Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A GOLDEN HAIR

🇵🇭cecillepotot
--
chs / week
--
NOT RATINGS
31.1k
Views
Synopsis
Si Paris Ortega ay ipinanganak na kalahating tao at kalahating diwata. Sa mundo ng mga mortal, ang kanyang pagkabuhay ay may kaakibat na sumpa. Sa kaniyang ika-24 na kaarawan ay magsisilabasan ang mga masasamang espirito at mga kampon ng diablo upang kunin sa kaniya ang isang mahiwagang singsing na may kakayahang isakatuparan ang isang kahilingan. Upang labanan ang mga mapangahas na espirito at mga kampon nd diablo ay kailangan niyang makakuha ng isang gintong buhok ng tikbalang — isang kalating kabayo at kalahating machong binata. Halina at ating samahan si Paris sa kaniyang pakikipagsapalaran.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

(Year 1958)

"Kuya, diba ito yung dinadaanan natin kanina? Para kasing kanina pa tayo nagpabalik-balik dito." tanong ng isang lalaking hiker sa nakatatandang kapatid niya habang tinitignan ang masukal na kagubatan. Magtatakipsilim na at hindi pa sila nakakarating sa campsite. Kabilang sila sa isang grupo ng mga hikers na binubuo ng sampung myembro ngunit sa di inaasahang pangyayari ay bigla silang napahiwalay sa mga kasamahan.

Sa mount Manunggal ang destinasyon nila kung saan bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng pampitong presidente ng Pilipinas —si pangulong Ramon Magsaysay, noong ika-17 ng Marso, 1957.

Tubong Maynila sila at nandito sila ngayon sa bayan ng Balamban sa Cebu kung saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok —ang mount Manunggal. Maraming grupo ang nagnanais na mag-trekking sa bundok na ito at kabilang sila sa mga maswerteng napasama sa grupo.

"Paki-markahan mo yung puno para masiguro natin." nakaramdam siya ng pagkabalisa, habang inilibot ang paningin sa pinanggalingan. Pangalawang beses na niya dito sa mount Manunggal at tiyak siyang may mali sa mga dinaraanan nila. Pagkatapos markahan ng kapatid niya ang puno gamit ang isang kutsilyo ay ipinagpatuloy nila ang paglalakbay.

Madilim na ngunit naglalakad parin sila. Gamit ang kakarampot na ilaw sa hawak na flashlight ay giniyahan ni Carlito ang nakababata niyang kapatid sa paglalakad. Bigla siyang napahinto sa nakita sa unahan, umihip ng marahas ang hangin na may kasamang hamog at mga dahon. Hinarap niya ang kapatid na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa takot.

"Makinig ka Alvin, pinaglalaruan tayo ng tikbalang." wika niya at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Kailangan nating hubarin ang ating mga damit at isuot ulit ito ng pabaliktad." pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis nilang ibinaba ang backpacks at hinubad ang suot na t-shirt.

Nang masuot nila ulit ang mga damit ay nagsimula na silang maglakad ngunit matapos ang tatlong hakbang ay bigla silang napatigil nang mapansin ang isang pares ng mapupulang mga mata ang nakatingin ng deretso sa kanila. Nakatayo ito sa ilalim ng puno kung saan minarkahan ng kapatid ni Crisanto. Pinalilibutan ito ng makapal na usok ngunit naaaninag parin nila ang anyo ng estrangherong kaharap nila. Sa kanilang mga mata ay nakikita nila ang isang matipunong lalaki na may mga paa na katulad ng isang kabayo. May kinuha ang isang kamay nito sa bibig at pagkatapos ay itinapon iyon sa harap nila —isang tabako.

Kaagad nilang naamoy ang usok mula sa tabako na nangangalahati pa lang buhat sa orihinal nitong sukat. Nakaramdam sila ng pagkahilo dahil sa kakaibang amoy nito ngunit hindi sila natumba bagkus nakita nila nang malinaw ang mukha ng estrangherong kaharap nila. Pinuno ang kagubatan ng nasisindak na sigaw ng dalawang magkapatid na hikers.

Sa ilalim ng bilog na buwan, sa loob ng masukal na kagubatan, sa harap ng isang matipunong tikbalang —ang dalawang magkapatid na sina Crisanto at Alvin ay napatunayan na ang mga kwentong naririnig nila sa kanilang kabataan tungkol sa mga halimaw at mga tikbalang ay makatotohanan.