Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 70 - Rival

Chapter 70 - Rival

HAPON nang maisipan nilang lumabas. Hindi na sila sa kubo kumain dahil naghahanap siya ng kakanin. Nagtanong-tanong si Carlos sa mga residente maging sa mismong help desk para sa kalapit na baryo. At doon ay nalaman nilang may nabibiling kakanin sa tinadahan ni Aling Delikadesa.

Ang plano ni Malik ay si Carlos nalang ang bibili, ang kaso nang sabihin niyang gusto niya ng may caramel sauce. Doon na nahiwagaan si Malik.

"Anong kakanin ang may ganoon?" baling ni Biboy sa kanya.

She scrolled her cellphone and showed to Biboy the image. Natawa siya sa pagngiwi nito, lalo noong sumulyap sa katabi niya.

Malik rubbed her legs when she tapped the image to make it bigger. "Do you really like that?"

Nakanguso niyang hinarap ito. Malungkot na tumango. "I'm craving for this Malik."

Manghang tumitig sa labi niya ito bago tumango. "We will buy that." Hinila siya nito para patakan ng halik ang noo niya. "Aside from that, is there any craving baby?"

She seriously think for another, oblivious from the silent conversation from Malik and Biboy's eye. "Hmmmm. Gusto ko rin 'yung may violet at red. Hindi ko alam ang pangalan pero parang may nabibiling bilao noon. Minsan may triangle shape pa nga yata... Tapos puto. Gusto ko 'yung maliliit at ibat ibang kulay. Ayoko ng malalaki kasi parang maligasgas sa dila." Hinampas niya ang upuan ni Carlos na siyang driver nila. "Gusto ko rin ng pulburon. Mayroon kaya roon. Hanapan niyo ako, ha! Gusto ko 'yung langka flavor."

Malik barks a laughter. He even pulled her to plant kisses on her shoulder. "Bibilhin natin lahat 'yan. Kahit maubos ang pera ko basta mabili ko lang lahat ng gusto mo."

Ngumiwi siya nang mahuling humahagikgik din si Biboy. Seryoso naman kasi talaga siya sa mga iyon.

When they enter the store all the customer's attention landed on Malik. Even if he was in disguise and almost indistinguishable, it would really not help them to ignore him. Kahit bumuntot lang ito sa kanya at maging taga-bitbit ng gusto niya ay kahanga-hanga pa rin.

Ngumisi siya nang makitang nagbabayad na sa counter si Malik kasama si Biboy. Tatlong bilao ang hawak ni Biboy sa kanang kamay habang sa kabila naman ay dalawang supot. Ang isa roon ay tiyak siyang pulburon.

Nawalang parang bula ang ngisi niya ng makitang napapa-cute 'yung babaeng cashier. Nang iabot ni Malik ang cash at makaling ang kamay nito'y biglang namula ang pisngi at nahihiyang tumingin.

"Understandable." She snorted turning her back from the scene to look around. Huminto siya nang may magdaang babae na gaya niya ay naka-aviator at malaking sombrero. Hindi niya nakita ang mukha pero nakatitiyak siyang maganda ang hubog ng katawan at kasingtangkad niya.

Patay malisya niyang dinampot ang nakitang cassava cake. Natatakam siya roon pero naalala niya ang caramel sauce. Lumingon siya sa counter at nakitang palabas na sila Malik, pero huminto ito para hintayin siya.

Binalik niya ang hawak sa lagayan at lumapit kay Malik.

"Gusto mo rin iyon?"

"Ang alin?"

"Nothing. Let's go."

Dumiretso sila sa kilalang bulaluhan sa lugar. Isa iyong authentic style restaurant na ang chef ay nagmula sa Thailand. Thailander pero ang galing magluto ng pagkaing pinoy, lalo ng bulalu.

Her eyes shimmered from the delicious view of a big bowl of bulalo. The big meat was on the center while corn and some cabbage were properly arranged on the side.

Malik picked up the knife and fork. Hiniwa nito ang laman at isinalin sa bowl niya. He even put some cabbage and lastly the soup. He was very gentle and careful when he scooped the soup. Far from the vicious and menacing front look.

Hindi talaga lahat ng mukhang laging galit ay masama na ang ugali. Kung minsan ay sila pa ang mabait.

Pilya niyang hinipo ang binti ni Malik. Tumingin ito sa kamay niya bago sa kanya. May emosyong bumalantaw sa pag-angat ng kilay nito, lalo nang kumislap ang mga mata. Dumikit ito sa kanya para bumulong, "Mukhang hindi bulalu ang gusto ng baby ko."

Nakuha niya ang ibig sabihin noon kaya napabasa siya ng labi. Pinigilan ang sariling ngumiti. Tumikhim siya. Tinapunan ng tingin sila Biboy na patay malisya sa kanilang dalawa. "Maraming tao rito. Pag-uwi nalang." Kinuha niya ang kutsara para humigop ng sabaw.

Tumawa si Malik. "Pag-uwi," ulit nito sa sinabi niya.

Nang matapos kumain ay lumarga agad sila patungo sa lilipatang lugar. Gaya ng Rios De Rima ay malapit din sa dagat ang nakuha nilang hotel. Buong gabi sila bumiyahe dahil may kalayuan iyon at pahinto-hinto sila. May mga nadadaanan silang mga magagandang view kaya kinukuhaan niya ng picture. Noong una ay plano niyang i-post sa Instagram kaso agad siyang binalaan ni Malik.

"May balita ka na ba kay Winona?" Tanong niya kay Malik habang hinihila ang off-shoulder ruffle dress. Tanghali na sila nagising at ngayon ay planong libutin ang lugar.

Malik wrapped his arms around her waist before he kissed her bare shoulder. "Still nothing."

Umikot siya para harapin ito matapos ay huminga nang malalim. "I love going everywhere with you, but not in this kind of situation." She chewed her lip as she thought of Winona being hurt by Andrei. Even if they were not okay, she felt guilty for her best friend.

Malik lifter her chin to meet her gaze. "She'll be fine for sure. Let's think of the positive side."

Nangusap ang kanyang mata, malungkot na tumango. Napansin din niya ang pininta niya na nasa ding-ding. Hindi man iyon ganoon kaganda, para sa kanya ay isa itong sining na puno ng definition.

Lumapit siya roon para hipuin.

You look perfectly fine and alive but something's wrong with you. I have to focus on me to see it. Just like the situation now. We seem safe but why I feel like there's something wrong?

Muling yumakap mula sa kanyang likuran si Malik. Hinalikang muli ang kanyang balikat. "Still thinking the banana?"

Ginapangan siya ng hiya sa sinabi nito. Sibangot ang mukhang humiwalay. Dahil sa maling bunga ng puno ay iyon na ang laging tukso nito sa kanya. It's so embarrassing.

Tinaas ni Malik ang mga kamay. Tanda ng pagsuko huwag lang siyang magtampo. Pero imbes na magpahuli at magpahawak dito ay pilit siyang humihiwalay. Natawa na lang siya nang mahuli ang baywang at kiniliti ng sagad sa tagiliran. "Tama na. Please, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa!" Kakapigil niya rito'y bumagsak siya sa higaan.

Pumaimbabaw ito sa kanya at inatake muli ng kiliti sa tagiliran. "What is it banana girl?"

Naluluha na siya kakatawa. "Oh, please. Stop it!"

Tumigil si Malik nang mapansin ang posisyon nila. He was on top of her, in the middle of her legs. Looking god of beauty, even if he was on his sky blue t-shirt paired with black khaki short. So simple yet oozing with appeal.

Umalis ito sa ibabaw niya at tinulungan siya tumayo. Bumitaw agad siya upang hilain muli ang off-shoulder dress. Saglit siyang yumuko sa sobrang hiya. I am still sore yet every time he touch me it feels like my body is burning again.

Malik was on the phone when they go outside. While she busied herself on taking photos on the place. Sa elevator palang ay parang sinilihan siya sa pananabik dahil sa zip line. Mahabaang pamimilit kay Malik na sumakay doon, dahil para rito delikado. Pero sa huli ay pumayag ito basta magkasama sila.

Kinuhaan niya ng picture 'yung babaeng nakadipa ang parehas na kamay. Napangiti siya dahil bumagay ang disenyo ng ulap sa himpapawid at mayabong na puno sa larawan. "Aside from modelling you can be a photographer Jyra," puri niya sa sarili.

Binalingan niya si Malik na seryoso sa paglalakad. Nasa cellphone pa rin ito nang huminto para sulyapan ang mga sumusubok sa zip line. Mula sa ganoon posisyon ay kinuhaan niya ito ng larawan.

Ngumisi siya ng magmukhang model ng zip line si Malik. Actually he can be a model. Why not! Inayos niya ang pagkakahawak sa camera at kinuhaan muli si Malik. Hanggang sa biglang humarap ito sa kanya. Mabilis niyang nilipat sa sarili, kunwari ay selfie.

Lihim siyang napangiti dahil sa panibagong collection niya. She even took a selfie and Malik and the beach served as her background. Humagikgik siya dahil ang ganda ng kuha, halatang stolen.

Dumiretso siya ng lakad habang inaanalisa ang itinerary nila. "Zip line. Jetski. Malik will try the water surfboard and I will try the blue lagoon." Dire-diretso lamang siya nang mapahinto sa nakitang babae.

Hindi siya puwedeng magkamali. Agad siyang tumakbo at hinawakan ito sa braso. "Winona? Anong ginagawa mo rito?"

Nagulat ito sa kanya. Bakas iyon sa pagkakakulot ng kilay nito habang gaya niya ay hindi rin makapaniwala na naroon din siya. "Jyra? What's with the blonde? Syempre beach. Ikaw, bakit ka narito?"

Hindi siya makapaniwala. Lahat ay takot na takot dahil sa pagkamatay ng bodyguard niya sa mismong tinutuluyan nito, habang ito'y parang walang alam.

"I'm—" She can't continue. She became speechless even if she had lots of thoughts inside of her. Sa sobrang dami noon ay hindi niya malaman kung saan sisimulan.

Nang makita nito si Malik sa likuran 'di kalayuan sa kanilang puwesto ay tumango ito. "Akalain mo. Kasama ko rin ang boyfriend ko," masiglang turan ni Winona.

Boyfriend? Nagtataka niyang inilingid ang paningin. She can't see anyone with her. Nag-iisa lang din ang sun lounger at walang panglalaking gamit doon. Hindi niya maintindihan. Bakit parang wala lang dito ang lahat?

"I thought you are alone." Umatras siya nang magtanggal ito ng suot. Mukhang lalangoy ito dahil sa bikini na suot. Napansin din niya ang tuwalya at lotion sa gilid.

"Tara swimming tayo. Isama mo si Malik." Alok nito sa kanya.

Hindi siya umalis sa puwesto bagkus ay sinundan lang ng tingin si Winona. Dumiretso ito sa dagat at sinalubong ang alon. Ako lang ba o weird talaga?

Umahon si Winona at kinawayan siya. Wala sa sarili niyang itinaas ang kamay at kinawayan din ito pabalik. She stayed there confused. She can't understand why Winona seemed normal while the real situation was dangerous and scary.

Kinuha niya ang tuwalya sa sun lounger at lumapit sa dalampasigan. Nang lumapit sa kanya si Winona ay binalot niya agad ito noon. "What are you doing? You are happy while danger was behind you. Don't you know what happened to your condo?"

Nawala ang sigla at ngiti sa labi ni Winona. Seryoso nitong tinitigan siya mula ulo hanggang paa, bago tumingin sa gawi ni Malik. Pagak itong tumawa. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong danger? Alam ni Pause na bakasyon ko ngayon. Baka naman kaya niyo ako sinundan dito dahil para inggitin ako. May boyfriend na ako at masaya akong kasama siya kaya puwede ba!"

"B-boyfriend?"

Umirap sa kawalan si Winona bago tumango. Bumalik ang malamig na pakikitungo sa kanya nito. Mabigat ang mga yabag at bakas ang iritasyon sa bawat pagsulyap sa kanya.

"Yes. I have a boyfriend."

"Where is he? Who is your boyfriend then?" Ayaw niyang pagabwalan ito dahil mula ng magkaroon sila ng alitan ay aaminin niyang nanlamig na rin siya rito. At dahil mukhang masaya ito dahil sa sinasabing boyfriend, gusto niyang magpasalamat dito sa pagpapasaya sa kaibigan. She want to thank him.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Winona. "He will be here by noon. Bakit interesado ka? Bakit aagawin mo rin ba siya?" Tumingin ulit ito sa likuran niya, saglit na lumambot ang expression nito pero nang balingan siya'y naging galit na tigre na handang manakmal anumang oras.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Hilaw na ngiti ang lumandas sa labi nito. Mapang-insultong tumingin sa kanya. "Puwede rin naman. Sa'yo si boyfriend ko tapos sa akin si Malik." Nilagay nito sa bag ang lahat ng gamit. Mabilisang sinuot ang puting summer dress. Lumakad patungo sa gawi ni Malik.

Inaasahan niyang baka nagkataon lang na roon ang punta nito, pero nagulat siya ng huminto ito sa tapat ni Malik at humalik sa pisngi.

Naikuyom niya ang kamao. Winona is acting weird. And she can't buy her reason. She said she was here for vacation and Pause allowed her. Sumingkit ang mata niya ng pumasok si Winona sa kaparehas na hotel na pinanggalingan nila. She was obviously lying and something is wrong with her. "Who is your boyfriend, Winona?"

Pinanood niya ang pagbulong ni Malik kay Biboy. At muling pagbabad nito sa cellphone para sa mahaba at panibagong tawag.

Pumait ang panlasa niya sa isang iglap. Naapektuhan noon ang pagkawala niya ng ganang gawin ang plano nila ngayon. Winona's suddenly appearance broke her lively spirit into tiny pieces. It was very obscure but what made her disturb was her bold action.

"Gusto ba niya ng laban?" She flipped her hair.

Hindi ko kailangang makipagkumpetensiya kung wala naman siyang pag-asa.