Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 24 - Nang ang dalawa’y pinagsabihan, si Tangning ang nakinabang

Chapter 24 - Nang ang dalawa’y pinagsabihan, si Tangning ang nakinabang

Katataas lang ng antas ni Mo Yurou mula sa pagiging isang kabit at masayang masaya ito na ang lahat ng nangyayari ay umaayon sa kanyang kagustuhan, kaya naisip ni Tangning na pabayaan na muna ito na maging masaya ng ilang araw. Tutal naman, hindi pa niya nailalabas ang pinakamahusay na barahang hawak niya. Gayunpaman, hindi lamang nais ni Tangning na maging imposible na para sa Mo Yurou na maging isang modelo sa mga susunod na panahon, gusto din niya na mapahiya ito at mahiya na siya ay patuloy pang nabubuhay.

Nanatiling walang proyektong natatanggap si Tangning ng dahil sa ipinatigil ng kompanya ang lahat ng kanyang trabaho pagkatapos niyang gawin ang commercial para sa hf. Ngunit hindi niya ito ikinainip at ikinagalit. Kahit na marami siya natatanggap na mga salitang laban sa kanya na galing mismo sa mga tagahanga niya ng dahil sa lumabas na balitang pagsuporta niya sa isang produktong hindi mapagkakatiwalaan – ang lahat ng mga ito'y tinanggap lang ni Tangning.

Pinag – aralan ni Lin Wei ang bawat galaw at kilos ni Tangning sa kanyang mga nagawang proyekto sa nagdaang panahon. Napagtanto niya na mapagparayang tao ito at kaya nitong tiisin ang kalungkutan na normal na nararanasan ng mga taong nasa industriya.

Nakatuon pa rin sa video ni Han Yufan at Mo Yurou ang pansin ng entertainment headlines. Nakatanggap ng maraming sakit at pang – aabuso ni Mo Yurou ng dahil sa pangkukutya ng publiko sa kanyang ginawa. Samantalang, ang reaksyon ng publiko para kay Tangning ay binubuo ng dalawang klase ng magkaibang damdamin. Ang isa ay nakikisimpatya sa kalagayan ni Tangning sa kumpanya dahil ipinapalagay nila na pinipilit lang ng kumpanya si Tangning na tanggapin ang mga trabaho na katulad nito, na kung saan walang siyang kakayahang tumanggi. At isa namang reaksyon ay ang pagdududa sa kanyang desisyon na pananatili sa kumpanya sa gitna ng mga usap - usapang pagpapahirap sa kanya ng Tianyi.

Ang usaping ito ay isa sa mga pinakomplikadong debateng nagaganap sa online…

… sa kabilang banda, may mga larawan na nagmula sa katatapos lamang na photoshoot ni Tangning ay ipinakalat ng isang hindi makilalang tao. Sa isang kisap mata, biglang nagbago ang taong pinaka – pinag – uusapan sa online, at ang taong nasa gitna ng usaping ito ay si Tangning – napamangha ang mga tao sa akin niyang kagandahan at sa haba ng kanyang mga binti.

Higit sa lahat, maraming magazines ang nagsasabi na ang iba't ibang klase ng pose ni Tangning sa mga larawan ay nagpapakita na para bang natural lang lahat ng kanyang kilos, na kahit ang mga propesyonal na modelo ay hirap itong makamtan.

Habang ang tatlong tao na kasangkot sa mga eskansalo sa mundo ng enternataiment industry ay napalilibutan ng mga mga mapanuring mata ng publiko, ang mga reaksyon sa kinasasangkutang usap – usapan ni Han Yufan at Mo Yurou ay nakatatanggap ng mga negatibong tugon sa mga tao, habang sa kabilang banda naman, nang dahil sa lumabas na album ng mga larawan ni Tangning … nakalimutan na ng tao ang mga kinasangkutang gulo nito katulad ng pagiging substitute niya kay Mo Yurou at pag – amin niya sa kanyang ginawang pag – iingay upang makilala siya. Ang tanging imahe na naalala nila kay Tangning ay ang kainosentahan ng mukha nito habang nakatingin sa kamera at may mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.

Habang ang lahat ng ito ay nagaganap, sa parehong araw ding iyon, nakatanggap si Lin Wei ng mga inbitasyong galing sa 5 magazine na nakikiusap kay Tangning na maging modelo ng cover ng kanilang magazine para sa susunod nilang paglathala.

Kabaliktaraan ng mga pangyayari sa career ni Tangning ang nangyayari sa takbo ng career ni Mo Yurou. Ang lahat ng mga kontratang inalok sa kanya ay unti – unting nagsisi – urong o kaya naman ay isa – isang nagpapakansela. Sa mga pangyayaring ito, biglang napabilib ni Tangning si Lin Wei. Sapagkat, animo'y mayroon itong isang mahiwagang kakayahan na maaaring makapagbaliktad ng mga pangyayari.

Nang hindi na kayang harangin ni Han Yufan ang pagbabalik ni Tangning sa industriya sa kadahilanang hindi niya alam kung paano tatanggihan ang napakaraming imbitasyon ng iba't ibang magazines para rito, nagsimula siyang magtanong sa kanyang sarili – tama ba ang ginagawa niyang pagpigil kay Tangning sa paggawa ng mga proyekto?

Ibinalita ni Lin Wei kay Han Yufan ang mga inbitasyong natanggap ni Tangning mula sa iba't ibang magazine at pinag – aralan kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat gawin. Ngunit, pinahinto siya sa pagsasalita ni Mo Yurou na kasalukuyang nakaupo sa upuan na pagmamay – ari ni Han Yufan sa kanyang opisina, "Diba nagkaroon na tayo ng kasunduan na hindi mo tatanggapin ang lahat ng trabahong ibibigay sa kanya? Binabalewala mo ba ang mga sinabi ko?

Nag – uumpisa pa lamang ang relasyon nila ni Han Yufan, ngunit narito si Mo Yurou, umaakto na parang siya na ang asawa ng presidente ng kompanya…

Inismidan lang ni Lin Wei sa kanyang isipan si Mo Yurou.

"Piliin natin ang E – Style," pinili ni Han Yufan ang isa sa mga maimpluwensiyang magazine habang direktang kinakausap si Lin Wei.

"Yufan, diba nangako ka sa akin?"

"Babe, lahat ng ginagawa ko ay para sayo din naman. Isipin mong mabuti… ang insidente ng pagkalat ng video natin ay kasalukuyang nakatatanggap pa ng maraming kritisismo mula sa publiko. Ang kailangan lang natin gawin ay bigyang ng pagkakataon na makita ng publiko si Tangning at saka linawin na matagal na kami nitong nagkahiwalay. Sa pagkakataong ito, malaya na nating ipagsigawan sa lahat ng tao ang ating relasyon sapagkat ito ay magiging legal na sa mga mata nila – at maaari na tayong umakto na parang isang normal na magkasintahan. Mapagtatanto ng netizens na nagkamali sila sa panghuhusga sa'yo – lahat ngayon ng iyong gagawin ay magiging katanggap – tanggap sa kanilang paningin. Ginagawan kita ng daan ngayon upang mas mapaganda ang career mo," seryosong paliwanag ni Han Yufan kay Mo Yurou, "Wala nang masyadong natitirang oras bago mag - Top Ten Model Awards. Ito na ang pinakamabilis na paraan upang malinis ang pangalan mo. Sa oras na ikaw ay magbalik sa industriya, sa tingin mo may lugar pa ba rito si Tangning?"

Pagkatapos niyang marinig ang mga paliwanag ni Han Yufan, agad na nawala ang galit ni Mo Yurou, "Tanging ikaw lang ang maaaring makapag – isip ng mga bagay na katulad nito."

Walang ideya si Han Yufan na ang katapatan ni Lin Wei ay wala na sa kanya bagkus ito ay napasakamay na ni Tangning – kaya naman ang lahat ng masasamang balak ng dalawa ay napag – alaman nito.

"Gustong kang gamitin ng dalawang iyon upang linisin ang kanilang mga panagalan, ano ang pinaplanong mong gawin?" gustong malaman ni Lin Wei kung ano ang mga susunod na hakbang ni Tangning upang hindi nito mabigyan ng pagkakataon si Han Yufan na gamitin siya.

"Tulungan mo ako na tanggihan ang trabahong iyan. Kapag nagtanong si Han Yufan ng dahilan kung bakit tinanggihan ko – sabihin mo lang na hindi maganda ang pakiramdam ko," sagot ni Tangning.

Ang pagpili ng isa sa limang magazines at pagtanggi sa apat ay hindi na masyadong katanggap – tanggap.

Ngunit, alam ni Lin Wei ang dapat niyang gawin. Sa ngayon, siya ay hanga sa kakayahan ni Tangning na iwasan ang lahat ng itinatapon sa kanyang problema. Walang kahirap – hirap na naibalik niya ang problema sa mga taong gumawa nito. Nang makarating kay Mo Yurou ang balitang ito, halos magwala siya sa sobrang galit. Ibinagsak niya ang kayang mga kamay sa lamesa habang kausap ni Lin Wei, "Malinaw na sinasadya niyang gawin ang lahat ng ito!"

"Kung gayon, Miss Mo, sa tingin mo, gaano ba dapat kabait ang isang modelo na naagawan ng kanyang mapapangasawa at ipinatigil ang lahat ng kanyang trabaho?"

Pagkatapos marinig Han Yufan ang lahat, pinahinahon niya si Mo Yurou. Hinarap niya si Lin Wei at inutusan na, "Sabihin mo kay Tangning na kailangan niyang pumunta dito sa kumpanya para magka – usap kami."

"Nangangamba ako na hindi niya magagawang pumunta dito sapagkat hindi mabuti ang kanyang pakiramdam," sagot ni Lin Wei.

"Sabihin mo nalang sa akin kung nasaan siya ngayon, ako na lamang ang pupunta sa kanya!"

"Hayaan mong itanong ko muna kay Tangning kung ano ang kanyang masasabi tungkol dito." Pagkatapos niyang sabihin ito, agad niyang tinawagan si Tangning. Sa kabilang banda, sa mga oras ding iyon, kakauwi lamang ni Mo Ting sa kanilang bahay at kasalukuyang yakap si Tangning habang sabay nilang dinidiligan ng tubig ang mga halaman sa hardin ng kanilng bahay. Ipinahayag ng mabuti ni Lin Wei ang kanyang mga saloobin sa kanilang pag – uusap ni Tangning, at dahil halos magkadikit ang kanilang mukha habang sinasagot ni Tangning ang tawag mula sa kanyang manager, hindi niya sinasadyang marinig ang pag – uusap ng dalawa.

Pagkatapos ng sandaling iyon, ang maitim na mga mata ni Mo Ting ay biglang nagningning na para bang may naiisip itong magandang plano. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ni Tangning at iminungkahi, "Ibigay mo sa manager mo ang address ng bahay natin dito sa Hyatt Regency …"

Pinagmasdan ni Tangning si Mo Ting ng may pag – aalinlangan.

"Una, sabihin mo sa kanya na lumipat ka na ng bahay at dahil isa kang anak ng Tang Family, ang tumira rito sa Hyatt Regency ay nababagay lamang sa iyong estado. Wala ka na sa antas na kung saan kaya ka pa niyang abutin."

"Pangalawa, masyadong mahigpit ang seguridad dito sa Hyatt Regency, sa palagay mo ba papayagan nilang makapasok ang "kung sino sino dito? Huh?"

Malumanay na tumawa si Tangning nang mapagtanto niya ang kilos ni Mo Ting sa mga taong hindi nito kilala – iba ito sa kabaitan na ipinapakita sa kanya kapag ito ay nasa bahay na nila.

Pero, haha, nagustuhan niya ang ideyang iyon ni Mo Ting! Kaya naman, sinunod niya ang plano nito at sinabi niya kay Lin Wei ang kanyang address. Nang mapag – alaman ni Lin Wei ang address ni Tangning, sandali siyang natigilan bago niya ito ibinigay kay Han Yufan.

"Sabi ni Tangning, lumipat na daw siya ng bahay. At kung gusto mo daw na makita siya, pumunta ka nalang daw sa Hyatt Regency, doon daw siya lumipat…

Hyatt Regency!

Pero, ito ang pinaka kilalang lupain sa buong Beijing…

Hindi iyon ang lugar na kung saan basta basta na lamang maaaring tirahan ng isang simpleng celebrity.

Nainggit si Mo Yurou, "Si Tangning? Lumipat sa Hyatt Regency? Paano iyon nangyari?"

"Miss Mo, baka nakakalimutan mo na siya ay isang tagapagmana ng Tang Empire? Ang kanyang pagtira sa Hyatt Regency ay hindi nakakapagtaka sapagkat ito ay nababagay sa kanyang estado bilang apo ng isang malaking kompanya."

Sa madaling salita, noong nagsasama pa sina Han Yufan at si Tangning, napilitan si Tangning na ibaba ang kanyang sarili. At dahil hindi marunong si Han Yufan na pahalagahan siya, syempre, bumalik na lamang si Tangning sa tunay na dapat niyang kalagyan ng walang inaalala.

Ito ang antas na kailan man ay hindi kayang maaabot ni Mo Yurou sapagkat ito ay nakasaad na sa kanilang mga kapalaraan mula pa noong araw ng kanilang kapanganakan.

Sa loob ng isipin ni Han Yufan, hindi rin naging maganda ang kanyang pakiramdam. Noong silang dalawa pa ni Tangning halos ayaw magbigay ni Tangning ng kahit ano. Ngunit, sa sandaling naghiwalay sila, lumipat agad ito sa Hyatt Regency!