Chapter 11 - Chapter 10

"Ano nga po pala yung misyon na sinasabi niyo?" tanong ni Vowel bigla. Kaya bumalik ako sa realidad.

"Your mission Consonant is to keep this meeting a secret. Dapat wala pa ring nakakaalam na pumupunta ka rito at nakita mo na si Vowel. You should try your best na hindi nila ito malaman." utos niya sa akin.

"That would be hard, Queen. Lalo na ngayon na parang nararamdaman kong may alam na sila sa mga nangyayari. Noong bigla akong nawala dito, paggising ko nasa kama na ako ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Pumasok sa silid si Demen Ian, Demen Universe, si Skyme at pati na rin si King Demen. They were trying to read my mind and hypnotized me pero hindi nila magawa. Pero nagulat ako nung nag-astral projection ako ay nakipagtitigan si King Demen sa kaluluwa ko tapos bigla nalang akong bumalik sa katawan ko nung umilaw ang bato. Dahil sa pagkapanic ko, nagteleport ako dito at hindi ko na alam ang mga nangyayari doon ngayon. Natatakot na akong bumalik." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ka nila mababasa hangga't nasa kamay mo ang bato. At lalong hindi ka na tatablan sa kapangyarihan nila dahil inilagay ko na sa noo mo ang bato. Hindi nila yan makikita dahil invisible ang batong iyan, iilaw lang iyan kapag gumamit ka ng iyong pinakamakapangyarihang mahika. Same goes to you Vowel." sambit ni Queen.

"Pinakamakapangyarihang mahika?" tanong ni Vowel.

"You two have the most powerful magic. At kapag kayong dalawa ay sabay na ginamit ito, mas magiging makapangyarihan kayo. You can destroy everything, or you can create something. Ito yung klaseng kapangyarihan na lahat meron, pero iba ang intensity ng inyo, walang katulad, walang makakapigil, walang makakasira, walang makakatalo, walang makakahadlang, walang makakalaban, walang makakasunod." paliwanag niya ulit.

"Ano ang tawag doon?" tanong ko.

"Love." maikling sagot niya.

Nagkatinginan kami ni Vowel. Does our love for each other this deep para maging pinakamakapangyarihang mahika? Kakakilala ko nga lang sa kanya. Wala pang isang oras nung pormal ko siyang nakilala but why does my heart feel like I knew him for a long time? Bakit parang pakiramdam ko matagal ko na siyang mahal?

"That is why you are called the heart of your dimensions. Your heart beats for each other." dugtong ni Queen.

"I still don't get it." sabi ko.

"You don't have to understand it. Just feel it. Let your heart takes you to wherever. Let your heart's beat for each other. But don't forget to think and have presence of mind. That is why one of you have a stone close to your heart and one close to your mind." tugon niya.

"Ibig bang sabihin, kapag nakikita namin ang isa't isa ay kusang iilaw ang mga bato?" tanong ni Vowel.

"Hindi. Iilaw lang ito if you have done something big for love. Hindi na iilaw ang bato kung ipapatawag ko kayo, dahil ang bato mismo ang magdadala sa inyo rito. The most powerful magic will be released if the stone will shine, so beware." sagot niya.

"What do you mean by if we did something big for love?" takang tanong ko.

"Kayo lamang ang nakakaalam sa puntong iyon." nakangiting sagot niya.

"Ako. Anong misyon ko?" tanong ni Vowel kaya napalingon ako sa kanya pero kay Queen lang siya nakatingin kaya iniwas ko na lang ang mga mata ko sa kanya at binalik kay Queen.

"You have to come with Consonant. Magpakilala kang kasintahan niya." sagot ni Queen.

"Ano?!" napasigaw ako sa gulat.

"Kailangan mong ipakilala siya bilang kasintahan mo kung ayaw mong masira ang plano natin. Hindi pa tayo nagsisimula pero kailangan na nating kumilos dahil wala ito sa plano ko. Huwag kang mag-alala, hindi nila malalaman ang pagkatao ni Vowel, hanggat nandyan ka at ang bato, hindi sila makakagawa ng masama sa kanya. Siya ang magiging dahilan ng pagkawala mo bigla. Hindi ka nagsisinungaling Consonant, hindi mo lang sinabi ang totoo." paliwanag ni Queen.

Napaisip ako sa utos ni Queen sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong misyon namin. Pero sa ngayon, ito lang ata ang pinakamabisang solusyon para hindi nila ako pagdududahan.

"Maiwan ko muna kayong dalawa." paalam ni Queen at mabilis na nawala sa harap namin. Kaming dalawa na lang ni Vowel ang natira dito.