Chapter 956 - Konklusyon (7)

Muling nagpaalam si Xu Jiamu, at dahan-dahan niyang isinarado ang pintuan.

Ngayon, naiwan nanamang mag'isa si Song Xiangsi…Dahan-dahan niyang

kinuha ang kutsara para sumubo ng lugaw na niluto nito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nito nakakalimutan ang timplang gusto

niya….. at dahil dito, hindi niya namalayan na umiiyak na siya.

Kagaya ng mga pelikulang ginawa niya noon, parang nagflash back sa isip

niya ang lahat ng mga nangyari sakanila.

Noong gabing binigyan siya nito ng pera, kapalit ang katawan niya, pero

noong nasa hotel na sila, niyakap lang siya nito buong magdamag.

Ito yung taong sumama sakanya nag malaman niyang kritikal na ang lagay ng

papa niya, at noong nakita nito ang namamaga niyang paa, walang

pagdadalawang isip siyang minasahe nito.

Sa kabila ng pagaakalang may asawa na siya, pumayag itong magpanggap

na boyfriend niya para lang mapasa ang papa niya sa mga huli nitong araw…

Bukod dun, noong hirap na hirap na ang papa niya sa pagihi at pagdumi,

hindi ito nandiri at talagang nilabhan pa nito ang mga madudumi nitong damit.

Mula pagkabata, nasanay ito sa pamumuhay na nakukuha nito ang anumang

gustuhin nito, pero noong umuwi sila sa probinsya niya, hindi ito nagreklamo

noong natulog ito sa sofa, at nagrepresinta pang linisin ang puntod ng mama

niya kahit sobrang tarik ng araw.

Noong namatay ang papa niya, sinamahan siya nito dahil alam nitong

malungkot siya.

Noong gabing tumakbo siya sa mini forest, sobrang nagalala ito at hinanap

siya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na takot siya sa kidlat, pero

noong sinabi niyang wag muna itong umalis, hindi talaga ito umalis at buong

magdamag siyang binantayan at higit sa lahat… nagpagawa ito ng puntod

para sa batang akala nitong pinalaglag niya…

Ano bang dapat niyang gawin…. Gustong gusto niya ng makipagbalikan….

Yung malaking pader na pinaghirapan niyang buuhin… unti-unti nanamang

nawawasak….

Habang nagpapatuloy sa pagkain, tuluyan ng humagulgol si Song Xiangsi,

pero habang iniisip niyang sa bawat segundong pumapatak ay papalayo na

ng papalayo si Xu Jiamu…. natatakot siya… kaya noong hindi niya na

kinaya, dali-dali niyang inilapag ang kutsarang hawak niya at kumaripas

tumakbo palabas ng hindi pa nakakapagpalit ng sapatos.

Gusto niya ng umuwi… Gusto niya ng gamitin ni Little Red Bean ang apelyido

ni Xu Jiamu… gusto niya na ng karamay… ayaw niya na sa America…. Ayaw

niya ng maging mag'isa….

Pagkalabas niya, nakita niyang kasasakay lang ni Xu Jiamu ng taxi.

Kaya walang pagdadalawang isip, dal-dali siyang tumakbo para habulin ito.

Buti nalang hindi ganun kabilis ang takbo ng taxi dahil sa speed limit, pero sa

kabila nito, di hamak na mas mabilis pa rin ito kumpara sa kanya.

-

Pagkasakay na pagkasakay ni Xu Jiamu sa taxi, pumikit siya kaagad.

Aminado siyang araw-araw niyang namimiss si Song Xiangsi, pero ngayong

nakita niya ito ulit, napagtanto niya na kulang ang kahit anong salita sa sobra

sobra niyang pananabik dito.

Ngayon, nakita niya lang ito dahil tumawag ito… at hindi niya alam kung

kailan sila ulit magkikita…

O kung magkikita pa ba sila ulit…

Malungkot na yumuko si Xu Jiamu para tignan ang kanyang mga palad.

Hawak niya na noon…. pinakawalan niya…

Napabuntong hininga nalang siya at dahan-dahan, itinaas niya ang kanyang

ulo para sana dumungaw sa bintana, pero nang aksidente niyang masilip ang

rear view mirror, biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Tinitigan niya ang rear view mirror ng halos limang segundo at nang

makumpirma niyang hindi siya namamalik mata, dali-dali niyang tinapik ang

driver. "Ihinto mo!"

Sa sobrang pagmamadali, nakalimutan niyang nakapag'Chinese siya, kaya

inulit niya ito sa English, at doon lang inapakan ng driver ang preno, pero

kahit hindi pa man din tuluyang humihinto ang taxi, hindi na siya

nakapaghintay at bumaba na siya.

Related Books

Popular novel hashtag