Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 561 - Labintatlong taon kitang minahal (32)

Chapter 561 - Labintatlong taon kitang minahal (32)

"May kailangan lang akong sabihin sakanya." Natigilan si Lu Jinnian bago siya muling magpatuloy,. "Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

Matalino si Qiao Anxia kaya nahulaan niya kaagad na nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Lu Jinnian at Qiao Anhao. Marahil dahil na rin sa itsura ni Lu Jinnian na halatang atat na atat sa impormasyon. Hindi lang yun, pakiramdam niya rin ay wala pa itong tulog at mukhang nagpaulan ito kagabi. Hindi kaya hinintay nito si Qiao Anhao buong magdamag?

Pero ang hindi nito alam ay nahulog si Qiao Anhao kahapon sa hagdanan at dalawang oras palang mula ngayon noong maideklara na naging stable ang lagay nito matapos itong macomatose…

Biglang may pumasok sa isip ni Qiao Anxia. Kung magsasalita siya, madaling mahahanap ni Lu Jinnian si Qiao Anhao.

Imbes na sumagot ng direkta sa tanong ni Lu Jinnian ay nagtanong rin siya na tila ba nanghuhuli, "Nagaway ba kayo ni Qiao Qiao dahil sa nangyari sa Xu Enterprise?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian pero base sa pagtikom nito ng labi, nakumpirma ni Qiao Anxia na tama ang kutob niya. 

Halos kalahating minutong nanahimik si Qiao Anxia. Sa pagkakataong ito, muli siyang nagsalita na halatang may paninindigan para magtanong. "Ayaw mong mawala si Qiao Qiao at kaya mo ako hinanap dahil gusto mong malaman kung nasaan siya ngayon. Tama ba?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian.

Hindi nagtagal, dumating ang waiter na may dalang dalawang kape.

Nagpasalamat si Qiao Anxia sa waiter at hinintay niya muna itong makaalis bago niya haluin ang kape at humigop. Ayaw niyang magpaligoy ligoy kaya muli siyang nagsalita, "Lu Jinnian, pwede kong sabihin sayo kung nasaan si Qiao Qiao, pero kailoangan mo munang sagutin ang isa kong tanong."

Hindi ginagalaw ni Lu Jinnian ang kape na nasa harapan niya. Tumungo lang siya at walang pagaalinlangang sumagot pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Qiao Anxia. "Magtanong ka."

Huminga ng malalim si Qiao Anxia at pinilit niyang magsalita ng kamado. "Alam kong kailan lang nagising si Xu Jiamu at ang taong nagpapanggap na asawa ni Qiao Qiao ay ikaw. Gusto ko lang itanong… Kung ako ba ang taong na'engage kay Xu Jiamu, at kakailanganin nating magpanggap bilang magasawa, mas magiging maayos ba ang relasyon natin ngayon?"

Magsasalita palang si Lu Jinnian nang muling magpatuloy si Qiao Anxia, "Lu Jinnian, alam mo kung ano ang sagot na gusto kong marinig. Kapag pumayag ka, sasabihin ko sayo kung nasaan si Qiao Qiao ngayon."

Malinaw kay Lu Jinnian ang gustong patunguhan ni Qiao Anxia at wala siyang balak na magsinungaling. Ang kanyang mga matang namumula sa sobrang puyat at tinitigan ito habang sinasabi, "Kung ikaw ang papakasalanan ni Xu Jiamu, hindi ako papayag na magpanggap bilang Xu Jiamu."

Ngumiti si Qiao Anxia at yumuko. Nakatitig lang siya sa tasa na nasa harapan niya ng ilang sandali bago niya muling inangat ang kanyang ulo para titigan si Lu Jinnian. Muli siyang nagpatuloy, "Lu Jinnian, kung sasabihin mo lang na 'oo', sasabihi ko sayo kaagad kung nasaan si Qiao Qiao…"

Hindi na hinintay ni Lu Jinnian na matapos si Qiao Anxia sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at walang emosyon na sinabi "Sorry". At nagiwan siya ng pera sa lamesa bago siya umalis.

Noong nakita ni Qiao Anxia ang ikinilos ni Lu Jinnian sa kanya, muli siyang nagsalita, "Lu Jinnian, nakalimutan mo nab a kung bakit mo ako pinuntahan?"

Walang nagbago sa itsura ni Lu Jinnian noong tumalikod ito para umalis. 

Dali daling hinatak ni Qiao Anxia ang braso ni Lu Jinnian . "Ang kailangan mo lang namang gawin ay magsinungaling, at malalaman mo na si Qiao Qiao ay…"