Hindi mapigilang mamangha ni Qiao Anhao sa mukha ni Lu Jinnian.
Hindi namalayan ni Qiao Anhao ang paglipas ng oras kaya ng tumingin siya sa bintana ay gabi na at naririnig niya ang tunog ng mga insekto sa labas.
Walang ilaw sa kwarto kaya kinuha ni Qiao Anhao ang telepono niya at pina-ilaw ito para makita ang paligid. Matapos niya gawin iyon. Tinignan niya ang kondisyon ni Lu Jinnian. Hinawakan niya ang noo ni Lu Jinnian, bumaba na ang temperatura nito ngunit, medyo mainit pa ito kaya pinalitan niya ng bagong malamig na tuwalya at nilagay sa noo nito.
Binantayan ni Qiao Anhao ito para palitan ang tuwalya sa noo, hindi ito natulog. Hanggang sa sumapit ang 11 pm ng gabi. Nakapagpahinga ito ng hindi na mataas ang lagnat ni Lu Jinnian. Kaya umupo siya sa sahig, sinandal ang sarili sa gilid ng kama at nakatulog dahil sa sobrang antok.
Hindi maayos ang posisyon niya sa pagtulog kaya makalipas ang ilang oras ay nagising siya. Hinipo niya agad ang noo ni Lu Jinnian, mainit ito kaya nilagayan niya ng bagong malamig na tuwalya ang noo nito. Walang epekto kay Lu Jinnian dahil tumaas ulit ang lagnat nito at dumaing ito sa sakit kahit walang malay.
Panandaliang solusyon ang malamig na tuwalya, para tuluyang mawala ang lagnat nito. Kailangan na ni Lu Jinnian uminom ng gamot. Lalong nag-alala si Qiao Anhao dahil malalim na ang gabi at silang dalawa lang ang nasa mansyon.
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian bago gumawa ng desisyon. Tumayo ito at kinuha ang gamot na nakalagay sa lamesa katabi ng kama at nilagay ni Qiao Anhao ang gamot sa bibig ni Lu Jinnian bago kumuha ng tubig at uminom ng tubig. Dahan-dahan nilapit niya ang kanyang bibig sa labi ni Lu Jinnian.
Nararamdaman ni Qiao Anhao ang paghinga ni Lu Jinnian, habang papalapit siya sa kanya. Kinabahan siya, nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang parte ng ulo ni Lu Jinnian at hinawakan para hindi ito gumalaw. Nanginginig ang labi niya at dahan-dahan na nagkadikit ang kanilang mga labi.
Bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao. Pangalawang beses nang dumikit ang kanilang mga labi kung isasama ang pangyayare noong nakaraang tatlong buwan.
Pinigilan niya ang paghinga, dahan-dahan na ipinasa ang tubig sa kanyang bibig papunta sa bibig ni Lu Jinnian bago nito dahan-dahan tinulak ang gamot sa kanyang lagnat papunta sa kanyang lalamunan gamit ang tubig. Nang maramdaman nito na nalunok na ni Lu Jinnian, agad siyang lumayo dito at inalis ang mga kamay niya dito. Hinawakan niya ang kanyang mga labi at huminga siya ng malalim kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso.