Chereads / Perfectly Unordinary (Tag-Lish) / Chapter 8 - Chapter 8: RAI--

Chapter 8 - Chapter 8: RAI--

Faith is wiping a table. Kakabus-out lang nya ng mga pinagkainan ng dalawang costumer. It's an early Sunday morning. Mag se-seven palang ng umaga. She's working overnight dahil wala naman siyang pasok. Off siya ng 8:00 am ngayon.

"We have a breaking news. Kakapasok lang po na balita mga kaibigan. Ito po ay naganap kaninang 5:30 ng umaga. Isa pong ten-wheelers truck ang nakabanggaan ng isang kotse. Una daw pong iniwasan ng mga sakay sa loob ang unang nakasalubong na truck. Pero bumangga po sila sa kasunod nitong truck. Wasak po ang bandang kanan ng kotse at tumilapon ito sa gilid ng kalsada. Dahilan rin na bumangga ito sa isang malaking punong kahoy at nawasak ang harapan. "

Nakikinig lang si Faith sa sabi ng reporter sa tv. Binalik na nya ang pampunas sa bulsa ng apron at kinuha na ang tray sa upuan. Nagsisimula na siyang maglakad papuntang kusina pero natigil siya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang pagpapatuloy ng reporter.

"Ang mga laman po ng kotse ay sina Raindell Azarcon at Raimer Azarcon."

Dahan-dahan siyang napalingon sa tv.

"Parehong lasing ang dalawa dahil kakagaling lang ng mga to sa party ng isang kaibigan. Agad pong narespondihan ang mga biktima dahil humingi po ng tulong ang driver ng naunang truck. Parehong panig po ang may kasalanan dahil lasing po ang magkapatid na Azarcon at wala naman sa linya ang dalawang truck. Mabibilis din ang takbo nito."

Nanginginig ang mga kamay ni Faith. Muntik na niyang mabitawan ang tray. Mabilis na rin tibok ng puso niya at ramdam ang panlalamig sa sarili. Gumalaw na siya sa kanyang kinatatayuan at halos patakbong nagtungo sa kusina.

"Faith, iha, namumutla ka, okay ka lang?" Pansin sa kanya ng manager. Papalapit ito sa kanya.

"Okay lang po ako, sir." Agad niyang sabi at tumalikod na. Binigay ang tray sa dishwasher. "Sir, pwede na po ba ako mag out?" Humarap uli siya dito. Nakatingin pa naman ang manager sa kanya.

"Sige. Mukhang di mabuti tingnan ang itsura mo. Namumutla ka." Kinuha na nito ang wallet at binigay ang sweldo niya. Halata ang pag-aalala ng kanyang amo.

"Okay lang po talaga ako. Sige po, sir. Salamat." Sabi niya at umalis na ng kusina. Tinungo na ang storage room.

Pagdating don ay napatunganga lang siya. Inaalala niya ang mga narinig sa balita kanina. Yun yung party na iniimbita siya ni Raimer Azarcon pero tinanggihan niya. Wala na namang bago don eh. Pero yung nangyari sa magkapatid na Azarcon, yun ang ikinagulat niya. Hindi niya inaasahang mangyayari yun sa dalawa. Gumalaw na siya, kinuha ang bag at gitara. Panibagong usapan na naman to sa school. Napailing siya. Bakit ko ba naiisip ang mga ganitong bagay ngayon? Dati na akong walang pakialam, wala dapat pinagbago yun. She chided herself.

Lumabas na siya ng storage room at umuwi.

Pagdating niya sa boarding house ay agad siyang nagbihis ng pambahay at humiga agad. Di na siya nag-almusal dahil sa pagod. Sana lang makatulog siya ng maayos ngayon, napapadalas na kasi ang bangungut niya. Wala namang ibang mga nilalang sa loob ng nererentahan niyang kwarto, pero sa labas meron. May isa pa ngang nakaupo sa hagdanan pero iniwasan niya ito. Isang batang lalaki yun, nakajersey uniform at palaging nakatingin sa gate, halatang may hinihintay. Hindi naman nakakatakot tingnan ito, parang normal lang din. Pero wala itong ekspresyon sa mukha. Palagi lang matalas makatingin.

Lunes na, nakalatay pa sa kama si Raimer. May benda pa sa ulo at neck brace. May ilang nakakonektang tube nalang. Wala ng ibang pinsala sa kanya, maliban sa mga sugat, gasgas at head injury. Steady na rin ang kalagayan niya kaya nasa isang private ward na siya sa pribadong hospital. Isang katulong lang galing sa mansyon ang nakabantay sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay dahan-dahang minulat ni Raimer ang mga mata. Ipinikit uli yun dahil sa liwanag ng ilaw sa kesame. Muli na niyang binuka nang maka adjust na sa nasalubong na liwanag. Igagalaw sana niya ang kanyang leeg pero pansin niyang may nakaharang sa pag galaw non. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay para mahawakan ang kung anong nakalagay sa leeg.

"Sir! Gising ka na!" Bulalas ng babaeng nagbabantay sa kanya. Halos tumalon ito sa tuwa.

Naipikit uli ni Raimer ang mga mata at iniinda ang sakit sa ulo. "Pakihinaan ng boses mo, ate Lina. Sumakit tuloy ulo ko."

"Sorry po, sir Rain. Masaya lang ako kasi gising ka na. Ay! wait po. Tawagin ko yung nurse." Agad ng tumalikod si Lina at tinakbo ang pintuan. Dahan-dahan naman ang pagsara nito.

Rain? Rain ka dyan. Si Raimer ako. Nahuli niya kasing yun ang tinawag sa kanya ni Lina. Napaisip rin siya, bakit pa lumabas ang babaeng yun na may intercom naman sa silid kasi private hospital yun. Malamang di nyun alam.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na si Lina kasama ang isang nurse.

"Good morning, Mr. Azarcon." Bati sa kanya ng nurse na sinamahan ng matamis na ngiti at titig na titig pa.

"Morning din po." Balik bati niya dito.

"e checheck ko yung kalagayan nyo."

Tumango lang si Raimer at hinayaan ito sa mga ginagawa.

Nakabantay lang si Lina sa mga kilos ng nurse. Halata nito kaninang may crush na ito sa kanyang amo. Malagkit makatitig at panay ang paghawak nito sa braso o kamay.

"Kumusta na ba nurse? Okay na?" Sambat ni Lina para matigil na ang nurse.

"Okay na po ma'am. Wala ng problema. Ang doctor na po ang mag f-finalize ng lahat para makauwi na po siya."

"Mabuti naman. Sige, salamat." Inihatid pa niya ang nurse sa pintuan para lumabas na ito.

"Pahinging tubig." Sambit ni Raimer. Napapansin kasi niyang naiiba boses niya. Dahil na rin siguro namamalat siya.

Inalalayan naman siya ni Lina na makainom ng tubig. Pagkatapos ay nagsalita ulit. "Nasan ang kakambal ko? Okay rin ba siya?" Wala pa ring pinagbago sa boses niya, boses ni Rain ang kanyang naririnig.

Agad kinabahan si Lina. Hindi alam ang sasabihin. Mabuti at nakatalikod siya sa kanyang amo dahil kunwaring inaayos niya ang mga gamit sa sofa na nandon. "Inaasikaso po siya ngayon ng mga magulang nyo, Sir." Mabilis niyang sabi, ang bilis pa ng tibok ng puso niya. "Sir, nagugutom po ba kayo?" Humarap uli siya dito.

"Yes. I'm starving." Sagot ni Raimer. Di siya makalingon dito dahil sa brace sa leeg niya. But he can see her in his peripheral vision.

"Sandali lang po sir. Magtatanong lang po ako sa doctor kung pwede na kayo kumain at kailan kayo makakauwi." Paalam nito at lumabas ng silid.

Naiwan na naman siyang mag-isa sa kwarto. Iniisip ni Raimer ang kakambal. Sana hindi din ganon ka grabe ang natamo nito sa aksidente. Gusto niyang bumangon para makita si Rain. Nag-aalala pa rin siya sa kanyang kapatid.

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Lina kasama ang doctor. Pumasok na sila sa kwarto.

"Mr. Azarcon, I see you're recovering fast." Masiglang bati sa kanya ng doctor.

Buti tumayo ito sa gilid niya at nakikita.

"Doc, pwede na po ba siyang kumain? And kailan po siya makakalabas?" Tanong ni Lina na nasa tabi lang ng doctor.

"Yes, pwede na siyang kumain. But yung mga soft foods muna. And saka niya lang matatanggal ang neck brace after three days or kung kailan di na masakit leeg niya. Wala na rin namang ibang problema sa kanya kaya pwede na siyang lumabas bukas." Nakangiting sabi ng doctor.

"How about my twin, doc? Pwede na rin ba siyang lumabas?"

Agad napatingin ang doctor kay Lina. Nagkatitigan sila saglit. Ngayon lang napansin ng doctor na hindi nito alam ang nangyari sa kakambal. Nagmamakaawa ang mga mata ng babae na wag muna sabihin ang totoo. Tumingin uli siya sa pasyente.

"Nakalabas na ang kakambal mo Mr. Azarcon." Sagot niya. Mabigat sa loob niya ang magsinungaling dito. "I should go now." Then he turned to Lina. "Asikasuhin nyo na rin ang mga papeles niya para sa dismissal nya bukas."

"Yes, doc. Maraming salamat po."

Di na nagpahatid ang doctor sa pintuan. Kusa na itong umalis.

"Mabuti at ayos na ang kakambal ko. I feel so relieved." Nakangiti lang sa kesame si Raimer. Makikita sa pagliwanag ng mukha ang kagalakan niya. "Can you call him, ate, please." He thought they would be dead that time, pero mas gugustuhin nalang niya yun kaysa isa sa kanila ang mawala. And he know na yun din ang mas gusto ni Rain.

"Sorry, sir. Pero wala po akong load." Pagdadahilan ng katulong. Malamig nga ang silid dahil sa aircon pero pinagpapawisan siya sa pagsisinungaling sa alaga.

"Sige po, ate."

" 'Ate'? Bakit mo ko tinatawag niyan? Anong nangyari don sa 'manang'?" Nagtatakang tanong ng katulong at mas lalong bumibigat ang loob. Kanina pa din kasi nito napapansin na 'ate' ang tawag sa kanya.

" 'Ate' naman talaga ang tawag ko sayo ah. Rain's the one calling you 'manang'."

Lalong kumunot ang noo nito. "Si Rai--"

Natigil ang pagsagot ni Lina nang may kumatok. Lumapit siya at binuksan ang pinto.

"Ma'am Michell, tuloy po kayo." Pagpapatuloy nito sa bisita.