Syempre, dahil ang Excellent Era ang pinuntahan ng dalawang Reporter na ito. Kinalap nila ang mga impormasyong kinakailangan nila bago sila pumunta rito. Dahil diyan, syempre. Itinuon nila ang kanilang pansin sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa Excellent Era.
Kahit na hindi kadalasang lumilitaw sa mga mata ng publiko ang may-ari ng Excellent Era na si Tao Xuan. Kaagad pa ring nakilala ng dalawa kung sino siya.
"Boss Xuan!" Naging maganda ang pakiramdam ng dalawa.
"Kamusta." Tumango naman si Tao Xuan, at binati niya silang dalawa. Matapos nito'y hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa't kaagad niyang tinanong ang dalawa tungkol sa sitwasyon ng Happy: "Kakasabi mo lang na walang nakalistang Ye Qiu sa pinal na listahan ng mga manlalaro ng Happy?"
"Opo, tingnan mo..." Inilabas ng Reporter ang kaniyang cellphone, at nakita nilang lahat ang pinal na listahan ng mga manlalaro sa Team Happy. Matapos makita ang listahang ito ay hindi mapigilang magduda ni Tao Xuan.