Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ilang oras na simula ng bumalik ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Pero tulala parin ako.
Kinidnap lang nila ako para papasukin sa school na 'yun? Ano 'yun biglang nagbagong buhay sila at naisip pag-aralin ang mga kinikidnap nila.
Napaisip ako. Imposible talagang yung sinabi nya eh.
Lumipas ang isang oras at napagdesisyunan kong tatanggapin ko 'yung alok nung Yul. Na-curious din ako 'dun sa sinabi nyang sa school na 'yun ko malalaman ang totoo. Wal rin naman akong choice.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yun at pumasok si manong butler at yumukod sa harap ko.
"Magla-lunch na po, pinapatawag kayo ni Master para saluhan siya" sambit nya.
Magtatanghalian na pala, ang bilis ng oras.
Tumango ako at tumayo na para sumunod. Matapos naming malakad sa pasilyo ay bumaba kami sa isang eleganteng hagdan na may blue na carpet. Namamangha talaga ako sa mansyon na'to. Mula sa itaas ng hagdan ay sasalubong ang isang malaking chandelier na mistulang mga dyamanteng kumikinang.
Hindi rin nagtagal ay narating namin ang dining room. Grabe maliligaw ako rito. Ang daming pinto. Nang tuluyan kaming makapasok sa bukana ng dining room may isang mahabang mesa na may limang upuan sa bawat gilid. Sa dulo ay tig-isa, doon nakaupo si Yul. Sa harapan nito ay ang mga ibat ibang pagkain na maayos na nakahanda. Agad itong nag angat ng tingin ng maramdaman ang presensya namin. Imwenestra niya ang upuang nasa tabi nya, agad naman itong hinila ni manong butler para makaupo ako.
Parang ang lungkot namang kumain sa ganitong kalaking mesa. Tapos siya lang mag-isa, ang lungkot 'nun. Siguro kailangan kong mag-ingay ng kunti para umingay naman kahit ngayon lang.
At 'yun nga ang ginawa ko, panay ang ang kwento at tanong ko ng kung ano anong bagay na pumasok sa isip ko. Samantalang si Yul naman ay walang ibang ginawa kung hindi kumain at titingin lang sakin.
Nang matapos ang hapunan ay sinamahan na uli ako ni manong butler pabalik. Pero sa ibang kwarto niya ako hinatid. Ang sinabi lang niya ay make myself comportable daw.
Mas malaki ang kwartong ito na tipong parang sa prinsesa. Mayroong queen size bed na may haligi ang bawat dulo na may kurtina na parang kulambo, malay ko kung anong tawag 'dun di ako maalam sa ganun eh. May napakalaking CR na may malaking bathtub. Grabe ang ganda ng kwartong 'to.
Mag-iisang oras na akong nandito at ganung katagal narin akong nakatunganga at nakahilata sa malambot na kama na'to. Kung saan-saan lumilipad ang isip ko, iniisip ang mga nangyari.
Napatingin ako sa kurtina nang bigla na lang iyong hanginin. Hala, saan galing yung hangin eh wala naman bintana ang kwartong 'to. Bigla akong kinilabutan sa pumasok sa utak ko. No! Walang multo, walang multo... Paulit-ulit na chant ko.
Tumayo ako para lapitan ang kurtina na nakatakip sa ding ding. Nang mahawi ay sumalubong sakin ang malamig na samyo na hangin. Doon ko nakita ang terrice. Bahagyang nakabukas ang sliding door kaya siguro nakapasok ang hangin kanina.
Napanganga ako nang tuluyan akong makalabas. Mula sa terrice ay natatanaw ko ang maliit na kagubatan. Bumaling ako sa ibaba at nakita ko doon ang isang napakagandang hardin na may ibat ibang kulay na nagmumula sa mga bulaklak na nakatanim. Halatang alagang alaga ang hardin, sa likod ng hardin ay may man made na maze na sa tingin ko ay hanggang dibdib ang taas pagkatapos ay gubat na.
Parang ang sayang mag libot sa maze na 'yun.
Ilang minuto akong tumambay sa terrice bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob. Gusto kong magbabad. Medyo nangangati narin ako dahil kahapon pa 'tong damit na suot ko.
Agad kong hinubad ang suot kong bathrobe nang mapuno ko na ng bula. Parang nawala ang lahat ng stress ko ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa buo kong katawan.
Muli na naman naglakbay ang isip ko, hanggang sa nakatulog na pala ako.
Halos isang oras matapos kung makatulog ay nagising ako. Agad akong dumeristo sa shower. Nabitin ako sa tulog.
Ngayon ko lang naisip na wala pala akong damit.
Biglang pumasok sa utak ko ang walk in closet na nakita ko kanina. Hindi naman siguro sila magagalit kung gagamitin ko ang isa diba tutal sila naman ang nagdala sakin sa lugar na'to.
Dumeritso ako sa closet matapos kong i-blower ang buhok ko. Isang simpleng puting dress na hanggang taas ng tuhod ko. Malambot ang tela nya kaya naman sa palagay ko ay magiging kumportable naman ako.
Agad akong pumunta sa kama ng makapagbihis ako. Hinayaan ko nalang na bukas ng bahgya ang sliding door ng terrice dahil masarap sa pakiramdam ang hangin, lalong nakakaantok.
Nagising ako pakiramdam na may nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Yul na nakatayo. Wala sa sariling napaupo ako mula sa pagkakahiga at napasapo sa bibig. Sh*t baka may tulo laway pa ako.
Napahinga ako ng wala naman akong nakapa. Napatingin ako uli kay Yul.
"By 5:00 am ka ihahatid bukas, kaya naman dapat alas kwatro palang ay gising kana. Mabuti naman at nakapagpahinga ka, mamaya pupunta rito si Sid para ihatid ang pagkain mo" sabi nya habang nakahalukipkip.
"Sid? Sino 'yun" takang tanong ko.
"Yung butler" maikling sagot nya at tumalikod na papunta sa pinto. Grabe tipid magsalita.
Sid pala ang pangalan ni manong butler.
(Pasensya na kung maikli, UNEDITED)
-' jv ♡