Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 25 - Ang Paboritong Munting Asawa

Chapter 25 - Ang Paboritong Munting Asawa

Pinakamahalaga sa lahat, sinabi noon ng Tang family na kapag nakipag hiwalay si Tangning sa kanya, maaari na itong bumalik sa kanilang pamilya. Sa tingin niya, nakipag – ayos na si Tangning sa kanyang pamilya. Biglang nakaramdam si Han Yufan ng pagsisisi – Hyatt Regency … ang pagtira doon ay isang katibayan ng iyong estado sa lipunan. Maraming tao ang nangangarap na tumira dito… kung pinili ba niya si Tangning, kung naghintay pa siya ng kaunti, maaaring kaya magkaroon siya ng pagkakataon na manirahan sa isang malaparaisong lugar na katulad ng Hyatt Regency?

Sa katotohanan, hindi pa ni Tangning nakakausap ang kanyang pamilya, dahil…pagkatapos niyang umalis sa bahay nila, piliin si Han Yufan at isuko ang kanyang career, ang gusto lamang niya ay maging matagumpay sa entertainment industry na gamit lamang ang kanyang sariling abilidad – yun lamang ang tanging paraan upang taas noo niyang maharap ang kanyang pamilya at makahingi ng tawad sa kanyang lolo.

Pagkapos niyang kausapin si Lin Wei sa cellphone, kinuha niyang muli ang pandilig upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Gayunpaman, ayaw siyang pakawalan ni Mo Ting mula sa pagkakayap nito sa kanya. Hinawakan ni Mo Ting ang mga pisngi ni Tangning at puno ng pagmamahal niya itong hinalikan sa labi.

Masaya si Tangning sa tuwing hinahalikan siya ni Mo Ting, palibhasa'y palagi nitong pinararamdam sa kanya ang pag - aalaga na hindi niya naranasan kailanman kay Han Yufan at ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay may kakaibang alindog at aura na nagbibigay dahilan sa kanya upang hindi maalis dito ang kanyang pansin. Umikot si Tangning at binitawan ang pandilig na hawak niya. Sa ibabaw ng magandang balkonahe na may namumulaklak na mga rosas, ibinalot niya ang kanyang mga braso kay Mo Ting habang tinutubsan niya ang halik nito, hinayaan niya na magkatagpo ang kanilang mga dila sa proseso ng kanilang mainit na paghahalikan.

Isinandal siya ni Mo Ting sa isang malamig na pader habang ikinulong siya nito sa kanyang mga bisig – ang kanyang mga halik ay mas naging mapusok. Ang mukha ni Tangning ay namula ng dahil sa mainit na tagpong iyon nilang dalawa habang hindi niya mapigilan na humawak ng mahigpit sa baywang ni Mo Ting na kung saan nararamdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito at ang paninigas ng buong katawan nito habang pilit niyang nilalabanan ang kanyang sarili.

"Kung pilit mong pipigilan ang iyong sarili ng ganyan, hindi ba 'yan makakasama sa'yo?" bulong ni Tangning; habang kapansin – pansin ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata na parang bituin.

"Ano ang maaaring kong gawin? Hinahalikan kita araw – araw, gayon pa man parang hindi ito sapat." Inabot ni Mo Ting ang kanyang kamay at marahan niyang hinaplos ang labi ni Tangning, "Para itong isang pinagbabawal na gamot… na kapag natikman ay hinding hindi mo na gugustuhing tumigil pa."

Saglit na natigilan si Tangning at pagkatapos kinuha niya ang pagkakataong iyon upang itulak si Mo Ting pabaliktad papunta sa pader, "Para sa akin … ikaw pa rin 'yan. Naiinis ako sa ang aking sarili; habang palagi kong sinasabi sa aking sarili na 'wag kang isipin, lalo naman kitang iniisip… lalo na ang …. ang hitsura ng iyong mukha habang hinahalikan mo ako."

"Kaya mo pa bang pigilan ang iyong sarili na hindi ako makuha?"

"Malapit na akong hindi makapagpigil… gustong – gusto ko nang makuha ang lahat sa iyo."

Maganda ang pangangatawan ni Mo Ting, ngunit narito siya, nakadiin sa pader habang tinutukso ng kanyang munting asawa. Ikinatutuwa niya ang mga pagkakataong ito sa pagitan nilang mag – asawa. Nakangiting sinabi ni Mo Ting, "Ang isang mabuting babae ay …. hinding – hindi magsasabi ng mga walang kabuluhang salita na katulad ng iyong sinabi."

"Ang isang mabuting lalaki ay hindi rin aakitin ang kanyang asawa, pagkatapos ay iiwan lamang pala siya nito sa kalagitnaan."

"Para sabihin ng aking asawa ang ganyang mga salita… sinisisi mo ba ako na tumigil ako sa kalagitnaan ng ating ginagawa noong gabi ng ating kasal?"

"Kailan…" inilapit ni Tangning ang kanyang sarili at kaakit – akit na ibinulong, "mo tatapusin ang iyong nasimulan?"

Pinagmasdan ni Mo Ting ang kanyang asawa; karaninwang mahinhin at tahimik na babaeng nasa harap niya. Ngunit sa katotohanan pala, kapag ginusto niyang maging aktibo, maaaring niyang mapaikot sa kanyang mga palad ang isang lalaki. Tila ba, mayroon siyang nabatid na bagong kaalaman tungkol kay Tangning.

Hinawakan ni Mo Ting ang baywang ni Tangning at inilapit niya ito sa kanyang katawan upang maramdaman nito ang paghihirap na kanyang pinagdadaanan, "Pinag – iisipan ko yan… palagi…"

Ipinagpatuloy ng dalawa ang pagpapakita nila ng pag – ibig sa isa't isa hanggang sa may nakipag – ugnayan sa kanilang kasambahay na estate security ng villa; ipinagbigay alam nito na mayroong naghahanap kay Tangning.

Agad na isinaayos ni Mo Ting ang damit at buhok ni Tangning bago iminungkahi, "Umakyat ka, magpalit ka ng damit, at magmaneho ka gamit ang isa sa mga bago nating sasakyan."

Naiintindihan ni Tangning kung anong gusto nitong mangyari, hinalikan niya ito sa pisngi at sinabing, "Salamat hubby sa iyong sponsorship!"

...

Sa katotohanan, nag – aatubili si Han Yufan na makipagkita kay Tangning dahil ayaw niyang makaramdam ng labis na pagsisisi. Lalo na nang pinatigil siya sa harap ng Hyatt Regency at pinakiusapan ng security na maghintay sa labas, bigla na lamang niyang naramdaman na hindi siya gaanong kahalagang tao.

Pagkalipas ng 10 minuto. May isang matingkad na pulang Ferrari ang lumabas galing sa Hyatt Regency at tumigil sa kanyang harapan. Noong una, hindi napansin ni Han Yufan na nasa loob ng sasakyan si Tangning sapagkat hindi ito kalian man nagmayabang ng kahit anong pagmamay – ari nito sa harap niya dahil sa takot nito na baka masaktan ang pride niya. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon, wala na itong pakialam sa kanya. Ngayon ay wala na rin ritong pumipigil na ipakita sa kanya ang lahat ng kanyang pagmamay -ari.

Binuksan ni Tangning ang bubong ng kanyang kotse pagkatapos ay lumingon sa kanyang tagiliran para kausapin si Han Yufan, "Bakit mo ako hinahanap?"

"Tangning…" pinagmasdan ni Han Yufan si Tangning na para bang ibang tao na ito. Nakaramdam siya ng pangangasim sa kanyang puso, hindi niya akalain na pagatapos nilang magkahiwalay, magiging mabuti ang kalagayan ni Tangning.

"Magsalita ka," malamig na tugon ni Tangning.

"E – Style Magazine. Tinanggap na ng kompanya ang trabahong iyon para sa iyo, wala kang karapatan na tanggihan ito. Wala akong pakialam kung sino ka at kung anong estado meron ka, isa ka pa ring modelo na nasa ilalim ng pangangalaga ng Tianyi at ako pa rin ang iyong Boss. Para sa kinabukasan ng kompanya, bubuo ako ng isang team na kung saan maglalabas ng pahayag para sa iyo na nagpapaliwanag na matagal na tayong nagkahiwalay at hindi kabit si Yurou." Ginamit ni Han Yufan ang kanyang kapangyarihan bilang boss para mabawi ang kanyang nawalang pride ng makita niya si Tangning na nagmamaneho ng isang limited edition sports car.

"Pero… Sinabi ko na kay Lin Wei na tanggihan ang lahat ng imbitasyon sa akin … at … ipinakalat ko na ang balita na may sakit ako."

"Tangning, wala ka ba talagang pagmamalasakit sa kompanya?" galit na galit si Han Yufan kay Tangning sapagkat gumagawa ito ng sarili niyang desisyon, "Wala na tayong dalawa. Hindi mo pwedeng gawin ang lahat ng gusto mo sa Tianyi. Huwag mong kalimutan, ng pumirma ka ng kontrata sa kompanya, malinaw na nakasaad sa kontrata na tatanggapin mo ang lahat ng desisyon na gagawin ng kompanya. Nais mo bang lumabag sa kontrata?"

Walang pakialam si Tangning sa paglabag niya sa kontrata, ngunit… hindi niya papayagan na may makuhang pakinabang sa kanya si Han Yufan, kaya naman hindi siya tanga para magbigay dito ng pera.

Matapos ang lahat, ang kanyang pinakatunay na balak ay ganap na wasakin si Han Yufan at Mo Yurou…

"Kung tungkol sa magazines ang ipinunta mo dito, tinanggihan ko na mga iyon kung kaya wala nang akong magagawa pa doon." Umurong ng isang hakbang si Tangning, "Gayon pa man, maaari mong sabihin sa iyong team na ibigay ang pahayag na kanilang ginawa para sa akin. Sa event sa susunod Miyerkules, ako mismo ang magsasabi nito sa publiko. Kung ikukumpara mo naman sa isang written statement, sinisigurado ko sa'yo na kung kung magmumula mismo sa bibig ko ang lahat ay mas magiging maganda ang resulta nito."

Naging mas maayos ang ekspresyon ng mukha ni Han Yufan at sa huli ay tumango na lamang ito, "Sa tingin ko 'yan na lang ang pinakamagandang magagawa natin… pero … gusto mo ba talagang tulungan ang kumpanya na linawin ang lahat?"

"Han Yufan, kahit na napakawalang puso mo sa akin, hindi naman maaaring hindi ako maging makatarungan sa'yo…" seryosong tugon ni Tangning, "Alam ko naman na pinipilit ka lang ni Mo Yurou…"

"Mas mabuti nga na ganon nalang ang mangyari." Pagkatapos magsalita, binuksan ni Han Yufan ang kanyang kotse at sumakay na dito.

Mabilis siyang umalis sa paningin ni Tangning sapagkat alam niya sa kanyang sarili na kapag nagtagal pa siya ng ilang minuto, baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na humingi ng isa pang pagkakataon kay Tangning na balikan siya nitong muli.

Pinanood lang ni Tangning si Han Yufan habang ito ay nagmamaneho papalayo. Unti – unting namuo sa kanyang labi ang isang ngiti, nang inuutusan siya ni Han Yufan, papaanong hindi nito napagtanto na hindi makatwiran ang lahat ng kanyang hiling? Hindi lang siya pinagtaksilan nito, heto pa siya at sinusubukan siyang gamitin para linawin ang relasyon nilang dalawa ni Mo Yurou. Si Han Yufan, bilang isang tao, hindi ba siya nakakaramdam ng hiya?