Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 63 - Pumirma Ka Dito (3)

Chapter 63 - Pumirma Ka Dito (3)

Naramdaman ni Qiao Anhao ang hangin nagmula sa papeles dahilan para buksan niya ang mga mata at nakita niya tinuturo ni Lu Jinnian ang hugis kahon na sa kanang bahagi ng papel. Inutos nito na, "Pumirma ka" at umalis papunta sa changing room.

Tinignan ni Qiao Anhao ang papel ng pumasok si Lu Jinnian sa changing room. Isa itong cosmetics endorsement contract at isa rin ito sa nangungunang luxury brands sa mundo at tanging dayuhang model ang kinukuha.

Gusto ni Lu Jinnian na pirmahan niya... Ibig sabihin binibigay nito ang endorsement sa kanya?

Pakiramdam ni Qiao Anhao panaginip ito para sa kanya.

Lumubas ng bihis na bihis si Lu Jinnian galing sa changing room. Tumayo ito sa harap ng salamin at inayos ang necktie habang ito ay naka tingin kay Qiao Anhao. Nagtanong siya, "Pinirmahan mo na?"

Gumising si Qiao Anhao sa kanyang panaginip at lumingon kay Lu Jinnian, kita na hindi siya makapaniwala.

"Binibigay mo sa akin itong endorsement?"

Iwas na sumagot si Lu Jinnian "yea."

Saya ang bumalot sa puso ni Qiao Anhao niya, binibigay sa kanya ni Lu Jinnian ang endorsement pero agad din siya na balot ulit ng duda.

Bakit nito binigay ang endorsement sa kanya ng walang dahilan?

Inayos ni Lu Jinnian ang necktie niya saka humarap kay Qiao Anhao. Tumignin siya sa contract na hawak ni Qiao Anhao at sumimangot ng makita blanko ng kahon kaya nagtanong, "Bakit hindi ka pumirma? hindi ka ba interesado sa cosmetics endorsement?"

Bumalik sa realidad si Qiao Anhao ng marinig ang boses ni Lu Jinnian at bago niya pirmahan ang papel, gusto niya na klaruhin ang kanyang duda.

"Bakit mo binibigay sa akin ang endorsement?"

"Dahil deserve mo," walang ganang sagot ni Lu Jinnian.

Deserve ko? Hindi maintindahan ni Qiao Anhao ang sinabi nito.

Tinignan lang siya ni Lu Jinnian. Tumahimik ang buong kuwarto sa binitawan niyang salita, "Reward mo kahapon ng gabi."

Reward para sa kahapon ng gabi... Ito pala ang reward ulit para sa kanyang katawan.

Limang segudo natigilan si Qiao Anhao bago maintindahan ang ibig sabihin ni Lu Jinnian. Nawala agad ang kaunting saya sa kanya dahilan para humigpit ang hawak niya sa pen.