Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 123 - Labas-pasok ng filming (9)

Chapter 123 - Labas-pasok ng filming (9)

Dahan-dahan hinagod ni Lu Jinnian ang labi ni Qiao Anhao at ng bubuksan na niya ang labi niya gamit ang dila, bigla siyang tumigil. Tinaas niya ang ulo niya at humingi ng tawad sa direktor.

"Sorry, Isa pa ulit. Hindi kasi namin ramdam."

Tumango ang direktor at inulit at sumenyas sa staff na humanda sa set.

Kahit may filming sila Qiao Anhao at Lu Jinnian. Bihira sila nag-uusap sa likod ng kamera.

Tumayo na si Lu Jinnian para umalis pero bigla itong lumingon kay Qiao Anhao habang naka upo it o sa sofa. "Mamaya, pagsimula na ng shooting. Titignan kita at titignan mo ako. Malinaw sa script na dapat titigan natin ang isa't isa."

Alam ni Qiao Anhao na dapat titignan niya ito laging sa iba ang tingin niya dahi takot itong tignan ang mata nito. Nang sinabi ito ni Lu Jinnian hindi niya maiwasan na magmula. Tumango na lang siya at sumagot ng "mm."

Umalis na si Lu Jinnian pagtapos niya sabihin ito.

Marami ng nagawang NG sa eksena nila kaya inis na ang direktor. Kaya sinabihan nito si Qiao Anhao.

"Xiao Qiao, Relax ka lang at huwag kang kabahan."

Nagsimula na ang reshooting.

Sa isang magandang villa, tahimik nanonood si Qiao Anhao ng TV. Nang marinig niya ang tunog ng pinto. Lumingon siya at na kita niya si Lu Jinnian na lasing naglalakad papunta sa bahay. Binati niya si Lu Jinnian at inaalalayan papunta sa sofa. Ayon sa script, naglagay siya ng tubig sa baso nang bigla siyang hawakan nito.

Kumpara sa ibang NG medyo mahigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa kanya at tinulak siya habang nasa ibabaw ang katawan nito.

Nagkatitigan silang dalawa. Gusto sanang umiwas ni Qiao Anhao pero naalala niya ang sinabi ni Lu Jinnian sa kanya. Kaya pinilit niya hindi umiwas at tumingin kay Lu Jinnian.

Maganda ang mata ni Lu Jinnian, madilim pero tila wala itong katapusan. Sinubukan niyang itago ang cold demeanor niya.

Related Books

Popular novel hashtag