Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 806 - Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (7)

Chapter 806 - Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (7)

Sa totoo lang, kung posible lang talaga, hinding hindi siya mamimili sa pagitan

ng mama niya at ng kuya at bestfriend niya, dahil ang tatlong taong ito ang

pinaka mahahalagang tao sa buhay niya at wala siyang ibang gustong mangyari

kundi ang pare-pareho silang mamuhay ng masaya.

Pero may mga bagay talaga na hindi pwedeng kontrolin ng tao.

At habang nagmumuni-muni, napabuntong hininga nalang siya.

-

Kahit na kakapacheck lang nina Qiao Anhao at Zhao Meng, nagaalala pa rin si

Lu Jinnian kaya nagpatulong siya sa mga kakilala niya na hanapin ang pinaka

magaling na gynecolist sa buong Beijing at walang pagdadalawang isip siyang

nagpabook ng appointment bukas na bukas din.

Halos dalawang oras na nagphysical si Qiao Anhao at hindi nagtagal, lumabas

din kaagad ang resulta na nagsasabing parehong malusog ang nanay at ang

bata.

Kaya nakaalis na rin sila kaagad ng mga bandang alas tres ng hapon.

Ilang linggo ng sobrang lamig ng panahon, pero buti nalang unti-unti ng umiinit

nitong mga nakaraang araw kaya naman sa loob lang ng isang gabi ay

namulaklak na ang mga jasmine sa mga kalsada, ang mga puno ng willow ay

nagumpisa na ring magkadahon at kpansin pansin din na wala ng nakasuot ng

makakapal na jacket.

Ngayong araw, sobrang aliwalas ng panahon kaya parang painting ang

kalangitan sa sobrang pagka'asul. Walang kaulap-ulap, walang malamig na

simoy ng hangin, at tanging maliwanag na kapaligaran lang na may saktong

saktong init.

Pagkaupo nila sa loob ng sasakyan, kagaya ng nakasanayan, si Lu Jinnian ang

nagkabit ng seatbelt ni Qiao Anhao. Pagkatapos, dumungaw siya sa bintana at

nang makita niya na napaka ganda ng panahon, muli siyang tumingin sa asawa

at nagtanong, May gusto akong puntahan, sama ka?"

"Saan?" Nagtatakang tanong ni Qiao Anhao.

"Basta, malalaman mo nalang pag nandun na tayo." Kalmado lang ang itsura ni

Lu Jinnian kaya walang mabasang kahit ano si Qiao Anhao sa mukha nito.

Dahil dito, itinikom niya nalang ang kanyang bibig at hindi na nagtanong.

Pagkabukas ni Lu Jinnian ng makina, maingat siyang at nagmaneho ng halos

kalahating oras. Habang patagal ng patagl, lalong nagiging pamilyar kay Qiao

Anhao ang daan at noong nakutuban na nito kung saan sila pupunta, saktong

inihinto niya rin ang sasakyan. "Ito na yung daan papunta sa school pero hindi

pwedeng pumasok ang mga sasakyan kaya maglakad nalang tayo."

Sa takot niya na baka dumugin sila kapag may nakakilala sakanila, sinadya

niyang maghanda ng dalawang sumbrero kaya bago sila sila bumaba, sinuot

niya muna ang isa, at isinuot naman ang isa pa kay Qiao Anhao.

Dinala niya si Qiao Anhao sa school kung saan sila nag high school. Sampung

taon na ang nakakalipas at marami na ring nagbago, pero may iilan pa rin

naman na parehong pareho pa rin sa iniwanan nila kagaya nalang ng dalawang

internet shop sa tapat ng school.

Sabado ngayon at walang pasok ang mga estudyante kaya sobrang tahimik ng

paligid.

Sa likod ng napakalaking gate, ay ang water fountain na halatang matagal ng

hindi nagagamit at ang magkakatabing classroom.

Hinawakan ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao at sabay silang naglakad

paikot sa school hanggang sa makarating sila sa third floor ng Qinghua

Building.

Yun ang palapag ng mga classroom nila ni Qiao Anhao noong third year high

school.

Noong panahon nila, ang pinaka unang classroom sa kaliwa ng hagdanan ay

ang Class Three na sinundan ng Class Two kaya Class One ang nasa pinaka

dulo.

Sakto sa taong yun, pinondohan ng gobyerno ang school nila kaya sila ang

kauna-unahang batch na nakagamit ng mga bagong lamesa at upuan. Pero

siyempre, dahil sampung taon na ang nakakalipas, halatang napaglumaan na

ang mga ito ngayon.

Dahil wala namang mga estudyante, natural lang na nakalock ang mga

classroom. Pero buti nalang, may isang bintana na naiwanang bukas sa Class

Three.

Kaya biglang binitawan ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao para akyatin

ang nasabing bintana. Tumuntong siya sa lamesa na nasa loob ng classroom at

tumalon sa sahig bago siya maglakad papunta sa pintuan para pagbuksan

naman si Qiao Anhao.

Pagkapasok ni Qiao Anhao, muli niyang sinarado ang pintuan at hinawakan ang

kamay nito. Habang naglalakad, isa-isa niyang pinagmasdan ang mga lamesa

at upuan hanggang sa bigla siyang huminto at sinabi habang nakaturo sa isang

partikular na upuan, "Diba dun ka laging nakahiga noong nasa Class Three ka

pa?"