Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 525 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (26)

Chapter 525 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (26)

Dati, sa tuwing nakikita niyang natutulog si Qiao Anhao sa mga braso niya kapag nauuna siyang magising, hindi naman sa hindi siya masaya, pero kung ikukumpara ngayon, masasabi niya na naguumapaw siya sa sobrang saya at kilig.

Labintatlong taon, na maglalabingapat na…Noong una, wala lang siyang kakayahang mahalin at nang lumaon, ang pagmnamahal niya ay naging ipinagbabawal. Pero ngayon, pwedeng pwede niya na itong mahalin. Limang libong gabi na siyang nagtiis… Ang pera niya noon na hindi pa umabot sa tatlong numero ay naging higit na sa sampu ngayon…Sa wakas, may karapatan na siyang mahalin si Qiao Anhao.

Malayo siya sa pagiging madrama, pero sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang maluha sa sobrang saya.

Simula noong imulat niya ang kanyang mga mata, nakatitig lang siya kay Qiao Anhao at hindi siya nagsasawa sa mukha nito. Simula kagabi, hindi pa sila nagpapalit ng posisyon kaya medyo namamanhid na ang braso niya, pero wala siyang pakielam dahil kuntento siya at ayaw niyang gumalaw kahit konti. Pagtungtong ng alas otso ng umaga, tumunog na ang kanyang alarm. Maingat niyang inalis ang ulo ni Qiao Anhao sa braso niya at bago siya umalis, hinalikan niya muna ito sa noo.

Pagkatapos niyang maghanda papasok sa trabaho, hindi niya nakalimutang bilhan si Qiao Anhao ng umagahan na nilagay niya sa thermoflask. Habang nasa byahe, tinext niya ito para paalalahanan na kumain ng umagahan at ang gym card, lounge card, at bank card ay iniwan niya sa lamesa. Ang gym at lounge card ay magagamit sa mall na kalapit lang ng apartment niya para kung sakaling mainip si Qiao Anhao ay may mapaglilibangan ito.

-

Alas diyes na ng umaga nang magising si Qiao Anhao. Medyo nanghihina at masakit ang kanyang katawan kaya tumagilid siya at yumakap sa kumot para sana bumalik sa tulog pero makalipas ang limang segundo, napansin niya na wala siyang kahit anong suot.

Natigilan siya at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niya ng maigi ang kanyang katawan at nakita niya na punong puno siya mga kiss mark. Pagkatalikod niya, nakita niya ang kanyang nigt gown na nasa sahig at doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.

Wala silang kahit anong transaksyon, pero may nangyari sakanila….

Kahapon, naniniwala na siya na magkaibigan lang talaga sila, pero matapos ang nangyari sakanila kagabi, hindi na sila pwedeng maging basta bastang magkaibigan nalang.

Wala siyang maalalang ginawa niya para akitin ito kagabi kaya kahit saang anggulo tignan, mukhang ginusto talagya ni Lu Jinnian na mangyari ang lahat. Pero hindi ito nagpaliwanag…Ano naman kaya ang ibig nitong sabihin?

One night stand? Friends with benefits? Girlfriend? Pero hindi pa nga nanliligaw sakanya si Lu Jinnian o kahit manlang umamin ng nararamdaman nito sakanya…

Ang daming tumakbo sa isip ni Qiao Anhao. Hindi niya na talaga matukoy ang tunay intensyon ni Lu Jinnian kaya noong ayaw niya ng magisip, bumangon nalang siya sa kama at naglinis ng kanyang sarili. Pagkabalik niya, kinuha niya ang kanyang phone at bumungad sakanya ang mga text message ni Lu Jinnian.

Bumaba siya sa kainan at sinilip ang mga card na nasa lamesa. Sa tabi ng bank card, may maliit na papel na nakasulat ang password. Sigurado siya na 'yun ang subsidiary card ni Lu Jinnian.

Habang hinahalo niya ang lugaw na binili ni Lu Jinnian para sakanya, nakatitig lang siya sa mga card at sinusubukan niyang intindihin ang mga bagay bagay.

Pagkatrapos niyang sumubo, biglang tumunog ang kanyang phone. Pagkasilip niya, nakita niya ang pangalan ni Lu Jinnian na tumatawag sakanya.