Chapter 16 - Chapter 15

Naiwan kami dito sa sala samantalang umalis na ang iba para makapagpahinga. Nalaman kong halos dalawang araw nila ako hinanap sa buong dimensyon. Namaramdam ako ng konsensya sa pag-alis ko ng walang paalam.

Gusto sanang kaming kausapin ni Vowel nila Mama at Papa na magkahiwalay pero hindi ko ito hinayaang mangyari, dahil alam kong doon sila kukuha ng paraan para mabasa ang utak ni Vowel. Ayokong mabuking kami agad. Kaya wala na silang nagawa kung di kausapin kami ng magkasama.

"Saan ba talaga kayo nanggaling? Alam kong may hindi pa kayo sinasabi sa amin." pagsimula ni Mama Luz sa pag-uusap.

"Sorry po talaga sa nangyari. Hindi ko na po uulitin iyon." sagot ni Vowel.

"You are not answering the question. May tinatago ba kayo sa amin? Consonant, what is it?" tugon ni Skyme na halatang kanina pa gustong magsalita dahil pagtitimping tunog na nasa kanyang boses.

Ngunit walang nagsalita sa aming dalawa at nanatiling nasa sahig ang mga tingin. Hindi namin alam ang sasabihin, kung saan kami nanggaling o kung ano ang ginawa namin doon at naging dahilan ng aming pagkawala ng matagal. Wala akong maisip na alibi, nauubusan ako ng maisasagot.

"Why are you not answering Consonant? So meron nga?" parang naiinis na tanong ni Skyme sa akin. Sa nangyayari ngayon, para akong pinapagalitan ng aking kuya kahit naman ako ang mas nakakatanda. Pero alam ko namang kasalanan ko kaya tinatanggap ko nalang lahat ng pangaral nila, basta hindi lang kami mabuking sa aming pagtatago.

"Hindi ko alam kung ano ang tinatago niyo at kung bakit niyo ito tinatago pero sana hindi ito magiging hadlang sa misyon mo, Sync. Huwag mo sanang kalimutan na nasa iyo ang pinakamalaking responsibilidad dahil ikaw ang puso ng Dementia at ang susunod na mamumuno. Huwag mo sanang kalimutan ang napakamadugong misyon na magaganap sa nalalapit na panahon. Huwag mo sana kaming biguin, anak. Dahil kapag nalaman naming ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Dementia, kahit pa sabihin nating anak kita, hindi kita maisasalba sa magiging desisyon ng kasalukuyang Hari, kahit pa ito ay kamatayan." pangaral sa akin ni Papa.

Masakit sa damdamin ang huling sinabi ni Papa, pero hindi ko naiwawaglit ang katotohanang maaaring mangyari iyon, lalo na at isang Croa ang aking iniibig.

Huwag mo sana kaming biguin, anak. Dahil kapag nalaman naming ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Dementia, kahit pa anak pa kita, hindi kita maisasalba sa magiging desisyon ng kasalukuyang Hari, kahit pa ito ay kamatayan.

Masakit sa akin. Lalo na't klinaro ni Papa na sa oras na ako ang traydor sa pamilya, hindi na niya ako kikilalanin bilang anak niya. Kaya niya ako patayin para sa kinabubuti ng lahat, kung ako man ang nagdadala ng kasamaan sa Dementia.

Gusto kong umiyak sa katotohanang iyon, pero hindi ko magawa dahil nararamdaman kong magiging mahina lang ako kapag iiyak ako. Totoo naman eh, maaaring ako mismo ang sisira sa pinaghirapan ng pamilya.

"Yes, Pa." ang tanging naisagot ko bago ako yayaing ng yakap ni Mama at Papa. Tumayo kami sa aming kinauupuan at niyakap sila ng mahigpit, naging dahilan ng pagbitaw ng aming mga kamay ni Vowel pero agad niya ring hinawakan ang siko ko.

Sunod na niyakap ni Mama si Vowel at naghabilin pang alagaan ako ng abuti na tinuguan naman ni Vowel ng isang matamis na 'oo'ng nakangiti. Tinapik lang ni Papa si Vowel at binantaan na sa oras na saktan niya ako ay siya ang makakaharap niya na siyang ikinatawa naming dalawa at sinang-ayunan naman niya.

Tinignan ko si Skyme na tahimik pa rin. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Skyme…"

"Just be safe, Consonant. Don't get hurt. Don't leave me. At huwag mo akong ipagpalit sa kanya." Pagputol niya sa akin.

"Yes, I will. You're still my twin brother no matter what." Sabi ko sa kanya habang niyakap ko siya ng mas mahigpit. Humiwalay na kami sa yakap at tinignan niya si Vowel.

"I still don't trust you. Pero para sa kapatid ko, susubukan ko. At kung darating ang oras na iiyak siya ng dahil sayo, sisiguraduhin kong iiyak ka rin at sisigaw sa sakit na gagawin ko sa iyo." Pagbabanta niya.

"Thank you." Tanging sagot ni Vowel.

*

Napagdesisyonan namin na magpahinga na dahil masyado na rin kaming ginabi sa pag-uusap sa amin. Hinatid ko muna si Vowel sa isa sa bakanteng kwarto sa bahay na siyang magiging tulugan niya simula ngayon. Huminto muna kami sa labas ng kwarto. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"We've done it. Sobrang nerbyos ako kanina. Parang binunutan ako ng sampong napakalaking tinig nung nalaman kong tanggap ako ng Mama at Papa mo. Buti nalang at hindi ako nahimatay bigla." pagsasabi niya ny saloobin niya sa akin.

"Sobrang kaba din ako kanina, lalo na nung ang raming dada ni Demen Ocean kanina." tugon ko.

"Sana malagpasan pa natin ang mga darating pang pagsubok."

"Sana nga..."

"About the mission--"

"Let's talk about it tomorrow, Vowel. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Please, let me think first."

"Haayy. Okay, baby. Good night."

"Good night."

Hinalikan niya ako sa noo habang hinalikan ko naman ang kanyang puso.

He gave me the smile na parang pinapahiwatig niya kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya ako pinangangalagahan, kung gaano niya ako kinakailangan sa kanyang buhay.

Binilinan ko siyang i-lock ang kanyang kwarto para walang makapasok. Hinayaan ko muna siyang pumasok sa kanyang silid bago pa man ako pumunta sa akin.

Ang raming nangyari sa loob lamang ng dalawang araw. Nahihirapan pa rin akong lunukin sa isip lahat ng nalalaman ko. Masyadong marami, na parang lumalangoy ang aking utak dito.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may narinig akong bumukas ng pinto ko. It's Skyme. Ano na naman ang ginagawa niya dito?

"I'm still not satisfied. Bakit kailangan niyong ilihim, Consonant?" bungad na tanong niya sa akin. So hindi pa rin pala siya tapos sa pagngangalap ng paliwanag.

"Skyme, please. Huwag mo na sanang itanong sa akin iyan dahil kahit anong gawin mo, wala kang sagot na makukuha sa akin. I hope maintindihan mo ako. Huwag ka sanang magtampo." sagot ko sa kanya.