Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 304 - Gumalaw na si Xu Jiamu (4)

Chapter 304 - Gumalaw na si Xu Jiamu (4)

Hindi na sumunod ang assistant ni Lu Jinnian sa loob ng bahay. Kinuha na agad nito ang susi ng sasakyan at binuksan ang pintuan para makaupo na sa drivers seat.

Uupo palang si Madam Chen para kumain dahil kakakita niya lang kay Qiao Anhao na lumabas na ng pintuan. Noong narinig niyang muling bumukas ang pintuan, inakala niya na bumalik si Qiao Anhao dahil may nakalimutan ito kaya agad-agad niyang ibinaba ang kanyang chopsticks para salubungin ito. "Miss…"

Isang salita palang ang natatapos sabihin ni Madam Chen nang makita niyang nagpapalit ng sapatos si Lu Jinnian sa entrance. Agad na nagbago ang kanyang tono para medyo mas maging pormal ang kanyang pagbati. "Mr. Lu, nakauwi ka na pala."

Hindi sumagot o kahit manlang tumingin si Lu Jinnian kay Madam Chen at mukhang wala rin talaga siyang balak na pansinin ito.

Sanay na sanay na si Madam Chen sa antipatikong ugali ni Lu Jinnian kaya hindi ito natinag at nagpatuloy lang sa pagtatanong habang nakangiti, "Kumian ka nab a ng tanghalian Mr. Lu? May gusto ka bang kainin?"

Medyo napahiya si Madam Chen noong hindi pa rin siya sinasagot ni Lu Jinnian kaya bandang huli ay sinabi niya nalang, "Kakaalis lang ng Missus."

"Alam ko." Dalawang salita lang ang isinagot ni Lu Jinnian para sa tanong ni Madam Chen.

Dahil sumagot na si Lu Jinnian sa kanyang tanong, ipinagpatuloy ni Madam Chen ang kanyang pagsasalita, "Mr. Lu, siguradong nag'enjoy ka sa pagcecelebrate ng birthday mo kagabi, tama ba?"

Biglang nandilim ang paningin ni Lu Jinnian matapos sabihin ni Madam Chen ang salitang 'kagabi'. Nanlisik ang kanyang mga mata at nagmamadaling naglakad papunta sa hagdanan.

Mula palang umpisa ay hindi napansin ni Madam Chen na hindi maganda ang mood ni Lu Jinnian kaya habang nakatayo ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "Dapat malaman mo na buong hapong inihanda ni missus ang surprise niya para sayo."

Surprise. Anong surprise?

Parang may biglang pumigil kay Lu Jinnian kaya bigla siyang napahinto sa hagdanan.

"Bumili si missus ng maraming baking items dahil gusto ka niyang ipagbake ng cake. Sabi niya sakin, yun daw ang unang beses na nakapagbake siya kaya nga naiinis siya kasi hindi raw maganda ang pagkakagawa niya. Pero sa tingin ko ay may talent talaga si missus kaya naging matagumpay ang una niyang subok."

"Nagdikit din si missus ng mga lobo sa buong bahay, at inarrange yung mga maliliit na kandila sa balcony ng kwarto niyo para makabuo ng mga salitang…"

Hindi na hinintay ni Lu Jinnan na matapos si Madam Chen sa pagsasalita at tumakbo na siya paakyat. Pwersado niyang binuksan ang pintuan ng kanilang kwarto pero wala naman siyang nakitang pagbabago rito. Puti ang mga pader, may mga kulay berdeng halaman na magaganda ang tubo sa balcony, bukas ang mga bintana kung saan pumapasok ang sariwang hangin at ang mga kurtina ay sumasayaw kasabay ng mga halaman kaya lalo pang naging mukhang maaliwalas kwarto pero wala siyang nakitang kagaya ng mga sinabi ni Madam Chen.

Wala pang sampung segundong nakatayo si Lu Jinnian sa may pintuan noong nagmamadali siyang bumaba papunta sa kusina.

Agad siyang sinundan ni Madam Chen noong nakita siya nitong nagmamadaling naglalakad papuntang kusina. "Mr. Lu, ako ng bahala dito sa kusina. Ano bang gusto mo? Hayaang mong tulungan kita."

Hindi sumagot si Lu Jinnian. Hinalughog niya ang buong kusina at napatunayang tama nga ang sinabi ni Madam Chen. Noong una ay may nakita siyang isang brand new na oven ngunit hindi pa rin siya nakuntento at isa-isa niyang hinila ang mga kitchen drawers. Pagkabukas niya ng isang storage cabinet, bumugad sakanya ang iba't-ibang klaseng baking ingredients. 

Naramdaman ni Lu Jinnian na parang may nakabara sa kanyang lalamunan na sumasakal sakanya. Hindi ito komportable pero lamang pa rin ang gulat na nararamdaman niya dahil sa kanyang mga napagalaman kaya hindi siya makapagsalita.

Ibinalibag niya ang mga pintuan ng mga aparador para maisara ang mga ito at nagmamadali siyang naglakad palabas ng bahay.

Nagmamadaling binuksan ng assistant ang makina ng sasakyan at ang passenger door noong sandaling nakita siya nitong naglalakad palabas ng pintuan.

Diretso lang ang tingin ni Lu Jinnian habang naglalakad palabas ng mansyon.

Kagaya ni Madam Chen, nagugulahan din ang assistant habang pinagmamasdan siya nitong maglakad papalayo, pero hindi nagtagal ay kumaripas din ito para sundan siya.

Pagkarating ng assistant sa gate, nakita nito si Lu Jinnian na may kinalkal sa basurahan at parang may hinahanap…

Related Books

Popular novel hashtag