Masyadong tahimik, ang awkward ng paligid.
Inangat ko ang paningin ko at nagtama ang mga mata namin.
"So, girlfriend na kita ngayon?" biglang sabi niya na may mapilyong ngiti sa labi.
"Hoy!" pagsuway ko.
"Bakit? Hindi ba, girlfriend?" sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.
"Baka nakakalimutan mong Demen ako?" paghahamon ko sa kanya.
"Eh ano naman? Kahit ba Demen ka tas Croa ako, magbabago ba ang katotohanan na girlfriend kita tas boyfriend mo ako? Hindi naman diba?" sagot niya na may nakakalokong ngiti. Walang hiya ang gwapo niya sa itsurang iyon.
"Hoy! Masyado mo namang kinacareer yung pagmamahalan natin ha!" iritang sigaw ko sa kanya.
"Bakit? Totoo naman diba?" sabi niya habang palapit ng palapit sa akin. Hindi nawawala ang mga ngiti niya sa labi. Ang cute niya tingnan kapag nang-aasar. Ang sarap kurutin ng pisngi niya kasi tambok ito ng konti. Pero syempre hindi ko yun pinahalata, baka isipin pa niyang patay na patay ako sa kanya.
"So cute pala ako sa paningin mo? Yieeee." sabi niya na parang kinikilig. Walang hiya talaga, nakalimutan kong nababasa niya ako. Para siyang bakla pero cute pa rin naman. Walang hiyang buhay ito!
Huminto siya sa harap ko. Mas mataas siya ng dalawang dangkal sa akin. Kaya yumuko siya para magkalevel na ang mga mukha namin. Isang salita pa niya ang maglalapat na ang aming mga labi.
"Baby, do you love me?" nakangiting sabi niya sa akin. Muntik na akong malagutan ng hininga dahil habang sinasabi niya iyon ay naglalapat ang mga labi namin ng konti.
Hindi pa man ako makasagot ay tuluyan na niyang nilapat ang mga labi niya sa labi ko.
Walang hiya talaga! First kiss ko ito!
Ang lakas ng pintig ng puso. Hindi ako makagalaw dahil sa paghalik niya sa akin.
Hinapit niya bigla ang bewang ko kaya nagdikit ang aming katawan. Napasinghap ako at bigla na lang niya pinasok ang dila niya. Kaya hindi na ako nakakontra pa at tinugunan ang mga halik niya kahit wala naman akong kaalam-alam sa paghalik. Nilipat niya ang kanyang mga kamay sa pisngi ko kaya nilagay ko ang mga kamay ko paikot sa kanyang mga bewang kaya mas lalong magkalapit ang aming katawan. Nakakahiya ang ginagawa namin pero parang wala na kaming pakialam.
Nagtagal ng ilang sigundo ang aming paghahalik at siya na mismo ang bumitaw. Nanatiling magkalapat ang aming mga noo habang parehong nakangiti sa isa't isa.
"Baby, do you love me too?" nakangiti kong tanong sa kanya na siyang kinalaki pa ng ngiti sa kanyang labi at agad akong hinalikan sa labi ng mabilis. Nilapat niya pagkatapos ang kanyang mga labi sa noo ko at niyakap ng mahigpit. Hindi ko pinigilan ang sarili ko at niyakap din siya pabalik at binaon ang aking ulo sa kanyang dibdib. Ang bango niya. Hindi mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi.
Bahala na kung anong mangyayari pero ito lang ang masasabi ko, tinamaan na yata talaga ako.