Chapter 7 - Chapter 6

Kinaumagahan ay agad na kaming naghanda upang makarating sa paaralan para magsanay sa darating na digmaan. Sabay kami nila Mama, Papa at pati na rin si Skyme papuntang school. We still need to specialize archery dahil malayo pa kami sa totoo. Pagdating namin sa bulletproof zone ay nadatnan namin sina Demen Universe at Demen Ian na naghahanda sa mga gagamiting mga arrows at bows ngayon at hinanda na rin ni Demen Ocean ang platform namin at mas malayo-layo ito sa una.

"Good luck!" sabi nila Mama at Papa bago magsimula ang aming pagsasanay. Medyo naging open na ako sakanila dahil kahapon. Hindi na ako gaano nahihiya sa kanila at napapakita ko na ang tunay na ako habang si Skyme naman ay medyo tahimik pa rin ngunit nagsasalita naman siya minsan.

Nagformation na ako para makapagsimula na ako. Kumuha ako ng arrow at nilet go ito ng walang pag-aanlinlangan. Kadalasan sa mga tira ko ay nakakaabot na sa target at may ilan na din na sa gitna tatama. Kung kahapon palagi ako tinatawan ni Demen Ocean, ngayon naman puro na siya puri sa akin. Pero hindi pa rin nawawala ang pang-aasar niya.

Maya-maya pa ay tinawag ako ni Demen Anne para ipakita sa kanya ay natutunan kong kapangyarihan galing kay Demen Universe. Pareha kahapon, si Demen Ocean pa rin ang ginamit namin at naging isang matagumpay naman ito at pinuri ako ni Demen Anne.

"Nice one, Demen Sync! Mukhang hindi ka mahihirapang gamitin ang mga kapangyarihan mo. Keep up the good work." Sabi niya sabay tapik sa aking balikat.

Naging okay naman ang lahat kaya nagmeeting kaming lahat muli sa office ni Demen Anne. Nung masiguradong kumpleto na lahat ay agad ng nagsimula ang pulong.

"Kulang pa rin tayo sa tao." Sabi ni Demen Anne. "36,228 warriors lang meron sa atin at hindi ito sapat para labanan ang Croatiania." Paliwanag ni papa. 36,228 warriors pero kulang pa rin?

"We need to help now. Pwede naman natin isali ang mga nag-aaral pa dito sa academy. Malaki naman ang population dito eh, higit pa sa 50,000 ka estudyante at pwede natin gamitin sila sa digmaan. Pwede natin silang gawing mages kagaya namin na sa malayo lang umaatake pero ang kanilang mga kapangyarihan ang kanilang gagamitin." Sambit ko.

"Oo pwede natin i-consider ang suggestion na iyon. Wala na bang ibang pang mga suggestions?" tanong ni King Demen Arthur. Tahimik lahat at mukhang wala nang iba pang masabi. "Ok, Demen Anne at Demen Erik, tulungan niyong mangalap ng mga tao sina Demen Sync at Demen Skyme habang kayo Demen Universe at Demen Ocean, tulungan niyong mangalap ng mas marami pang kakampi si Luz upang mas marami pa tayo." Agad na kaming kumilos at naghanap ng mas marami pang tauhan para sa labanan.

Buong hapon namin nagawa iyon at sa awa ng Diyos at maraming payag na sumali. Pagkatapos namin mangalap ay agad na kaming bumalik sa office para sa final computation of troops namin. Nung pumasok na kami ay nakita naming kami na lang pala ang kulang at hinihintay nila kaya agad na nagsimula ang pagpupulong.

"May dagdag na 10,236 ka mga agent, pulis, sundalo, at mga mamamayan ang sasali sa labanan." Panimula ni Mama. Marami-rami din silang nakuhang karagdagang mga tao para sa labanan. Umubo ako ng mahina para ihanda ang sarili ko. "May karagdagang 27,657 ka estudyante ang sasali sa digmaan at 17,284 ang mga mag-aaral na hindi pa sigurado ngunit gusto man nila ay nagdadalawang isip pa ang kanilang pamilya. Ang natitirang 15,059 ka mag-aaral ay halos kakasimula pa lamang at hindi pa pwedeng lumaban." Sambit ko rin.

"74,121 ka tauhan ang meron tayo ngayon at 17,284 ka pending." Sabi ni Demen Anne. "Marami-rami na rin ang nakalap natin ngunit kinakailangan natin yung mga pending para siguradong marami tayong susugod doon." Pahiwatig ni Papa.

"Ilan ba ang populasyon ng Croatiania?" tanong ni Demen Universe. "Hindi sila aabot ng 100,000. Kasama na doon ang mga bata, matatanda, mga Unitaurcats, mga Croatianians at mga Croas. Hirap silang makalakap ng maraming tauhan dahil konti lang din ang babae sa kanilang populasyon kaya dinadaan nila lahat sa malupit na stratehiya." Paliwanag ni King Demen Arthur.

"Kung ang lahat ng mga pending ay sasali, meron na tayong 91,405 ka tauhan. Medyo kulang tayo ng 5,000 ka tao para masigurado talaga natin ang panalo." Sabi ni Demen Ocean.

"Saan tayo hahanap ng 5,000 ka tauhan eh ilang beses na tayo nangalap?" tanong ni bro. "Paano kaya kapag kukuha tayo ng 5,000 ka nilalang sa 15,059 ka mag-aaral na kakasimula pa lang?" suggestion ko.

"Mahihirapan tayong turuan sila. Konting oras na lang ang natitira at hindi na ito sapat para makuha nila agad ang ituturo natin." Pagtutol ni Demen Ocean. "Hindi naman masama kung itry natin eh. Bukas na bukas pwede tayong magsimulang mangalap ng mga bagong estudyante at kada isa sa kanila ay may kaparehang kapangyarihan ng bawat isa sa akin. Kung hindi pa man nila alam kung paano gamitin ang mga kapangyarihan nila ay pwede namang sa long range sila ilalagay. Mas maraming long range mas lamang tayo dahil madali natin sila makikita at mapapatumba. At saka pwede naman sila turuan ng mga pinuno ng mga kapangyarihan." Paliwanag ko sa kanila.

"I guess we should try that one. Pero paano kung hindi ito gumana at mabigo ang lahat?" tanong ni Demen Anne. "It will. Trust me." confident kong sabi. "We'll trust you on that." Sabi ni Papa. At ito naman ay okay sa lahat at bukas na bukas rin ay sisimulan na namin.

*

Naging delikado ang pangangalap namin dahil marami ng nakakaalam na isa akong Demen, pero hindi nila alam na may kambal ako at hindi din nila alam na ako ay panganay na anak ng panganay na anak ng hari. Iniiwasan namin iyon sabihin at sinabi na lang na anak ako ng hari. Sinisigurado namin na walang makakaalam dahil mas mahihirapan kaming makabuo ng plano.

Bandang hapon ay natapos na kaming puntahan lahat ng mga bagong estudyante at 5,211 ka estudyate ang aming napapayag, sobra pa sa aming inaasahan. Katulong ko sina Demen Anne at Demen Universe sa pagpunta sa kanila habang naghahanda sa mga kagamitang pangdigma ang naiwan. Pumunta agad kami sa bulletproof zone upang ipaalam sa kanila ang magandang balita.

Pagdating namin doon ay kami pa ang nandoon kaya hinintay muna namin sila. Hindi nagtagal ay dumating na din sila. Lahat kami ay nandito at suot-suot ang mga armored suits dahil ngayon din namin napagplanuhan na itrain ako sa mga kapangyarihan na hindi ko pa alam kung paano gamitin.

"May good news ako sa inyo." Panimula ni Skyme. "Lahat ng pending ay tinanggap na ang offer natin na sumali sila sa digmaan. We have now 96, 616 warriors." Nakangiti niyang sambit. "Nice one guys!" sabi ni Demen Ian sa amin. "Guys, may ipapagawa ako sa inyo. This is going to be a tricky plan pero we need to do this para makasigurado. Demen Sync, Demen Ian, Demen Universe and Demen Ocean, this plan is going to be done by you four. We are going to enter their dimension without letting them know." Sabi ni Demen Anne. "Napag-usapan na namin ito and we agreed na kayong apat ang dapat na gumawa nito kasama ang pinuno ng Chiecybat. Considering na tamang tama ang kapangyarihan niyo sa isa't isa to complete this plan pero huwag tayong magkumpiyansa dahil hindi teritoryo natin ang pinapasukan niyo." Paliwanag ni King Demen Arthur.

"Pero meron kayong dapat malaman." Biglang sabi ni King Demen Arthur. Nacurious kaming lahat kaya tumahimik muna kami at tinuon ang aming pansin sa sasabihin niya.

"Croatiania is not an easy place. Hindi natin alam ang nasa loob nito at kung ano ang kayang gawin nito sa mga kapangyarihan ninyo. This decision will be risky for Demen Sync but you really need to be there since you have the invisibility power at hindi na ako pwedeng pumunta doon kasi I am too old. Kaya ngayon iyan ang dapat mong matutunan. Demen Universe keep on practicing with Demen Sync with your shield power. Demen Ocean teach her how to control things too. And Demen Ian teach her how to hypnotize people. Ngayon, you will need to learn and discover four powers. Your misson will start 120 hours from now." Paliwanag niya. "Will it be too difficult for Demen Sync na agad-agad na matutunan ang apat na kapangyarihan sa loob lamang ng isang araw and will need to master that with less than a week?" tanong ni Demen Universe. "I can do it. You don't have to worry. Gagawin ko ang lahat para matuto at magawa ang misyon ng mahusay." Pagbibigay ko ng assurance na okay lang sa akin.

Everyone looked at me worried na baka hindi ko kayanin, but I gave them an encouraging smile. I looked at my brother and he seemed to be worried too kaya I gave him a pat on the head that means "don't worry about me".

After that, they have stated our plan on how to do the mission. I need to use my invisibility power para maging invisible kaming apat once na pumasok na kami doon. Demen Ian and I will use our hypnotizing power para mahypnotize namin ang librarian kung saan siya ang nagbabantay sa library nila na kung saan din ay matatagpuan namin ang buong impormasyon tungkol sa Croatiania. Demen Universe and I will use our powers to sheild ourselves para in case of emergency na malaman ng Croatianians na pinasok namin ang teritoryo nila ay handa kami at may sheild kami kapag may umatake man. And lastly, Demen Ocean and I will use our powers to get the History of Croatiania and its information.

So, all in all, sa aming misyon, ako ay may maraming gagawin, well hindi mas marami dahil lahat talaga is gagawin ko. Hindi kasi sapat ang isang power lang dahil baka madali kaming mahuli at malintikan pa kami. Ang pinuno ng mga Cheicybat and her half Cheicybat daughter will serve as our backup kung may masamang mangyari na sana ay wala.

After of course, nagpahinga muna kami ng isang araw and went back to our house. Napagdesisyonan namin na magrelax muna as we are heading through a lot after this relax day.

Tomorrow will be a productive day dahil 3am palang ng madaling araw ay tuturuan na nila ako sa mga powers at mga 1pm ay focus muna kami sa mga student warriors at tuturuan namin sila sa archery at mga kapangyarihan nila kung gusto nilang imaster ito. At the day after that is the final plan for our mission na kung saan mas detailed ang mga instructions.

We will also be having a demo para malaman talaga namin ang dapat naming gawin. And the day after that is the Mission Day na sana ay maging maayos at hindi palpak.

Hay, this past few days got me shocked. I never thought this would be the start of my real warrior days. And to think na ang dami ko ng task eh first mission palang got me so pressured and stressed.

Ang laking responsibilidad na ipinagkatiwala nila ang misyon na iyon sa akin. And I am grateful na hindi sila nagdalawang isip na ibigay sa akin ang misyon na ito. I won't let them down. I will do my best to succeed. I will do my best to fight.