Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 329 - Patawarin mo ako (9)

Chapter 329 - Patawarin mo ako (9)

Napahinto ang doktor bago muling magpatuloy, "Ang sleeping pills ang main reason ng miscarriage."

Hindi nakagalaw si Lu Jinnian at biglang namutla ang kanyang mukha.

"Isa pa, ang klase ng sleeping pills na iniinom niya ay may component na nagpapawalang malay sa mga gumagamit nito at 'yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising."

Habang isinasagawa ang operasyon, tinurukan ko ang asawa mo ng anesthesia na siguradong nahalo sa sleeping pills na ininom niya kaya malaki ang posibilidad na baka mas matagalan bago siya magising. Pero ang magandang balita naman ay kapag mabuti na ang pakiramdam niya sa oras na magising siya, maari na siyang makauwi agad ngunit siguradong mahina pa ang katawan niya kaya dapat siguraduhin mong makakapagpahinga siya ng marami. Dahil sa naging operasyon niya, normal lang na halos isang linggo siyang duduguin pero kapag hindi ito huminto, kailangan niyong bumalik dito para matignan."

Marami ng nasabi ang doktor at dumidirekta na siya sa punto ng mga kailangan niyang sabihin para hindi na masyadong tumagal ang usapan pero nang makita niya ang itsura ni Lu Jinnian, bigla siyang napahinto para subukan pagaanin ang loob nito.

"Mr. Lu, sana hindi mo sinisisi ang sarili mo kahit na malungkot ka. Sapat ng pruweba na nandito ang bata para patunaya na ginawa niyo ang lahat para hindi mapigilan ang pagdating niya. Siguro malungkot ka dahil nawalan ka ng anak, pero siguradong mas malala ang mararamdaman ng asawa mo, dahil normal yun sa isang ina."

"Isa pa, kung malalaman niya na siya mismo ang naging dahilan kung bakit namatay ang sarili niyang anak, siguradong sobrang babagabagin siya ng kanyang konsensya. Kaya naisip ko na sayo ko muna unang sabihin para hindi na siya masyadong magulat kapag nalaman niya ito sa oras na magising siya."

Hindi maintindihan ni Lu Jinnian ang nararamdaman niya, malungkot at nagdadalamhati siya pero pinilit niyang magmukhang kalmado sa harap ng doktor. Kinailangan niya ring gamitin ang lahat ng natitira niyang lakas para sumagot ng mahinang "Yea, naiintindihan ko" na hindi nagtagal ay muli niyang dinagdagan, "Thank You."

Tumango lang ang doktor at nagpaalam na rin ito dahil may mga kailangan pa itong asikasuhin kaya muli nanaman siyang naiwang mag-isa.

Kulay dilaw at hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa ward kaya hindi masyadong makaaninag si Lu Jinnian. Matagal siyang nanatili sa kanyang kinatatayuan bago niya muling tignan si Qiao Anhao na nakahiga sa kama. Medyo maputla ito dahil sa katatapos lang na operasyon ngunit bakas sa mukha nito ang kapayapaan, walang kamalay-malay sa mga nangyari.

Ano kayang gagawin ni Qiao Anhao kapag napanaginipan niya na namatayan siya ng anak dahil sa sleeping pills na ininom niya?

Malulungkot? Sisisihin ang sarili? Iiyak ng sobra? O hindi naman kaya tuluyan na siyang mababaliw?

Noong mga sandaling 'yun, wala ng ibang nakikita si Lu Jinnian kundi ang itsura ni Qiao Anhao na umiiyak dahil sa sobrang kalungkutan. Naninikip ang kanyang dibdib habang pauulit ulit niyang naririnig ang mga sinabi sakanya ng nurse at ng doktor.

"Huwag na nating pagusapan ang magiging damage sa katawan niya pagkatapos ng miscarriage… Bilang isang nanay, kung alam niyang walang kalaban-labang namatay ang sarili niyang anak, siguradong halos mamamatay siya sakit."

Siguro malungkot ka dahil nawalan ka ng anak, pero siguradong mas malala ang mararamdaman ng asawa mo, dahil normal yun sa isang ina."

Lalo lang lumala ang nararamdaman niya….Nang malaman niyang namatayan siya ng anak, pakiramdam niya ay parang sasabog ang bawat parte ng kanyang katawan; ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nakaramdaman siya ng ganun katinding sakit.

Related Books

Popular novel hashtag