Nagising si Anna sa pagkakatulog nang marinig ang iyak ng kanyang ina. Nagmadali siyang bumangon at pupungas-pungas na tumakbo palabas ng kwarto.
"Wala na si Angelique! Roger, iniwan na tayo ng anak natin." wika ni Amelia sa gitna ng paghikbi nito habang walang humpay na hinimas-himas ni Roger ang likod ng asawa. Si lola Celeste naman ay matamang pinagmasdan si Amelia at napabuntong-hininga, sa panahong ito ay wala na siyang magagawa kundi ipaubaya na lamang sa langit ang kapalaran ng apo.
"Nabago na ang kasaysayan at sa inaakala nating nagwakas na ang sumpa ay nag-iba lamang ito ng direksyon." makahulugang wika ni lola Celeste.
"Mama, papa." kaagad silang napalingon sa pinagmulan ng boses at tumambad sa kanilang harapan ang umiiyak na si Anna. "Nasaan po si ate?" lalong umiyak si Amelia sa tanong ng anak. Patakbo namang yumakap si Anna sa kanyang ina.
"Iniwan na tayo ng ate mo anak. Sumama na siya sa tagabantay ng kagubatan." wika ng kanyang ina. Bigla namang namula ang mukha ni Roger sa tindi ng galit na naramdaman at sa isang kisap-mata ay ibinalibag nito ang mesa at mga upuan sa harapan nito.
"Roger, tama na!" hiyaw ni Amelia.
"Papa!" tila nabuhusan ng malamig na tubig si Roger sa sigaw ng kaniyang mag-ina, dumagdag pa ang iyak ni Arthur sa kwarto na nagising sa ingay na likha nila.
"Maghunos-dili ka Roger. Alalahanin mo na ikakasama ng katawan mo ang iyong ginagawa. Ngayong bumalik ang sumpa, isa lang ang ibig sabihin, mapapahamak ka kung magpapadala ka sa iyong galit." paalala ni lola Celeste habang pinagmamasdan ang namumulang si Roger.
"Tiya, hindi ko ma-control ang nararamdaman ko. Para akong sasabog!" halos nahihirapan sa paghinga si Roger habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Aaaaaaaaaaaaaaah!" bigla na lamang itong napaluhod habang sinabunutan ang sariling buhok at buong lakas na sumigaw na puno ng paghihinagpis.
Takot na takot na hinigpitan ni Anna ang pagyakap sa kanyang ina. Biglang umihip ng marahas ang hangin papasok sa kanilang bahay na may kasamang hamog at mga dahon habang ang pintuan at bintana ay walang tigil sa pag-galaw ng pabalik-balik at ang mga kurtina ay umaalon-alon sa hagipis ng hangin na pumasok sa buong kabahayan. Nagsigalawan din ang mga silya at lamesa at nangagsihulog ang mga larawang nakasabit sa dingding. Nangababasag naman ang mga pigurin sa ibabaw ng aparador at iba pang mga babasaging gamit. Lalong lumakas ang sigaw ng hinagpis ni Roger sa kabila ng mga pangyayari.
Itinago nila ang mga mukha sa ilalim ng balabal at napasambit ang bawat isa sa kanila ng panalangin habang nakapikit at umiiyak.
Ilang minuto din ang lumipas bago humupa ang tila isang dilubyo sa kanilang tahanan. Dahan-dahan nilang inalis ang balabal sa kanilang mukha at napatingin sa isa't-isa bago ibaling ang tingin kay Roger.
"Roger!" napatakbo si Amelia palapit sa kaniyang asawa na nakahandusay ngayon sa sahig. "Roger, gumising ka!" umiiyak siyang niyugyog ang asawa.
"Papa, h'wag mo kaming iwan pakiusap!" sigaw din ni Anna.
Kaagad namang lumapit si lola Celeste at hinipo ang pulso ni Roger. "Buhi pa siya, kinahanglan madala dayon siya sa tambalanan." (Buhay pa siya, kailangang madala kaagad siya sa pagamutan.) anunsyo nito. Mabilis namang tumayo si Anna at tumakbo palabas.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig sila ng sunud-sunod na yapak ng mga paa paakyat ng burol.
"Lola, unsay nahitabo?" (Lola, anong nangyari?) napalingon sila sa pinanggalingan ng boses at nakita si Julian sa bukana ng pintuan. Kaagad itong tumakbo palapit sa kanila kasunod ang dalawa pang binata at tinulungan silang iangat si Roger. Dahan-dahan nila itong inilabas ng bahay patungo sa kariton na naghihintay sa bakuran nila. Sumakay sila sa kariton habang si Julian at ang isa pang kasama nito na ang pangalan ay Kulas naman ang nagmamaneho sa dalawang kabayo.
"Papa, h'wag mo kaming iiwan. Pakiusap!" humagulhol na wika ni Anna habang hawak nito ang dalawang kamay ng ama. Kasama niya ngayon si Ruel at si lola Celeste na nakabantay sa papa Roger niya sa loob ng kariton habang naiwan si Amelia sa bahay dahil kay baby Arthur.
Kung may metro siguro ang dalawang kabayo, marahil iyon na ang pinakamabilis nitong takbo. "Lola, ano po ba talaga ang nangyari kay papa?" tanong ni Anna kay lola Celeste. Napatiim-bagang ang matanda, hindi mawari kung paano ipapaliwanag sa apo ang mga nangyari. Napatingin din sa kanila si Ruel na tila naguguluhan.
Pulang-pula na ang mukha ng kanyang ama at hindi niya alam kung ano ang gagawin upang mapawi iyon. "Lola, pakiusap. Sabihin nyo po sa akin kung ano ang nangyari kay papa." umiling-iling lamang ang matanda.
"Dili ni mao ang saktong oras para hisgutan kana apo." (Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan iyan apo.)
"Pakiusap po."
"Mas maayo nga ang imong inahan ang magpasabot sa imoha sa tinuod nga nahitabo sa imong amahan." (Mas mabuti kung ang iyong ina ang magpaliwanag sa iyo sa tunay na nangyari sa iyong ama.) Sa sinabing iyon ni lola Celeste ay nakasisiguro siya na kahit anong pakiusap niya ay hindi na niya mababago ang iniisip nito.
"Malayo pa po ba tayo?" tanong ni Anna kay Julian.
"Naa pay duha ka kilometro." (Mga dalawang kilometro pa.) sagot nito.
===
Sa gitna ng masukal na kagubatan ay rinig na rinig ni Angelique ang alulong ng mga lobo. Bigla siyang napahinto sa pagtakbo nang maramdamang may gumagalaw sa damuhan.
Binalot siya ng kakaibang takot nang makita ang tatlong pares ng mapupulang mga mata na deretsong nakatingin sa kanya. Napalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng maaring panlaban sa sinumang magtangka sa kanyang buhay nang marinig ang pagngangalit ng mga ngipin ng mababangis na hayop na nakatago sa likod ng damuhan.
Halos mabingi na siya sa lakas ng kalabog sa kanyang dibdib nang dahan-dahang magsilabasan ang tatlong lobong labas ang mga matutulis na pangil at mabangis na nakatingin sa kanya. Bawat hakbang na ginagawa ng mga ito ay nagpapahiwatig ng panganib sa kaniyang buhay.
Napaatras siya ngunit pagkatapos ng limang hakbang ay may matipunong brasong humapit sa kanyang beywang at agad itong lumundag sa ibabaw ng mataas na puno habang walang humpay ang pagkahol-alulong ng mga lobo na nakatingala na ngayon sa kanila.
Nakaramdam siya ng pagkahilo sa pwersa ng hangin na sumasalungat sa bawat paglundag nila sa bawat punong kanilang dinaraanan ngunit bago pa siya mawalan ng ulirat ay sinikap niyang lingunin ang mukha ng estrangherong nagligtas sa kanya.
Sa ilalim ng liwanag ng gintong buwan, sa lilim ng mga dahon sa bawat puno ng kagubatan ay kaniyang nasilayan ang mukha ng kaniyang magiting na tagapagligtas. Ito ay may mukhang....kabayo.
===
Naalimpungatan si Angelique nang masamyo ang aroma ng masarap na tsokolate. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nandito siya ngayon sa isang kwarto na gawa sa matitibay na kahoy at bato. Nakahiga siya sa isang malambot na higaan na pinalamutian ng mga talulot ng sari-saring bulaklak na sa parang lang matatagpuan. Sa gilid niya ay may maliit na mesa na may mainit na tasa ng tsokolate at tinapay at isang mansanas.
Pilit niyang inaalala kung nasaan siya at paano siya napunta sa lugar na ito ngunit bago pa sumakit ang kanyang sentido ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon ang taong kaniyang pinanabikang makita.
"Rogelio." pabulong na tawag niya sa pangalan nito, ramdam niya ang pamamalat ng boses.
"Kumusta na ang imong pamati?" (Kamusta na ang iyong pakiramdam?) tanong nito nang makalapit.
"Maayo." (Mabuti.) sagot niya sa bisaya. Kinilabutan siya sa sarili, unang beses niyang magsalita ng bisaya at dahil iyon kay Rogelio. Nais niyang maging kumportable itong kausapin siya.
Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi ni Rogelio nang marinig ang sagot niya. Tila bumukas ang langit nang masilayan niya ang ngiti nitong napaka-aliwalas.
"Naa koy giandam nga sikwate ug pandesal para nimo." (May hinanda akong tsokolate at pandesal para sa'yo.) anito at iminwestra ang pagkain sa mesa na nasa gilid niya.
"Pasensya na, wala pa maluto ang tinolang manok. Nindot unta to para makahigop kag init nga sabaw." (Pagpasensyahan mo na, hindi pa naluto ang tinolang manok. Mas maganda sana yun para maka-higop ka ng mainit na sabaw.) anito at kinuha ang tasa ng tsokolate at kinalikaw(stir) habang hinihipan ang laman niyon upang mabilis na lumamig.
Mataman niyang tiningnan ang ginagawa nito at hindi niya mapigilang mapangiti. "Daghang salamat." (Maraming salamat.) napa-angat ito ng tingin sa sinabi niya at gumuhit ulit ang animo'y nahihiyang ngiti nito sa mga labi.
Kinuha niya ang tasa sa mga kamay nito. Bahaghang dumampi ang balat ng kaniyang mga daliri sa likod ng kamay nito at sa maikling sandaling iyon ay mabilis na dumaloy ang libu-libung boltahe sa kaniyang kalamnan. Napapitlag siya sa kakaibang sensasyong naramdaman bagaman hindi niya pinahalata dito ang kilig na mabilis na yumabong sa kaniyang kaibuturan. Kaya pa naman niyang itago iyon. Kaya pa.
"Dili na init." (Hindi na mainit.) aniya at hinigop iyon. Kinain din niya ang tinapay habang si Rogelio ay hiniwa ang mansanas.
Inilibot siya ni Rogelio sa kabuoan ng bahay nito. Malaki iyon, bagaman walang masyadong mga kagamitan ay hindi parin maikaila ang karangyaan niyon. Kumuha sa kaniyang atensyon ang isang organ na nasa dulo ng malawak na sala.
"Wow! Kahibaw diay ka mo-pyano?" (Wow, marunong ka palang mag-pyano.) manghang tanong niya nang makalapit sa organ at tinipa ang isang tiklado niyon sa dulo ng kanyang mga daliri.
Tumikhim si Rogelio bago sumagot. "Ahm, organ ang tawag niini. Naay kalahian ang organ ug piano." (Ahm, organ ang tawag dito. Mayroong kaibahan ang organ at pyano.)
"Ah." napatango-tango siya. Umupo si Rogelio sa upuang nasa harap ng organ, bahagya itong lumingon sa kanya at tinapik ang maliit na espasyo sa tabi nito. Namula ang kanyang mga pisngi na umupo sa tabi ni Rogelio.
Sinimulan nito ang pagtipa ng organ. Hindi niya mapigilan ang pagngiti habang pinagmamasdan ang mga daliri nitong mahusay na nilalaro ang mga tiklado. Umangat ang kanyang paningin sa mukha nito. Laking pasalamat niya dahil nakapikit ito habang ninanamnam ang pagtugtog ng malamyos na musika.
Perpekto ang mukha ni Rogelio, mula sa makapal na mga kilay nito at sa mga mata nitong puno ng emosyon na may mahahabang pilik. Ang matangos nitong ilong na bumagay sa maninipis nitong mga labi. Ang biloy sa magkabilang pisngi nito na nagpapatingkad sa bawat pagngiti.
Naalimpungatan siya nang marinig ang pagtikhim ni Rogelio. Muli ay nasilayan na naman niya ang matamis nitong ngiti, kaagad siyang umiwas nang tingin nang marinig ang sinabi nito.
"Naa bay hugaw ang akoang nawng?" (May dumi ba ako sa mukha?) umiling-iling siya bilang tugon nang hindi parin ito nilingon.
"Ali, isuroy taka sa may busay." (Halika, ipasyal kita sa may talon.) tumayo ito at inalalayan din siyang makatayo.
Ilang metro din ang nilakad nila bago dumating sa bukana ng talon at sa mga sandaling iyon ay halos mawalan siya ng balanse dulot ng panghihina ng kanyang kalamnan sa kadahilang hawak ni Rogelio ang kaniyang kamay at hindi binitiwan.
"Wala ko magdahom nga imo kung sundan diri sa parang." (Hindi ko inakalang susundan mo ako dito sa parang.) napalingon siya kay Rogelio na deretsong nakatingin sa lumalagaslas na tubig ng talon.
"Wala pud ko magdahom."(Hindi ko rin inakala.) totoo ang kaniyang sinabi. Nangako siya sa kanyang ama na hindi niya sila iiwan ngunit nandito siya ngayon sa piling ni Rogelio at malayo sa kaniyang pamilya.
"Nabalaka ko para nimo." (Nag-aalala ako para sa'yo.) lumingon ito na banaag sa mga mata ang labis na pag-aalala.
"Ayaw kabalaka, mao ni ang akong desisyon ug wala ko magbasol." (Huwag kang mag-alala, ito ang aking desisyon at hindi ako nagsisisi.) tinapik niya ang kamay nitong nakahawak parin sa kanang kamay niya kasabay ang matamis na ngiti.
Sa di kalayuan at lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang pares ng mga matang nakamasid sa kanila at matamang pinag-aaralan ang kanilang bawat galaw.
"Sigurado ko, siya ang tikbalang nga gigukod nato kagabii." (Sigurado ako, siya ang tikbalang na hinahabol natin kagabi.) wika ng isang lalaking pugot ang kanang tenga sa lalaking bulag ang isang mata. Silang dalawa ang magkaibigan na Armando at Joaquin –ang tusong kawatan sa bayan. Matagal na nilang tinitiktikan ang tikbalang sa pag-aasam na makakuha ng mahiwagang gintong buhok nito.
"Wala ko magdahom nga naay gitagong kahakog kining tikbalanga. Dili ko musugot nga iya ra kining solohon." (Hindi ko inakalang may itinatagong kasakiman ang tikbalang na ito. Hindi ako papayahag na solohin lamang niya ito.) matigas na wika ni Armando habang tinitigan ang magandang hubog ng pangangakatawan ni Angelique. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niyang puno ng pagnanasa.
"Ayaw kabalaka Armando, giplano na ni nakog tarong." (Huwag kang mag-alala Armando, plinano ko itong mabuti.) sagot ni Joaquin na napalunok din sa magandang tanawin.
"Haha. Duha ka langgam sa usa ka bato....Siguradoa lang jud nga ang imong plano dili na mapalpak, Joaquin." (Haha. Dalawang ibon sa isang bato....Siguraduhin mo lang talaga na ang plano mo ay hindi na muling papalpak, Joaquin.) matiim niyang tinitigan ang lalaking katabi.
"Nakita nako sa imong mga mata nga aduna kay gikalibgan." (Nakita ko sa iyong mga mata na meron kang hindi maintindihan.) Napakurap-kurap si Angelique sa sinabi ni Rogelio.
Totoo ang sinasabi ng binata, maraming gumugulo sa kanyang isipan na hindi niya maipaliwanag. Hindi siya naniniwala sa mga alamat, sa mga engkanto at mga halimaw o mga kauri nito ngunit iyong nakita niya kagabi, hanggang ngayon ay malinaw parin sa kaniyang isipan ang mukha nito.
Marahil ay isa lamang iyong ilusyon o guni-guni, pero....paanong nagagawa ng tao o kung sino man iyong nagligtas sa kanya ang paglundag sa puno ng walang pag-aalinlangan? Paano nito nagawa ang paglundag sa bawat punong dinaraanan na kasing bilis ng kidlat? Napalunok siya, hindi niya kayang magtanong dito o baka...hindi niya kayang tanggapin kung ano man ang ipagtatapat nito.
"Ahm. Asa diay ang imong pamilya?" (Ahm, nasaan pala ang iyong pamilya?) tanging naisip niyang itanong dito habang nakaupo sa batuhan at nilalaro ang malamig na tubig sa kaniyang mga paa.
"Naa sila sa layong dapit." (Nasa malayong lugar sila.) sagot nito na hindi inaalis ang paningin sa kaniya.
"Ah....Ahm." kinabahan siya, wala na kasi siyang maisip na itanong dito.
"Nasayod ko nga daghang pangutana ang nagasamok sa imong huna-huna karon. Gusto ko nga masayod ka, andam ako nga tubagon ang tanan nimong pangutana. Pangutan-a ko ug akong tubagon, kutob sa akong mahimo." (Alam kong maraming tanong ang gumugulo sa isip mo ngayon. Nais kong sabihin sa iyo, nakahanda akong sagotin ang lahat mong katanungan. Magtanong ka lamang sa akin at sasagutin ko, sa abot ng aking makakaya.)
"Kagabii..." (Kagabi...) napailing-iling siya nang wala siyang mahagilap na mga salitang idugtong sa kaniyang pangungusap.
"Ako ang nagluwas nimo gikan sa mga bangis nga lobo." (Ako ang nagligtas sa'yo mula sa mga mababangis na lobo.) napaurong siya sa kinauupuan nang marinig ang sinabi nito habang hindi iniaalis ang mga tinging ipinukol niya sa binata. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito, ibang nilalang ang nagligtas sa kanya.
"Pero, nakita nako ang nagluwas kanako kagabii." (Pero, nakita ko ang nagligtas sa akin kagabi.) hindi niya mapigilan ang panginginig ng boses, hindi tuminag si Rogelio sa kinauupuan habang tinititigan siya sa mga mata.
"Diri sa lasang nagapuyo ang mga kahibudnganang binuhat nga lisod ipasabot sa usa ka ordinaryong tao sama nimo Angelique." (Dito sa kagubatan naninirahan ang mga kakaibang nilalang na mahirap ipaliwanag sa isang ordinaryong tao na kagaya mo Angelique.)
"Kung ikaw kadto, giunsa nimo pag-ambak gikan sa usa ka kahoy padong sa laing kahoy?" (Kung ikaw iyun, paano ka nakakalundag ng puno sa puno?)
"Tungod kay....usa ako ka tikbalang." (Dahil....isa akong tikbalang.)
Sa sinabing iyon ni Rogelio ay nakaramdam siya ng pagkaguho ng kanyang mundo. Hindi niya lubos maisip na ang binatang kaniyang iniibig ay isang....tikbalang?
Paanong nangyari ito?
Bakit sa dinami-rami ng lalaking pwede niyang mapusuan ay ang katulad pa ni Rogelio?
Napatingin siya sa likod ng kaniyang mga palad na nakapatong sa kaniyang mga hita. Heto siya ngayon, bagsak ang mahaba at alon-alon na buhok, nakayuko at nakatingin sa mga luhang kanina pa walang-humpay na bumuhos at bumasa sa likod ng kaniyang mga palad. Maliban sa ingay na dulot ng lagaslas ng tubig mula sa talon ay maririnig ang mga hikbi ni Angelique na nagpapahina kay Rogelio.
Hindi maipaliwanag ng binata ang kanyang nararamdaman, mahabang panahon na rin nung huling tumibok ang kanyang puso para sa isang binibini. Hindi niya inaasahang maisilayan ulit ang mukha ng babaeng unang bumihag ng kaniyang damdamin –si Angelina, ang yumaong lola ni Angelique na siyang ina ni Amelia.
Batid niyang unang kita pa lamang niya kay Angelique ay hindi ito si Angelina ngunit tila may kakaibang koneksyon ang dalagang ito sa kanyang pagkatao at hindi niya magawang iwasan ito hanggang sa napagtanto niyang, tunay nga, umiibig na rin siya kay Angelique.
Mahigit isang oras din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa wala na siyang luhang mailuluha pa ngunit ang sakit na nararamdaman ngayon ni Angelique ay nananatili paring nakaukit sa kaibuturan ng kaniyang puso.
Nag-angat siya ng paningin at kagaya ng inaasahan niya ay nariyan parin si Rogelio na naghihintay sa kaniya. Akala niya, sa nalaman niyang katotohanan ay kasabay niyong mawawala ang nararamdaman niya para sa binata bagkus nagkakamali siya.
Habang tinititigan niya si Rogelio at sa kabila ng kaniyang nalaman tungkol dito ay lalo lamang siyang umiibig at magiging traydor siya sa sariling damdamin kung tatapusin niya ang kanilang ugnayan.
Napag-isip-isip niya, mas mainam na nalaman niya nang maaga ang totoong pagkatao nito kesa sa itago nito iyon. Binigyan lamang siya ng binata ng pagkakataon upang makagawa siya ng malayang desisyon. Tama, kahit ganiyan ang pagkakatao nito, ito parin si Rogelio –ang nilalang na bumihag sa kaniyang pihikang puso. Tunay nga na kakaiba ito dahil nagawa nitong sungkitin ang kaniyang damdamin.
"Wala ko mahadlok nimo." (Hindi ako natatakot sa'yo.) wika niya sa binata na bahagyang ipinagtaka nito.
"Gihigugma gihapon taka luyo sa akong nasayran Rogelio ug andam kong pamatud-an kini diha nimo." (Mahal parin kita sa kabila ng nalaman ko Rogelio at handa akong patunayan iyon sa'yo.)
"Aduna ka pa'y kinahanglang masayran, Angelique." (May dapat ka pang kailangang malaman, Angelique.)
Napailing-iling si Angelique matapos marinig ang kwento ni Rogelio. Hindi niya kayang tanggapin ang sinabi nito. Oo, marahil iyon ang katotohanan ngunit ito ang unang beses na umibig siya at hindi niya matatanggap ang sinabi ng binata na isang sumpa ang kaniyang nararamdaman.
"Dili ko nimo mahal Angelique. Napailalom ka sa usa ka sumpa mao nasulti mo kana." (Hindi mo ako mahal Angelique. Napailalim ka ng isang sumpa kung kaya nasasabi mo iyan.)
"Diba nisulti ka, gitapos na ni lola Angelina ang sumpa? Gisakripisyo niya ang iyang gugma para mahunong ang sumpa." (Diba sabi mo, tinapos na ni lola Angelina ang sumpa? Isinakripisyo niya ang kaniyang pag-ibig upang matapos ang sumpa.) aniya nang maalala ang sinabi ni Rogelio tungkol sa lola niya at kung paano nito isinakripisyo ang lahat-lahat upang maligtas ang kaniyang salinlahi.
"Pero ania ka, pamatuod nga gipadayon mo lamang ang wala matapos sa imong apuhan." (Ngunit nandito ka, patunay iyan na ipinagpatuloy mo lang ang hindi natapos ng iyong lola.) sa sinabing iyong ni Rogelio ay hindi maikaila sa boses nito ang panghihina. Sa kabila ng kakaibang lakas nitong tinataglay, si Angelique lamang ang kaunaunahang babaeng nakapagparamdam dito ng kahinaan.
"Rogelio, tuhui ang akoang pagbati. Gihigugma kaayo taka maong gisundan taka diri. Kung iduot ko nimo palayo kay dili nako kini madawat." (Rogelio, paniwalaan mo sana ang damdamin ko. Mahal na mahal kita kung kaya sinundan kita dito. Kung ipagtulakan mo man ako palayo ay hindi ko iyon kakayanin.) hindi na mapigilan ni Angelique ang muling paghikbi. Isang malaking desisyon ang ginawa niyang pag-iwan sa pamilya niya para kay Rogelio at malayo na ang narating niya. Ayaw niyang sayangin ang ginawang niyang pagsakripisyo kahit pa sabihin nitong isa lamang sumpa ang kaniyang nararamdaman.
Hindi siya naniniwala sa sinabi nito, isa lamang ang pinaniniwalaan niya...tunay ang kaniyang nadaramang pag-ibig at walang sinomang may karapatang husgahan ang kaniyang nararamdaman.
"Pasayloa ko." (Patawarin mo sana ako.) sa mahigit isang libong taon mula nang magkamuwang si Rogelio ay ito ang unang beses na lumuha siya. Tila kinuyumos ang kaniyang puso at napagtanto din niyang hindi niya kakayaning malayo si Angelique sa kaniyang piling. Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga na animo'y wala nang bukas.
Sumilay ang matatamis na ngiti sa kanilang mga labi nang muling magtama ang kanilang paningin. Hinaplos ni Rogelio ang maalon-alon na buhok ni Angelique at inayos nito ang mga hibla na tumakip sa magandang mukha ng dalaga at isinipit iyon sa kaniyang tenga. Lalong tumingkad ang ngiti ni Angelique sa ginawa ni Rogelio at bago pa siya makagalaw ay lumapat na ang mga labi ng binata sa kaniyang mga labi na kasing-bilis ng kidlat.
===
Dahan-dahan ang paglalakad ni Angelique sa pagitan ng mayayabong na mga halamang namumulaklak sa gitna ng kagubatan habang hawak-hawak ng kaniyang dalawang kamay ang pumpon ng mga naggagandahang bulaklak na humahalimuyak. Nakasuot siya ng kulay puti na bestida na kasing-ganda ng kaniyang ngiti. Nakalugay ang kanyang mahaba at alon-alon na buhok na pinalamutian ng koronang gawa sa puting rosas.
Nagsilabasan ang mga kuneho sa kanilang lungga at nagsi-akyatan sa punong-kahoy habang ang mga paru-paru ay pinapalibutan siya habang naglalakad. Narinig niya ang masasayang pag-awit ng mga ibon na kabilang sa mga buhay na saksi ng kanilang pag-iisang dibdib ni Rogelio.
Sa di kalayuan ay natatanaw niya ang napakakisig na binatang nakasuot ng puting barong na tinernuhan ng itim na pantalon. Napakagwapo nito habang hindi iwinawaglit ang mga tingin sa kaniya. Kumislap ang mga luhang tumulo sa mga mata nito sa kabila ng mga ngiting ubod ng tamis na nakapagpahina sa kaniyang kalamnan.
"Akong si Rogelio, ay kinukuha ka Angelique, upang makipag-isang dibdib at maging kabiyak ng aking puso. Aking iingatan at aalagaan ka, sa kalungkutan man o kaligayahan, sa kahirapan man o kasaganaan, sa karamdaman man o kalusugan at ipapangako kong gagawin lahat para sa'yo....habang ako ay nabubuhay." tagos sa puso ang sumpang binitawan ni Rogelio sa harap ni Angelique habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha nito. Kinuha niya ang kanang kamay ng dalaga at isinuot ang singsing na gawa sa mamahaling ginto at dyamante.
"Akong si Angelique, ay tinatanggap ka Rogelio na makipag-isang dibdib at maging kabiyak ng aking puso. Aking iingatan at aalagaan ka, sa kalungkutan man o kaligayahan, sa kahirapan man o sa kasaganaan, sa karamdaman man o sa kalusugan, at ipinapangako ko rin na gagawin ang lahat para sa'yo....habang ako ay nabubuhay." kinuha rin ni Angelique ang kamay ni Rogelio at isinuot sa palasingsingan nito ang singsing na gawa sa ginto. Magkahawak kamay sila habang nakangiti sa isa't-isa.
Sa ilalim ng maaliwalas na kalangitan, sa gitna ng malawak na halamanan, sa loob ng masukal na kagubatan ay saksi ang mga puno, hayop at mga halaman sa walang-hanggang pagmamahalan ni Rogelio at Angelique.