Chereads / School for the BEaST / Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 6 - CHAPTER 4

I slowly open my eyes, I feel like I had too much sleep. Inilibot ko ang tingin ko sa hindi pamilyar na silid na kinalalagyan ko. Inalala ko ang mga nangyari, napaupo ako ng pumasok sa utak ko lahat.

The room is wide, like those rooms in five star hotel. Hindi ganito ang ine-expect kong kalalagyan ko, dahil kadalasan sa abandunadong lugar dinadala ang mga nakikidnap diba?

Oh my god, baka naman ibebenta nila ako sa isang matandang lalaki, kaya kami nanadito ay baka dito sila magkikita! Waaahh!! Ayokong mapunta sa matandang 'yun. Tuluyan na akong nagpanik dahil run sa naisip ko.

Tatayo na sana ako para tumakas nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa 'nun ang isang lalaking nakasuot ng suit, mukha syang butler kung tutuusin, mukhang nasa around early 20's sya at naka salamin, 'yun ang nagpa-mature.

Tumayo sya sa harap ko at yumuko. Hinihintay ko kung anong susunod nyang gagawin. Sasapakin ko sya pag hinawakan nya ko.  ̄ˍ ̄

"Ah hinihintay po kayo ni Master sa library" sabi nya na para bang kilala ko na sya sigurado sya na susunod ako sa kanya.  ̄ˍ ̄ hindi ko nga sila kilala eh tapos kung umasta ang isang 'to parang hindi nila ako kinidnap. Tanga ba ang tingin nila sakin. At isa pa bakit ba nila ako dinala dito, ano bang kailangan nila sakin. Isa ba sila sa mga pinagkakautangan ng magulang ko? At ako ang kinuha nila bilang bayad?

"Mas mabuti pong sumama kayo para masagot ang mga katanungan nyo"

Nanlalaking matang tiningnan ko s'ya. Nababasa nya ba ang mga iniisip ko!?

"Hindi ko po nababasa ang iniisip nyo"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling itinuro ko sya. I can't believe this.

Mamalayan ko na lang ma nasa may pinto na sya at palabas na. Kaya wala sa wisyo akong tumayo para sumunod sa kanya. Im still looking at him weirdly.

Habang nakasunod ako sa kanya ay di ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa mga nadadaanan namin sa malawak na pasilyo. May mga pintuan kaming nadadaanan. Mukhang nasa loob ako ng mansyon. Mula sa mga ilaw na nakasabit sa gilid ng bawat pundasyon. Mayroon ring mga painting na halatang mamahalin ang nakalagay sa pader ng pasilyo. Mangilan-ngilang base na may lamang ilang pirasong asul na rosas. The color that dominates the hallway is blue and dirty white. 'Yun siguro ang paboritong kulay ng may-ari. Nagdudulot iyon ng malamig na pakiramdam sa mata. Mula rin sa siwang ng kurtinang nakakabit sa mga bintana ay maaninag ang sinag ng araw. Kung ganun umaga na. Anong araw na ba ngayon.

Napahinto ako ng tumigil sa harap ng isang pintong kulay itim. Matapos nyang kumatok ng dalawang beses ay dahan-dahan nya na itong binuksan. Nagdalawang isip pa akong pumasok, pero wala naman akong ibang choice dahil baka maligaw lang ako dito kung tatakas ako, ang daming pinto.-_-///

Sumalubong sa mga mata ko ang mataas na bookshelf na may lamang libro na iba-iba ang kapal at laki. May mga pamilyar na libro rin akong nakita, dahil hindi man halata eh mahilig akong magbasa.

Napatingin ako sa couch na nasa gitna at mayroong mesa na may dalawang libro at tasa ng kape, kung saan nakaupo ang isang lalaking may dark brown na buhok na pinasadahan lang nya ng kamay, mukahang mas matanda lang sakin ng ilang taon. Nakasuot sya ng puting polo na nakalilis hanggang siko ang sleeves. He's reading a book. Nakatayo lang kami dun.

"Master nandito na po sya" wika ng butler habang nakayuko, bago naglakad papunta sa pinto.

Teka iiwan nya ako rito? Baka naman ito yung pinagbentahan nung dumukot sakin! Napatingin ako sa lalaking nakaupo. Nagbabasa parin sya, at parang wala lang ako sa harap nya.

Naupo ako sa isa sa mga upuan na nasa harap nya. Maya-maya pa ay nag-angat sya ng tingin sakin.

Sayang aabutin ko na sana 'yung tinapay eh. Gutom na'ko eh di pa ako kumakain. Nakita nya tuloy yung kamay kong papunta na 'run sa tinapay. Itinuloy ko na ang pagkuha 'dun sa tinapay dahil nakita narin naman nya. Napataas ang kilay nya ng isubo ko 'yun.

"May sinabi na ba akong maupo ka at kumuha ka nyan?" Sabi nya sa tila amused na tinig.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nagsalita.

"Mukha kasing nasa magandang part na po kayo ng binabasa nyo kaya naman pinaupo ko na yung sarili ko at kumuha nito, kahapon pa ako di kumakain"

May pinindot sya na kong ano sa tabi nya at nagsalita.

"Magdala ka rito ng pagkain"

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si manong butler na may dalang cart na may mga pagkain. (sorry di ko knows tawag dun eh)

Inilagay nya 'yun isa-isa sa mesang nasa harap namin. Mga mukha silang masarap, parang yung sineserve sa mga mamahaling restauran. Higit sa lahat, may pudding! ~^O^~

Hindi ko na naialis ang tingin ko sa pagkain hanggang sa matapos yung ihanda. Baka nga naglalaway na'ko eh. Pero wala akong pake, nanunuot sa ilong ko ang amoy nila! Kung alam ko lang na ganito ang pinapakain sa mga kinikidnap sana 'nun pa ako nagpadampot. Hihi jowk.

Nang matapos ihanda ni manong butler ang mga pagkain ay yumoko na ito bago umalis. Pero wala na akong pake 'dun dahil nasa pagkain ang mga mata ko. Nasa sampung plato ang nasa mesa na may lamang ibat-ibang klase ng pagkain. Imposible man pero kaya ko yang ubusin, lalo na't gutom ako ngayon *^O^*

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na nakatingin lang sakin na parang hinihintay ang susunod kong gagawin.

"Ahm, pwede ko ba silang kainin? Alam mo na, baka lang di mo sila kayang ubusin. Hihi" walang hiya-hiyang tanong ko. At mukhang nakikiusap rin ang tyan ko dahil bigla na lan yung tumunog at dun ako nahiya! Nagmumukha akong patay-gutom! Kahit oo. ≧.≦

"Pffft—bwaaahahaha" at tuluyan na nga syang tumawa. +_+

Natapos ang mahigit isang minuto na tumatawa sya habang nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain. Naubos ko na yung isang plato ganun parin sya. Nakalimutan na 'ata nya ang mga nasa paligid nya, tsk tsk. Itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Trip nyang tumawa, edi hayaan.

Napatingin uli ako sa kanya ng bigla nalang syang tumikhim. Nakatingin sya sakin ng seryoso na para bang hindi sya tumawa ng wagas kanina. Bipolar si kuya. Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain na nasa loob parin ng bibig ko. Nakatingin kasi sya sakin na para bang ngayon lang sya nakakita ng taong gutom. Mayaman sya kaya hindi na nakakapagtaka yun. Inayos ko narin ang pakakaupo ko mula sa pagkaka yuko ko at mas maayos na kumain. Table manners kumbaga. Syempre pinalaki naman ako ng maayos ng magulang ko ano. Late reaction man pero naalala ko rin kung paano ako napunta rito, hindi ko pa alam ang pakay nila sakin na pansamantala kong nakalimutan dahil sa mga pagkain. Napabuga ako ng hangin, bago nagsalita.

"Teka nga, ano bang pakay nyo sakin? Dahil kung ipapatubos nyo ako wala kayong makukuha sakin. Sa laki ba naman ng bahay mo eh pinag-aksayahan nyo pa ako ng oras. Isa ba kayo sa pinagkakautangan ng magulang ko?" Mahabang lintanya ko habang deritso ang tingin sa kanya. Lakas kasi maka staring game ng tingin nya eh. +_+

"Hindi mo ba muna tatapusin ang pagkain mo?" Napatingin ako sa mga pagkain dahil sa sinabi nya, at ibinalik uli sa kanya ang tingin ko nang hindi nagbabago ang ekspresyon. Medyo natakam ako pero pinigil ko muna ang kabig ng sikmura ko. Gosh, serious mode ako ngayon, panindigan nalang.

"Hindi na, bigla akong nawalan ng gana ng maalala kong hindi ko nga pala kayo mga kilala. You won't drag me here for nothing. Impossible ring nagkamali kayo ng kinuha, dahil halatang matagal nyo na akong minamanmanan. So drop it" diretso kong sabi.

"Sigurado akong narinig mo na ang paaralan na Vizen University" sabi nya.

Nangunot ang noo ko.

"Hindi pa, imbento ka. Saka ano bang kinalaman 'nun sa pagkidnap nyo sakin? At sino ka ba kayo?" Sagot ko.

••

"Papasok ka sa school na yun, simula bukas"

Nangunot ang noo ko sa mga sinabi nya, hindi ko maiintindihan ang mga yun at hindi ko kilala kung sino sya at kung ano ba ang kailangan nila sakin!?

"Sino ka ba!?", pang limang tanong ko nang tinatanong yun, pero parang wala syang naririnig at tititigan lang ako at magsasalita ulit.

"Wala ka naring dapat isipin dahil ayos na ang lahat ng dokumento mo, at para sa tanong mo tawagin mo na lang akong Yul. Bukas na ang alis mo at di ka pwedeng tumanggi." Tuloy-tuloy na sabi nya.

"Ha!!?"

' jv ♡