Chereads / Perfectly Unordinary (Tag-Lish) / Chapter 5 - Chapter 5: BOTHER

Chapter 5 - Chapter 5: BOTHER

"Anong pakialam mo?" Balik tanong ni Faith nang nakabawi na sa pagkagulat. Hindi na ito tinignan at nagsimula ng humakbang palayo dito at sa club.

"It's nearly 10. Ano pang gagawin mo?" Tanong uli nito, sumusunod sa kanya.

"What now if it's nearly 10? Wala kang pakialam sa kung anong gagawin ko." Pagsusungit niya.

"Okay." Sabi ni Rain at di na sinundan si Faith. Hinayaan nalang niya at pumunta sa kanyang motor. Sungit at suplada talaga ng babaeng yun.

Binuhay na ni Rain ang motor pagkatapos isuot ang helmet. Lumingon uli siya sa direksyon ni Faith. Hindi niya alam pero parang namamagnet siya dito. Pinaandar na niya yun at tinungo ang direksyon nito. Umarangkada siya at agad na huminto sa harap ni Faith. Nakita niya ang halatang gulat sa mukha nito. Lihim siyang napangiti dahil sa itsura ng dalaga. May ibang ekspresyon na rin siyang nakita sa mukha ng babae.

"Kung may intensyon kang sagasaan ako, galingan mo naman." Nanlilisik ang mga mata ni Faith. Napakuyom niya ang kanyang kamao na nakahawak sa strap ng gitara. Gustong-gusto niyang patayin ang taong nasa harapan niya ngayon.

Tinanggal ni Rain ang helmet. "Hindi ko yan intensyon."

"Akala ko ba titigilan mo na ako." Sinipatan ni Faith ito at nagsimula ng maglakad uli, iniwasan ang nakaharang sa harapan.

"Hindi ko rin sinabi yan." Sabi ni Rain sabay hawak sa braso ni Faith.

Napaharap uli si Faith dito. Di niya akalain na gagawin yun ni Rain. Nakaramdam siya ng kuryente sa paghawak nito sa kanya. Ano bang binabalak nito? Ayaw niyang mapasangkot sa kahit anong gulo o ma-link sa kahit na sino. She can't afford to have time with those nonsense things.

"Ano bang ginagawa mo at bakit mo ba ako pinapakialaman? Hindi tayo magkaibigan. Schoolmates lang tayo. Yun lang." Binabawi niya ang brasong hawak nito pero ayaw siya nitong pakawalan. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Galit niyang sabi dito. Pinipigil lang ang pagtaas ng boses dahil ayaw niyang may makapansin sa kanila.

"Sumakay ka. Ihahatid na kita sa bahay mo." Walang emosyong sabi ni Rain.

Buong lakas na hinaklit ni Faith ang braso niya at umatras pa. "Wala kang karapatang utusan ako." Madiin niyang sabi. Nag-iinit na ang pakiramdam niya dahil sa galit dito.

Napabuntong-hininga si Rain. "Tigas mo talaga. Ingat ka na lang." Sinuot na niya ang helmet at umarangkada na muli. Iniwan na niya si Faith don na nakatayo lang. Lumiko siya sa isang kalye at huminto. Ibinaba niya ang stand ng motor at tumambay saglit. Pagkatapos lang ng ilang sandali ay nakita na niya si Faith. Naglalakad lang ito ng diretso. Hindi naman siya napapansin kasi di ito tumitingin sa paligid. Medyo marami rin namang taong naglalakad sa sidewalk. Di na niya alam anong ginagawa niya. Parang naging stalker na siya nito. Inalis na niyang ang stand ng motor at dahan-dahan itong sinusundan kung saan papunta.

Huminto na rin sa paglalakad si Faith matapos makaliko ng ilang kanto. Halos kinse minutos din yung paglalakad nya. Tiningnan niya ang wristwatch. 9:55. Hindi pa siya late. Pumasok na siya sa isang diner. Di naman sikat at mamahalin. Pero marami pa ring costumers dahil sa masasarap ang mga pagkain. Sa backdoor sya pumasok. Nasalubong niya ang ilan sa mga tauhan kagaya niya. Binati siya ng mga ito hanggang pumasok siya sa cr para makapagbihis ng uniform. T shirt na v-neck na kulay blue lang. Tapos kinuha pa apron niya. Itinali ang buhok into a ponytail. Isa syang busgirl sa trabaho niya na to. 24/7 ang diner. Hanggang alas dose lang naman siya, dalawang oras lang na pagtatrabaho dito. Kaibigan lang din niya ang may ari dahil kapatid lang ito ng owner ng bar na tinugtugan kanina. Nagtatrabaho lang siya dito kung kailan vacant at gusto niya. Dagdag bayad na rin sa gastusin at pag-iipon.

Lumabas na si Faith para magtungo sa dining area. Agad siyang nilapitan ng manager na siya ring may ari at boss niya.

"Faith, iha, nandito ka pala." salubong sa kanya ng manager.

"Opo. Dalawang oras lang po ako dito tapos uuwi na rin po ako."

"Sige, iha. Ang sipag mo talaga. Mag umpisa ka na. "

"Okay po, sir."

Tumango lang ito at nagsimula ng humakbang palayo.

Bumuntong-hininga siya habang nagsisimula na sa kanyang trabaho.

Hindi alam ni Faith na sinusundan lang pala siya ni Rain. Nasa tapat siya ng diner at nakikita nya ang dalaga na nag bubus-out. Umupo sya saglit sa motor niya at tumingin sa paligid. Konti nalang ang mga sasakyang dumadaan at mga taong naglalakad. Tumingala din siya sa langit, mabilog ang buwan ngayon at maraming bituin. He felt good. Hindi niya alam kung bakit, basta magaan lang pakiramdam niya.

Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng gutom. Napatingin uli siya sa diner na nasa tapat lang ng pinagparkingan nya, napangiti sa naiisip. Siguradong mabubwesit niya ang isang tauhan don pag pumasok siya. Sa totoo lang, di naman niya intensyon na inisin ang taong yun, sadyang naiinis lang ito sa mga halos lahat ng lumalapit dito, lalo na sa mga lalaki. Nagsimula na siyang maglakad at tinawid ang kalsada para pumasok sa diner. Agad siyang binati ng nakasalubong niyang waitress at sinundan kung saan sya uupo.

"Magandang gabi po, sir." Sabi ng waitress sabay ngiti sa kanya na ubod ng tamis, kinindatan pa siya nito. Halatang nahulog na sa karisma nya, wala pa nga siyang ginagawa.

Tinitigan niya ang bitbit nitong menu at ininguso yun.

"Patingin." Sambit niya.

"Sir?" Sabi ng babae at niyakap pa lalo ang menu. Iniisip kasi ng babae na ang dibdib nito ang tinutukoy ni Rain. "Um, sir.." Malanding sabi ng waitress sabay pagpapacute pa. "Maya nalang po, sir, papakita ko rin po sa inyu."

Napatingin ulit si Rain sa mata ng babae.

"Bakit maya pa? Gutom na ako." Pagtataka nya at medyo naiinis na rin.

The girl giggled and adjusted her blouse lower so that her cleavage would be more revealed.

"Don't worry sir, ipapakita ko rin po sa inyu at ipapatikim ko pa po lahat." Kagat labing sabi ng waitress.

Mas lalong nagtaka si Rain sa kinikilos ng babae. Inobserbahan nya ang tindig nito at kitang-kita nya sa mga mata nito ang pagnanasa sa kanya. And then he chuckled. Did she really think that that's what i mean? Oh, com'on, she's not my type. And I'm not in the mood to do it with anybody right now. Isip ni Rain.

Nakita niyang napatulala lang sa kanya ang babae. He cleared his throat and looked at her seriously.

"Give me the damn menu right now, miss. That's what I want." he said firmly and clearly to her.

Nagulat ang babae at agad napahiya sa inakala. Binigay nito kaagad ang menu sa kanya.

"S-sorry po sir. " Nauutal na paumanhin nito dahil sa pagkapahiya.

Hindi na ito pinansin ni Rain. Binuksan nalang ang menu para maka order.

Pagkatapos makaorder ay umalis na ang waitress. Tumingin siya sa paligid at nakita si Faith na nag bubus-out sa unahang tables. Di pa sya napansin nito. Kinuha ni Rain ang phone sa bulsa ng leather jacket nya dahil kanina pa ito nag v-vibrate. Nakita niyang may mga messages at missed calls galing sa mga babae niya at kay Raimer. Dinelete yun agad lahat kahit di pa nababasa. Alam na naman niyang tinatanong lang sya ni Raimer kung nasan siya at ligtas ba. Napabuntong hininga na lang siya, parang di pa sanay kambal niya sa kanya, minsan nga, no, madalas pala, halos di sya umuuwi sa mansyon. Nasa barkada kasi, either inuman, party, o kaguluhan. Minsan nasa kwarto siya ng sinong babaeng magustuhan nyang patulan.

Dumating na rin ang order niya at nilamon ito agad. Bumalik uli ang waitress para ihatid ang listahan ng babayaran. Agad nya kinuha ang wallet, nang buksan yun ay wala pala iyung lamang pera, puro debit cards nya lang at i.d. Binalik nalang niya uli yun sa bulsa ng leather jacket. Naalala nyang nasa bulsa lang pala ng pantalon ang pera. 200 ang papel na nakuha nya at binigay yun sa waitress.

"Keep the change." Sambit nya at di na pinansin ito.

"Thank you po, sir." Halos tumitiling sabi ng waitress sa kanya at umalis na.

"Uy, tingnan mo, ang gwapo niya oh." Sabi ng babaeng nasa counter.

"Ou nga. Badboy look. Gosh! I love it!" Sagot ng cashier.

Narinig ni Faith na tilian ng dalawang empleyado sa counter. Nag m-mop na sya ng sahig ngayon dahil wala pa naman siyang binabus-out. Tiningnan nya kung sino ang pinag uusapan ng dalawa. Agad lumaki ang mga mata nya. Pucha! Bakit nandito ang lalaking yan?! Tanong nya sa isip. Umiling na lang sya at di na pinansin ito, pinagpatuloy na lang ang ginagawa.

Tuloy pa rin ang usapan ng dalawang babae sa counter, she just rolled her eyes in what she's hearing. Hay nako, hindi man lang mahiya, mukhang naririnig pa naman sila. Tiningnan nya ulit ang pinag uusapan ng dalawa at nagtama ang mga paningin nila. Pareho silang walang ekspresyon sa mukha at nauna na nyang binawi ang tingin dito. Pansin nya sa gilid ng mga mata na tumayo na ito at kinuha ang helmet sa tabi. Tumalikod na sya dito at nag fucos na sa ginagawang trabaho.

"Anong oras ka uuwi?" Seryusong tanong ni Rain kay Faith.

Napatigil sa ginagawa si Faith dahil sa gulat. Agad kasi itong nagsalita sa likuran niya. Humarap sya dito, kasama ng masamang tingin, halatang pinipigilan lang nito ang mapatawa sa pagkagulat nya.

"Magugulatin ka nga." Sambit ni Rain na napapangiti na.

Gusto nyang suntukin ito para mawala ang ngiti sa mukha.

"Now, tell me, anong oras ka uuwi?" Sumeryuso na ulit si Rain.

Narinig ni Faith na silang dalawa na ang pinag-uusapan ng mga nasa counter.

"Oh my gosh! Boyfriend nya yan?"

"Ewan, siguro, hinihintay siguro siyang umuwi para ihatid."

"Wow, di ko alam ganyan pala epekto ng kagandahan nya."

"Ou nga. Nakabingwit siya ng ganyang lalaki."

"Ang swerte nya."

Nagtitimpi nalang si Faith sa mga naririnig. At alam nyang narinig din yun ng lalaki sa harapan nya.

"Bakit?" Tanong nya dito.

"Ihahatid na kita, late na kasi."

Napatawa si Faith sa sinabi nito. "Ano naman ngayon kung late na? Sanay na akong umuwi mag isa kahit anong oras pa yan. At saka, can you just be normal again? Abnormal na kasi ang ginagawa mo. Panay ang lapit at pagkausap mo sakin ngayong gabi." Sabi nya at sinantabi ang mop para kunin ang pinagkainan ni Rain. Tinalikuran na niya ito.

Napabuntong hininga si Rain. Kahit kailan talaga, di nya matinag ang babaeng 'to. "Okay, fine." He said in a resigned breath. Tama nga naman. Abnormal na ang ginagawa nya. Napailing nalang sya sa sarili at umalis na.

Papunta sya sa motor at sumakay na dito. Sinuot ang helmet bago pinaandar at umalis. Habang nagmamaneho ay napapaisip na naman. Bakit nga ba nya nagawa yun? Hindi naman sya ganon dati kay Faith. Ang babaeng yun lang talaga ang tumatanggi sa kanya, mali, sa lahat pala.

"Uy, Faith! Boyfriend mo yun?" Tanong ng isang babae sa counter.

Tiningnan ito ni Faith. "Hindi." Sambit nya at pumasok na ng storage room. Don niya kasi iniwan ang gitara at gamit. Nagpalit na rin siya ng tshirt at nilagay sa bag ang blue polo na uniform sa diner pati apron. Lumabas na siya at nakasalubong ang manager.

"Iha, ito oh." Iniabot sa kanya ng manager ang sweldo nya ngayon. 120 dahil almost 3 hours din sya.

"Salamat po, sir." Ngumiti sya dito.

"Masipag ka rin kasi iha." Tinapik sya nito sa balikat. "Mag ingat ka sa pag uwi mo."

"Opo."

"Sige." Pumasok na ito sa kusina.

Nagtuloy na si Faith sa paglabas at nagpasalamat na wala ng naghihintay sa kanya o sasalubong na naman.

Maglalakad lang siya pauwi sa boarding house nya. Kahit malayo at pagod na ay titiisin nalang.