Chereads / My Collection of Poems / Chapter 3 - Pag-ibig

Chapter 3 - Pag-ibig

Pag-ibig na lihim sa ngiti ikinukubli.

Mga mata'y nangniningning ngunit ang puso'y puno ng panimdim.

Lihim na pag-ibig siyang itinatagong pilit.

Sa masayang ngiti nakatago ang sakit.

O kay sayang pagmasdan ng mga batang walang muwang.

Pag-ibig na dalisay ang kanilang ibinibigay.

Kung atin lamang tularan ang mga batang walang malay.

Mga pasakit sa buhay ay ating malilimutan.

Masdan mo ang mga ibon sa himpapawid.

Malayang lumilipad na puno ng awit.

Bagyo man ay dumating ito'y patuloy na lalakbayin.

Upang ang landas na tatahakin ay marating.

Sa malayong dagat ay matatanaw ang landas na nasa balintataw.

Paglisan ay kailangan upang ikaw ay mabuhay.

Lahat ay titiisin alang-alang sa anak na ginigiliw.

Ngunit kasabay ng paglisan ay baon ang pag-ibig.

Isang awit, isang himig, isang tinig na di marinig.

Pag-ibig na di masabi sa awit idinadaing.

Puso'y may lumbay na nais isigaw.

Ngunit pag-ibig na lihim ay siyang nangingibabaw.