Chereads / My Collection of Poems / Chapter 6 - Pansin

Chapter 6 - Pansin

Kahit di mo pansin

Maghihintay pa rin

Pag-ibig na lihim

Sa pusong naninimdim

Mananatili sa aking isip

At sa aking pagdaing

Ang pusong ito

Na sa'yo lamang gumigiliw.

O kay sarap pag-ibig na wagas

Pagka iyong tinunghan

Ang samo ay pakinggan

Ang puso na sa'yo'y nangangarap

Pag-ibig na tunay

Na sa'yo lamang nadama

At natagpuan

Ang ligayang walang kapara

Pag-ibig na sadyang kay lalim

Kay hirap arukin

Pusong pumipintig

Na ngalan mo ang sinasambit

Kailan kaya mapapansin

Ang pusong nananabik

Sa iyong pag ngiti

Ako'y kinikilig