Chereads / My Collection of Poems / Chapter 5 - Ngiti

Chapter 5 - Ngiti

Ngiti..

Isang matamis na bagay

Na nais mo maingatan

Lalo na kung ito'y galing

Sa taong minamahal

Isang matamis na ngiti

Mula sa anak na iniibig

Pagod man ang katawan

Sa ngiti nasusuklian

Sa isang magkaibigan

Minsa'y nagkakairingan

Nagkakasagutan

At nagkakatampuhan

Ngunit isang ngiti lamang

Napapawi na ang kalumbayan

Patawad po kung ako'y nagkukulang

Nakasakit nang hindi nalalaman

Ako'y tao lamang na mahina

At nagkakasala

Ngunit tapat na kaibigan

Ang sa iyo'y lumalapit

Hindi man masabi ng puso kong naninimdim

Puso at isip nakangiti na sa'yo'y lumalapit.