Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 247 - Do You Know Who He Likes? (7)

Chapter 247 - Do You Know Who He Likes? (7)

Malinaw na mayroong taong nasa likod nito. Simple lang ang hangarin nito at ito ay ang sirain si Lin Shiyi.

Nangyari ang lahat ng ito kay Lin Shiyi matapos ang gabing muntik ng mapahamak si Qiao Anhao. Ang taong nasa likod kaya nito ay si….

Walang maisip si Qiao Anhao kung sino ang maaring gumawa nito nang biglang magsalita si Zhao Meng na nakaupo sa harapp niya, "Qiao Qiao, sinasabi ng mga tao sa WeChat group na inaatras na ni Producer Sun investment niya sa 'Alluring Time'!"

Natigilan si Qiao Anhao at agad niyang pinatay ang Weibo para buksan naman ang WeChat. Sumod-sunod ang mga pumapasok na messages at ang pinaguusapan dito ay puro patungkol sa pagatras ni Producer Sun ng investment nito.

"Isang bilyon ang ininvest ni Producer Sun sa pelikulang 'Alluring Times'. Bakit niya biglang iaatras ito?"

"Oo nga? What the hell happened? Kahapon lang nilibre pa tayong lahat ni Producer Sun, tapos ngayon iiwan niya na tayo?"

"Hindi lang yun, kaninang umaga, umalis na rin si Producer Sun sa WeChat group natin."

"Hindi ko pala nasabi, minessage ko siya sa WeChat pero hindi siya nagreply. Sinubukasan ko rin siyang tawagan, pero hindi rin siya sumagot…"

Ilang sadlit lang, sobrang dami na ng messages na patuloy na lumalabas sa WeChat at medyo nahilo si Qiao Anhao habang binabasa ang mga ito kaya ibiniba niya muna ang kanyang phone. Si Zhao Meng na nakaupo sa harap niya ay nag'basa ng isang chat, "Kahit na medyo manyak si Producer Sun, mayaman siya. Galing siya sa pamilya na nagmamayari ng coal mines at nakapaginvest na rin siya sa iba't-ibang pelikula at television shows nitong mga nakaraang taon. Sobrang dami niyang pera. Ang 'Alluring Times' ay napakalaking production at dalawang bilyon ang total investment para dito. Isang bilyon galing kay Producer Sun, at ang isang bilyon ay galing kay Mr. Lu."

Habang binabasa ito ni Zhao Meng, bigla may pumasok sa isip nito. Tumingin ito kay Qiao Anhao at nagtanong, "Qiao Qiao, nagkataon lang kaya? Kahapon muntik kang mapahamak tapos ngayon biglang nasira si Lin Shiyi at si Producer Sun naman ay biglang binawi ang kanyang investment. Magsalita ka, sa tingin mo may kinalaman ito sayo? Sa tinigin mo ba si Mr. Lu ang gumawa nito?"

Naisip na rin ito ni Qiao Anhao, pero noong narinig niya na sinabi ito ni Zhao Menng, bigla siyang kinabahan.

"Para sirain ni Mr. Lu si Lin Shiyi, naiintindihan ko yun. Deserve naman kasi yun ni Lin Shiyi. Pero walang rason si Mr. Lu na hayaan si Producer Sun na iatras ang investment nito. Naisip mo ba na kung walang magcocover ng investment ni Producer Sun, malamang kakailanganin nating itigil ang pagfifilm ng 'Alluring Times'? Kung ganun ang mangyayari, mawawala din ang isang bilyon na ininvest ni Mr. Lu. Maling mali yun!"

Naguguluhan si Qiao Anhao sa mga sinasabi ni Zhao Meng. Mukhang sigurado ito na si Lu Jinnian ang nasa likod ng mga nangyayari, pero hindi niya rin talaga ito alam…Kinabahan siya at nalungkot sa pagaalala na kung hindi maayos ang finances ng 'Alluring Times' at isang bilyon ang mawawala kay Lu Jinnian.

-

Dahil nag'pull out si Producer Sun ng kanyang investment sa 'Alluring Times', tatlong araw na walang pasok ang mga production crews.

Ang unang rason kaya pumunta si Zhao Meng ay para ibalik ang bag ni Qiao Anhao, at ang pangalawa ay para makita siya. Nag'stay ito hanggang alas tres ng hapon bago umalis.

Ilang minuto palang ang nakakalipas noong makaalis si Zhao Meng, lumabas na ang balita na inaantras na ni Producer Sun ang kanyang investment. Ang mga balita sa Weibu ay puro tungkol kay Lin Shiyi at sa pelikulang 'Alluring Times'.

Dahil sa inip, ipinagpatuloy ni Qiao Anhao ang pagbabasa sa Weibo ng buong maghapon hanggang sa inabot na siya ng gabi sa dami ng pumapasok sa isip niya kaya bandang huli sinubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili.

Pagkatapos niyang mag gabihan, umakyat siya kaagad sa kwarto sa second floor. At hindi pa man din nakakaupo ng matagal ay biglang tumunog ang kanyang phone.

Related Books

Popular novel hashtag