Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 110 - Chapter 110: Ang sikretong hindi maaring mabunyag (4)

Chapter 110 - Chapter 110: Ang sikretong hindi maaring mabunyag (4)

Hindi na tinuloy ni Qiao Anhao ang sasabihin niya dahil naging mas naka katakot ang mukha nito kesa kanina.

Tahimik ulit ang buong sasakyan. tinuon niya ang atensyon sa advertisement.

Gayumpaman, matapos ng 2 minuto tumugtog ang pamilyar na kanta. Gustong gusto ito ni Qiao Anhao matapos umalis ng eskwela kaya lang hindi niya maalala ang pangalan ng kanya.

Mahaba ang melody ng kanya pero ng kumanta ang singer alam niyang galing ito kay Jay Chou.

"Matapos kong magkape, ang pinipigilan kong damdamin,

Kita sa aking mukha ang nakaraan gusto kong balikan.

Hindi ulan ang pinakamaganda.

Ito ay ang bahay kung saan tayo sumilong..."

Nang marinig ni Qiao Anhao ang lyrics naalala niya ang pangalan ng kanta - "Secret".

Maraming magandang classics si Jay Chou halos lahat ng tao sa eskwelehan ay gusto siya. Ito ang paborito niya sa lahat ng kanta dahil sa linya na,

"Hindi ulan ang pinakamaganda.

Ito ay ang bahay kung saan tayo sumilong..."

Pinanonood ni Qiao Anhao ang pelikulang 'Secret' dahil idolo niya si Jay Chou. Wala siyang interest sa pelikula pero piano melody ang nagbibigay ng saya sa kanya.

Naalala niya ang imahe nang sumilong sila ni Lu Jinnian sa ulan. Nang marinig niya ang lyrics. Kaya pa ulit-ulit niya itong pinakinggan.

Sumusulyap si Lu Jinnian kay Qiao Anhao back mirror habang nagmamaneho. Pansin niya na titig ito sa radyo at malalim ang iniisip. Nangunot ang noo niya, ilang beses niya narinig ang musikang ito. Nang marinig niya ang mga linya,

"Hindi ulan ang pinakamaganda.

Ito ay ang bahay kung saan tayo sumilong..."

Malakas ang ulan sa labas. Kinalma niya ang sarili, sa kauna-unahang pagkakataon nagtanong siya kay Qiao Anhao, "Anong kanta yan?"

Sandaling tumigil si Qiao Anhao, sumagot, "Secret." Bago nagpatuloy, "Kanta ni Jay Chou ilang taon na nakalipas."

Related Books

Popular novel hashtag