Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 500 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan kita nalang (1)

Chapter 500 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan kita nalang (1)

Hindi inalintana ni Lu Jinnian ang paulit ulit na "Mr. Lu" ng kanyang assistant. Pagkaputol ng tawag, dali-dali siyang pumara ng taxi pero bago siya umalis, iniwanan niya muna ng bilin ang assistant, "Magempake ka na at magcheck out sa hotel." At sinabi sa taxi driver, "Sa Airport."

Habang nakatayo sa labas ng taxi, sobrang balisa ng assistant dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya kaya muli niyang tinawag si Lu Jinnian, "Mr. L…", pero biglang umandar ang taxi na sinasakyan nito bago pa siya matapos magsalita.

Napapadyak at napasabunot nalang ang assistant sakanyang buhok nang muli niyang tignan ang hotel na pinaggalingan nila. Dahil wala na talaga siyang pagpipilian, nagdesisyon siyang tawagan nalang si director Wang, ang unang pinapunta ni Lu Jinnian na sa Hongkong para umattend ng meeting na bigla nalang nitong kinancel.

-

Habang nasa byahe papunta sa airport, paulit ulit na tinawagan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao pero ni isang beses ay hindi ito sumagot kaya sinubukan niyang tadtarin ito ng message sa WeChat pero hindi pa rin siya nakakuha ng reply. 

Siguro masyado lang siyang naging apektado sa narinig niya, pero nagaalala siya na baka alam na ni Qiao Anhao na may ibang babae si Xu Jiamu.

Ilang beses niya na itong tinawagan at minessage pero hindi ito sumasagot, hindi kaya nagtatago ito para magmukmok at umiyak?

Habang iniisip ni Lu Jinnian ang mga posibilidad, lalo lang siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Kung pwede lang siyang magteleport papunta sa tabi ni Qiao Anhao kagaya ng mga ginagawa ng mga characters sa xuanhuan novels.

Pagkarating niya sa airport, binayaran niya ang taxi driver at nagdire-diretso sa counter para magcheck in sakanyang flight. Pagkatapos niya sa security, sumakay siya kaagad sa eroplano…. Wala siyang balak na magsayang ng oras kaya ginawa niya ang lahat ng mga kailangan niyang gawin sa lalong madaling panahon. 

Hindi nagtagal, lumipad na rin ang eroplanong sinasakyan niya. Unti unting kumalma ang galit na nararamdaman niya, habang pinagmamasdan niya ang mga night light ng Hong Kong mula sa itaas.

Ginamit niyang palusot ang trabaho para pumunta sa Hong Kong dahil alam niyang makakabuti para kay Qiao Anhao kung iiwas nalang siya. Hindi niya naman inakala na sa malayong lugar niya pa maririnig ang nakakalungkot na balita tungkol dito. 

Kahit kailan ay hindi niya naisip na magiging tagapagligtas siya ninuman, pero wala siyang ibang gustong gawin kundi protektahan si Qiao Anhao mula sa mga gustong manakit dito.

Maaring hindi pa alam ni Qiao Anhao ngayon na may iba ng mahal si Xu Jiamu pero wala alam man nito o hindi, wala pa ring magbabago dahil uuwi pa rin siya para samahan ito.

Dahil ayaw niya itong maging magisa sa pinakamalungkot at nakakadesperadong mga araw ng buhay nito.

Kaya gusto niyang magmadaling umuwi para palakasin ang loob nito.

Makalipas ang dalawang oras, sa wakas lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan niya sa Beijing International Airport.

Malalim na ang gabi noong makabalik siya at sumalubong pa sakanya ang napakalakas na buhos ng ulan kaya dumiretso siya sa sakayan ng taxi. Medyo mahaba ang pila kaya habang naghihintay, sinubukan niyang tawagan si Qiao Anhao pero hindi talaga ito sumsasagot hanggang sa tuluyan na siyang maubusan ng ma'deadbatt.

Dahil hindi na talaga siya mapakali, nagdesisyon na siyang sugurin ang ulan.

Hindi nagtagal, basang basa na siya pero halos limang kilometro pa ang layo bago siya makalabas ng airport. Hindi siya nagpatinag sa ulan at tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo.

Madalang lang ang dumadaan na sasakyan kaya kinailangan niyang maghintay ng matagal. Nang makakita siya ng itim na taxi, agad niya itong pinara at sinabi sa driver ang address papunta sa Mian Xiu Garden.

Pagkauwi niya, agad niyang binayaran ang driver at nagmamadaling dumiretso sa mansyon ni Xu Jiamu. Hindi niya makahinga ng maayos sa sobrang pagaalala kaya paulit ulit niyang pinindot ang doorbell.

-

Matagal ding umiyak si Qiao Anxia bago ito tuluyang kumalma. Sa tulong ng mga staff ng Royal Palace, naisakay ni Qiao Anhao ang kanyang pinsan sa sasakyan at naihatid sa tinutuluyan nito. 

Related Books

Popular novel hashtag