Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 868 - Ang Katapusan (29)

Chapter 868 - Ang Katapusan (29)

Noong nakaraang taon, nakipaghiwalay ito sakanya nang hindi niya alam kung

bakit.

Pagkagising niya mula sa coma, ilang beses niya itong sinubukang kausapin,

pero sa tuwing mangyayari yun, lagi lang silang magaaway, kaya bandang

huli, siya na mismo ang lumayo para matahimik na rin ang buhay nito. Oo,

matagal na silang hiwalay…. At kung hindi pa siguro siya pumunta sa Su Yuan

apartment at niyakap ito habang nagmamakaawang huwag siyang iwanan,

siguro matagal na talaga silang tapos….

Sa totoo lang, sa walong taon nilang pagsasama, kahit kailan hindi nila

napagusapan ang tungkol sa kasal, o kahit nga ang mga simpleng bagay na

pinaguusapan ng mga normal na magkasintahan. Ang alam niya lang…

masaya siya pag kasama niya si Song Xiangsi, kaya kahit ilang beses itong

nasangkot sa scandal ng iba't-ibang lalaki sa entertainment industry, ni

minsan hindi siya nagtanong.

Pareho silang walang pakielam sa ginagawa ng bawat isa, o siguro ang mas

tamang salita ay… pareho silang walang tiwala sa isa't-isa.

At sa totoo lang, negosyo lang naman talaga ang lahat. Pero ang negosyong

ito ay pinaikot ikot ang mundo niya.

Walong taon, ang walong taon nilang pagsasama, ay umabot na sa dulo.

Ang nakakalungkot lang, hindi sila kagaya nina Lu Jinnian at Qiao Anhao.

Na kahit gaano pa katagal silang paglaruan ng tadhana, hindi talaga sila

pwedeng magkatuluyan dahil hindi kagaya nung dalawa, wala silang mga

pusong handang magpakamartyr, maipaglaban lang ang mga pagmamahal

nila, at yun ay kung mayroon talagang pagmamahal…

Dahan-dahan niyang binitawan ang baba ni Song Xiangsi at umatras.

Pagkatalikod niya, tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha, at ngayong

nasabi niya na ang linyang sa tingin niyang tutuldok sa lahat, walang

pagdadalawang isip siyang naglakad palabas ng apartment.

-

Pagkasaradong pagkasarado ng pintuan, ang kaninang sobrang tapang na

Song Xiangsi, ay hindi na rin kinaya at tuluyan na ring umiyak.

Tapos na… Sa wakas, tapos na talaga…

Walong taon. Ang napaka habang walong taon, sa wakas, natapos na rin…

Mula nang makilala niya si Xu Jiamu, alam niya naman na magkaiba ang

mundo nila.

Siya si Cinderella, at si Xu Jiamu naman si Prince Charles, pero hindi kagaya

ng nangyari sa paborito niyang fairy tale, wala silang happy ending.

Sa totoo lang, ilang beses niyang sinabi sa sarili niya na wag niyang mahalin

ang sarili niya, pero…. nagpatalo siya sa tukso at bandang huli, hulog na

hulog na siya, sa puntong hindi na siya makabangon.

Sinubukan niya talagang isuko nalang ang nararamdama niya, pero sa tuwing

ginagawa niya yun, nasasaktan lang siya.

Bandang huli, hindi niya na alam kung anong gagawin niya, kaya

napagdesisyunan niyang patayin nalang ang anak nito, para si Xu Jiamu

nalang ang magalit sakanya, kasi kung siya? Imposible… dahil kahit anong

gawin nito, hindi niya kayang magalit.

At kagaya ng gusto niyang mangyari, galit na galit nitong sinabi sakanya,

'Mula sa araw na 'to, wala ng namamagitan sa atin!'

Wala na siyang ibang maisip na paraan…. Mahigit kalahating taon niya ng

sinusubukang putulin ang namamagitan sakanila, at sa wakas, nagawa niya

na rin.

Hindi siya galit kay Xu Jiamu… Kasi alam niya na siya rin naman mismo

nagtulak sa sarili niya sa ganitong sitwasyon…

Sa totoo lang, kasalanan man ang ginawa niya, pero wala siyang

pinagsisisihan.

Kasi ito nalang ang pwede niyang iregalo sa sarili niya, dahil malinaw sakanya

na kahit buong buhay pa siyang magtiis, hindi talaga sila pwedeng maging

para sa isa't-isa.

Ni hindi nga sila naging official na magkasintahan… kahit patago lang…

Kaya ngayon, sarili niya naman ang pinipili niya…. Alam niyang si Xu Jiamu

ang kahinaan niya, kaya kailangan niyang magisip ng paraan para ito nalang

ang lumayo sakanya. Pero, bakit sobrang sakit?

Walong taon! Walong taon! Ngayong araw, pinutol niya lang naman ang lahat

ng ugnayan niya sa taong minahal niya ng walong taon.

Mula ngayon, hanggang sa mga natitirang araw ng buhay nila, hindi na sila

pwedeng magkaayos pa.

Sa pagkakataong ito, tuluyan ng humagulgol si Song Xiangsi at habang

nakahawak sakanyang tyan, walang tigil siyang umiyak hanggang sa mapagod

siya.

Pagtungtong ng alas nuebe ng gabi, lumabas siya ng Su Yuan apartment na

may dalang maleta. Pagkalabas, pumara siya ng taxi at dumiretso sa airport.

Pagtungtong ng alas onse, sumakay siya ng eroplano, pero bago ito, itinapon

niya muna ang kanyang phone sa isang basurahan.

Bandang pasado alas onse, tuluyan ng lumipad ang eroplano. Nakatitig lang

siya sa makukulay na ilaw ng Beijing.

Masyado ng malalim ang pagmamahal. Lumamig na ang kape. At natapos na

ang kwento.

Mula sa walang malisya, hanggang sa malalim na pagmamahal, na ngayon ay

dapat ng kalimutan…

Paalam, mahal ko. Paalam na sa taong nagtiyagang samahan ako ng walong

taon.

Related Books

Popular novel hashtag