Present
" Then what happened, Ninang Ganda?" Tanong ni Erilyn na nasa kandungan ko. She and her mother have the same eyes. Except those, her entire physical appearance was from her father.
" Did they had their happy ending?" She was curious like other kids in town. Bahagya akong umiling bilang sagot sa tanong niya habang inaayos ang mga buhok na humaharang sa maamo niyang mukha.
"They didn't,baby girl. It is because not all story have a happy ending." Sabah ngiti sa kanya ng malaungkot.
"But why, Ninang?" I laugh when she pout. She's so cute.
"Tomorrow, we will continue the story,baby girl. It's time to sleep. Your mama will get mad if she finds out about this." Yaya ko sa kanya.
"So,our princess is still awake, huh?" Agad kaming lumingon sa nagsalita. Mabilis namang bumaba sakin si Erilyn.
"Mama! Papa! I missed you!" Agad namang kinarga ni Eric ang limang taong gulang niyang anak. Sabay halik sa kanya at sa asawa niya. Si Lodelyn. Yes. They ended up together. They sacrificed alot just to be happy. And I know that they deserved this family.
"Nycil." Nginitian ko si Lodelyn nang tumabi siya sakin. " I'm sorry kung kinukulit ka na naman ni Erilyn about sa kinukwento mo." Bahagya akong napatawa nang banggitin niya ang pangalan ng bata. Halatang mahal talaga nila ang isat isa. Kita niyo, pangalan nila kinombined para mapangalan sa bata.
"Nah. Its okay. Nasasanay na rin naman ako. Basta huwag ko lang maririnig ang pangalan niya." Mapait Kong sabi. Yeah, nasanay na akong ikwento sa bata ang nangyari pero pagbigkas lang ng pangalan niya ay mahirap.
"Bakit nandito ka na naman, Nycil Idulsa?" Bakas ang kaseryosohan sa boses ni Eric habang tumabi siya sakin. "May pinagtataguan ka na naman ba?" Napatawa na lang kami ni Lodelyn habang sinapak ko siya sa braso.
"Grabe ka naman, best friend. Pag ba nandito ako ay may pinagtataguan na? Nakakahurt ka ng feelings." Drama ko habang inakbayan siya. Tumawa naman si Lodelyn at tumayo.
"Dyan muna kayo. Maghahanda lang ako ng pulutan natin." Tawang sabi niya tsaka umalis.
"Now, sabihin mo sakin ang totoo kung bakit nandito ka, Nycil. Alam Kong may problema ka. Sobrang layo ng Manila dito sa Gingoog para lang sabihin mo sakin na namiss mo kami." Agad ko namang tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya at huminga ng malalim. Wala naman talaga akong problema ngayon. Gusto ko lang magpahinga at maramdaman ulit ang hangin ng probinsiya.
"Kamusta na kaya sila, Eric? Yung classmates natin noong highschool. Di ko naman kasi laging napupuntahan ang reunion at alumni natin dahil timing na busy ako. Well, nakita at nakatrabaho ko sila Jazl, Jamie, at Elaine sa isang photoshoot. Mga gagang yun. Sarap sabunutan. Nagpapart time daw ba ng modelling. Nakita ko rin si Sofie. Nakasabay ko siya sa NAIA. Galing siyang France." Ngiting balita ko. Ang sarap sa feeling na yung mga classmates mo na hindi uso ang iwanan ay naging successful na.
"Edi pumunta ka ngayong Saturday. May welcome party para Kay Albert." Singit ni Lodelyn.
"Nakalabas na siya sa Navy ng buhay."
"Talaga? Parang noon lang inaasar pa natin siya na hindi siya makakalabas ng buhay sa training." Komento ko habang tumatawa." Sila pa ba ni Karen?" Tanong ko. Miss ko na rin yung itim na pusa na yun. Hindi siya pusa okay? Tinatawag lang namin siyang ganun.
"Yeah. Sila pa rin ni Albert. Si Karen pa nga ang nagdesisyon tungkol sa party eh." Balita ni Eric.
"Sige. Punta ako sa Saturday. Tatawagan ko lang manager ko para icancel ang mga appointments this week." Excited na akong makita sila.
"Dadating din siya,Nycil." Bigla namang tumigil ang mundo ko. Parang biglang bumalik lahat ng galit sa puso ko.
"Edi mabuti. Para mapakita ko sa kanya na nakaya kong mabuhay na wala siya." Malamig Kong tugon.