Chereads / Loving Nycil / Chapter 10 - C H A P T E R 8

Chapter 10 - C H A P T E R 8

Cage

Uyy.. may answer kayo sa number 3 sa science?

Pahiram ng gunting.

Sinong may glue?

Guys, mamaya daw ipass yung diary sa AP.

Napayukyok na ako sa aking upuan dahil sa rami ng gawaing kailangang ipass ngayon. Breaktime na pero heto pa rin kami, hindi lumalabas ng room para matapos tong patong-patong na requirements.

'' Okay ka lang?'' Dinungaw ko ang nagsalita. Nakita kong si Jomarie na nilapag niya yung isang C2 AT biscuit sa harapan ko. '' Kumain ka muna. Para kang hihimatayin eh.''

'' Salamat. Tapos ka na ba sa lahat?'' Tanong ko habang ngumunguya.

'' Yep. Ikaw? Tapos ka na?'' Tumango naman ako ng matamlay. '' eh bakit ganyan itsura mo? Wala ka namang lagnat ah.'' Sabay lagay ng kamay niya sa leeg ko para masuri kung mainit ba ako.

'' Inaantok pa kasi ako.'' Nguso kong sabi. Wala pang isang segundo, napahikab na naman ako.

'' Anong oras ka bang natulog kagabi?''

'' 1 am. Tapos nagising ako ng mga 4 para sa finishing.'' Magsasalita pa sana siya pero nakuha ang atensiyon namin kay Lodelyn sa gitna.

'' Guys, wala tayong Math ngayon dahil absent si Sir.'' Parang nabuhayan ang loob ko na pwede na kaming umuwi.

'' Yes! Makakauwi na rin.'' Pero natigilan ako nang may naalala.'' Pupunta pa pala ako sa library para isauli ang libro.''

'' Samahan na kita.'' Dali dali naman akong umiling.

'' Huwag na. Umuwi ka na. Alam ko ring inaantok ka pa. Sige na. Bye.'' Hinila ko pa siya para makalabas na ng room.

'' Okay. Okay. Mag-ingat ka huh. Wala pa naman si Eric ngayon para samahan ka.'' Oo nga. Absent ang gago kung saan maraming ipapass na requirements.

'' Opo. Bye.'' At nauna nang maglakad patungong library. Ang dami namang tao. Naghanap ako ng bakante at meron nga sa dulo nga lang. Bahala na . Pag- upo ko ay bigla akong humikab kaya di ko na namalayan na makatulog.

******

" Ms. Idulsa.'' Nagising ako dahil sa pagyugyog sakin. Agad kong nakilala ang librarian namin. '' Magsasara na ang school. Baka malockan ka.'' Imporma niya sakin.

'' Pasensiya na po, Miss. Aalis na rin po ako.'' Ngiting sabi ko sabay paalam nito.

Gabi na pala at malamig na hangin ang sumalubong sakin.

'' Bye kuya guard.'' Tumango naman yung guard. Ang snob niya talaga na guard. Akala mo pogi, di naman.

Agad kong hinagilap ang phone ko para makapagtext kay Kuya Jimmy. Nagulat na lang ako na maraming missed calls at texts galing kay Jomarie. Halos matapon ko na ang phone na magring ulit yun. Agad ko namang sinagot.

" Hello-----"

'' Where the hell are you, Nycil Idulsa?!'' Bungad niya sakin. Mukhang galit eh. '' Kanina pa kita tinatawagan at tinitext pero ni isa wala kang sinagot! Mahirap bang magswipe ng answer button, Nycil Idulsa?!'' Aba, daig pa tatay ko kung makasigaw toh ah.

'' Hey calm your dick, Jomarie. Nandito pa ako sa school-----''

'' At bakit nandyan ka pa?!Its nearly 8!''

'' Leche huh. Kanina mo pa pinuputol ang sasabihin ko. Nandito ako sa school dahil nakatulog ako sa library, okay? at ngayon pa ako ginising ni Miss Librarian.''

'' Wait me there.'' Agad niyang pinutol ang tawag. Kapal ng face niyang babaan ang isang dyosa ng tawag? At sa haba ng sinabi ko yun lang ang sinagot niya. Ibang klase. Agad akong tumagilid nang may humintong sasakyan sa harap ko.

'' Get inside now, Nycil.'' Sabi niya na hindi man lang nag effort na bumaba sa passenger seat. Inirapan ko lang siya at tinuon ng pansin sa driver.

'' HI, Mang Tonyo.'' Ngiti kong bati sa kanilang driver. Ngumiti naman ang driver sakin.

'' Magandang gabi po, Maam Nycil.'' Nako, kay ganda ko para tawaging maam.

'' Just get inside now, Nycil.'' Singit ng demonyo kaya wala akong nagawa kundi umikot sa passenger seat. '' Mang Tonyo. Wear your earphones please.'' Agad namang tumalima si Mang Tonyo. '' Now, lady. Bakit ngayon ka lang uuwi?'' Seryosong tanong niya na mas lalong nagpairap sakin.

'' Hoy, kanina ka pa sa phone ah. Ano bang problema mo kung ngayon lang ako uuwi. Si daddy nga, di ako kinontak para pauwiin. Eh, ikaw pa na ano? Ano nga ba kita huh?''

'' Because Im so damn worried, okay?!'' Napatigil naman ako sa kanyang sinabi. '' Manhid ka ba talaga at kung makapagsalita ka di mo kinokonsidera ang nararamdaman ko? Then, wait until I have a right to you, Nycil. I will surely caged you.''