Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 948 - Pagpapatuloy (29)

Chapter 948 - Pagpapatuloy (29)

Hinding hindi makakalimutan ni Song Xiangsi yung araw na pinakita niya kay

Xu Jiamu ang abortion document. Sa sobrang galit nito, nagwala ito ng sobra,

at sa totoo lang, akala niya papatayin na siya nito.

Bago ito umalis, sinabi rin nito sakanya na mula noong araw na 'yun, wala na

silang koneksyon sa isa't-isa…

Kaya ang buong akala niya ay tapos na talaga ang lahat sakanila…

Parati niyang iniisip na siguro hindi talaga sila para sa isa't-isa…

Pero ang petsang nakasulat sa puntod na pinagawa nito…. ay yung eksaktong

petsa noong naghiwalay sila, three years ago…

Ibig sabihin, sa loob ng tatlong taon, hindi nakalimutan ni Xu Jiamu ang batang

akala nitong pinalaglag niya?

Kahit na hindi naman talaga niya pilaglag ang bata, masakit pa rin para

sakanya yung katotohanang naniwala ito at talagang nagpagawa pa ng puntod,

kaya habang pinagmamasdan niya ito, hindi niya napigilang umiyak.

Kahit na alam niyang mahal naman ni Jiang Licheng si Little Red Bean,

malinaw rin naman sakanya na hindi niya pwedeng mabago ang katotohanan

na walang koneksyon ang dalawa, kaya kahit araw-araw pang magkasama ang

dalawa, naniniwala siya na hindi nito kayang iparamdam kay Little Red Bean

ang pagmamahal ng totoong tatay, kaya sa tuwing sumasapit ang gabi at

pinagmamasdan niya ang inosente nitong mukha, sobrang nalulungkot at

naawa siya para sa anak niya.

Pero ngayon alam niya na…hindi pala talaga nawalan ng tatay si Little Red

Bean, dahil lagi lang siyang nasa isip ni Xu Jiamu….

"Sabi niya sakin, gustong gusto niyang ipakita sayo na malayo na ang Xu

Jiamu ngayon sa Xu Jiamu noon, para maintindihan mo raw kung anong

impluwensya mo sa buhay niya.

"Sabi niya pa dahil walong taon mo raw siyang pinagtyagaang baguhin, ayaw

niya raw gamitin ang mga natutunan niya sayo sa ibang babae."

Halos buong araw ng umiiyak si Yang Sisi, pero ngayong sinasabi niya na ang

mga ito kay Song Xiangsi, bakit parang mas nasasaktan siya?

Sobrang sakit…Siguro mahal na mahal niya talaga si Xu Jiamu… Kaya kahit

isang buwan lang silang nagsama, at sinabi nitong hindi talaga siya nito mahal,

nalulungkot pa rin siya…

"Isa pa, sabi niya may binili raw siyang singsing para sayo kasi gusto niya raw

sanang magpropose, pero noong araw na 'yun, inunahan mo raw siyang ibigay

ang abortion letter…"

Ibig sabihin, mahal na mahal talaga ni Xu Jiamu si Song Xiangsi no?

Dahil dito, hindi na nakapagpigil si Yang Sisi at tuluyan na siyang humagulgol.

"Hihintayin nalang kita sa baba." Pagkatapos itong sabihin ni Yang Sisi, bigla

siyang kumaripas ng takbo.

Samantalang si Song Xiangsi naman ay nanatili lang na kalmado sa kanyang

kinatatayuan hanggang sa tuluyan ng mawala sa pandinig niya ang yabag ng

mga paa nito, at doon lang siya nagumpisang umiyak.

Sa sobrang tahimik ng sementeryo, umaalingawngaw ang bawat paghikbi niya.

At nang marinig ito ng caretaker ng sementeryo, dali-dali itong bumaba galing

sa itaas ng bundok at lumapit sakanya. "Oh… walang laman yan."

Kaya bigla siyang natigilan, pero bago lumingon, mabilisan niyang pinunasan

ang mukha niya na punong puno na ng luha.

Matanda na ang caretaker, kaya wala na itong preno magsalita. "Walang laman

yan, pero may lalaking madalas dumalaw jan. Ikaw nga lang yung nakita kong

ibang tao, bukod sakanya, na dumalaw jan eh…Sa tuwing nandito siya,

kakausapin niya yang puntod nay an ng sobrang tagal…. Minsan nga umiiyak

pa siya eh kaya sinisilip ko siya tapos naririnig ko na sinasabi niyang,

'Namimiss ko na ang mama mo'…. Parang ganun… pero di ko sigurado

ha…kasi alam mo na? Matanda na, mahina na ang pandinig…."

Pagkatapos magsalita, umalis din ito kaagad.

Related Books

Popular novel hashtag