Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 148 - Gusto mo rin ang tag-ulan? (12)

Chapter 148 - Gusto mo rin ang tag-ulan? (12)

Hindi sila pinansin ni Qiao Anhao sa simula pero ng kalagitnaan na, pansin niya ang paglingon ng ilang tao sa kanya na tila siya ang pinag-uusapan.

Masama ang pakiramdam niya tungkol dito. tumigil siya sa pagkain at tinanong si Zhao Meng, "May nangyari ba ngayon?"

Sakto naman na pansin niya na may chopstick naka turo sa kanya. Kita ito ni Qiao Anhao, mabilis na umiwas ang babae. Nagtaka si Qiao Anhao, may kung ano ang kumakalat sa crew.

Bumulong siya kay Zhao Meng, "Pagkatapos mong kumain, alamin mo kung ano ang nangyayari."

Tumayo na sila, paalis pero narinig nila ang pag-uusap.

Nasa 4 floor ang restaurant ng hotel at may madadaan kang elevator, may smoking lounge.

Matapos ng tanghalian. Mga 5 tao ang nasa smoking lounge at nag-uusap.

"Sabi ko na hindi na kuha ni Qiao Anhao ang role dahil sa kakayahan niya. Maraming tao ang may magandang acting skills pero hindi pa ako naka kita na palitan ang second lead ng late notice!"

Lumingon si Zhao Meng kay Qiao Anhao.

Nanatiling kalmado si Qiao Anhao, sinenyasan na manahimik si Zhao Meng, para hindi magulat ang mga nag-uusap. Naupo lang siya at patuloy nakinig.

"Yung mga babaeng inosente ang mukha ang tunay na pok-pok talaga." Isang third rate actor ang nagsabi nito na nagsimula bilang isang model. Hawak ang sigarilyo, tumawa siya at humithit ng sigarilyo at sinabi, "Pero talagang kalmado siya, siguro hindi niya alam na ang kahiya-hiyang ginawa niya ay na bisto. O baka makapal lang ang mukha."

Related Books

Popular novel hashtag