Chereads / Loving Nycil / Chapter 8 - C H A P T E R 6

Chapter 8 - C H A P T E R 6

Gulo

''First day pa lang ng Intrams, Nycil ang laki na ng eyebags mo. Anyare girl?'' Salubong sakin ni Rita. Classmates ko siya at the same officer rin sa SSG.

'' Wala. Nagbasa lang ako ng Wattpad.'' Walang gana kong sabi.

'' Weh? Eh, si Elisha nga halos oras- oras nagbabasa at maaga pang pumupunta dito sa school, ang liit ng eyebags. Yang sayo parang mauubos na lang ang concealer, makikita pa rin.'' Daldal pa nito. Sinamangutan ko na lang siya at umupo. Leche kasi yung Jomarie na yun. Di ako pinatulog sa kakaisip sa nangyari eh! Ginulo ko ang buhok ko sa inis.

'' Para kang sira jan, Nycil. Kaya tigilan mo yan.'' Sita sakin ni Sofie.

'' Guys, mamaya daw sasabihin ni Teacher JM akung sino ang mag rerepresent ng section natin sa Mr. and Ms. Intrams.'' Announce ng pres namin, si Lodelyn. Naalala niyo niyo yung may gusto kay Eric? Oo, siya yun.

'' Bakit pa mamaya eh bukas na ang pageant ah.'' reklamo ni Joylyn.

'' Siguro trip lang ni maam.'' Balewala kong sabi saka tumayo para papuntang SSG Office. '' Tara na, Rita. Punta na tayong Office.'' Yaya ko sa kanya.

'' Mauna ka na. Hihintayin ko pa si EJ.'' Ngiting sagot niya.

'' Maghihiwalay rin kayo. Walang forever.'' Singit ni Elisha dahilan para matawa kami. Pasulpot sulpot talaga tong babaeng toh.

*******

'' 3 points for Obedencio!'' Saad ng announcer dahilan para mag ingay ang mga tao sa gym.

I love you, Eric!

Pakasalan mo na ako please!

How to be yours po Eric?

Napailing na lang ako sa mga sinisigaw ng mga higad. Yung bestfriend ko talaga ang lakas ng kamandag. Pati freshman, lumalandi na.

'' Anong oras ang game ng volleyball?'' Tanong ni Regine. Siya kasi ang kasama ko rito.

'' Mga alas tres. Bakit? Manonood ka?'' Tanong ko.

'' Oo noh. Nandun si Kuya Azul.'' Napailing na lang ako.

Kinukuya niya pa, eh sa may gusto naman siya dun. Binalik ko na lang ang tingin sa game. Hanggang sa huli, nanalo sila Eric. Siya rin ang MVP. After ng awarding ay agad siyang lumapit samin kaya sinalubong ko siya ng yakap.

'' Congratz. Ang galing talaga ng bestfriend ko.'' Ngiting bati ko sa kanya. Ngumiti naan siya sakin.

'' Syempre, ako pa.'' Umirap naman ako. Nahahawa na talaga siya sa kayabangan ni Jomarie.

'' Tara na. Panoorin na natin si Jomarie baka umiyak pa yun.'' Tawang sabi niya.

'' Maligo ka muna. Ang lagkit mong tignan.'' May kinuha siyang shirt sa kanyang bag at nagulat na lang ako nang hinubad niya sa harap ko ang suot niyang shirt at nagbihis.

'' Ang kapal talaga ng mukha mo!'' sabay hapas ko sa kanya na tinawanan niya lang ako. Napatigil lang kami nang lumapit yung ka teammates niya.

'' Pare, nagkagulo daw sa volleyball.'' Agad naman akong nacurious.

'' Bakit daw?'' Alam kong mali ang makisingit sa usapan pero maganda ako kaya wala akong pakialam.

'' Ewan. Intense ang labanan ng ka team ni Jomarie sa team ni RJ. Parang may sinabi si RJ kay Jomarie kaya ayun, nagsuntukan.''

Agad kong hinila si Eric patungo sa field kung saan nagkagulo nga. Aambahan sana ni Jomarie ng suntok si RJ nang mapigilan ko sila at pumagitna. Mas malaki si Jomarie kay RJ kaya baka mapatay niya toh sa bugbog.

'' Anong kaguluhan toh Jomarie?'' Asik ko sa kanya. Shit kang referee ka. Wala man lang ginawa kundi manood. Hindi sumagot si Jomarie pero sinamaan niya ng tingn si RJ kaya wala akong choice na hilain siya palayo sa gulo.