Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 54 - Chapter 54

Chapter 54 - Chapter 54

54

FOUR years later

Richmond, Virginia, USA

"Krisel!"

Napabalikwas ako ng bangon nang pumainlalang sa tahimik kong kwarto ang boses ni Felix. Tamad akong umunat-unat at nangusot ng mga mata sa harap niya bago ko muling ibinagsak ang sarili sa kama.

"Five more minutes, Felix!" antok na pakiusap ko na kaaagad niyang tinutulan.

"Kuya Fred has been calling you. Hindi mo raw sinasagot ang cellphone mo."

"Inaantok pa ako..." Ipinikit ko muli ang mga mata kong kaagad ding napadilat nang hilahin niya ako patayo.

"You better get ready, young lady, before we get late for our flight."

"Fine, ito na po, babangon na po," nagtatampong usal ko. Limang minuto lang naman, e. I badly need it dahil sobrang napuyat ako sa farewell party na inihanda ng mga kaibigan ko rito sa Virginia kagabi.

I had fun last night to the point na nakaligtaan kong ngayon ang lipad namin pabalik ng Pilipinas. Pangako ko kasi kay kuya at kay 'Nay Lourdes na sa Pinas ako magkokolehiyo. I really missed them already, though they are visiting me here occasionally.

Four years ago, I left the country and the people I love to continue my studies here in Virginia. Noong una, sobrang nahirapan akong mag-adjust. First time ko kasing mawalay kay 'Nay Lourdes kaya talagang hindi naging madali ang lahat. Ilang gabi akong umiiyak sa kwarto sa sobrang pangungulila kay 'Nay Lourdes, kay Andeng, maging kay kuya Fred. Isa pa ay limitado lang ang kaalaman ko sa mga gawaing bahay, wala rin akong kaalam-alam sa kultura nila rito, ni hindi ako marunong mag-ingles. Ang hirap makisalamuha sa mga tao. Kung pwede nga lang lakarin ang Pinas noon ay umuwi na ako.

Everything was not easy, indeed. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Felix, he has been at my side since my first day here. Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya na labis kong ipinagpapasalamat sa Diyos. He helped me to overcome everything. Kung wala siya ay hindi ako masasanay lumabas mag-isa, pumasok sa paaralan nang mag-isa, maiwan sa bahay nang mag-isa, at makisalamuha sa iba't ibang klase ng tao. Kung wala siya ay ako pa rin ang dating Krisel na duwag, mahiyain at walang bilib sa sarili.

Kaya bukod kay 'Nay Lourdes at kuya Fred, utang na loob ko rin sa kanya ang lahat ng ito. If it is not because of him, I wasn't able to graduate. Kasi kung wala siya, gaano ko man kagustong makatapos, baka sumuko na ako noon pa lang sa sobrang kalungkutan at pangungulila.

"What's with that look, Krisel? Am I too handsome today?"

Sa pagbabalik-tanaw ko ay hindi ko na namalayang nakatanga na ako kay Felix. Nasa airport na kaming dalawa at hinihintay na lamang ang anunsiyo para dumiretso na kami sa sasakyan naming eroplano.

"Hindi naman sa pang-aano Felix pero, ang yabang mo." Umirap ako kaya lalo siyang natawa. Hindi ko alam kung anong nakukuha niya sa pang-aasar sa akin at inaaraw-araw niya.

"Ang cute mo kasing mapikon. Yieee!" Tinampal ko ang kamay niyang walang habas na sumusundot sa aking tagiliran. "Ngingiti na 'yan."

Umusod ako para ilagan ang kamay niya pero desidido talaga ang loko. "Pikon si Krisel. Pikon si Krisel."

"Aray! Hindi na nakakatuwa, Felix," ani ko at tinalikuran siya.

Tumigil naman siya at bigla na lang sumeryoso ang kanyang boses. "I'm sorry, nilalambing lang naman kita, e." Hindi ko pa rin siya hinaharap kaya mahina na itong napamura. Pilit kong itinago ang ngiti sa aking labi at nagpaggap na galit. Ba'la ka diyan! Sinimulan mo, e.

"Uy, mamansin ka naman oh. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nag-aaway tayo, diba?" 'Sus! Ayaw na ayaw daw pero siya naman ang palaging nagsisimula.

"Uhm, fine, may one week supply ka sa akin ng dirty ice cream pagbalik natin ng Pilipinas." Napakagat ako ng labi sa offer niya. Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko.

Dahan-dahan ko siyang hinarap dahilan para lumiwanag ang kanyang mukha. "Ano, deal?" untag niya.

"Why not make it for two weeks?" hirit ko.

Aapila pa sana siya nang akmang tatalikod ulit ako kaya wala siyang nagawa kundi ang um-oo na. "Fine, fine, for two weeks. Kung gusto mo for three weeks pa, e."

Hindi ko na napigilan ang pagngisi. "Sabi mo 'yan ah. Walang bawian."

"Kung kailan yumaman, saka naging abusado," bulung-bulong niyang hindi ko masyadong naintindihan.

"Ano iyon, Felix?"

"Wala, sabi ko kako maganda ka sana, kuripot ka lang."

Nginisian ko siya saka ako tumayo. "Well..." Ninakawan ko siya ng halik sa pisngi bago ako nagsimulang maglakad.

Nang medyo nakalayo, huminto ako para lingunin siya, hindi man lang kasi ito gumalaw doon sa pinag-iwanan ko sa kanya.

"Huy Felix Marco, sasama ka ba pauwi ng Pinas o hindi?" natatawang sigaw kong nagbalik sa kanya sa katinuan.