Transparent World: Can you see me?

MissOrdinaryJoe
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 41.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Sana

Hi, Let me introduce myself ako pala si Ania Beth A. Salvador. At nandito ako ngayon sa bahay sinusubukan gisingin ang kapatid kong si Amaya Beatrice A. Salvador na lanay na lanay natutulog.

"Ate, ate! Ate!"

"Hmmmmm" unggol niya habang niyayakap ang unan at tinakpan ang sarili ng kumot.

"Ate! Gumising kana, anong oras na hindi ka pa nakapaghanda. Ate!" bumangon pero nakapikit parin ang mata.

"Anong oras na nga ba" Paantok niyang tanong sabay humikab.

"6:47" sagot ko ng walang emosyon. Tumingin siya sa orasan.

*blink* *blink* *blink* *blink*

Siguro hindi pa na proseso ng brain cells niya na malapit na siyang malalate.

Napatangin siya ulit hanggang sa narealize na niya.

"Gosh! Late na ako!!"

Kaya hayon dali-daling bumangon papunta sa bathroom.

Pagkatapos ng usual regime niya. Mabilis na nagbihis si ate at kinuha ang maliit niyang bag ang laman lang naman ay nag-iisang notebook. Nasa may pintuan na si ate nagsusuot ng sapatos.

"Ate, hindi ka na naman kakain ng breakfast? Dapat mong itigil ang ugaling iyan. It's bad for your health." Hindi niya ako pinansin. Nagmamadali na siyang mag-lock sa pinto.

"Late na ako!!! ." sabi niya sabay takbo sa sakayan ng jeep.

Nasa jeep na kami ni ate.

"Oh, miss meron pang dalawa." Sabi ng manong driver.

Dalawa raw na halatang-halata na puno na ang jeep. Mahuhuli na talaga si ate kung maghihintay pa siya ng ibang jeep kaya itiniis nalang niya ang sikip kahit halos hindi na makaupo ang puwet niya, sit in the air kumbaga. Kaya halatang nahirapan siya sa pagbababa dahil nanginginig yun mga paa niya habang lumalakad papuntang entrance ng university.

"Amaya, kaya mo to!" bulong ni ate sa kanyang sarili habang pilit niyang humakbang.

7:30 AM nagsisimula ang klase ni ate. Hindi naman palaging nahuhuli si ate noon. Pero iba na ngayon, ang daming nangyari.

Sa wakas nakarating na kami sa Clinton University. Hindi ko talaga gusto ang mga estudyante dito. Nang dumating kami sa school walang tigil silang nagbubulungan tungkol sa kapatid ko. Tumingin ako kay ate.

"Ate okay ka lang?" tumingin lang ng diretso si ate, walang emosyon sa kanyang mukha.

Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya naging ganito. At eto naman ako ngayon nasa tabi niya na walang magawa.

Bitter at maldita na talaga yan si ate dati pa. Nagsimula siyang magbago nong naghiway ang parents namin at iniwan kami kay lola. Bata pa ako noon kaya wala pa akong alam. Pero si ate, alam kong masakit ang mga naranasan niya.

Hindi niya sinasabi ang sa akin ang kanyang mga problema. Tanong ako ng tanong tungkol sa mga magulang namin at ang sabi lang niya palagi ay nag-abroad lang. Pinaniwalaan ko iyon hanggang sa nalaman kong may iba na pala silang pamilya.

Masakit para sa amin ni ate. Mag-isa niyang itinago sa akin ang katotohanan. Alam kong ginawa niya yon para sa akin.

Ang swerte ko na siya ang ang ate ko.

Mahal na mahal ko siya.

Siya ang ate 'kong palaging nakangiti kahit ano man ka hirap ng buhay. Pero ngayon bihira ko na siyang nakikitang ngumiti sa saya. Palagi siyang umiiyak na patago.

Alam kong ako ang dahilan.

Ang sama ko bilang kapatid.

Iniwan ko siyang mag-isa.

20 years old na nga pala si ate. At ako naman, mag 15 years old na sana.

Sana.

Bakit sana? Eh 6 months na kasi akong patay.