Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 226 - Suspected Love (14)

Chapter 226 - Suspected Love (14)

Laking gulat ni Qiao Anxia dahil ang pagkakasabi ni Lu Jinnian ay ginamit ng kanyang assistant ang sasakyan noong hapong iyon. Ibig sabihin, kinailangang sabihin ni Lu Jinnian kay Cheng Yang na nasa kanyang assistant ang sasakyan para makasabay ito…

Malinaw na nagsisinungaling siya…. Pero bakit niya kailangang magsinungaling?

Sinabi lang niya noong nasa Huan Ying Entertainment siya na gusto ni Qiao Qiao ng crayfish, Tapos, kinagabihan nilibre ni Lu Jinnian ng crayfish ang buong crew.

Noong nagkaroon sila ng aksidente ni Qiao Anhao, nagmamadaling pumunta sa lugar sina Cheng Yang at Lu Jinnian. Tinignan lang nito si Qiao Anhao ng hindi manlang nagsasalita tapos agad rin itong kumuha ng at umalis.

Noong gabi naman, halatang halata na nakatitig ito habang sumasayaw si Qiao Qiao. Tapos, may maliit na bote ng gamot sa loob ng bag ni Qiao Qiao.

Lalo pang pumuputla ang mga daliri ni Qiao Anxia habang patagal ng patagal siyang nakababad sa lababo at para bang sumisikip ang dibdib niya.

Kung dati kutob lang ang lahat dahil sa woman's intuition, pwes ngayon kung hindi man 100% na sigurado si Qiao Anxia, malamang nasa 90% pa rin ito…Si Qiao Anhao ang taong mahal ni Lu Jinnian na matagal niya ng hinihintay. Umpisa palang hindi na nito naisip na sumuko sa kanyang pagmamahal!

Si Qiao Anhao nga, si Qiao Anhao nga…

"Xia Xia? Xia Xia?"

Nang marinig ni Qiao Anxia ang mahinang boses na tumatawag sa kanya, tumingin siya sa taong nasa harap niya at napatulala.

Kumunot ang mga kilay ni Cheng Yang, hinawakan niya si Qiao Anxia sa balikat nito, at nagaalalang sinabi, "Xia Xia, may nararamdaman ka bang hindi maganda?"

Tumingin si Qiao Anxia sa kamay na nasa kanyang balikat, muli siyang natauhan nang iniangat niya ang kanyang ulo at tumingin kay Cheng Yang sabay tungo at sabi, "Okay lang ako."

Kinapa ni Cheng Yang ang ulo ni Qiao Anxia. Nawala ang pag-aalalang nararamdaman niya nang malaman normal lang ang temperature ni Qiao Anxia pero hindi pa rin siya mapalagay at nagaalalang nagtanong, "Hindi ka mukhang okay?"

Pinilit ngumiti ni Qiao Anxia at isinandal niya ang kanyang katawan sa braso ni Cheng Yang. Medyo matagal din siyang nakasandal dito habang nakapikit at mahinang sinabi, "Mejo pagod na ako. Tara balik na tayo para makapagpahinga."

"Okay," masunuring sagot ni Cheng Yang.

Lumabas sila ng banyo habang nanitiling nakasandal si Qiao Anxia sa braso ni Cheng Yang. Hindi pa man din sila nakakalayo ay muling nagtanong si Cheng Yang, "Xia Xia, okay ka lang ba talaga? Kung may nararamdaman ka, sabihan mo lang ako para madala kita sa doctor."

Medyo gumaan ang nararamdaman ni Qiao Anxia at tumungo kay Cheng Yang. Pabiro siyang nagsinungaling, "Siguro dahil malapit ng dumating ang period ko. Medyo sumasakit na rin ang tyan ko. Wala lang ito."

-

Hindi nakapagtapos si Lin Shiyi ng junior high. Pagkatapos niyang madrop out, una, naging side chick siya at ginamit ang kanyang katawan at magandang mukha para mapalapit sa ilang mayayamang boss. Habang namumuhay siya ng masagana, may nakilala siyang isang film investor sa isang dinner party noong taong nagnineteen years old siya. Kahit na fifty years old na yung lalaki, naisip pa rin ni Lin Shiyi na baka yun na ang magiging susi para sa kanyang big break. Kaya pagkatapos na pagkatapos noong dinner party na iyon, sikreto niyang iniabot ang kanyang number sa kamay ng matandang lalaki.

At dahil siya ang gumawa ng first move, mabilis na nagumpisa ang kanyang career sa entertainment industry.

Mula sa edad na nineteen hanggang twenty seven, walong taon na ang ginugol ni Lin Shiyi sa entertainment industry at gagawin niya ang lahat para makarating sa tuktok.

Of course, paiba-iba ang kanyang mga sugar daddies at ang bawat isa ay mas makapangyarihan kumpara sa nauna. Sa panahon ngayon, para makasabay sa mundo, minsan ang background ng tao ang mas importante kaysa sa skills. 

Related Books

Popular novel hashtag