chickboy as ever. ̄ 3 ̄
He's Kith, gaya ng sabi ko kanina pamangkin sya ng may-ari nito. Dumuble ang costumer dito simula ng pumasok sya dito. Karamihan babae at yung iba binabae. Gusto pa nga, sya 'yung nagseserve sa kanila. Special request pa. (~_~メ) weird nila.
Gaya ng isang 'to na nasa harap ko nga pero ang mata na kay Kith. Counter 'to teh. May balak ba 'tong umorder. Gusto pa ata' si Kith ang mag-asist sa kanya. Psh.-_-||
"Ahm, ma'am, ano pong order nyo?" Tanong ko, trying my best not to roll my eyes. +_+
Pero wala di ako pinanasin. -_-!
(← ←, )-----> (*////*, ) sya yan. Hanep.
"Anong order nyo ma'am" uling sabi ko. Mas malakas nga lang, kaya napatingin na sya.  ̄ˍ ̄
"Bakit ba ha?" Sya, abat tinaasan pa ako ng kilay, tabasin ko yan eh. ╰_╯
I compose myself first, waste of time and energy kung papatulan ko ang isang 'to.
"Ma'am oorder po ba kayo o hindi , may mga nakapila pa po kasi sa likod nyo" I uttered keeping my fake smile plastered. (∩_∩)
Di ko akalain na may itataas pa pala ang kilay nya. -_-!
"Abat, 'wag mo nga akong pakealaman. Gusto mo bang ipasisante kita ha-" naputol ang sinasabi nya nang magsalita ang lolang nasa pila.
"Eneng, kanina ka pa jan kinakausap at tinatanong kung anong order mo pero nakatunganga ka lang jan. Tapos eh ikaw pa ang galit jan. Di lang ikaw ang nakapila dito oh" napatanga naman ang babae dahil sa pagkapahiya.  ̄﹏ ̄
"H-hmmp!" Sabay alis at flip ng hair. (*¯︶¯*) pahiya.
Agad ko namang inasikaso ang mga natirang costumer.
Saktong 5:00pm nang dumating mga kapalit namin ng shift.
"Siah, sabay na tayo. Mag o-OT raw si Kith" napatingin naman ako kay Meg habang nag-aayos sa locker ko.
"Sige, tara na tapos narin naman akong mag-ayos"
Nasa sakayan na kami ng jeep nang bigla na lang sumupot si Kith. Nakakunot noo ko syang tiningnan.
"Akala ko ba mag-oOT ka?" Nakailang hinga pa sya dahil sa hingal bago sumagot.
"Akala ko kasi mag-oOT ka eh, hindi pala kaya sabay nako sa inyo" sya o∩_∩o nakangiti nyang sagot.
"Nasaan 'yung motor mo, diba dala mo 'yun kanina?" Nagtatakang tanong naman ni Meg.
"Ah may siraulong nag-flat ng gulong, kaya sabay na lang ako sa inyo" tumango na lang ako at sumakay na sa jeep na kakahinto lang sa harap namin. Agad rin naman silang sumunod.
Napagitnaan nila ako sa loob ng jeep. Ang napakagandang dahilan nila ay baka may kung sinong malas ang mangbastos sakin dahil paniguradong sa ospital na raw ang deretso 'nun, kawawa daw. 'Yun kasi ang nangyari ng minsang hawakan ng manyak na 'yun ang hita ko. <(`^')> kulang pang 'yun eh, dapat babalian ko pa ng kamay 'yun eh. ̄ 3 ̄ nanghahawak ng hita ng may hita eh.
●●●
Napamulat ako nang tumunog ang alarm clock. Sakit sa uli, agad kung kinuha at in-off. Psh. Time to work  ̄ˍ ̄
Dumeretso ako sa kusina matapos kung maligo at makapag-ayos. Skinny jeans at white sleeveless blouse na pinatungan ko ng jacket, dahil malamig na pagmadaling-araw. Fortunately nagawa ko namang magluto ng normal na pagkain. I mean 'yung hindi instant. Nagluto na ako kanina ng adobo nang makauwi ako. Kaya marami-rami rin akong nakain. @( ̄- ̄)@
Matapos kung magligpit ay lumabas na ako at siniguradong lock lahat. Nakakailang hakbang palang ako nang may sumabay na motor sa paglalakad ko, saka ito tumigil. Huminto ako sa paglalakad, at hinanda ang sarili sa magiging sunod na galaw nito. Tinanggal nito ang suot na helmet. Lumitaw ang buhok nitong may highlight na light blue. -_- Lumingon itong nakangiti sakin. Sabi na nga ba sya yan eh.
"Siah, sabay kana 'dun rin punta ko eh" Kith.
Ibang motor ang gamit nya ngayon, dahil siguro flat.
"Ilan ang motor mo?" Naitanong ko. Hindi na ako magtataka kung marami sya nyan, halata naman kasing anak mayaman ang isang 'to. Naparushan siguro kaya pinagtrabaho. -_-
"Ah medyo hilig lang" tumango na lang ako.
Syempre di na ako nag-enarte dahil libre na oh.e_e Nang iabot nya sakin 'yung isa pang helmet. Napahinto ako at tumingin sa kanya ng masama. ╰_╯ Napamaang naman sya. Tumingin ulit ako sa helme na PINK. I hate pink.
"Ayoko nyan. Yung iyo na lang" nanalaki naman ang mata nya.
"There's no way in hell, I will wear pink!" Histerekal na sabi nya.
I pouted.  ̄ 3 ̄
Lalong nanglaki ang mata nya.
"That face should be illegal!" Kith. And that's my cue to smile evily. ╰( ̄▽ ̄)╭
"Basta, di ko yan isusuot" dugtong pa nya.
Agad akong sumakay ng lumayo sya para umiwas. Hihi ako na magdadrive (^3^)
Nasa kalagitnaan na kami ng highway, namiss kong magdrive ng motor. Dati akong nangangarera 'nung kasama ko pa ang mga magulang ko. Ang papa ko lang din ang nagturo sakin. Kaya mabilis ang pagpapatakbo ko. ^O^
"Waaaaaaahhhh! Siah da-han da-han - lang!" Si Kith 'yun. Kunwari pa tsanseng na nga sya. And of course Im wearing the black helmet hihi.
Nang makarating kami ay tinapik ko pa ang kamay nya dahil ayaw pang bumaba.
"Baka gusto mong bumaba, inuubos mo na ang amoy ko eh" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Hihi, sa susunod ikaw uli magdrive ha" ngiting-ngiting sabi nya. -_-
"Ayoko na, mauubos amoy ko sayo" I threw him a death glare. Iniabot ko na sa kanya ang helmet bago inayos ang nagusot kong damit.
I turn my back and wave at him murmured my thanks.
The nigth goes well. Marami paring costumer dahil sabado, pero di na kasing dami kahapon.
2:30am na ng lumabas ako sa bar para umuwi, tapos na shift ko dahil maaga ring naguwian ang mga costumer.
Napadaan ako sa parking lot ng bar na tanging mga ilaw ng poste na lang ang bukas. May mga mangilan ngilan pang kotse, i mean sports car 'yung iba.
Napahinto ako ng makarinig ako ng kalabog mula sa dulo ng parking lot. Hindi ko maaninag dahil sa may mga kotse pang doon nakapark. Humakbang ako papunta run, sa madilim na bahagi ako dumaan para walang makapansin. Sinuot ko rin ang hoodie ng jacket ko.
Nang tatlong sasakyan na lang ang layo ko, dun ko naaninag na may halos sampung lalaki ang nagrarambol 'dun. Ngkubli ako sa pangalawang kotse na naroon mula sa kinatatayuan nila, doon ko mas lalaong nakaita ang nangyayari dahil narin sa posteng malapit sa kinatatayuan nila. Tatlong lalaki na hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil sa dilim. Habang pitong lalaki ang sumusubok na makapuro sa tatlo. The three guys, they're good I must say, dahil walang man lang tumama na suntok mula sa pito. Halatang sanay sa laban. Are they gang fighting?
Napatingin ako sa isa sa tatlong lalaki, dahil nang tumapat sya sa poste ay naaninag ko ang mukha nya at sa buhok nyang may highlight. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na pigurang iyon, at wala sa sariling naibulong ang pangalan ng may-ari ng mukhang 'yun.
"Kith.."
- 'jv ♡
•••