Chereads / Perfectly Unordinary (Tag-Lish) / Chapter 3 - Chapter 3: TIP

Chapter 3 - Chapter 3: TIP

"Com'on! Hindi naman kayo ganyan katalunan, 'di ba?" Sabay suntok na tanong ni Raindell sa mukha ng lalaki, nanggigigil siya.

Nakasalampak ito sa ground at nakapatong siya dito. Ang isang kamay ay nakahawak sa kwelyo nito at ang isa ay sumusuntok pa sa mukha ng lalaki. Duguan na ang mukha ng lalaki pero wala siyang pakialam.

"Rain, tama na yan. Baka mapatay mo pa." Pagpigil ni Jason sa barkada.

Muli itong sinuntok ni Rain ng panghuling beses at saka tumayo na habang pinapaspasan ang sarili.

"Ang pinaka ayoko sa lahat, ay yung nanghahamon ng away pero hindi naman pala kami kaya." Usal niya.

Limang lalaki ang nakasalampak sa ground. Puro duguan ang mukha at puno ng pasa. Ang iba ay wala ng malay pero alam naman nilang buhay pa ang lahat.

"Tama ka. Nakakainis na nga rin minsan." Sambat ni Mike.

"May plano ka pa bang bumalik sa office?" Tanong ni Kent kay Jason.

"Wala na akong pakialam sa gurong yun at sa detention niya." Sagot nito.

"Good. Akala ko lumalambot ka na at talagang isasali kita sa mga nakasalampak na mga gagong yun." Sabi ni Rain.

"Kahit lumambot ako, hindi naman ako mahina."

Naglalakad na silang apat pabalik sa school. Malapit lang naman yun sa kantong saksi ng away nila.

"Pumunta nalang tayong cafeteria." Anyaya ni Mike.

"Palagi ka namang pumupunta don eh pagkatapos ng away." Sambit ni Kent habang inaayos ang backpack niya.

"Mali. Palagi yang kumakain pagkatapos ng away." Pagtatama ni Jason.

"Buti hindi ka tumataba." Pagsali ni Raindell sa usapan.

"Dude, paano naman ako tataba kung palaging ganito ang ginagawa natin? Nae-exercise ang muscles ko." Pinakita pa niya ang braso at sinapak siya ni Jason.

"Dude, wag kang magmayabang dahil meron din sa'kin." Ani Jason na nakangisi pa, pinakita ang abs.

Nakapasok na rin sila sa school at marami ng students na gumagala. Tapos na kasi lahat ng klase at nagsiuwian na ang iba. Dumiretso sila agad sa cafeteria. Umupo sina Kent, Jason at Raindell sa palaging pwesto nila. Si Mike ay tumungong counter at um-order ng pagkain.

"Papalapit na ang kakambal at ang manliligaw mo, Rain." Kent mentioned at his side.

Lumingon siya sa pintuan at papalapit nga ang dalawa sa kanila.

"Hindi ko manliligaw si Michell." Sambit niya.

"Alam naman naming may gusto siya sayo. It's so obvious, Rain." Jason mumbled across him.

"Yeah and it's so obvious too na wala akong gusto sa kanya. Kaibigan ko lang siya." He grunted. Yun na kasi talaga ang nararamdaman niya dito. Hindi na hihigit yun kahit pilitin pa niya ang sarili.

"Halata ring hindi siya susuko." Sambit ni Kent.

Ou. Halata ngang hindi susuko si Michell sa kanya dahil ilang beses na niyang sinabi dito na wala siyang gusto. Hindi niya alam kung bakit. Physically qualified naman si Michell sa mga babae niya pero ayaw niya yung naghahanap ng commitment at emotionally attached to him. In short, ayaw niya ng seryusong relasyon.

"Bro." Pagtapik ni Raimer sa kakambal.

"Bro." Pagpansin niya dito. Kahit kailan ay hindi sumasali si Raimer sa gulo. Ito ang mas mabait sa kanilang dalawa. Pero wala namang umaapi dito kasi siya ang makakalaban kapag may gumalaw sa kakambal niya.

"Hi guys." Pansin ni Michell sa kanila.

Pinansin ito ng grupo maliban sa kanya.

"Hinahanap kayo ni Mrs. Yanie" Umpisa ni Michell. Halatang hindi maganda ang dahilan non.

"Nagkadetention na naman kayo at tumakas." Dagdag ni Raimer. Tumingin ito sa kakambal. "Ano na namang ginawa niyo?"

"Duh, Raimer." She rolled her eyes. "Kailangan pa bang itanong yan? Palagi namang gulo ang dahilan eh." Pag irap ni Michell dito.

"Sa dami ng gulong kinasasangkutan nila, gusto kong malaman kung alin don." Raimer countered.

"Easy lang, para naman kaming criminal sa mga gulong tinutukoy ninyo. Madali lang naman yung gulo. Nanghamon yung grupong tinalo namin. At ayun, nakatikim. Yun lang." Paglalahad ni Jason.

"Ang tagal naman ni Mike." Sabay tingin sa counter na sabi ni Kent. "Para namang binili na niya lahat ng pagkain don."

Tumingin si Raindell sa counter at insaktong si Mike na ang bumibili. Nakita niyang si Faith ang nag-aasikaso. Tumayo siya. "Bibili muna ako." Paalam niya at umalis.

Agad siyang sumingit sa likod ni Mike kahit may ibang kasunod dito. Hindi na nagreklamo ang ibang estudyante dahil alam nila kung sino siya at ano ang kaya niya.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya kay Mike.

Mike tilted his head to look at him behind. "Ang haba kasi ng linya." Sagot nito.

"Matuto kang sumingit."

"Hindi ko naman kasi gawain yan." Umalis na si Mike sa harap niya matapos makuha ang order.

Ngayon, nasa harap niya si Faith. Malamig siya nitong tinignan. Hindi kagaya ng ibang kababaihan na nilalandi siya agad. Batting their eyelashas at him and shoving their boobs forward for him to see or notice. Nagsasawa na rin siya minsan sa mga ganyan.

"Oorder ka?" Tanong ni Faith sa kaharap niya. Naiinis na siya dito. Palagi naman eh. Sa tuwing tinititigan siya nito na walang pakialam kahit sa harap pa niya mismo. Hindi na talaga nahiya ang lalaking to.

"Yung palagi kong ino-order." Sagot ni Rain.

Agad kumilos si Faith para mawala na ang lalaki sa harap niya. Hindi talaga siya komportable sa lalaking ito. Tingin palang, parang tumatagos kasi sa kaluluwa niya. Tulad lang din ito ng ibang lalaki sa school na tinititigan siya. Ang kakaiba nga lang ay ito si Raindell Azarcon, the school's resident badboy. Almost takot ang lahat dito. Mabuti nga at hindi siya nito kinakausap. She's not included in his list of female screws. She would have beat the shit out of him if he did.

Inilagay niya agad ang order sa harap. Siopao at soda naman ang palaging inoorder nito. Kabisado na rin niya ang madalas na order ng iba. May back-up orders din kung sakaling wala ang first choice.

Biglang may naisip si Rain at hinalungkat ang bulsa. Buti at may papel siyang nailagay don na hindi napasama sa wallet niya. Inilagay niya sa counter at tinignan yun ni Faith. Halatang confused ito.

"Nasa kabila ang cashier." Itinuro pa ni Faith. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Rain. In almost four years attending in this school, everyone knows where to pay their orders, at the cafeteria's cashier counter, just a few steps away from Faith's position.

"I know. Tip ko yan." Pinipigilan ni Rain ang mapangiti. He's amused in her reaction.

"Tip? Bakit ang laki niyan? Sobrang laki pa sa in-order mo." Tanong agad ni Faith. Isang libo kasi ang nakalatag sa harapan niya.

"Yan lang kasi ang nasa labas ng wallet ko." Sagot ni Rain at umalis na bago pa makasagot si Faith at tanggihan ang pera niya. Hindi niya talaga alam kung pano pumasok yun sa isip niya at nagawa pa. Nangangati na ang kanyang bibig na mapangiti pero pinipigilan niya lang. He cleared his throat falsely. Alam niyang mahirap lang si Faith kaya gusto niyang makatulong dito.

Pag-alis ay narinig niya ang ilang usapan tungkol sa ginawa niya. Yung estudyanteng kasunod niya lang sa pila kanina sa counter ni Faith ay ikinwento ang kanyang ginawa.

Fuck! I shouldn't care. Pero nakita niya ang ekspresyon sa mukha ni Faith. Ayaw nitong pinag-uusapan silang dalawa.

Bumalik siya don, ang ibang estudyante ay tinitignan lang siya. Parang inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari.

He walked back to the line. "Shut up all of you or i'll ruin your faces." Banta niya sa mga ito.

Nakita niya ang takot sa mga mukha lalo na sa nag-oorder. Matalim niya itong tinignan. "Stop talking about us, stop minding my business kung ayaw mong pakialaman ko ang takbo ng buhay mo."

Nanlaki ang mata ng lalaki at nanginginig na sumagot. "o-okay. Pasensya na."

Tinignan ni Rain si Faith. Binalik lang nito ang tingin niya at umiwas na. Patuloy sa ginagawa.

Hindi naman narinig at alam ng ibang tao sa paligid ang nangyari. Ang nakasaksi lang non ay ang mga taong pumipila at ilang kasamahan ni Faith na malapit sa counter nito.

She don't know what she should feel. To feel greatful because he disposed off the rising gossip? or be angry because Rain threatened some students? Especially the student in front of her.

Well, to the student, she felt angry dahil sa masyadong pakialamero at madaldal ito.

"You should have just kept your mouth shut." Sabi niya sa estudyante habang binibigay ang order. Masama siya nitong tinignan bago umalis dala ang order nito na agad hinablot sa counter.

Honestly, medyo nagagalit din siya sa ginawa ni Rain. Hindi sa pagbabanta nito kundi sa pagbigay ng tip sa kanya. Isang libo yun. Lampas triple pa sa presyo ng in-order nito. Hindi na niya natanggihan ang pera dahil agad ito umalis.

"I told you, he likes her."

"Pag nagbigay lang ng tip, may gusto agad?"

"Ano ba, bakit naman kay Faith lang siya nagbibigay ng tip at ang laki pa?"

"Hindi ba pwedeng naisipan lang ni Rain o trip lang niya? At isa pa, mayaman ang lalaking yun kaya nagsasayang ng pera."

Voices.

Sa lahat ng usapan na pwede niyang pakinggan o marinig ay yun pa ang nakahuli ng atensyon ni Faith. Hindi boses ng mga buhay na tao yun, kundi sa mga hindi pangkaraniwang nakikita niya sa paligid. She caught many of them at the corner of her eyes. She never tempted to look at them directly for they will caught her and knew that she knows about them. Ang usapan na yun ay malapit lang sa counter niya galing sa dalawang babae.

"Eh, bakit palaging tinititigan ni Rain si Faith?"

"Ewan ko."

"Kasi maganda siya at simple lang."

"Marami namang ibang magaganda dito sa school ah."

"Alam ko. Pero bakit nga palaging si Faith lang ang tinitignan niya? Maganda rin naman si Michell at kahit tayo ay alam nating may gusto si Michell kay Rain. Pero hindi pinapatulan ni Rain si Michell."

"Kasi magkaibigan at magkababata sila kaya ayaw sirain ni Rain ang pagkakaibigan nila."

"Pwede rin namang dahil may ibang gusto si Rain at malaki ang posibilidad na si Faith yun."

"Okay na, sige na. Tama ka na. Mukhang may gusto nga talaga si Rain kay Faith. Torpe nga lang."

May gusto nga ba si Rain sa'kin? Tanong ni Faith sa kanyang sarili.

She shook her head. Hinahayaan na naman niyang madistract ang utak niya dahil sa mga espiritong ito.

Pero imposibling may magkagusto sa kanya. Hindi siya palakaibigan sa school at ngumingiti. Hindi rin siya mayaman.